Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PANGALAN:

PAGTUKOY SA PAKSANG PANGUNGUSAP. Basahin ang mga sumusunod na talata.


Salungguhitan ang paksang pangungusap na nararapat sa bawat bilang. (Dalawang
puntos bawat bilang)

1. Maaga pa ay gising nalahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa
ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng
magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.

2. May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula
ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang
dilaw.Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang
may kahulugan.

3. Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa
atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay
nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa aklat. Ito ang mga
kahalagahan ng aklat.

4. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang


kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong
damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-
galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang
pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala


ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay
ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang
Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.

You might also like