Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 87

Jose Rizal

Noli Me Tangere

Salin ni
Virgilio S. Almario

Er Siya
Was? Es dürfte kein Cäsar auf Ano! Di na maaaring makita
curen Bübnen sick zeigen, sa tanghalan ang isang Cesar,
Kein Anton, kein Orest, Isang Anton, isang Orestes,
keine Andromacha mehr? at kahit isang Andromaca?

Ich Ako
Nichts! Man siehet bei uns nur Wala lahat! Makikita lang sa atin
Pfarre, Kommerzienräte ang Pari, Komersiyante,
Fähndruche, Sekretärs oder Abanderado, mga Sekretaryo,
Husarenmajors at mga Opisyal ng Kabayuhan.

Er Siya
Aber ich bitte dich, Freund, Ngunit ang tanong ko, Kaibigan,
was kann denn dieser Misere sinong Dakan ang lilitaw
Groβes begegnen, was kann Sa ganitong mga Hamak? Anong
Kadakilaan ang mangyayari sa
Grobes denn durch sie geschehn?
pamamagitan nila?
(Schiller, Shakespeare Schatten)
(Schiller, Anino ni Shakespeare

Adarna House
Sagisag Pangkalakal ng Adarna House, Inc.
NOLI ME TANGERE
salin ni Virgilio S. Almario

Karapatang-ari © Virgilio S. Almario, 2011

Reserbado ang lahat ng karapatan


kasama na ang karapatan sa reproduksiyon
at paggamit sa anumang anyo at paraan,
maliban kung may nakasulat na pahintulot
mula sa mayhawak ng karapatang-ari. .

Unang limbag ng ikatlong edisyon, 2011


Gawa at limbag sa Filipinas Inilathala ng Adarna House, Inc.

Disenyo ng pabalat ni Robert Dannielle ]. Sinaban


Mga gabay na tanong sa bawat kabanata ni Paolo Ven B. Paculan

ISBN 978-971-508-359-1
Para sa mga puna at mungkahi, tumawag sa Adarna House
sa telepono blg. 352-6765 to 66 and 352-6768 to 70, sumulat sa
109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Brgy. Sacred Heart, Quezon City, 0
kaya naman, mag-e-mail sa adarnahousc@adarna.com.ph.
Sa Aking Inang Bayan

Nakasulat sa kasaysayan ng mga pagdaralita ng sangkatauhan ang isang


kanser na may katangiang napakalubha kaya nagpupuyos sa galit munting di-masaling
at nanggigising ng matatalim na kirot. Anupa’t malimit na nais kitang'tawagan kapag
nasa gitna ako ng mga makabagong kabihasnan, kung minsan upang samahan ako ng
iyong mga alaala, kung minsan upang maihambing ka sa ibang mga bansa, dahil
malimit na tumatanghal sa akin ang iyong mahal na larawang may nakakatulad na
kanser panlipunan. Nilulungggati ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at.
hinahanap ang pinakamabuting paglunas, gagawin ko sa iyo ang ginawa ng mga
sinaunang tao sa kanilang mga maysakit: inila'lzintad sila samga baitang ng templo,
upang makapagmungkahi ng lunas ang sinumang dumating na mananawagan sa
Bathala.
At tungo sa mithiing ito, sisikapin kong ilarawan ang iyong kalagayan nang buong
tapat at walang pangingimi; itataas ko ang bahagi ng lambong na tumatabing sa
karamdaman, isasakripisyo ang lahat alang-alang sa katotohanan, kahit ang
pagmamahal sa sarili, sapagkat, bilang anak mo, ipinagdurusa ko rin ang iyong mga
kapintasan at kahinaan.

