Professional Documents
Culture Documents
Gitara
Gitara
Gitara: Kailan
Ginawa ko na ang lahat, as in lahat para mapansin niya ako. Sumali siya ng English
club, sumali din ako kahit bobo ako sa English. Naging member siya ng basketball
team, nag volunteer akong maging water girl para lang masilayan ko siya ng
malapitan. Sumama siya sa recollection, sumama din ako kahit na boring na boring
ako sa mga ganyang bagay. Ngayon naman, kasali siya sa theater club, syempre
magpapahuli ba ako? Eto ako ngayon, nagaantay na matawag ang turn ko sa audition.
�Ms. Dorinne Ulibas, on the stage please� tawag saakin ni Ate Ideshiie.
Kasalukuyan akong nandito sa audition para sa theater club. May bago kasi silang
production na gagawin at nangangailangan sila ng iba pang members. This time kasi,
kesa stage play ang gagawin nila ay production talaga. At dahil malakas ang radar
ko pagdating kay JM, nalaman kong kasali siya dito kaya naman eto ako ngayon, dali-
daling nag audition.
Tumayo ako at hinawakan ko yung pendant ng kwintas na suot-suot ko. Isa itong G-
clef pendant na bigay ng kababata ko at nagsisilbing lucky charm ko.
�Please, sana maging maayos ang pagkanta ko� bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung gitara ko atsaka ako umakyat sa stage. Tinignan ko yung panel of
judges na nasa harap ko.
Asa gitna ay si Ate Ideshiie. Siya yung president namin ngayon ng theater club. Sa
kanan niya ay si Kuya Enzo, ang boyfriend-slash-parekoy niya na siyang nag ha-
handle sa music and sounds para sa theater club. Sa kaliwa naman niya ay si Diana.
Classmate namin siya and secretary ng theater club at siya din ang nakakauha ng
lead role. Sa tabi naman niya ay si�
Napalunok ako bigla.
Si JM. Siya ang vice-president ng theater club at the same time siya din yung
nakakuha ng lead guy role.
�ok Dorinne, what did you prepare for us?� tanong saakin ni Kuya Enzo
Naupo ako doon sa bangko sa harap then inayos ko na yung gitara ko. Bago ako
kumanta ay tumingin muna ako kay JM. He gave me an encouraging smile.
My gulay! Nginitian niya ko? nginitian niya ko!! uwaaaaa mamamatay na ko! uwaaaa!
Hay naku Dorinne! Umayos ka nga! Kailangan mong makakakanta ng maayos ng matanggap
ka naman sa theater club at mas makasama mo si JM!
Inayos ang sarili ko then nag simula na akong mag strum ng gitara at kumanta.
Confident na confident ako habang kumakanta. Aba naman, talagang nag practice ako
ng husto para makuha ako sa audition na to. Isa pa, ito kasing kanta na to ay para
kay JM. Sabi kasi ni mama, mas gumaganda ang pagkanta ng tao pag kinakanta niya ito
para sa iba.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa part ng kanta na ito. Paano ba naman kasi naalala
ko dati, sinadya kong ihulog yung mga libro na dala-dala ko nung magkasalubungan
kami ni JM kaya lang pagkahulog ko nun sakto namang may tumawag sa kanya kaya hindi
niya ako nakita.
Pumikit ako at inalala yung mukha ni JM kanina ng bigyan niya ako ng encouraging
smile. Ma-imagine ko pa lang yun, bumalik na ulit ang confidence ko kaya naman
pinagpatuloy ko ang pagkanta habang nakapikit.
Siguro sa ngayon, wala ang atensyon saakin ni JM kundi na kay Diana. Syempre kahit
pa maganda ang boses ko, di hamak naman na mas maganda ang mukha ni Diana saakin.
Walang sinabi ang boses ko sa ganda ni Diana. Pero isinantabi ko muna ang pagiisip
ng ganun at tanging mukha lang ni JM ang inisip ko para makakanta ako ng maayos.
Ilang clubs pa ba ang sasalihan mo JM? At sa ilang clubs pa ba kita dapat sundan
para mapansin mo ako?
