Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Patrice Elaine B. Corral, Joachim Lamberto O.

Pastoral Character Sketch Based on an Interview


September 27, 2018 HU23

Si Ginang Salve P. Yamson ang pinuno ng Guidance Office ng Ateneo de Naga University Senior High
School. Siya ay kilala sa tawag na “Ma’am Ves” o kaya naman “Ate Ves.” Siya ay nagtapos ng kursong
BS Psychology sa parehong unibersidad noong taong 2015. Naging excempted siya sa bar exam dahil sa
“grandfather’s clause kaya’t naging ganap na psychometrist si Mrs. Yamson.

Noong panahon nang kanyang pagpili ng kukuning kurso sa kolehiyo, hindi niya pa gaanong alam ang
talagang gusto niya kaya’t ang kinuhang kurso ng noo’y Bb. Paradela ay Agham Pampolitika. Noong unang
semester ng kaniyang pagiging isang ganap na kolehiyala, siya ay bahagyang nahirapan sapagkat na-
impluwensiyahan lamang siya ng kaniyang matalik na kaibigan sa pagkuha ng Agham Pampolitika. Ngunit
hindi niya tiniis ang paghihirap at nagpursigi siyang hanapin at idiniskobre ang larang na kaniyang
kinababagayan.

Lumipas ang oras, naghanap siya ng mga kurso at maiging pinag-aralan ang mga detalye ng bawat isa,
hanggang sa natuklasan niya ang sikolohiya na lubhang kawili-wili at agad niyang nakita ang sarili sa larang
na iyon. Pakiramdam niya ay mas maipapamalas niya sa sikolohiya ang angking galing. Dahil sa propesor
niya sa general psychology, na siya ring naging inspirasyon niya noon, mas lalo siyang na-engganyo na
tahakin ang landas ng pagiging isang estudyante ng sikolohiya. Ngunit hindi maikakaila na nagustuhan
niya rin ang accountancy, subalit hindi raw siya magaling sa matematika.

Nabanggit ni Ma’am Ves sa aming panayam na ang mahalagang katangian para maging isang psychologist
ay ang pagiging people-oriented at dagdag pa niya dapat ay laging may puso sa pakikisalamuha sa kapwa,
at marunong ding mamahala ng mga grupo. Pabirong sinabi niya na dapat laging “confident and beautiful
with a heart.” Binahagi rin niya na dapat ang isang estudyante na kumukuha ng kursong sikolohiya ay
pursigido at talagang bukas sa mga impormasyong maibabahagi ng kaniyang mga kamag-aral at propesor.

Idinagdag niya rin ang mga katangian na kailangan para talagang ma-engganyo ang indibidwal sa kaniyang
trabaho, sa pagiging counselor, gaya ng dapat ay marunong mag-organisa, magplano, ng mga aktibidades.
Sa makalipas na mga buwan, in-organize ng Guidance Office ang OrSem 2018 at ang Career Days 2018.
Ito ay naging isang matagumpay na programa na ginagawa ng kaniyang tanggapan. Hindi lamang ang mga
school-wide event ang handog ng Guidance Office, mayroon din silang counselling, routine interview, at
mga team building activities na puwedeng makatulong sa mga estudyante.

Ayon kay Ate Ves, napalawak ng kanyang trabaho ang kanyang kaalaman sa dalub-isipan dahil
pinapadala raw siya sa iba’t ibang seminar. Dito nakakakilala siya ng iba’t ibang mga propesiyonal
na panyero sa larang ng pagpapayo.

Kung pagbabasehan ang tinahak na landas ni Ate Ves, hindi ito payak at diretso. Nagsimula siya sa isang
kursong hindi niya tunay na gusto ngunit, kasama ang tibay ng loob at tiwala sa sarili, ang kanyang desisyon
na mag-shift sa kursong Psychology ang magiging simula ng kanyang masaganang career bilang isang
taong malapit sa puso ng mga estudyante.

Dagdag ni Gng. Yamson, hindi madali maging isang guidance counselor. Kailangan mong maging
matibay para maging matibay para sa iba. Ito ay rekisito para makatulong sa kanyang client at
maging matatag sila.

You might also like