Ang May-akda
Europa, 1886
Mga Tala

Mula sa Latin ang pamagat na Noli Me Tangere at sinipi mula sa Ebanghelyo ni


Sanjuan, XX: I 7 nang sabihan ni Hesus si Maria Magdalena: " Huwag mo akong
salangin, sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama..." Sa kaniyang
paghahandog ng nobela "Sa Aking Inang Bayan," iniugnay niya ang siping Bibliko sa
nais niyang itanghal na kanser panlipunan, "isang kanser na may katangiang
napakalubha kaya nagpupuyos sa galit munting di-masaling at nanggigising ng
matatalim na kirot." Ipinaliwanag pa ito ni Rizal sa isang sulat sa Pranses at isinalin ni
Jovita Cascro sa ganito:
"Noli Me Tangere, mga salitang kinuha mula sa ebanghelyo ni San Lucas (sic),
na ang kahulugan ay huwag mo akong salangin. Nasa akda kung gayon ang
bagay-bagay sa ating bayan na hindi napaguusapan kundi ngayon lamang;
napakaselan kaya hindi maaaring salangin ninuman. Ako, tinangka kong gawin
iyong walang may gusto; kinailangan kong sagutin ang mga paninirang-puri na
daandaang taon nang ibinubunton sa atin at sa ating bayan, inilarawan ko ang
kalaga'yang panlipunan, ang buhay, ang ating mga paniniwala, ang ating mga
pag-asa, ang ating mga mithiin, ang ating mga daing, ' ang ating mga hinakdal;
inalisan ko ng maskara ang pakitang-tao na, kunwari’y Relihiyon, dumating dito
sa ating bayan para pamulubihin tayo, para gahasain tayo..."
Bukod sa paghahandog na “Sa Aking Inang Bayan," may epigrap sa portada na
kinuha si Rizal mula sa isang dula ni Freidrich von Schiller. Malimit na hindi isinasama
sa mga salin ng nobela ang siping ito mula sa Shakespeare Schatten (Anino ni
Shakespeare). Sa orihinal na manuskrito ni Rizal, kinopya niya ang tatlong
pangungusap ni Schiller sa Aleman at saka tinapatan ng salin sa Espanyol. Sa
pagsasalin, tinangka ni Rizal na iugnay ang sipi sa sitwasyong kolonyal ng Filipinas
noong panahon niya, kaya ang salin niya sa ikalawang pangungusap ay: Si no vernos
mas que concejales, cras alfereces y secretarios de husares commandantes, y
alguaciles. Samantala, sinikap ng tagasa sa edisyong ito na panatilihin ang orihinal na
mga pangalan ng mga opisyong inilisfa ni Schiller. Ibinatay ang salin sa koleksiyon ng
mga akda ni Schiller na nahi'ram ng tagasalin sa Goethe Institut, Aurora Boulevard,
Lungsod'Qnezon at naging patnubay ang orihinata na pagsasa-Filipino ni Rayvi Sunico,
isang makatang dalubhasa sa wikang Aleman.
Mapapansin din sa pagkopya ni Rizal ang pagkakaiba ng kaniyang lista, ng mga
tauhang klasiko sa ginamit na edisyon ng akda ni Schillcr. Kay Rizal, nakalista si Achill
(na isinalin niyang Aquilcs) sa halip na si Anton. Sa edisyong 110, sinunod ng tagasalin
ang nahiram na edisyon mula sa Goethe Institut.
KABANATA 16

