Ang Didache

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG DIDACHE: Katunayan na Katoliko ang mga naunang Cristiano

By: Juan Catolico


Ang Didache (pronounced as di-da-kei) o kilala rin noon sa tawag na "Ang Turo ng
Labindalawang Apostol", ay isang maiksing dokumento na inilalagay ng mga iskolar sa
unang siglo (1st century). Sinasabi ng ilang iskolar ng mga Protestante na ang mga
“tradisyon” ng mga Katoliko ang siyang sumira sa Iglesyang Cristiano simula noong
unang bahagi ng ikalawang siglo (2nd century). Sinasabi nila na ang tanging
mapagkakatiwalaan lang na dokumento na nagpapatunay ng pananampalatayang
Cristiano ay ang aklat ng Bagong Tipan, na isinulat noong unang siglo. Gayunman,
ipinapakita ng mga makabagong pagsasaliksik na ang Didache ay naisulat na noong 65-
80 A.D, at pasok ito sa panahon na isinusulat pa ang mga aklat ng Bagong Tipan at
buhay pa ang ilang Apostol. Bagama’t hindi isang “inspired document” ang "Didache",
ito ay isa pa ding napakamahalagang kasulatang Cristiano, sapagkat ipinapakita nito na
maging 65-80 AD pa lamang, ang mga itinuturo ng Simbahang Katolika ay malalaman
na siyang itinuturo sa mga naunang Cristiano. Ang Didache ay may bahagi tungkol sa
pagdarasal ng “Ama Namin”, Pag-aayuno, Pagbibinyag sa pamamagitan ng
pagbubuhos, at ang Eukaristiya. Tunay na ang dokumentong ito ang nagpapatunay na
ang turong Cristiano sa simula pa lamang ay kahalintulad ng patuloy na itinuturo sa
Simbahang Katolika sa loob ng 2000 taon!
Ang salin ng Didache sa ingles ay matatagpuan
dito:http://www.newadvent.org/fathers/0714.htm
ANG PAGDARASAL NG “AMA NAMIN”
Sa kabanata 8, makikita natin na ang “Ama Namin” o ang “the Lord’s Prayer.”
Itinutuligsa ng mga Protestante at ng INC na dapat ang panalangin ay hindi isinasaulo
o inuulit-ulit. Bagama’t walang tutol dito ang mga Katoliko, magandang paraan din ng
panalangin ang “formula” na itinuturo ni Jesus at ng mga Apostol sa atin, kagaya ng
“Ama Namin.” Ipinapakita ng Didache na ang pagsasaulo ng “Ama Namin” bilang
isang panalangin (na ang mga salita din naman ay nanggaling sa Biblia) ay isang
kaugaliang Cristiano sa simula pa lamang.
PAGBINYAG SA PAMAMAMAGITAN NG PAGBUBUHOS
Ang Didache ay may bahagi na nagtuturo ng pagbibinyag gamit ang pagbuhos.
Itinuturo ng mga kaibayo natin sa pananampalataya na ang tanging paraan ng
pagbuhos. Ngunit malinaw ang turo ng Didache dito: sa ikalawang bahagi (Kabanata 7
hanggang 10) ay makikita ang pagtuturo kung paano isagawa ang pagbibinyag o
pagbabautismo. Ang pagbibinyag ay dapat isagawa sa "ngalan ng Ama, at ng Anak, at
ng Espiritu Santo" na may tatlong beses na paglulubog sa tubig. Subalit kung hindi
maisasagawa sa buhay na tubig (halimbawa, ilog), maaari din naman itong isagawa sa
mainit o malamig na tubig. Kung hindi sapat ang tubig sa paglulubog ng binibinyagan,
ito ay maaari din namang ibuhos sa ulo nang tatlong beses.
EUKARISTIYA PARA SA MGA NASA “FULL COMMUNION” LAMANG
Alam ba ninyo na ang Didache ang unang dokumento na nagtuturing sa sakramentong
ito bilang “Eukaristiya”? Nakasulat sa Kabanata 9: “Tungkol sa Eukaristiya,
magpasalamat kayo sa ganitong paraan. Una, tungkol sa kopa: Pinapasalamatan ka
namin, aming Ama, para sa banal na ubas ng iyong lingkod, na ipinahayag mo sa amin
sa pamamagitan ng iyong lingkod na si Jesus; sumaiyo ang kaluwalhatian
magpakailanman.” At tungkol sa pagpuputol-putol ng tinapay: “Pinapasalamatan ka
namin, aming Ama, para sa buhay at karunungan na ipinahayag mo sa amin sa
pamamagitan ng iyong lingkod na si Jesus; sumaiyo ang kaluwalhatian
magpakailanman. Yamang ang pinagputol-putol na tinapay na ito ay maikalat sa mga
burol, at muling matipon at maging isa, kaya’t nawa’y matipon din ang iyong
Simbahan mula sa dulo ng lupa papunta sa iyong kaharian; sumaiyo ang kaluwalhatian
at kapangyarihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo magpakailanman. Ngunit huwag
hayaan na ang sinuman na kumain o uminom ng Eukaristiya, maliban na sila ay
nabinyagan sa pangalan ng Panginoon; sapagkat sinabi ng Panginoon tungkol dito:
"Huwag ninyong ibigay ang mga banal sa mga aso."
Sa pamamagitan ng mga nakasulat dito sa dokumentong ito, mapapatunayan natin na
maging sa simula pa lamang, Katoliko na ang mga unang Cristiano.
Subscribe to our YouTube
Channel:http://www.youtube.com/c/DefendtheCatholicFaithVanguardsofT…
Follow us on Instagram @defendcatholicfaith

You might also like