SEA Games 2019 Talumpati

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAKSA: 30th SOUTHEAST ASIAN GAMES FAILURE

Magandang hapon sa ating lahat!


Mga Ginoo at Binibini, hayaan ninyo akong magpahayag ng saloobin ukol sa
isang isyung bukod sa napapanaho'y nagbunsod sa isang kontrobersiyal na usapin.
Usaping marahil ay tatatak sa kasaysayan ng bansa. Usaping nakatitiyak akong walang
sinuman sa atin ang papayag na bahiran ang ating pinakaiingatang imaheng global.
Naging usap-usapan at patuloy na pinag-uusapan ngayon ang ika-30 Palaro ng
Timog Silangang Asya o 30th Southeast Asian Games 2019 na kung saan ang bansa
natin ang punong- abala o ang host. Ilang araw bago ang aktuwal na pagdaraos ng
palaro, ang mga katagang "Beating the red light" ang tila kumulapol sa sambayanang
Pilipino at maging sa ibang bansa. Samu't saring litrato at hinaing ang kumalat
patungkol sa nasabing "kapalpakan" ng Philippine Southeast Asian Games Organizing
Committee (PHISGOC) sa pamununo ni Chairman Alan Peter Cayetano. At ngayon,
bigyang pansin natin ang mga pag-aalala at kontrobersiya patungkol sa kasalukuyang
ginaganap na SEA Games 2019.
Una, tirahan at transportasyon ng mga dayuhang manlalaro. Sa usaping ito,
inamin ni Chairman Alan Peter Cayetano ang nasabing kakulangan na naranasan ng
bansang Cambodia, Myanmar, Thailand at Timor- Leste pambansang koponan ng
football. Sila ang mga unang hanay ng mga atleta na dumating sa bansa, na nakaranas
ng inkomportable at matagal na paghihintay sa sasakyan na maghahatid sa mga
manlalaro patungo sa hotel na kanilang tutuluyan. Matapos ang pagkaantala, nasundan
pa ito ng isang kamalian na kung saan ibang hotel ang napagdalhan para sa mga
manlalaro. Bilang tugon, nagpadala ang PHISGOC ng isang opisyal na pahayag na
naglalabas ng paghingi ng tawad sa apat na koponan. Dahil dito, binigyang pansin na
ito ng PHISGOC upang hindi na maulit sa mga manlalaro ng mga bansang darating pa.
Ikalawa, alalahanin sa pananalapi. Ang badyet para sa mga laro ay hindi bababa
sa halagang pitong bilyon at kalahating milyon (Php 7.5 bilyon). Mula sa pagsasaayos
ng lugar na pag-gaganapan at maging ang "Cauldron" na nagsisilbing sulo ng palaro ay
umani ng batikos. Tinatayang ginastusan ito ng mahigit limampung milyon (Php 50
milyon) na ikinalungkot ng nakararami. Ayon kay Senador Franklin Drilon, "maaaring
magamit ang badyet para sa iba pang mga layunin ng pambansang-kahalagahan tulad
ng pagpapatayo ng mga silid aralan". Ngunit, ipinagtanggol naman ito ni Senador
Sonny Angara, na nagsabing, " ang Cauldron ay inilaan upang ipakita ang katalinuhan
ng Pilipino at sumisimbolo sa matibay at nag-aalab na samahan ng bawat kalahok na
bansa".
Ayon sa ilang naunang imbestigasyon, marami sa kumakalat na sinasabing
kapalpakan ang napatunayang " dis-impormasyon" o "fake news" gaya ng "kikiam" na
sinasabing ito lamang ang pagkain ng mga manlalaro, toilet bowl na magkatabi, anim
na libo isang jacket, at marami pang iba patungkol sa lugar na pagdadarausan.
Dahil sa mga batikos, nagsalita narin si Senador Manny Pacquiao, “hayaan muna
nating matapos ang palaro, may tamang panahon para pag- usapan ang mga ganitong
isyu”. Hindi makabubuti at hindi makapagbibigay inspirasyon ang hindi natin
pagkakaisa. Pinagtibay rin ito ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa kanyang
huling pahayag na “tandaan ninyo, ang kapalpakan ng isa ay kapalpakan nating lahat.”
Kung kaya't, pagkatapos ng ginaganap na ika-30 Palaro ng Timog Silangang Asya
2019, kung mayroon mang pag-uusapan, isa ito sa mga dapat. Sapagkat hindi natin
dapat hayaang malugmok sa kinasasadlakang hamon ang bansa kundi patunayan nating
sa likod ng pagkakamali ay mananatiling namumutawi ang mga ngiti sa ating mga labi
at taas noo pa ring masasambit na Pilipino ang ating lahi.
"We win as one."
Maraming Salamat po!

-Montealto, Jerome S.
BSBA Marketing Management 2101
SANGGUNIAN

Batuigas, B. 2019. https://www.philstar.com/pilipino-star


ngayon/opinyon/2019/11/26/1971844/kapalpakan-sa-idaraos-na-sea-games
IS, 2019. https://tnt.abante.com.ph/kapalpakan-sa-sea-games-di-palalagpasin-ng-
senado/
Isaga, Jr. November, 2019. https://www.rappler.com/sports/specials/sea-
games/245750-mishaps-likened-failed-fyre-festival

You might also like