SISA

Madilim ang gabi. Tahimik na natutulog ang mga kapitbahay. Natulog nang matiwasay
at nasisiyahan ang mga pamilyang gumunita sa mga sumakabilang-buhay, nagdasal ng
tatlong bahagi ng rosaryo na may kasamang mga requiem, nagnobena ukol sa mga
kaluluwa, at nagtirik ng maraming kandila sa harap ng mga banal na imahen.
Nakatupad na ang mga mariwasa at makapangyarihan sa kanilang rnga tungkulin
alang-alang sa mga nagpamané sa kanila. Bukas, magbibigay ng dalawang piso sa isa
pang misa ukol sa kani-kanilang hangarin, at isusunod ang pagbili ng bula, ukol sa mga
patay at tigib sa indulhensiya. Maliwanag na hamak higpit ng katarungan sa lupa kaysa
Katarungan sa langit.
Datapwat ang dukha, ang dahop na hindi halos kumikita nang sapat upang
mabuhay at may pangangailangan pang suhulan ang maliliit na pinuno, kawani’t
sundalo upang pabayaan siyang mabuhay nang tahimik, hindi siya natutulog nang
matiwasay gaya ng paniwala ng mga makata ng hari na hindi kaipala nakatikim ng
hapdi ng pagdaralita. Malungkot at naninimdim ang dukha. Sa gabing iyon, kung
bahagya mang nagdasal ay nanalangin namang labis, nagdurusa ang mga mata’t
lumuluha ang puso. Wala siyang mga nobena, hindi alam ang mga jaculatoria, ni ang
mga berso, ni ang mga oremus na kinatha ng mga fraile upang gamitin ng mga walang
sariling isip ni sariling damdamin. Hindi rin niya nauunawaan ang mga iyon.
Dumadalangin sa wika ng kaniyang pagdaralita, tumatangis ang kaniyang kaluluwa ukol
Sa sarili at ukol sa mga yumao na umiibig sa kaniyang kabutihan. Maaaring bumibigkas
ang kaniyang mga labi ng mga pagbati, subalit humihiyaw ng mga hinagpis ang
kaniyang isip at lipos sa himutok. Nasisiyahan na ba kayo, ikaw na pumupuri sa
kahirapan, at kayo, mga aninong nagdurusa, sa payak na dalangin ng dukha at inuusal
s‘a harap ng isang mumurahing larawan sa tanglaw ng isang timsim? O baka ibig ninyo
ng mga kandila sa harap ng mga duguang Kristo, o mga Birheng maliit ang bibig at
salamin ang mata, dili kaya’y mga misa sa Latin na inuusal nang wala sa loob ng mga
saserdote? At ikaw, Relihiyon na itinuturo sa nagdurusang sangkatauhan, nalimutan mo
na ba ang iyong misyong aliwin ang inaapi sa kaniyang pagdaralita at payukuin ang
makapangyarihan sa kaniyang kapalaluan? Bakit ngayon, may mga pangako ka lamang
ukol sa mga mariwasa at ukol sa makapagbabayad sa iyo?
Naglalamay ang kawawang balo sa piling ng mga anak na natutulog, iniisip ang
mga bula na dapat bilhin para sa ikapapayapa ng kaniyang mga magulang at yumaong
asawa. "Piso," aniya. "Isang linggo ng pagmamahal sa aking mga anak ang isang piso,
isang linggong tawanan at kasiyahan, ang kikitain ko sa loob ng isang buwan, isang
baro para sa aking nagdadalaga nang anak..."
"Kailangang patayin mo ang ganiyang lagablab,” wika ng tinig na narinig niyang
nangangaral. "Kailangan mong magtiis." Oo, kailangan! Hindi ililigtas ng Simbahan
nang walang bayad ang mga minamahal na kaluluwa. Hindi namamahagi ng mga
libreng bula; kailangang bilhin. Sa halip na matulog ka kung gabi, magtrabaho.
Samantala, hayaan mong itanghal ng iyong dalaga ang kaniyang malinis'na kahubaran.
Mag-ayuno, sapagkat mahal ang langit! Sadya nga yatang hindi makapapasok sa langit
ang mga dukha!
Lumilipad ang mga pangitaing ito sa puwang sa pagitan ng sahig na
kinalalatagan ng hamak na banig at ng palupu na kinatatalian ng duyan ng bunso.
Maluwag at panatag ang paghinga nito, paminsan-minsang nilulunok ang laway at
umiingit-narianaginip marahil na kumakain ang kaniyang gutom na tiyan sapagkat hindi
nabusog sa ibinigay ng mga nakatatandang kapatid.
Monotonong umaawit ang mga kuliglig at ibinubuldod ang walanghanggan at
Walang-humpay na iisa nilang nota sa mga huni ng kamaksi na nagtatago sa damuhan
o ng bubuli na lumalabas ng lungga para humanap ng pagkain. Hindi na takot sa tubig,
isinusungaw rig tuko ang ulo sa ginwang ng isang punbng uka-uka at saka binubulahaw
ang konsiyerto ng nakakikilabot nitong boses. Umaalulong ang mga aso sa lansangan,
at naniniwala ang nakarinig na mapamahiin na may nakikitang kaluluwa’t anino ang
mga hayop. Datapwat hindi nakikita ng mga aso at ng mga kulisap ang mga lungkot ng
tao, kahit napakarami ng mga ito!
Doon sa malayo sa bayan, sa agwat na isang oras kung lalakarin, nakatira ang
ina nina Basilio at Crispin.'Asawa ng isang walang puéong lalaki, nagsisikap siyang
mabuhay alang-alang sa mga anak habang palaboy-laboy at nagsasabong ang bana.
Madalang ang mgzi pag-uwi ng lalaki ngunit laging kasakit-sakit. Winaldas nito sa bisyo
ang ilang piraso ng alahas ng babae, at nang wala nang maitustos ang matiising si Sisa
sa mga kapritso ng bana, noon nagsimula ang pagmamalupit nito sa kaniya. Mahina
ang loob, higit na malaki ang puso kaysa isip, umibig lamang at umiyak ang alam niya.
Para Sa kaniya, isang diyos a_ng bana at mga anghel ang mga anak. Sapagkat alam
naman ng bana kung gaano niya ito kamahal at kinatatakutan, nagkaugali itong tulad ng
lahat ng mga huwad na diyos. Araw-araw, lalo itong nagiging malupit, di-makatao, at
makasarili.
Nang minsang sumipot ito na mukhang malumbay kaysa dati at sinangguni ni Sisa
tungkol sa balak niyang ipasok na sakriStan si Basilio ay patuloy nitong hinihimas-
himas ang tandang. Hindi ito sumagot ng oo, hindi rin humindi, at kung kikita ng
maraming salapi ang tanging itinanong. Hindi na nangahas gumiit ang babae. Ngunit
dahil sa gipit na kalagayan at sa hangaring matuto ang mga anak na bumasa’t sumulat
sa paaralang bayan, napilitan itong isagawa ang balak. Wala namang sinabi ang lalaki.
Nang gabing iyon, bandang ikasampu’t kalahati o ikalabing-isa ng gabi, nang
kumikislap na ang mga bituin sa langit sapagkat humupa na ang unos, nakaupo si Sisa
sa isang bangkong kahoy, tinatanaw ang ilang sangang malamlam ang ningas sa
