Posisyong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

SA ilalim ng Republic Act 10592 na ipinasa noong Mayo 29, 2013, lahat ng bilanggo, kabilang ang

nasa preventive imprisonment ay maaaring ma-qua-lify para sa reduction ng kanilang sentensiya. Sa


batas, dinagdagan ang bilang ng araw na maki-credit para sa kanilang good conduct time allowance
(GCTA). Ibig sabihin, kapag nagpakita nang magandang pag-uugali ang bilanggo, malaki ang
mababawas sa kanyang sentensiya. Bukod pa rito, mababawasan pa ng 15 araw bawat buwan ang
sentensiya ng bilanggo kung siya ay nag-aral habang nakakulong o ‘di naman kaya ay nagturo.
Malaking puntos kung ginugol ng bilanggo ang kanyang oras para mapa-unlad ang sarili at ganap
nang nagbago.

Ito ang ipinanglalaban ngayon ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Nakapagsilbi na
umano siya ng 26 na taon at kapag kinuwenta ang kanyang mga nagawa o ipinakitang magandang
ugali, kuwalipikado na siyang lumaya.

Nahatulan si Sanchez at anim niyang tauhan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo noong Marso
14, 1995 dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpatay din naman kay Allan
Gomez, mga estudyante ng UP-Los Baños noong 1993. Iniregalo umano si Eileen ng mga tauhan nito
sa dating mayor. Pagkatapos gahasain ni Sanchez si Eileen, ipinaubaya na niya ito sa mga tauhan.
Pinatay naman ng mga ito si Gomez. Noong Enero 1999, pinagtibay ng Supreme Court ang guilty
verdict kay Sanchez.

Habang nasa kulungan, nahulihan si Sanchez ng illegal drugs. Nakita sa kanyang selda ang mga
sachet ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana. Nakita rin ang mga drug paraphernalias sa selda
ng dating mayor.

Ang pangyayaring ito ang nagpabigat kaya hindi na makakalaya si Sanchez kung ang pagbabasehan
ay ang GCTA. Disqualified na siya. Kahapon, sinabi ng Malacañang na hindi palalayain si Sanchez.

Kahit hindi na lalaya si Sanchez, dapat pa ring rebyuhin ang RA 10592. Nararapat susugan ito. Hindi
dapat makabilang ang mga may mabibigat na kaso na gaya ng kay Sanchez. Masyadong karumal-
dumal ang nagawa niya. Sabi nga ni DFA Sec. Teddy Locsin, hayaan itong mabulok sa kulungan.

Hindi mo mapigil si Sanchez na tumakbo sa SC at sabihin na hindi sang-ayon sa batas o ang tinatawag
nating abuse of discretion o may pagkakamali sa pag-implement ng batas, kaya ang husgado ang
dapat na magdesisyon kung talagang kasama siya o hindi,” Drilon told dzMM.

Nababahala ang ilang rights advocates at mga biktima ng heinous crimes sa ibinunyag na bentahan
umano ng good conduct time allowance (GCTA) ng mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon sa kidnap victim na si Julia Rodriguez, nangangamba siya para sa kaniyang kaligtasan nang
mabalitaang lumaya ang ilang na-convict sa mga karumaldumal na krimen.

"Iyung safety doon nakukuha namin sa kaalaman na nasa prison sila. Ngayon na puwede silang
umalis, saan mapupunta ang safety namin?" ani Rodriguez, na miyembro rin ng Movement for the
Restoration of Peace and Order (MRPO).

Bagama't pabor siya sa reformation at pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga convict, tingin
niya na dapat itong idaan sa malinis na proseso.
Sang-ayon dito ang chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption na si Arsenio Evangelista.

Tingin niya, dahil dito ay dapat marepaso ang GCTA law para hindi malagay sa alanganin ang
kaligtasan ng mga biktima at ng mga kaanak nila.

"Maganda ang intention ng batas pero hindi siya pro-victim. It needs a lot of revisions," ani
Evangelista.

"Napaka-unfair sa victims. Nasira ang buhay, death threats, napaka-unfair," dagdag niya.

Agosto nang pumutok ang isyu ukol sa pag-abuso sa GCTA dahil sa balitang nakaambang paglaya ni
convicted rapist-killer Antonio Sanchez.

Sa hearing sa Senado noong gabi ng Huwebes, lumantad ang isang testigo para patunayan ang pang-
aabuso umano sa sistema ng GCTA para mapalaya ang ilang bilanggo sa New Bilibid Prison.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kuwalipikado na makinabang sa


Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law si Sanchez.

