Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Dementia

Nakaakit ng pansin kamakailan lamang ang dementia dahil kay Prof. Charles Kao,
ang nagwagi ng Nobel Prize para sa pisika at ang ama ng fibre optics, na nagdurusa
rin mula sa dementia. Ang sakit na Alzheimer, ang pinakakaraniwang uri ng
dementia, ang nananagot sa mahigit sa 70% ng mga pasyenteng may dementia. Ang
katandaan ay hindi kinakailangang humantong sa dementia. Gayunman, ang mga
matatanda ay nasa mas mataas na panganib na makuha ang sakit. Sa Hong Kong,
tinatayang 5 sa 8 mula sa bawat 100 tao na may higit sa 65 taong gulang ang may
dementia. Higit pa rito, mayroong 20-30% ng tao na higit sa 80 taong gulang ang
may dementia na may iba’t-ibang lawak.

Bagama’t walang gamot para sa dementia sa kasalukuyan, mapapanatili ng mga


taong may dementia ang paggana ng kanilang utak at mapapabagal ang pag-urong
sa pamamagitan ng mga gamot kung maagang natuklasan ang kanilang mga
sintomas. Dahil ang mga taong may dementia ay mawawalan ng memorya nang
unti-unti hanggang sa malimutan na rin nila ang sarili nilang pangalan, lubha silang
nahihirapan sa pag-aalaga sa kanilang mga sarili. Kailangan nila ng tulong at
pag-aalaga mula sa mga miyembro ng pamilya upang magkasamang makayanan
ang sakit.

Espesyal na pasasalamat kay Dr. K H LAU, Associate Consultant, Departamento ng


Psychiatry, Ospital ni Queen Mary sa pagsusuri ng impormasyon sa pahinang ito.)

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1
1. Ano ang Dementia?
Ang dementia ay isang uri ng sakit sa utak. Unti-unting namamatay ang mga selula
ng utak habang tumatanda ang tao. Gayunman, mabilis na namamatay ang mga
selula ng utak ng mga taong may dementia at uurong ang kanilang mga utak, na
nagiging sanhi ng matinding pagkasira ng paggana ng utak. Hindi lang magiging
makakalimutin ang mga pasyenteng may dementia, subalit magkakaroon din ng
problema sa pag-unawa, wika, pagkatuto, pagkakalkula at paghusga. Maaari ding
magbago ang kanilang mga personalidad at asal.
Mayroong tatlong pangunahing kategorya ng dementia:
 Ang Alzheimer’s disease (AD) ang pinakakaraniwang uri ng dementia. Ang
mga sanhi ng AD ay hindi pa alam at ang pag-urong ay sumusulong.
 Ang vascular dementia ay sinisimulan ng mga stroke at mga problemang
cerebro-vascular na nagiging sanhi ng pinsala sa utak. Maaaring dagling
mangyari at mabilis ang pag-urong. 20% ng mga pasyenteng may dementia
ang nasa kategoryang ito.
 Ang iba pang mga uri ng dementia ay maaaring sanhi ng depresyon,
kakulangan sa nutrisyon, hypothyroidism at pagkalason sa gamot. Sa mga
kasong ito, mapapaginhawa ng mga pasyente ang kanilang kondisyon sa
pamamagitan ng mga gamot. Ang ilang dementia ay maaaring sanhi ng iba
pang sakit tulad ng sakit na Parkinson at AIDS, atbp.