kaniyang kalan ng magkakatungkong batong-buhay. Nasa ibabaw ng tungko ang maliit
na palayok ng sinaing; nasa ibabaw naman ng baga ang tatlong tuyo na binili niya nang
tatlo sa dalawang kuwarto.
Nakapangalumbaba niyang minamasdan ang manilawfnilaw at mahinang ningas
ng gatong na kawayan-na madaling maging abo ang baga-nang bumadha sa kaniyang
mukha ang isang malungkot na ngiti. Naalala niya ang nakatutuwang bugtong tungkol
sa palayok at apoy na pinahulaan sa kaniya minsan ni Crispin. Bigkas ng bata:
Naupa sa Maitim, sinulat ni Mapula .
Nang malayo’y kumara-kara.
Kabataan pa siya at mahahalata na may isang panahong maganda siya at
magiliw. Tulad ng kaniyang kaluluwang ibinigay sa kaniyangmga anak, napakaganda
'ng kaniyang mga mata, mahahaba ang pilik at malalim ang tingin. Katamtaman ang
kaniyang ilong, maputla ang mga labi na may kasiyasiyang hugis. Siya ang tinatawag
ng mga Tagalog na kayumangging kaligatan, kayumanggi ngunit malinis' at dalisay ang
kulay.
Gayunman, sa kabila ng kabataan, pinahumpak na ng sakit o kaya ng gutom ang
kaniyang mapupudang pisngi. Sakali mang inaayos pa ang malagong buhok, na dilag at
hiyas ng kaniyang nagdaang panahon, hindi dahil sa hangaring mang-akit kundi
nakamihasnan na. Ipinupusod niya ang buhok sa paraang napakapayak at ni walang
pang-ipit o suklay.
Ilang araw siyang hindi umalis ng bahay upang tapusin ang isang apurahang
patahi. Upang kumita, hindi siya nagsimba noong umagang iyon dahil di kukulangin sa
dalawang oras ang pagpunta sa bayan at pag-uwi. Napipilitang magkasala dahil sa
karukhaan! Nang matapos ang tahiin, madali itong inihatid sa may-ari, subalit nangako
lamang itong magbabayad.
Sa buong maghapon, inasam niya ang mga kaligayahang magaganap
kinagabihan. Batid niyang darating ang mga anak at inisip na ipaghanda sila.
Bumili ng tuyo, pumitas sa kaniyang munting taniman ng pinakamagagandang kamatis
sapagkat pinakapaboritong pagkain iyon ni Crispin, nagsadya sa kaniyang kapitbahay,
kay Pilosopo Tasio na may kahating kilometro ang layo ng bahay, at nanghingi ng
tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok, mga ulam na gustong-gusto
naman ni Basilio. At tigib ng pag-asang nagsaing ng pinakamaputing bigas na siya rin
ang pumulot sa giikan. Sadyang isang hapunang pangkura ang inihanda niya para sa
mga kawawang anak.
Datapwat sinamang-palad niya na umuwi ang bana, inubos ang kanin, ang
tapang baboy-darpo, ang hita ng pato, limang tuyo, at mga kamatis. Hindi kumibo si
Sisa, bagaman waring siya ang kinakain. Nang mabusog, naalala nitong itanong ring
mga anak. Dahil dito, napangiti si Sisa at nasisiyahang ipinangako sa sarili na hindi na
siya maghahapunan dahil hindi sasapat sa tatlo ang natira. Itinanong ng ama ang mga
anak; at para sa ina, mahigit pa ito sa kumain.
Pagkatapos, kinuha ng lalaki ang tandang at umanyong aalis.
"Ayaw mo bang makita sila?" nanginginig na tanong. “Sabi ng Tandang Tasio,
gagabihin sila nang kaunti. Nakababasa na si Crispin...at dala marahil ni Basilio ang
kaniyang sahod."
Saglit na napatigil ang lalaki dahil sa huling balita, nagbantulot, subalit nanaig din
ang kaniyang katutubong anghel. '
“Kung gayon, ipagtago mo ako ng piso!" wika nito’t umalis.
Mapait na napaiyak si Sisa ngunit naalala ang kaniyang mga anak at pinahid ang
luha. Muling nagsaing at inihanda ang tatlong tuyong nalalabi-tig-isa’t kahalati ang
dalawa. '
“Gutom na gutom sila pagdating!" naisip niya. Mahaba ang lansangan at wala
nang puso ang mga gutom'na tiyan.” .
Nakabuhos ang pandama sa bawat kaluskos, natagpuan natin siyang nakikinig
sa kahit pinakamagagaang na yabag. Ang malakas at malinaw, kay Basiliohang
magaan at hindi pantay, kay Crispin, naisip niya.
Umawit ang kalaw sa bundok, dalawa o tatlong ulit na mula nang turnila ang
ulan. Ngunit hindi pa dumarating ang mga anak.
Inilagay niya ang tuyo sa loob ng palayok upang hindi lumamig at lumapit sa
pintuan ng kubo upang tumanaw sa dakong lansangan. Mahinay na Umawit upang
libanginang sarili. Maganda ang kaniyang tinig at kapag naririnig siya ng mga anak na
umaawit ng kundiman, naiiyak silang hindi maipaliwanag kung bakit. Ngunit noong
gabing iyon, nangangatal ang kaniyang tinig at matamlay ni lumalabas ang himig sa
kaniyang bibig.
Tumigil siya sa kaniyang pag awit at tumitig sa karimlan. Walang nanggagaling
sa bayan kundi ang hanging ipinapagpag ang naipong patak ng ulan sa malalapad na
dahon ng saging.
Biglang sumipot sa harap niya ang isang asong itim. May inaamoy-amoy na kung
ano ang hayop sa landas. Kinabahan si Sisa. Dumampot ng isang bato at pinukol ang
aso. Tumakbo itong umaalulong.
Hindi mapamahiin si Sisa ngunit marami na siyang narinig tungkol sa mga kutob
at mga asong itim. Sinaklot siya ng takot. Mabilis na isinara ang pinto at naupo sa tabi
ng ilaw. Kinakalinga ng gabi ang mga pamahiin at, sa bisa ng guniguni, napupun6 sa
mga multo ang papawirin.
Tinangka niyang magdasal, manawagan sa Birhen, sa Diyos upang pangalagaan
ang kaniyang mga anak, lalo n'a ang munting si Crispin. Ngunit wala sa loob na nalimot
ang pagdarasal dahil waring walang iba pang maisip . kundi sila lamang. Ginunita niya
ang mukha ng bawat isa, iyong mga mukhang laging nakangiti sa kaniya, maging sa
panaginip, maging sa paglalamay. Datapwat biglang nanindig ang kaniyang balahibo’t
nandidilat ang kaniyang mga mata. Guniguni lamang o totoo? Nakikita niya si Crispin,
nakatayo sa tabi ng dapugan, doon sa laging inuupuan nito kapag nakikipag-usap sa
kaniya. Wala itong sinasabing anuman ngayon. Nakatingin lamang sa kaniya ang
malalaki nitong mata, naninimdim ngunit nakangiti.
“Ina, buksan po ninyo! Buksan po ninyo, Ina!” anang tinig ni Basilio mula sa
labas. Nanginig si Sisa at naglaho ang pangitain.

