PAGSULAT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSULAT

Ang mahusay na pagsulat ay may indayog, masarap sa pandinig. Gaya rin ng isang
awit ng pag-ibig-- ito ay nanunuot at tumatagos sa puso

Pagsulat- isang kontinwum (continuum) ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o


pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na gawain ng
paglikha sa kabilang dulo.

Ayon kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo
ng kasanayan (skill getting) hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktuwak na
magagmit (skill using).

Ayon kay Sauco, et al., 1998, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anomang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo
at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang na ang nasa
kanyang isipan.

Mga Uri ng Sulatin


1. Personal na Sulatin
 impormal, walang tiyak na balangkas at pansarili
 pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata
2. Transaksyunal na Sulatin
 pormal, maayos ang pagkabuo at binibigyang-pokus ang impormasyon o
mensaheng nais ihatid
 komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin
3. Malikhaing Sulatin
 Masining na paglalahad ng naiisip o nadarama
 ginagawa bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa
mga bagay sa paligid o ‘di kaya’y isang libangan

You might also like