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 2
2. Anu-ano ang mga panganib na kadahilanan ng Dementia?
 Edad: Pangkalahatang nangyayari ang dementia sa mga taong higit sa 65
taong gulang. Ang panganib ng dementia ay makabuluhang tumataas sa
pagtanda.
 Kasaysayan ng pamilya: Ang mga taong may kasaysayan ng dementia ang
pamilya ay nasa mas malaking panganib na magkaroon nito.
 Kasarian: Mas karaniwan ang dementia sa mga kababaihan, ito ay bahagya
dahil mas matagal na nabubuhay ang mga babae.
 Uri ng pamumuhay: Ang mga taong may mataas na presyon ng dugo, mataas
na antas ng kolesterol o diabetes, atbp., ay nasa mataas na panganib ng
pagkakaroon ng dementia kung hindi sila gagawa ng mga hakbang upang
makontrol ang kanilang mga kondisyon.
 Pagpapahinang kognitibo: Ang mga taong may pagpapahinang kognitibo
dahil sa iba’t-ibang uri ng sakit o iba pang dahilan ay nasa mataas na
panganib na magkaroon ng dementia sa mga kinalaunang taon.
 Antas ng edukasyon: Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga taong may mas
mababang antas ng edukasyon ay may mas mataas na panganib na
magkaroon ng dementia. Maaaring ito ay dahil ang mga taong may mataas
na pinag-aralan ay mas maraming ehersisyong mental, na nangangalaga sa
utak mula sa pag-urong.

3. Paano iwasan ang Dementia?


Walang alam na paraan upang maiwasan ang sakit na Alzheimer. Gayunman,
makakatulong ang mga sumusunod na hakbang na mabawasan ang mga panganib
ng pagkakaroon ng sakit at mapapabagal ang pag-urong ng utak sa mga
matatanda:
- Panatilihing aktibo ang pag-iisip
Ang mga aktibidad na nagpapasigla ng pag-iisip, gaya ng pagbabasa at paglalaro ng
chess, ay maaaring mapangalagaan ka mula sa dementia o pataasin ang iyong
kakayahan na makaya ang mga pagbabagong iniuugnay sa dementia. Mukhang ang
paglalaro ng mahjong ay isang aktibidad na nagpapasigla ng pag-iisip. Gayunman,
kung naglalaro ka na ng mahjong magmula noong bata ka pa, ito ay naging likas na
sa halip na isang ehersisyo sa pag-iisip at maaaring hindi maging epektibo sa

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 3
pagpigil ng dementia.
- Panatilihin ang malusog na diyeta
Mapapanatili ng balanseng diyeta ang malusog na daluyan ng dugo, mapapababa
ang pagkakataon ng mataas na presyon ng dugo at mataas na antas ng kolesterol,
at sa gayon ay mapapababa ang panganib ng vascular dementia. Ipinakita ng mga
pag-aaral na ang diyeta na may kaunting karne ngunit mayaman sa isda, gulay, at
langis ng oliba ay maaaring lubos na makabawas sa panganib ng dementia.
- Magkaroon ng sapat na bitamina B12, C at E
Maaaring humantong sa dementia ang kakulangan sa bitamina B12. Kung hindi ka
kumakain ng maraming isda, karne, itlog o gatas, dapat kang magkaroon ng
suplemento ng bitamina B12. Ang bitamina C at E ay mga antioxidant na maaaring
pangalagaan ang mga neuron at mga daluyan ng dugo upang maiwasan ang
dementia.
- Mag-ehersisyo nang regular
Bukod sa pagpapanatiling aktibo ng pag-iisip, makakatulong din ang regular na
ehersisyo upang mabawasan ang panganib ng dementia.
- Iwasan ang malabis na paninigarilyo at alkohol
Ihinto ang mga masasamang gawi na ito upang maiwasan ang pagkasira ng mga
daluyan ng dugo at iba pang bahagi ng katawan.

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 4
4. Anu-ano ang mga sanhi ng Dementia?
Hindi pa natutukoy ang mga pinagbabatayang sanhi ng dementia. Ipinakita ng mga
pag-aaral na dalawang uri ng pagbabago ng selula ng utak ang karaniwan sa mga
taong may dementia. Kabilang dito ang mga plaque (mga kumpol ng normal na hindi
makasasamang protina na tinatawag na beta-amyloid) at mga buhul-buhol
(mahiblang buhul-buhol na binubuo ng isang abnormal na protina na tinatawag na
protinang tau). Pareho silang maaaring humantong sa pagkamatay ng selula ng
utak.
However, the causes for these conditions are still unknown at present.
Gayunman, hindi pa alam sa kasalukuyan ang mga sanhi ng mga kondisyong ito.
Bukod dito, maaaring mangyari ang dementia kapag ang mga daluyan ng dugo sa
utak ay napinsala, alinman sa mapasak o mapatid na pipigil sa dugo upang
maitustos ito sa utak. Maaaring hindi makilala ng mga taong may banayad na stroke
(maliit ang laki o pansamantala) na ang kanilang mga daluyan ng dugo at mga
selula ng utak ay may pinsala na at tumaas na ang panganib ng dementia.
Ang ilang dementia, tulad ng mga sanhi ng kakulangan sa bitamina B12 dahil sa
pagiging walang karne sa matagal na panahon, ay maaaring mabaligtad sa
paggamot.