Mga Tala
1. bula: dokumento o liham mula sa Papa na nagdudulot ng biyaya o kapatawaran
at ipinagbibili noon ng mga fraile.
2. jaculatoria: pahayag ng mataimtim na pagsamba.
3. oremus: Latin para sa “manalangin tayo." Tinutukoy marahil dito ang mga dasal
at orasyong kinakatha ng mga fraile.

Mga Gabay na Tanong

 Ano-ano ang sinasabi ng kabanata ukol sa pagdarasal, gasrusin, tirahan,


kagamitan, pagkain, pinagkakakitahan, pagmamahal, at pagtitiis ng mga
dukhang tulad ni Sisa?
 Ano-ano ang mga detalye ng pagkatao at kalagayan ni Sisa (kaligayahan at
pagdurusa) at paano nito ipinakikita ang pagkatao at kalagayan ng mga dukha
noong panahon ni Rizal?
KABANATA 17

BASILIO
La vida es sueno
"Isang panaginip ang buhay."

Bahagya lamang nakapasok si Basilio at sumuray itong pabagsak sa bisig ng ina.


Sinaklot si Sisa ng isang di-maipaliwanag na panlalamig nang makita itong nag-
iisang dumating. Ibig niyang magsalita ngunit walang lumabas na tunog. Ibig niyang
yakapin ang anak ngunit wala'ring mahagilap na lakas. Ni hindi siya makaiyak.
Subalit napasigaw siya nang'makita ang dugong dumadaloy sa noo ng bata,
kalakip ang tinig na waring naghihimaton ng pagkapugto ng bagting ng puso.
"Mga anak ko!"
"Wala kang sukat ikatakot, Ina!” ani Basilio. "Naiwan sa kumbento si Crispin."
“Sa kumbento? Naiwan sa kumbento? Buhay?”
Tiningala siya ng bata.
“Aaa! '" bulalas niyang nahalinhan ng matinding galak ang matinding hapis.
Napaiyak si Sisa, niyakap ang anak, pinupog ng halik ang may dugong noo.
“Buhay si Crispin! Iniwan mo siya sa kumbento... At bakit ka may sugat, anak?
Nadapa ka ba?"
At siniyasat niyang mabuti ang sugat.
"Nang dalhin ng sakristan mayor si Crispin, alas-diyes sabi niya ako makaaalis.
Dahil gabi na, tumakas ako. Sa bayan, sinigawan ako ng mga sundalo ng quien viva;
kaya tumakbo ako. Pinaputukan ako at dumaplis ang isang bala sa aking noo. Natakbt
akong hulihin at paglinisin sa kuwartel habang pinapalo, gaya ng ginawa kay Pablo, na
may sakit pa hanggang ngayon.
"Diyos ko, Diyos ko," bulong ng inang nanginginig. “Iniligtas Mo po siya!" '
At idinugtong habang umaapuhap ng panyo, tubig, suki, at isang malaking
balahibo ng tagak: “Isang dali na lang at napatay ka nila! Napatay sana nila ang anak
ko! Hindi iniisip ng mga guwardiya sibil ang mga ina!”
"Sabihin ninyong nahulog ako sa isang puno. Walang dapat makaalam na
hinabol ako." '
"Bakit naiwan si Crispin?" tanong ni Sisa nang magamot ang anak.
Ilang sandali siyang tinitigan nito, saka niyakap at unti-unting isinaysay ang
tungkol sa mga onsa, bagaman walang sinabi tungkol sa mga pahirap na dinanas ng
bunsong kapatid.
Naghalo ang luha ng mag-ina.
"Ang mabait kong si Crispin! Binintangan ang aking mabait na Crispin! Dahil
mahirap kami at kailangang tiisin naming mga mahirap ang lahat!" bulong ni Sisa
habang lumuluhang nakatingin sa tinghoy na nauubusan na ng langis.
Ilang sandali silang nanatiling walang imik.
“Naghapunan ka na ba? Hindi? May kanin at tuyo.”
"Wala po akong gana. Tubig, tubig lang po ang ibig ko.”
“Oo!” malumbay na tugon ng ina. "Alam kong ayaw mo ng tuy6. Ipinaghanda kita
ng iba, ngunit umuwi ang iyong ama. Kawawang anak ko!”
"Umuwi po si ama?" tanong ni Basilio at tulad ng nakagawian, sunuri ang
mukha’t mga kamay ng ina. Nagdulot ang tanong ng anak ng pighati sa puso ni Sisa.
Ganap niya iyong naunawaan kaya maagap na sumagot.
"Umuwi at maraming itinanong tungkol sa inyo. Nais sana niyang makita kayo.
Saka gutom na gutom. Sinabing kung patuloy kayong magbabait ay babalik siyang muli
sa atin."
“Aaa!” putol ni Basilio at sumimangot.
“Anak!” saway ng ina.
"Patawad po, Ina,” taimtim na sagot. “Hindi po ba higit na mabuting tayong tatlo
lamang, kayo, si Crispin, at ako? Ngunit umiiyak kayo. Kalimutan ninyo ang aking
sinabi." .
