Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:________________________________________________________________ Marka: ____

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.


1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A.Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo
2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon
3. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo
sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar
na pinagmulan
4. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal
5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang
workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
6. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring
7. Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
A. Transnational Corporations C. Multi National Corporation
B. Over national Corporation D. International Corporation.
8. Pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa
ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal
ng pamilihan.
A. Transnational Corporations C. Multi National Corporation
B. Overnational Corporation D. International Corporation.
9. Tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may
kaukulang bayad.
A. Outsourcing B. Onshoring C.Offshoring D. Downshoring
10. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad nang.
A. mababang pasahod C. kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya,
B. ‘job-mismatch’ D. Mga insentibo
11. Alin sa mga sumusunod ang mga hamon na dulot ng globalisasyon.
A. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na
pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.
B. Pagbabago sa kaisipan at perspektiba ng mga mamamayan tungkol sa pandaigdig na komunidad
at pangangailangan ng bawat bansa.
C.Pagtugon ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon.
D. Mga isyu sa lipunan na napag-iwanan.
12. Masasabing may pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong manggagawa sa loob ng
nakalipas na sampung taon
A. Sektor ng Industriya C. Sektor ng Serbisyo
B. Sektor Agrikultura D. Sektor ng Pagmimina
13. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng
isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon
A. Subcontracting B. Contractual C. Under Contracting D. Labor Contracting
14. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon.
A.Daloy B. Flow C. Overflow D. Inflow
15. Mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang.
A. Emigrats B. Imigrants C. Immigrants D. TNT’s
16. Ang 48 porsiyento ng mga imigrante na halos dumarami pa para maghanapbuhay ay ______.
A. Kalalakihan B. Negosyante C. Kabataan D. Kababaihan
17. Karamihan ng mga nandarayuhan ay ___________________.
A. Mamasyal B. Mahanap ng mapapangasawa C. Magtrabaho D. Magnegosyo
18. Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan nila sa pag angat ng ekonomiya ng bansa.
A. Mga kapitalista B. Magsasaka C. OFW D. Trabahador
19. Bakit madalas dayuhin ang mga malalaking bansa?
A. Dahil madaling pumasok sa mga bansang ito.
B. Mas maraming nag-aabang na trabaho sa bansang ito.
C. Mataas ang pasahod sa mga bansang ito.
D.Mas binibigyan ng pagkakataon namagtrabaho ang mga dayuhan.
20. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A.Irregular migrants B. Temporary migrants C.Permanent migrants D. Migrants
21. Tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabahoat manirahan na ng may takdang panahon.
A.Irregular migrants B. Temporary migrants C.Permanent migrants D. Migrants
22. Ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng
paninirahan sa pinilingbansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o
citizenship.
A.Irregular migrants B. Temporary migrants C.Permanent migrants D. Migrants
23. Ano ang implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang gumagawa nito?
A. Epekto sa seguridad B. Ugnayang kolateral C.Epekto sa polisiya D. Paghihirap
24. Tumutukoy sa mga perang pumapasok sa bansa na galing sa mga OFW.
A. Salapi B. Remittance C. Pera padala D.Package
25. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang nararanasan ng mga OFW sa ibang bansa?
A. Hindi pagtanggap ng sahod. C. Pagkakulong sa bahay ng kanilang amo.
B. Hindi pagkain, sobrang trabaho. D. Pamamasyal

You might also like