5. Anu-ano ang mga sintomas ng Dementia


Sa pangkalahatan tayo ay naniniwala na ang memorya ay nababawasan sa
pagtanda; kaya ang dementia ay maaaring hindi nakikilala sa mga unang yugto ng
sakit. Kung may nakita kang miyembro ng pamilya o kaibigan na may dalawa sa mga
sumusunod na sintomas, subukan mong kaagad na dalhin siya sa doktor upang
magpatingin. Kung kinakailangan, isasangguni siya ng doktor sa isang espesyalista
para sa karagdagan pang pagsusuri.
Kabilang sa mga sintomas ng dementia ang:
 Panandaliang pagkawala ng memorya at madalas na pagkalimot sa mga
usapan o appointment na nakakaapekto sa pang-araw-araw na aktibidad o
kakayahang gumawa
 Kahirapan sa pagsasagawa ng mga karaniwang gawain
 Mga problema sa wika, kahirapang makipag-usap sa iba
 Hindi mahusay na paghusga
 Pagkataranta sa oras at lugar. Pagkalito tungkol sa oras, petsa o lugar

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 5
 Mga problema sa pag-iisip at pagkalkula
 Mga pagbabago sa kalooban at asal
 Pagkawala ng pagkukusa
 Pagkawaglit ng mga ari-arian
 Mga pagbabago ng katauhan

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 6
6. Paano natutuklasan at nada-diagnose ang Dementia?
Upang ihiwalay ang posibilidad ng ibang kondisyon na maaaring sanhi ng katulad na
sintomas, magsasagawa ang mga doktor ng ilang pagsusuri upang ma-diagnose ang
dementia sa ibabaw ng isang detalyadong pagkuha ng kasaysayan at pagsusuri ng
kalagayan ng isipan.
 Mga pagsusuri ng dugo: upang makatulong na maihiwalay ang iba pang sakit
gaya ng hypothyroidism o kakulangan sa bitamina B12, atbp.
 Pagsusuri ng pag-uugali at pagsusulit na kognitibo: Ilang naka-istrukturang
pagsusulit na sumusukat sa memorya at kakayahan ng pag-iisip upang
malaman kung mayroong dementia.
 MRI (magnetic resonance imaging) scan: Gumagamit ito ng magnetic field at
mga radio wave upang lumikha ng detalyadong larawan ng utak upang
makatulong na matukoy ang anumang laki at pagbabagong istruktural ng
utak at iba pang problema gaya ng nabuong dugo o mga bukol sa utak.
 PET (Positron emission tomography) scan: Isang uri ito ng pagsusuri ng
larawan na makakatuklas ng mga abnormalidad ng beta-amyloid sa utak.
Nakapaloob dito ang pag-iiniksyon ng kaunting dami ng sangkap na
radioactive (isang taga-sinag) sa ugat. Naglalakbay ang taga-sinag patungo
sa utak upang matuklasan ang beta-amyloid. Tumutulong ito sa pagsusuri ng
kalubhaan ng kondisyon at ang pagtugon ng pasyente sa mga gamot.

