De Torres, Jennifer Oriasel, Michelle Dimasacat, Khristel Darryl Ann
LAGING MAY BITUIN
Gemiliano Pineda
Ang sanaysay na ito ay isang Sanaysay na Nagsasalaysay o Narrative Essay
sa ingles. Ito ay naglalahad at naglalarawan ng isang kwento. Dahil kapansin-pansin na ang layunin ng may akda ay ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa kanyang pananaw.
Ang URI NG SANAYSAY na ito ay masasabi naming Maanyo o Pormal.
Sapagkat isinalaysay ito ng malalim ang kaisipan at seryoso. Naging tuwiran rin ang paglalahad ng manunulat ng sanaysay. Pinag-isipan ng mabuti ang pagsasalaysay ng kwento sapagkat ang pahayag ay pili.
Ang TEMA at NILALAMAN ng sanaysay na ito ay tungkol sa bituin na
nagbibigay liwanag sa paglalakbay ng tatlong Haring Mago. Inilalarawan din sa makatotohang paraan ang mismong pangyayari o panahon na nagaganap sa kwento. Sa huling bahagi ng sanaysay, ginamitan ito ng mga matalinong kuro-kuro o pahayag. Maging ang ANYO AT ESTRUKTURA nito ay naging kamangha-mangha. Sapagkat, ito ay organisado at ang kaisipan ay buo. Ang WIKA AT ESTILO ng may akda ay kagiliw-giliw. Dahil ang kanyang ginamit na mga salita ay seryoso at makatotohanan na nagdulot sa amin na gamitin ang aming imahinasyon. May mga MOTIBO o LAYON ang SANAYSAY na ito. Una, Pangkasaysayan- dahil may nabanggit sa sanaysay na pinaniniwalaan ng mga tao na nangyari noong unang panahon. Ito ay ang pagsilang at paghahanap ng tatlong pantas sa magiging Hari ng mga Hari. Ikalawa, Pilosopiya- sapagkat nakapaglahad sa sanaysay ang may akda ng ilang paniniwala ng mga tao. At ang huli ay ang Paggunita, dahil ipinapaalala nito ang kapanganakan ng ating Diyos na si Hesukristo.