Kung sabagay, kahit nga naman lagi ko siyang sundan, kahit lagi akong magpapansin,
at kahit lagi akong nakabuntot sa kanya, kung di ako magkakalakas ng loob na
magpakilala, walang mangyayari.
Sinubukan ko idilat ang mata ko at tumingin kay JM at halos mapatalon ang puso ko
sa galak ng makita kong seryoso siyang nakikinig habang kumakanta ako
�Dorinne!!� tumakbo papalapit ang best friend kong si Ilay saakin ng makalabas ako
sa theater room �anong nangyari sa audition! Pumasa ka ba ha? pasa ka ba? Bat
ganyan ang mukha mo, parang nalugi? Uy! Teka don�t tell me bumagsak ka?!� O___O
Tinignan ko si Ilay then bigla akong ngumiti at nagtatalon �PASADO AKO! NATANGGAP
AKO! YEHEY!!�
�yehey! Kasama ko na ang best friend ko sa theater club!� sabi ni Ilay saakin
Inakbayan ko si Ilay �syempre isang dahilan din ang napakaganda kong best friend!�
�ikaw ang sama mo! halika na nga at ilibre mo na ako ng lunch tutal natanggap ka
naman!� sabi ni Ilay sabay hatak saakin papunta sa canteen.
(after 2 weeks)
Two weeks na akong member ng theater club at ngayon ko lang narealize na hindi pala
biro ang ginagawa dito. Medyo malaki kasi ang production na ginagawa namin dahil
ipapalabas ito during our school fair. Lahat ng highschool students ay required
manuod kaya naman lahat kami ay nape-pressure dito. Talagang pinili namin ang
magagandang locations para mag shooting. Tinulungan din kami ng mga teachers namin
sa pag gawa ng script at pag edit ng videos.
Isang romance movie ang plot namin. Sa story, magkababata si Jester na ginagampanan
ni JM at si Sidney na ginagampanan naman ni Diana tapos nagkahiwalay silang dalawa
at after ilang taon ay nagkita ulit sila. Pero this time, may amnesia si Sidney at
hindi na niya nakikilala si Jester. On the other hand, nainlove naman sa kanya si
Jester at ginawa niya ang lahat para napansin siya ni Sidney kaya lang kahit anong
pagpapapansin niya ay hindi siya mapansin pansin nito. Feel na feel ko nga masyado
yung flow ng story eh kasi nakakarelate ako sa character ni Jester. Dahil pilit
akong nagpapapansin sa lalaking gumaganap sa character niya. At kung mangaasar nga
naman ang tadhana, ang title ng movie ay �Kailan� Ako pa nga ang kakanta ng theme
song eh.
Pero kahit napaka madugo ng production na to, masaya parin ako kasi araw araw kong
nasisilayan si JM. Araw-araw ko siyang nakikita ng mas malapitan. Hindi ko na siya
kailangan i-stalk pa para lang masilayan ko ang maganda niyang ngiti at napaka
sigla niyang mga tawa.
�Dorinne, ready ka na bang kumanta?� tanong saakin ng teacher namin na nag di-
direct ng production �Isasama kita sa scene mamaya. Ayos lang ba sayo?�
Uwaaaaa kasama daw ako sa scene mamaya? Ibig sabihin nun makakasama ko si JM sa
scene? Masayang masaya na ako! Kahit kasi magkasama na kami sa theater club ay
hindi parin naman talaga kami ganung ka-close ni JM. Ang tanging paguusap lang
namin ay �hi� tapos �good morning� tapos �ingat sa pag uwi, bye� Mga ganun lang.
Pero yung makakwentuhan ng matagal? Hindi pa talaga. May mga times na gusto ko
siyang lapitan at kausapin kaya lang lagi naman akong tinatamaan ng hiya! Pero
ngayon, nabigyan ako ng chance na makasama siya sa isang scene! Tapos may lines pa
kaming dalawa! At least kahit sa ganitong paraan ay makakausap ko si JM.
Binasa ko yung mga lines na sasabihin ko sa script. Maiikli lang naman ito kaya
naman madali ko siyang nakabisado. After nun, nag practice narin ako sa pagkanta.
�Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo
pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin��
�uy�
Napatigil ako sa pag tugtog ng may kumalabit saakin. Nilingon ko naman ito.
�J-JM!� O___O
Halos lumabas ang mata ko sa sobrang panlalaki nito ng makita kong nakatayo si JM
sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko tapos inabutan niya ako ng mineral water.
�sige mag kakabisa muna ko ng lines mamaya na lang� sabi ni JM saakin �bye bye�
�b-babye!�
After that tumayo na siya at naglakad papalayo saakin kaya lang bigla siyang
huminto at lumingon saakin.
Napahawak naman ako bigla doon sa g-clef kong necklace then tumingin ako sa kanya
at nginitian siya �s-salamat�
Hinawakan ko ulit yung necklace ko. Hay lucky charm ko talaga to! Actually bigay
saakin to ng isang mahalagang tao sa buhay ko and simula ng binigay niya saakin to,
lagi ko na itong suot-suot.
Nandito kami ngayon sa school canteen para i-shoot yung scene kung saan kasama ako
sa scene. Sa scene kasi, busy makipagkwentuhan si Sidney (Diana) sa mga kaibigan
niya habang tinitignan naman siya ni Jester (JM) mula sa malayo. Ako naman ay
nakaupo sa hindi kalayuan kay JM habang kumakanta.
�Ang ganda ganda talaga niya� bulong ni JM habang nakatingin kay Diana
�HEH!�
Napahinto ako sa pag kanta ng sumigaw si JM at tumabi siya saakin �nangaasar ka ba?
Kita mo ngang broken-hearted tong tao tapos yan pa kinakanta mo?� T____T
Halos matawa naman ako sa itsura niya kasi bigla siyang nag pout doon kaso
pinigilan ko dahil umaarte kaming dalawa.
�eh kasi naman eh may babae akong gusto. Actually kababata ko siya kaya lang nagka
amnesia siya at hindi na niya ako maalala.�
Bigla na naman nag pout si JM at talagang inubos ko ang buong lakas ko mapigilan
lang ang sarili kong wag kiligin dito kasi naman ang gwapo gwapo ng ka-eksena ko!
kaloka!
�h-huh?�
�ang sabi ko lalaki ka di ba? kung tunay kang lalaki at mahal mo talaga ang taong
yung, gagawin mo ang lahat makalapit lang sakanya. You�ll do whatever it takes para
maalala ka niya at mapaibig mo siya. Kung panghihinaan ka agad ng loob without even
trying then she don�t deserve a guy like you� after kong sabihin yun ay kinuha ko
na ang gitara ko at iniwan ko siya.
�ok cut!! Very good! I like your facial expression at the end JM, very realistic!�
puri ni director sa kanya
�ah, hehe salamat po� sabi naman ni JM
�hoy bestplen! Ikaw ah umaariba ka! May scene ka with papa JM mo!� bulong niya
saakin
�sus! kinikilig ka lang!� pangaasar niya saakin kaya naman napangiti ako �kinikilig
talaga ang bruha!�
�Dorinne!�
�J-JM b-bakit?� nauutal kong tanong sa kanya gawa ng sobrang pagka kilig.
Tumango lang ulit ako sa kanya. Nag paalam na siya umalis then humarap ako kay Ilay
�b-b-b-bestplen� t-tell me, a-ano nga ulit yung favor ni JM? Hindi ko masaydong nag
sink in sa utak ko eh�
�paki ulit�
�isa pa�
�please go out with me on Sunday! please go out with me on Sunday! PLEASE GO OUT
WITH ME ON SUNDAY!!� tili ni Ilay kaya naman bigla na lang din ako napatili habang
nagtatalon!
�waaaaaaaaaaaaaaah!! Sabi niya yun?! sabi talaga niya yun?! please go out with me
on Sunday?! Waaaaaaaaaah!�
�oo nga no? uwaaaaaaaaaaaaa! Totoo talaga yun! totoo talaga!! please go out with me
on Sunday! Waaaaaaaaaaa!�
Nagtatatalon ulit kami ng nagtatatalon ni Ilay doon na parang sira pero wala akong
paki! Sobrang saya ko lang talaga! Aba naman, hindi ko aakalaing yayain ako ni JM
makipag date! Ibig sabihin ba nito ay mahal din niya ako? Pag nagkataon ako na ang
pinaka masayang babae sa buong mundo!