7. Anu-ano ang mga paggamot para sa Dementia?


Sa kasalukuyan ay walang tiyak na lunas para sa dementia. Gayunman, mayroong
dalawang uri ng gamot na makakatulong na maantala ang pagkamatay ng selula ng
utak at pabagalin ang paghinang kognitibo.
 Mga cholinesterase inhibitor
Kabilang sa mga gamot na ito ang donepezil, rivastigmine at galantamine.
Gumagana sila sa pamamagitan ng pagpapataas sa mga antas ng isang uri
ng neurotransmitter na sangkot sa paggana ng utak. Tila sila ay
pinakakapaki-pakinabang sa tao sa panimula hanggang sa katamtamang
yugto ng dementia. Maaaring kabilang sa mga pangalawang epekto ang
pagtatae, pagkahilo at pagsusuka.
 Memantine
Pinangangalagaan nito ang mga selula ng utak laban sa abnormal na

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 7
aktibidad ng glutamate, isa pang uri ng neurotransmitter na sangkot sa
paggana ng utak. Pinaniniwalaan na ang mga mataas na antas ng glutamate
ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa mga selula ng utak. Tumutulong ang
memantine upang mapabagal ang pag-urong ng dementia para sa mga
taong may katamtaman o malubhang uri sa pamamagitan ng pagkontrol sa
aktibidad ng glutamate. Kung minsan maaaring ireseta ng doktor ang
memantine kasama ng isang cholinesterase inhibitor upang makakuha ng
mas mahusay na resulta. Kabilang sa mga pangalawang epekto ang
pagkahilo at pagkabalisa.
Maaari ding ireseta ng mga doktor ang mga gamot upang makatulong na mapabuti
ang mga sintomas gaya ng hindi pagkatulog, pagkabalisa, depresyon, guniguni at
kahibangan, atbp.
Bukod dito, mayroong iba pang hindi gamot na therapy na maaaring epektibo para
sa mga taong may dementia. Kabilang dito ang pag-angkop sa katotohanan,
pagsasanay na kognitibo, pagpapasigla ng maraming pandamdam, mga therapy sa
pangkaisipan at pag-uugali. Maaari nilang mapabuti ang kalooban at asal ng mga
pasyente, mapahusay ang nalalabi nilang mga tungkulin at kasanayan at
matulungan silang mapanatili ang kalayaan sa pang-araw-araw na buhay.

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 8
8. Anu-ano ang mga komplikasyon ng Dementia?
Ang mga taong may dementia ay madurusa mula sa unti-unting pag-urong ng
kognitibong paggana, memorya, pag-iisip at mga abilidad sa wika. Sa huli hindi nila
magagawang alagaan ang kanilang mga sarili at sa wakas ay magiging lubos na
umaasa at nakaratay rin. Nagkakaiba sila sa mga uri ng problema na kanilang
nararanasan at sa bilis ng pag-urong ng kanilang kakayahan. Pangkalahatang inuuri
ang mga katangian ng dementia sa tatlong yugto. Maaaring magtagal ang unang
yugto nang humigit-kumulang sa 3 taon at ang katamtamang yugto ay tumatagal
ng karagdagan pang 3 taon.
Kabilang sa mga sintomas sa katamtamang yugto ang:
 Mabagal na pagtugon
 Bumabang kakayahang analitikal
 Malubhang pagkawala ng memorya, pagiging hindi makayanang maalagaan
ang sarili at umaasa sa iba
 Mga problema sa pagtatamo ng bagong kaalaman at mga kasanayan
 Mga problema sa wika
 Pagiging emosyonal, pagkabalisa at mga problemang psychiatric tulad ng
mga guniguni o kahibangan
 Pagala-gala sa mga kalye, pagiging nalilito tungkol sa araw at gabi
Ang mga taong may malubhang dementia ay maaaring:
 Hindi makaunawa o makapagsalita
 Hindi makilala ang mga miyembro ng pamilya
 Hindi makagawa ng mga pangunahing aktibidad ng pang-araw-araw na
pamumuhay gaya ng pagkain at paliligo
 Mawalan ng kontrol sa pagdumi at pag-ihi
 Mahirapan sa paglunok, paglakad o maging nakaratay

