Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang makabagong teknolohiya ay isa sa mga dahilan kung bakit tayoy umusbong at umunlad ng mabilis.

Ito rin ang dahilan kung bakit mayroon tayong koneksyon sa ating mahal sa buhay. Pero unti-unti rin
tayong kinakain sa katamaran at pag iiba ang ugali. Hinggil sa aming pananaliksik, mayroon kaming ilan
na mga responde upang sagutin ang ilang katanungan. Ilan sa kanila ay nag sasabi na biyaya ang
makabagong teknolohiya dahil nakakatulong ito sa kanilang pag aaral at mapapabilis ang kanilang
pagkatuto sapagkat kaya ng kunin lahat ng impormasiyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Magandang panlibangan rin ito sa kanila sapagkat nasisiyahan sila sa pag basa ng mga ibat ibang uri ng
teksto. Napapabilis rin ang pag responde nila kapag mayroon silang mga gawain katulad ng agarang pag
uulat. At may kakaunti ring nag sasabi na hindi makakabuti ang naiidulot ng makabagong teknolohiya sa
panahon ngayon dahil maaaring makasira sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa offline and online
games. Palaging nasa laro nalang ang kanilanag inaatupag at binibigyang pansin imbes na mag aral at
gawin ang takdang aralin. May iba ring nag sasabi na nagiging tamad ang mga ang mga estudyante. Lagi
nalang silang nakaharap sa social media at dahil diyan hindi na sila nakakatulong sa gawaing bahay at pag
pasok sa paaralan ay lagi nalang silang nasa cellphone nakaharap imbes na sa pisara.

Dalawa sa sampung estudyante ay bagsak sa kanilang markahan sapagkat nahuhuli na sila sa klase dahil
sa pag aatupag sa makabagong teknolohiya. Ang mga kabataang estudyante ngayon ang lubos na
apektado ng mga negatibong epekto ng teknolohiya. Ang iba ay napababayaan na ang kanilang pag-aaral
dahil naaadik sa paglalaro ng mga games sa kompyuter. Lubos ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon
ngunit lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang nadudulot nito.

You might also like