Aniya, maliwanag ang letra ng batas sa Good Conduct Time Allowance na ang mga nahatulan ng
hukuman na gumawa ng karumal-dumal na krimen tulad ni Sanchez ay hindi puwedeng makinabang
sa binabanggit na batas.

Ayon kay Panelo, dating defense lawyer ni Sanchez, suportado ng Palasyo ang Department of Justice
sa inilabas na direktiba na dapat maging maingat ang Bureau of Corrections sa mga convicted
criminals na isasailalim sa ebalwasyon para makinabang sa GCTA.

May nakalaang budget dapat bilang ayuda o tulong sa mga magsasaka sa ilalim ng rice tariffication
law, ayon sa batas.

Tinalakay ito ni Agriculture spokesperson Noel Reyes sa programang "Usapang de Campanilla" ng


DZMM nitong Miyerkoles.

Ayon sa batas, P10 bilyon sa nakukuhang taripa kada taon ang mapupunta umano sa mga
magsasaka, sa pamamagitan ng pautang, makinarya, buto ng palay, at iba pa.

"Pinapatungan (namin) ng 35 percent na taripa ang kada kilo ng [imported] na bigas...'Yung P35
iipunin 'yon, babalik 'yon sa magsasaka in terms of ... technology, pautang," ani Reyes sa.

Ayon kay Reyes, nagsimula nang magbigay ang ahensiya ng 20 kilong butil para sa mga local farmers.

Kapag nakapagtanim na ang mga magsasaka, bibigyan umano sila ng mga libreng makinarya para
matulungan sila sa paglilipat, pagtuyo, at pag-ani ng palay.
Binibigyan din ng pautang umano ang mga magsasaka na P15,000 sa kada square meter nang walang
interes, at maaari nilang bayaran ito sa loob ng 8 taon.

Sa local farm registry o listahan ng gobyerno ng mga magsasaka malalaman ang mga benepisyaryo
nito, ayon kay Reyes.

May plano rin ang DA na taasan ang presyo ng mga palay para hindi umaray ang mga magsasaka sa
epekto ng rice tariffication.

"We're trying to prop up the prices of palay para hindi kawawa ang magsasaka," aniya.

Maaalalang umaalma ang ilang grupo sa pagbagsak-presyo ngayon ng palay, na umaabot na lang
umano sa P7 hanggang P8 kada kilo.

Maging si Cibac Partylist Rep. Eddie Villanueva ay hindi pabor sa SOGIE Equality Bill na
nagsusulong ng mga karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Dahil ayon sa kanya, magiging banta raw ito sa academic freedom at freedom of speech at hindi rin
daw magiging patas kung magpapasa ng batas para sa karapatan ng isang sektor lamang.

Nagsimula kasing umingay muli ang usapin hinggil sa LGBT nang harangin at hindi papasukin ng
janitress ng Farmers Plaza ang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez sa CR ng
pambabae sa nasabing mall.

Ang layunin kasi ng SOGIE Equality Bill ay pigilan ang discrimination laban sa mga tao kung anoman
ang kani-kanilang kasarian o gender identity.

Hindi ako sang-ayon, kabayan, sa sinasabing SOGIE Equality Bill hindi sa dahil sa ‘against’ ako sa
batas na ito para sa mga LGBT.

Kung tutuusin, sa aming angkan lamang ay may LGBTQ.

Ang totoo, may kapatid akong tibo (tom-boy), may mga kamag-anak din akong binabae pero isa lang
ang masasabi ko.

Tutol ako sa SOGIE Eaquality Bill na ‘yan. Bakit?


Una,dalawa lang ang uri ng kasarian ng tao na nilikha ng ‘Diyos ’sa mundo,ang lalaki na tumatayong
ama at ang babae na tumatayong ina!

Pangalawa, maabuso lang ang SOGIE Bill ng mga taong mapagsamantala sa mundo.

Gaya na lamang ng inihalimbawa sa sesyon ng Senado ni Sen. Ronald dela Rosa na isang maton na
nagbihis babae para makapasok sa CR ng babae na ang layunin ay makapamboso.

Ano kaya ang masasabi ng mga nagsusulong ng SOGIE Equality Bill dito?

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang ilang sektor na maisabatas


na ang mga panukalang magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng
diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at "gender identity or
expression" (SOGIE bill) — bagay na proprotekta sa mga lesbyana, bakla,
bisexual, transgender atbp.

Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang isang
transwoman sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng
babae kahit may anti-discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.

Kinilala siya bilang si Gretchen Custodio Diez.

Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:

 Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado


 House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara

Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE?

Isyu ng 'sexual orientation'


Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may
kaonting pagkakaiba.

Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi


ng isang tao.
Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito sa tatlo:

 Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex


 Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
 Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex

Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:

 Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit


kaninuman

Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga


"male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome
patterns ng isang tao.

Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa


karaniwang ideya ng katawang male o female.

Usapin ng 'gender'
Maaaring hatiin sa dalawang susing konsepto ang gender: expression at
identity.

Ayon sa SB 159, ang gender expression ay ang sumusunod:

"[O]utward manifestations of the cultural traits that enable a


person to identify as male or female according to patterns that,
at a particular moment in history, a given society defines as
gender appropriate."

Ito naman ang gender expression ayon sa HB 258:

"[T]he way a person communicates gender identity to others


through behavior, clothing, hairstyles, communication or
speech pattern, or body characteristics."
Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal
na pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at
pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions.

Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa


kanyang "sex," kinikilalang transgender ang isang tao.

Sa sitwasyon ni Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili
bilang babae habang pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan.

Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang
lalaki habang lalaki rin ang gusto.

Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyana ang sarili
bilang babae habang babae rin ang gusto.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na


maging kung sino sila.

Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng


tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.

Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma
ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.

Marami pang ibang kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit.

Parusa kung maipasa ang anti-SOGIE bill


Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon,
maaaring patawan ng multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga
lalabag nito.
Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga
nabanggit.

An LGBT who is Anti- “Anti-SOGIE Discrimination Bills”


RYAN B. CAPITULO, M.D., FPOGS, FIFEPAG
Yes, I am an LGBT. And yes, I strongly oppose Senate Bill 935 (Anti-Discrimination Bill) and
House Bill 4982 (SOGIE Equality Bill) for three reasons.
FIRST: There is no need to pass these proposed bills given that there are already many existing
laws that safeguard the rights of every citizen against discrimination: (1) The 1987 Constitution of
the Republic of the Philippines, (2) Presidential Decree No. 442 “Labor Code of the Philippines,”
(3) Republic Act No. 386 “Civil Code of the Philippines,” (4) Republic Act No. 3019 “Anti-Graft
and Corrupt Practices Act,” (5) Republic Act No. 6713 “Code of Conduct and Ethical Standards
for Public Officials and Employees,” (6) Republic Act No. 3815 “The Revised Penal Code of the
Philippines,” (7) Republic Act No. 7877 “Anti-Sexual Harassment Act of 1995,” including the (8)
Universal Declaration of Human Rights. There are victims of discrimination for being ilocano or
kapampangan or bisaya, but do we need an Anti-Ilokano or Anti-Kapampangan or Anti-Bisaya
Discrimination Act? There are victims of discrimination because of their height, but do we need
an Anti-Short Stature Discrimination Act? There are victims of discrimination because they are
fat, but do we need an Anti-Obese Discrimination Act? These existing laws ensure that any form
of discrimination is avoided. There is no need for additional laws in this regard. Republic Act No.
9710 “The Magna Carta of Women” is in no way similar to any of the proposed bills on Anti-
SOGIE Discrimination. While this law affirms the rights of women and seeks to eliminate
discrimination, it does not impose penalties that foster a sense of entitlement and undue
advantage.
SECOND: We do not need an Anti-Discrimination or SOGIE Equality law because Filipinos are
inherently accepting of lesbians, gays, bisexuals and transgenders. Our society is innately
tolerant of LGBTs. Proof of this would be the many Filipino LGBTs who are very successful in
their respective fields: business, trade, media, education, fashion, healthcare, law, I.T., science
and technology, arts, show business and even politics. The election of the honorable
representative of the first district of Bataan, Rep. Geraldine B. Roman, is yet another validation.
The Philippines has also consistently been recognized as one of the gay-friendly countries in the
world and one of the gay-friendliest in Asia. In many households and families all over the country,
LGBTs are accepted and loved, with many serving as primary breadwinners and caregivers. As
an LGBT, I never experienced discrimination growing up, whether in school or at work. I can say
that I am where I am now because of hard work, discipline, God-given intelligence and prayers.