9. Paano alagaan ang mga taong may Dementia?


Kailangan ng mga pasyenteng may dementia ang tulong at pangangalaga mula sa
kanilang miyembro ng pamilya. Gagabayan ng pangkat na medikal ang mga
miyembro ng pamilya sa pag-aalaga ng mga pasyente. Mayroong mga grupo ng
mga pasyente at organisasyong pangkawanggawa na nagbibigay ng mga kurso ng
pagsasanay para sa mga miyembro ng pamilya. Narito ang ilang mga tip sa

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 9
pag-aalaga ng mga taong may dementia:
(A) Pang-araw-araw na pangangalaga
 Magtakda ng isang talaorasan upang maiwasan ng pasyente ang malito
tungkol sa mga bagay-bagay dahil sa pagkawala ng memorya. Halimbawa,
ayusin ang oras ng pagkain at iskedyul ng aktibidad. Subukang iwasan ang
mga mabigat na aktibidad sa gabi.
 Pumili ng mga bagay na gusto ng pasyente, tulad ng mga damit at pagkain.
 Tulungan ang pasyente na panatilihin ang kalinisan ng katawan at maging
malinis. Himukin siyang gumawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagbibihis
at pagsisipilyo. Tulungan lamang siya kung kinakailangang.
 Pumili ng damit na mabilis na maisusuot ng pasyente nang mag-isa, gaya ng
mga damit na kaunti ang butones. Maglagay ng mga karatula sa mga
kabinet o kahon upang mabilis niyang makuha ang mga bagay-bagay.
(B) Kapaligiran
 Gumamit ng malaki at malinaw na mga palatandaan upang matulungan ang
pasyente na malaman ang lugar at oras, gaya ng malalaking orasan at
malalaking kalendaryo.
 Maglagay ng ilawan sa bahay o sa tabi ng kama, upang hindi siya mabalisa
kapag nagising siya sa hatinggabi. Maiiwasan din nito ang siya ay madapa.
 Subukang huwag palitan ang kapaligirang pantahanan, lalo na ang paliguan,
palikuran at kusina.
 Huwag lumipat ng bahay, dahil magiging sanhi ng pagkalito at takot ang
bagong kapaligiran.
(C) Mga pamamaraan ng pakikipag-usap
 Kausapin nang marahan ang pasyente. Gumamit ng maiikli at direktang
pangungusap. Magsabi lang ng isang paksa sa isang pangungusap. Huwag
itong gawing magulo.
 Magtanong ng mga simpleng tanong. Hayaang sumagot ang pasyente ng oo
o hindi. Bigyan siya ng sapat na oras upang mag-isip tungkol sa sagot.
 Ulitin ang tanong kapag nakalimutan niya ito.
 Kung hindi siya kaagad na makasagot, maging matiyaga at himukin siya na
ipahayag ang kanyang mga opinyon at damdamin. Kung hindi pa rin niya
masagot, huwag siyang pilitin. Subukang muli sa susunod na pagkakataon.
 Gumamit ng mga kilos ng katawan. Tumingin sa mata kung nagsasalita ka o
nakikinig sa pasyente. Magbigay ng tugon gaya ng pagtango ng iyong ulo.

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 10
(D)Others
(D) Iba pa
 Kapag tumatangging sumali ang pasyente sa mga aktibidad, huwag siyang
pilitin.
 Kung gusto mong gumawa ang pasyente ng mga bagay na hindi pa siya
pamilyar o pumunta sa mga kakaibang lugar, bigyan siya ng sapat na oras
upang maka-angkop sa bagong kapaligiran, o samahan siya hanggang
maging pamilyar siya dito.

Ang pagbibigay ng pangangalaga sa isang taong may dementia ay pisikal at


emosyonal na mahirap. Kapag hindi ka na nakikilala ng miyembro ng iyong pamilya
at hindi na maalala ang mga panahong ginugol na magkasama, ikaw ay talagang
nababagabag. Habang natutunan mo kung paano siya alagaan, maaari kang sumali
sa isang pangkat ng suporta, ibahagi ang iyong mga nararamdaman at karanasan sa
iba at magkasamang makayanan ang mga hamon.

DEMENTIA / Tagalog
Copyright © 2016 Hospital Authority. All rights reserved 11

You might also like