Dumating ang Linggo. Sobra talaga akong naghanda sa araw na ito. Todo paganda ang
ginawa ko at talagang nag ayos ako ng husto para naman mag mukha akong tao sa harap
ni JM. Isinuot ko din yung g-clef na necklace ko. Bago ako umalis sa bahay nag
dasal muna ako kay God na sana maging maayos ang araw na to. Hinawakan ko din yung
g-clef necklace ko.
Lumapit ako kay JM at nung makita niya ako ay nginitian niya ako agad. This time
mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo eh nakikipagkarera sa mga
kabayo.
�no kadadating ko lang din. Thank you nga pala sa pag punta ah�
�w-wala yun!�
�ok�
Naglakad kami ni JM sa may sakayan ng jeep then sumakay na kami. Bumaba naman kami
sa mall malapit sa may school namin.
�m-magpatulong? Na ano..�
�y-you see, m-may nagugustuhan kasi akong babae at b-balak ko sanang bigyan siya ng
regalo. K-kaso hindi ko alam ang gusto niya kaya gusto ko sanang magpatulong sayo�
BOOM.
Nakalimutan ko, isa nga lang pala akong anino na hindi pinapansin ni JM. At kahit
kailan, hindi niya ako mapapansin. Sino nga naman ba ako di ba?
Hindi ko alam yung istura ko nung sinabi saakin ni JM yun kaya naman agad-agad
akong ngumiti.
�i-ikaw ah! may pinopormahan ka p-pala! Sino yan ha!� kunyaring pang aasar ko sa
kanya
Nginitian lang ako ni JM pero bigla na namang namula ang tenga niya. Halata nga
namang magugustuhan niya si Diana. Syempre maganda yun at matalino. Talented pa!
Isa pa masyado na silang naging malapit dahil sa production na ito at idagdag mo
pang love team sila. Malaking possibility naman talaga na magustuhan siya ni JM.
�uhmm bat hindi mo siya bigyan ng chocolates or flowers or the usual stuff na
binibigay ng mga lalaki sa babae�
�eh kaso alam ko hindi naman siya mahilig doon eh. Ikaw ba, kung ikaw ang bibigyan
ng gift ano gusto mo?�
�tweety bird na stuff toy!!� walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya �ay hehe
sorry mahilig kasi talaga ako sa tweety bird. Kaso baka hindi naman gusto ni Diana
yun�
�hmm kung bilhan ko na lang siya ng kahit anong stuff toy? Tingin mo?�
�s-siguro..�
�let�s go..�
Pumunta kami ni JM sa blue magic at nagtingin tingin siya ng stuff toy para kay
Diana. Ang swerte swerte naman talaga ng babaeng yun. Bakit ba kasi hindi ako
pinanganak na maganda, matalino at talented? Bakit ba merong mga taong sadyang
pinag pala at meron din namang sadyang pinag kaitan�tulad ko.
Bumili ng isang malaking teddy bear si JM then sinunod narin niya yung payo ko na
bumili ng flowers at chocolate. Siguro kung saakin ibibigay yan ni JM, magiging ako
na ang pinaka masayang babae sa buong mundo.
After mamili, niyaya naman ako na kumain ni JM. Ililibre daw niya ako tutal daw
sinamahan ko siya ngayon pero sabi ko kailangan ko ng umuwi ng maaga kasi may
dadating kaming mga bisita. Pinilit niya rin ako na ihatid pero sinabi kong wag na.
Pagkauwing pagka uwi ko, sumalampak agad ako sa kama ng kwarto ko at doon nagiiyak.
Pakiramdam ko kasi parang ang tanga tanga ko para mag assume ng ganun. Nahihiya ako
sa sarili ko. At the same time, nasasaktan ako dahil parang isinampal saakin ngayon
na wala na talaga akong pagasa kay JM, na kahit anong gawing pagpapapansin ko,
kahit kailan hinding hindi niya magagawang lumingon saakin.