THIRD: These proposed bills, when enacted into law, may be used as instruments to stifle or
violate our freedom of religion and freedom to live out our faith. Allow me to elaborate by posing
these questions: What will happen to a seminary or convent that will uphold Church laws by
refusing admission to a transgender who wants to study and become a priest or nun? What will
happen to parishes and Catholic universities that will not allow or recognize LGBT organizations
in keeping with their mandate to abide by Church doctrines? What will happen to “all boys” or “all
girls” Catholic schools that will not accept transgender children as students because this would
go against the catechism they teach? What will happen to Catholic and Christian offices or
companies like bookstores, travel agencies, radio stations, television networks or religious
organizations that will not hire LGBT employees because it violates their faith-based beliefs?
What will happen to a Muslim school (madrasah) that pledges obedience to the Quran and hadith
and will not enrol transgender students who desire to be an imam? What will happen to a Jewish
school that will not accept LGBT students applying to be a rabbi since Orthodox Judaism
prohibits it? What will happen to churches of other denominations that will not employ LGBTs as
pastors in compliance with their biblical beliefs? In all of these possible scenarios, the proposed
bills may be used to take legal action against churches, mosques, temples, religious
communities and faith-based organizations resulting in fines of up to 500,000 pesos or
imprisonment of up to 6 years. Proponents of the bill have always asserted that ensuring non-
discrimination for LGBTs on the basis of their sexual orientation and gender identity will not
diminish or encroach on the rights of others. But the penal provisions of the proposed law say
otherwise. Surely, we cannot expect the followers of the great religious traditions of the world to
change their doctrines to accommodate a law that will violate their fundamental right to freely
practice the very religion that they uphold. Forcing organized religion to set aside or modify its
tenets is as absurd as forcing LGBTs to change their sexual orientation and gender identity.
As an LGBT, as a Catholic, as a man of faith, as a Filipino, I urge the Senate and the House of
Representatives NOT to pass Senate Bill 935 and House Bill 4982.









Panukalang ROTC sa senior high students, aprubado na sa


2nd reading ng Kkamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na


magiging mandatory para sa senior high school students na sumailalim sa
Reserved Officers Training Program (ROTC).

Inaprubahan ang House Bill 8961 na mag-oobliga sa pagsailalim sa ROTC


ng Grades 11 at 12 students sa pribado at pampubling eskwelahan.

Layon ng bill na malinang sa mga estudyante ang nasyonalismo, nation


building at paghahanda ng mga kabataan.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mandatory Basic ROTC program para


sa Grades 11 at 12 ay pre-requisite sa graduation
. Labis na ikinatuwa ng Malacañang ang paglusot sa ikatlo at huling pagbasa ng
panukalang i-balik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga
estudyante ng senior high school (SHS).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na hangad ni Pangulong


Rodrigo Duterte, na muling ibalik ang ROTC sa mga estudyante, dahil isa aniya itong
paraan upang madisiplina ang mga ito.

Matatandaang 167 ang bumoto upang aprubahan ang House Bill No. 8961 o ang Citizen
Armed Forces of the Philippine Reservist Act, kung saan layon nito na imulat at isapuso
ng mga kabataan ang pagiging makabayan, paggalang sa karapatang pantao, pagsunod
sa saligang batas at pagmamahal sa bansa.

Mandatory ROTC kumpiyansang malaki ang maitutulong — PNP


Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang maitutulong ng
mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) sa mga kabataan upang
maipagtanggol ang kanilang sarili gayundin ang soberanya ng bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac, bilang pagsuporta ng pulisya sa
pag-apruba ng Kamara sa panukalang batas na nagtatakda ng mandatory ROTC sa
grades 11 at 12.

Ayon kay Banac, magandang pagkakataon ang ROTC lalo na sa mga kabataan na
nangangarap na mapasama sa hanay ng PNP, gayundin sa AFP.

Kaugnay nito, wala namang nakikitang masama si DepEd Sec. Leonor Briones kung
muling isasailalim ang mga estudyante ng senior high school (SHS) sa ROTC.

Aniya, mahalagang maibalik ang ROTC, upang maging handa ang bansa sa anumang
posibilidad ng digmaan lalo na’t nahaharap ang Pilipinas sa matinding problema ng
terorismo.

Kasabay nito, kumpiyansa naman si Briones na hindi na mauulit ang mga naitalang pang-
aabuso dahil sa ROTC.

Pagpasa ng panukalang mandatory ROTC inaasahang magtutuloy-tuloy


Umaasa ang Department of National Defense (DND) na magtutuloy-tuloy na ang pagpasa
ng panukalang batas na nagtatakda ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps
(ROTC).

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, tiwala siya na aaprubahan ng Senado at
lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukalang batas.

Aniya, ang pagbabalik ng ROTC, na ilalaan para sa mga nasa grade 11 at 12 o senior
high school ay makatutulong upang mapanatili ang pagmamahal ng mga estudyante sa
bayan, at paggalang sa karapatang pantao.

You might also like