Bumuntong hininga si Sisa. "Ayaw mo bang ma'ghapunan? Kung gayon, matulog
na tayo dahil gabi na.
Nagsara ng kubo si Sisa at tinabunan ng abo ang ilang buhay pang baga tulad
ng ginagawa ng tao sa mga damdamin ng kaluluwa-tinatabunan ng abo ng buhay na
tinatawag na pagwawalang-bahala upang hindi mamatay sa araw-araw na pakikitungo
ng ating kapuwa tao.
Nanalangin si Basilio at nahiga sa tabi ng inang nagdarasal nang nakaluhod. '
Nakararamdam ng agaw init at lamig, sinikap niyang pumikit habang misip ang
bunsong kapatid na umaasam ding matulog sa gabing iyon kapiling ng ina ngunit nag-
iiiyak marahil ngayon at nanginginig sa takot sa isang madilim na sulok ng kumbento.
Pabalik-pabalik sa kaniyang pandinig ang hibik ng kapatid, tulad ng narinig niya sa tore,
hanggang gusutin ng pagod ang kaniyang mga iniisip. At ipininid ng espiritu ng
panaginip ang kaniyang mga mata.
Nakita niya ang isang silid na may dalawang nakasinding kandila. Hawak ang
pamalong yantok, matamang nakikinig ang kura sa sakristan mayor, na
nagpapaliwanag sa isang wikang banyaga kasabay ang katakot-takot na kompas.
Nanginginig si Crispin at umiiyak na palinga linga sa lahat ng dako, waring may
hinahanap na kung sino o isang mapagtataguan. Binalingan 1to ng kura at yamot na
tinanong. At humaginit ang yantok. Tumakbo ang bath upang magkanlong sa likuran ng
sakristan ngunit sinunggaban siya nito, pinigilan, at iniharap sa galit ng kura.
Nagpumiglas ang kulang-palad, nagtatadyak, nagsisigaw, naglupasay. At gumulong,
bumangon, tumakbo; nadulas, nalugmok, at sinalag ang mga palo sa pamamagitan ng
mga kamay na sugatan, na maliksing itinatago kapag tinamaan, pumapalahaw. Nakita
ni Basilio na namimilipit ang kapatid, iniuuntog ang ulo sa sahig. Nakita niya't narinig na
humaginit ang yantok! Walang pag-asang bumangon ang kaniyang bunsong kapatid.
Saka baliw sa sakit na dinaluhong ang kaniyang mga berdugo't kinagat ang kura sa
kamay. Napahiyaw ito, nabitiwan ang yantok. Ngunit kumuha ng baston ang sakristan
mayor at pinalo sa ulo ang bati na bumagsak na walang-malay. Nang makita ng kura
ang sariling sugat, tinadyakan ang bath. Subalit hindi na ito nagtanggol, hindi na
sumigaw; sa halip, gumulong ito sa sahig na parang tiniban at nagiwan ng mamasa-
masang baka's.
Ibinalik si Basilio ng tinig ni Sisa sa ating daigdig.
"Ano ang dinaramdam mo? Bakit ka umiiyak?"
"Nanaginip ako! Diyos ko!" bulalas ni Basilio at bumangong pinapawisan. "Isang
panaginip lamang iyon. Sabihin ninyo, Ina, isa lamang iyong panaginip. Isa lamang
panaginip! "'
“Ano ang napanaginip mo?”
Hindi tumugon ang bata. Naupo upang pahirin ang luha't pawis.
Nakakumot ang dilim sa buong dampa.
“Isang panaginip, isang panaginip!" ulit 'ni Basilio sa mahinang tinig.
“Ikuwento mo sa akin ang napanaginip mo. Hindi ako makakatulog!" wika ng ina
nang mahigang muli ang anak. '
"Opo," wika nito sa mababang tinig. “Napanaginip ko pong namumulot tayo ng
uhay...sa isang bukid na maraming bulaklak. May bakol ang mga babae na tigib sa
uhay. May bakol din ang mga lalaki na tigib sa uhay...At ang mga bata rin...Hindi ko na
po maalala, Ina. Hindi ko na maalala ang iba."
“Ina, may naisip po akong balak ngayong gabi," ani Basilio makaraan ang ilang
sandaling katahimikan.
"Anong balak?" tanong ng ina.
Si Sisa na mapagpakumbaba sa lahat ay mapagpakumbaba pati sa kaniyang
mga anak. May paniwala siyang higit silang may bait kaysa kaniya.
"Ayoko na pong magsakristan.”
"Bakit naman?"
"Pakinggan po ninyo, Ina, ang naisip ko. Dumating po ngayon buhat sa Espanya
ang anak ng yumaong. Don Rafael na marahil kasimbuti rin ng kaniyang ama. Kung
kaya, Ina, kunin po ninyo si Crispin bukas, hingin ninyo ang sahod ko, at sabihin
ninyong h‘indi na akong magsasakristan. Paggaling na paggaling ko, pupuntahan ko po