For the first time, doon ko lang narealize na para akong tanga sa mga pinag
gagagawa ko. sa pag iistalk ko sa kanya, sa pagpapapansin ko sa kanya, sa pagsunod
ko sa lahat ng clubs na salihan niya, mukha lang akong desperadong tanga.
Kinabukasan sa shooting namin sa production, tinanong ako ni Ilay kung kamusta ang
�date� namin kaso nung makita niya ang malungkot kong mukha, hindi na niya itinuloy
yung tanong. Malamang ay nakaramdam siya na may hindi magandang nangyari.
Mga bandang hapon nung papunta kami sa park kung saan kami mag sho-shooting, bigla
namang sumama ang pakiramdam ni Diana kaya naman napauwi siya ng di oras. Dapat
hindi na kami tutuloy doon pero sabi ni director, pumunta narin kami para makita
namin yung location and makapag practice ng lines.
Nung makarating kami sa park na pag sho-shootingan namin, biglang may nag flashback
sa memory ko. Dito sa mismong park na ito ko nakuha ang g-clef necklace ko.
Natatandaan ko pa nung mga araw na yun kung saan ko nakilala ang isang batang
lalaking nagngangalang Pepot. Well hindi ko alam kung iyon ang tunay niyang name
pero yung ang tawag ko sa kanya dati.
Nung mga panahon na yun, nag-away si mama at papa at narinig ko sa usapan nila na
maghihiwalay na sila. Sobra akong nasaktan nun at takot na takot dahil ayaw kong
maghiwalay sina mama at papa. Tumakbo ako nun sa mismong park na ito at nagtago sa
likod ng malaking puno. Doon ako umiyak ng umiyak habang kumakanta para kahit
papaano ay mawala yung sakit na nararamdaman ko. Nagulat na lang ako ng may isang
batang lalaki na biglang sumulpot sa harap mo.
�bata ang ganda sana ng boses mo kumanta pero kung hindi lang sana puro sipon yang
ilong mo mas mabuti� sabi niya saakin
Pinunasan ko yung mga luha ko nun �h-hindi naman sipon to eh! l-luha to!� pahikbi-
hikbi kong sagot sa kanya.
Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari kay mama at papa. Nakinig naman siya saakin
nun at pilit akong pinapakalma.
�ah alam ko na!� sabi niya sabay may dinukot siya sa bulsa niya na kwintas at
isinuot niya saakin �eto ang lucky charm ko! pero ibibigay ko na yan sayo. Mag wish
ka lang palagi diyan at tutuparin niya ang wish mo�
�oo naman!�
Yumuko ako habang hawak hawak ko yung g-clef necklace "sana magkabati na si mama
at papa" bulong ko dito
Nginitian ko siya �Salamat ah? a-ano nga palang pangalan mo?� tanong ko sa kanya
�pepot. Eh ikaw?�
�ako si titot� sabi ko sa kanya. Yun kasi yung palayaw ko dati nung maliit ako.
After ko makilala si Pepot at nung ibinigay niya sa akin yung necklace, pagkauwi ko
nun sa bahay ay nagulat na lang ako na bati na sina mama at papa. Hindi na sila nag
away ng ganun simula ng araw na yun. Naging kaibigan ko rin si pepot kaya lang nung
nasa grade 5 na kami, bigla na lang silang lumipat ng bahay kaya naman hindi ko na
siya nakita simula noon.
Hay kamusta na kaya siya?
�Dorinne, please come here for a sec� tawag saakin ni director kaya naman agad agad
akong lumapit sa kanya �mag pa-practice tayo ng mga lines today but since wala si
Diana, kindly help JM with his lines�
�s-sige po� kung mamalasin ka nga naman. Iniiwasan ko yung tao pero eto, pilit
kaming pinaglalapit T___T
Kinuha ko yung script at binasa ko ito. Kung mangaasar nga naman si tadhana, eto pa
yung scene kung saan magtatapat na si Jester kay Sidney. Bakit ba ang malas ko?