si Don Crisostomo. Makikiusap ako na tanggapin nila ako bilang pastol ng mga baka o
kalabaw. Malaki na po ako. Mag-aaral si Crispin sa bahay ni Tandang Tasio, na hindi
namamalo at mabait kahit na hindi naniniwala sa kaniya ang kuta. Ano nga ba' ang
dapat nating ikatakot sa Padre? Maaari pa ba nila tayong gawing higit na mahirap
kaysa kalagayém natin ngayon? Maniwala kayo, Ina, mabait ang matanda. Madalas ko
siyang makita sa simbahan pag walang tao, lumnluhod, nananalangin. _ Maniwala
kayo. Kaya, Ina, iiwan ko na po ang pqgsasakristan. Kaunti lang ang kita, at nauubos
lang sa mga multa. Idinadaing ito ng lahat. Magpapastol ako. Pag inalagaan kong
mabuti ang ipinagkatiwala sa akin, mapapamahal ako sa may-ari. Baka payagan tayong
gatasan ang isang baka para makainom tayo ng gatas. Gustong-gusto ni Crispin ng
gatas! Sino ang makapagsasabi? Baka bigyan tayo ng isang guya pag nakitang mabait
ako. Aalagaan natin at patatabain tulad ng ating inahin. Mangunguha nko sa bundok ng
mga prutas at ipagbibili ko sa bayan kasama ng mga gulay mula sa {ating taniman. At
sa gayon, magkakasalapi tayo, maghahanda ako ng pansilo’t pambitag ng mga ibon at
alamid. Mangingisda ako sa ilog, at paglaki ko pa, mangangaso ako. Maaari din akong
mamutol ng kahoy upang ipagbili, o ibigay sa may-ari ng rnga baka at sa gayon
masisiyahan siya sa atin. Pag makapag-aararo na ako makikiusap ako sa kanilang
ipagkatiwala sa akin ang isang putol ng lupa upang tamnan ng tubé o mais at hindi na
ninyo kailangang manahi hanggang hatinggabi. Magkakaroon tayo ng bagong damit
tuwing pista, kakain tayo ng kame’t malalaking isda. Samantala, mabubuhay akong
malaya, magkikita tayo araw-araw at kakaing magkakasama. At dahil sabi ni Tandang
Tasio, matalino si Crispin, pag-aaralin natin siya sa Maynila. Magtatrabaho ako upang
tustusan siya. Ang ganda po, Ina? At magiging doktor siya. Ano po sa palagay ninyo?"
"Ano ang masasabi ko kundi oo!" sagot ni Sisa at niyakap ang anak.
Napuna niyang hindi isinali ng anak ang kaniyang ama sa hinaharap, at lumuha
siyang tahimik.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalahad ng kaniyang mga balak taglay ang tiwala sa
kaniyang gulang na nakikita lamang ang ibig makita. Oo lamang nang oo si Sisa sa
lahat na para sa kaniya'y mabuti. Bumalik ang antok. Unti-unting namigat ang pagod na
mga talukap ng bati, at ngayon, binubuksan sa ibabaw niya ni Olc-Lukoie ang sinasabi
ni Andersen na magandang payong na hitik sa masasayang larawan.
Makikita ni Basilio ang sarili bilang pastol kasama ang bunsong kapatid.
Nangunguha sila ng bayabas, alpay, at iba pang prutas sa bundok. Palipatlipat sila ng
sanga, magagaang tulad ng paruparo. Pinapasok nila ang mga yungib at minamalas
ang makikinang na dingding. Naliligo sila sa mga bukal, at tila mga gintong pulbos ang
buhangin, at tulad ng mga hiyas sa korona ng Birhen ang mga bato. Inaawitan at
tinatawanan sila ng maliliit na isda, iniyuyuko ng mga halaman ang mga sanga na hitik
sa salapi’t bunga. Pagkatapos, nakita niya ang isang batingaw na nakabitin'sa isang
kahoy, at isang mahabang lubid na pantugtog. Nakatali sa lubid ang isang baka na may
pugad ng ibon sa pagitan ng sungay, at nasa loob ng batingaw si‘Crispin, atbp. Ganoon
ang kaniyang panaginip.
Subalit ang ina, na hindi kasinggulang ng anak at hindi tumakbo nang isang oras,
ay hindi natutulog.
Mga Tala
1. La Vida es sueno: Isang panaginip ang buhay." Pamagat ng isa sa mga
dakilang dula ni Pedro Calderon de la Barca. Angkop na angkop ang epigrap sa
mga balak at panaginip ni Basilio.
2. Andersen: Si Hans Christian Andersen (1805-1875), dakilang manunulat ng
mga kuwentong pambata. Ang kaniyang kapanganakan, Abril 2, ang
ipinagdiriwang na Pandaigdigang Araw ng Aklat Pambata. Lima sa kaniyang
mga katha ang isinalin ni Rizal sa Tagalog upang ipabasa sa mga pamangkin.