Mukhang naubos na ata ang luck power ni necklace T__T
Binasa ko naman yung nasa script �oo nga eh. Bakit mo pala ako dinala dito?�
�kasi gusto ko sanang ipakita sayo ang lugar kung saan ko unang nakilala ang
babaeng mahal ko. Dito sa mismong punong to, nakita ko siyang umiiyak dati. Dito
rin sa mismong punong to ko naging kaibigan ang taong yun�
Tinignan ko lang si JM habang nag de-deliver ng mga lines niya. Parang medyo
familiar yung scene na to saakin ah.
�kaso alam mo ba, nagkahiwalay kaming dalawa nung mga bata pa kami tapos after
ilang years, nagkita ulit kami, sa kasamaang palad nga lang, hindi na niya ako
naaalala. Pero dahil sa sinabi saakin ng isa kong kaibigan na kung tunay daw akong
lalaki, gawin ko ang lahat, maalala lang ako ng taong mahal ko. Dapat gawin ko ang
lahat para mahalin din niya ako. At kung pinanhihinaan ako ng loob ngayon, ibig
sabihin nun, hindi ako worth it para sa babaeng yun. Sa totoo lang tinamaan ako
doon. I want to be a guy that is worthy for that girl�
Lumapit si JM saakin at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko
Pero nagulat ako ng mas hinigpitan ni JM ang hawak niya sa kamay ko. Tinignan ko
sina director pero hindi sila nakikielam saamin at pinapanood lang kami. Teka ano
to?
�Gusto kong ipaalala ulit sa taong mahal ko ang lugar na to. Pero bago yun kilala
mo ba kung sino siya?�
Kahit litong lito na ako sa nangyayari, sinunod ko yung next line sa script
�s-sino?�
�Si titot�
Halos matulala ako sa sinabi ni JM �t-teka dapat Sidney ang sasabihin mo� halos
pabulong kong sabi sa kanya
�hindi ka naman si Sydney di ba? Ikaw si Dorinne di ba? ikaw ang Titot ko na
matagal ko ng gustong gusto�
At ng pagkasabing pagkasabi niya nun, bigla na lang bumuhos ang luha sa mata ko.
�g-gusto mo ko? paanong nangyari yun! sabi mo si Diana ang gusto mo!�
Umiling si JM at mas lalo siyang lumapit saakin. Hinawakan niya ang magkabila kong
pisngi �Si Sidney ay ang Titot ko. Si Sydney ay si Dorinne Ulibas na matagal ko ng
mahal kaya lang hindi niya ako napapansin. Ako yung sumulat ng story para sa
production na ito. At alam mo ba kung bakit ko to sinulat? Baka kasi sakaling,
marealize mo na ako yung kababata mo. Baka sakaling maalala mo ang mga pangyayari
dito. Baka sakaling, sa pamamagitan nitong production na to, maiparamdam ko sayo
kung gaano kita kamahal. Baka sakaling mapansin mo na ko.�
Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni JM. Parang kahapon lang sobra akong
nasasaktan ah? Parang kahapon lang halos maubos na ang luha ko kakaiyak sa sobrang
sakit. Pero tingnan mo ngayon, umiiyak ulit ako, pero this time ay dahil sa sayang
nararamdaman ko.
Bigla na lang ako nagulat ng magtayuan ang mga taong nanonood saamin at pare-pareho
nila kaming pinalakpakan dalawa.
"hay sawakas nakapagtapat narin siya" dinig kong sabi ni Kuya Enzo mula sa malayo
Inabot nila ito kay JM. Bago umalis si Ilay kinindatan niya naman ako sabay sabing
"way to go bestplen!"
�siguro ngayon alam mo na kung sino ang pagbibigyan ko nito?� hinawakan niya ang
kamay ko �Dorinne, I love you. This time ako naman manghihingi ng wish sa g-clef
necklace mo� hinawakan niya yung necklace ko �sana, maging girlfriend ko na si
Dorinne�
Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko to the point na hindi na ako makapagsalita.
Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari at parang pakiramdam ko ay
nananaginip lang ako.
The End