Gabay na Tanong

 Ano-ano ang laman ng mga panaginip ni Basilio at ano-ano ang sinasabi ng mga
ito ukol sa kaniyang buhay?
KABANATA 18
MGA KALULUWANG NAGHIHIRAP

Marahil mag-iikapito na nang matapos si Fray Salvi sa kaniyang panghuling misa. Tatlo
ang inialay niya sa loob ng isang oras.
“May sakit ang Padre," sabihan ng mga dcbota. “Iba mg kilos niya sa
nakagawiang banayad at magilas."
Walang kibong hinubad niya ang damit pangmisa, walang tiningnang sinuman, at
walang pinunang anuman.
“Mag-ingat!” bulungan ng mga sakristari. “Tumitindi ang sira! Uulan ng mga
multa, at kasalanang lahat ito ng magkapatid!"
Iniwan niya ang sakristiya upang umakyat sa kumbcnto na may Paaralan sa
silong. Dito sa silong naghihintay ang pito o walong babaeng nakaupo sa isang bangka
at isang lalaki na payao’t dito. Nang makita siyang dumarating, nagsitindig ang mga ito,
at isang babae ang nagpauna upang magmano ngunit napatigil sa gitna ng paglakad
nang nayayamot siyang kumumpas.
"Nawalan kaya ng isang real si Kuripot," bulalas ng babaeng pakutyang tumawa,
dahil nasaktan sa tinanggap. Hindi siya pinahalik sa kamay, siya na cebdora ng
Hermandad, si Hermana Rufa! Ngayon lamang nangyari ito!
“Hindi naupo sa kumpisalan kaninang umaga," dugtong ng Hermana Sipa, isang
matandang walang ngipin. "Mangungumpisal sana ako upang magkomunyon at
magkimit ng indulhcnsiya.” .
"Aba, kawawa naman kayo,” wika ng isang kabataang babae na may mukhang
mapaniwalain. “Nagkamit ako sa linggong ito ng tatlong indulhensiya plenaryo, at
inihandog ko sa kaluluwa ng aking asawa."
“Hindi iyon tama, Manang Juana!” wika ng nasaktang si Rufa. "Sapat na ang
isang plenaryo upang masagip siya sa Purgatoryo. Hindi ninyo dapat aksayahin ang
mga banal na indulhensiya. Gayahin ninyo ako."
“Sa ganang aking higit na marami, higit na mabuti!" nakangiting nga ng
mapaniwalajng si Hermana Juana. “Gayunrnan, paano nga ba ang ginagawa ninyo?"
Hindi agad sumagot ang Hermana Rufa. Nanghingi muna ng buyo, nginuya, tumingin
sa nakapaligid na matamang nakikinig, lumura sa isang tabi, saka nagsimula habang
kumakagat ng maskada.
“Hindi ko sinasayang ang kahit isang 'banal na araw. Mula nang sumapi ako sa
Hcrmandad ay nagkamit na ako ng 457 indulhcnsiya plcnaryo at 760, 598 taon ng
indulhcnsiya. Inililista ko lahat ang nakamit ko dahil ibig ko ng malinis na kuwcnta.
Ayokong mandaya at ayoko ring madaya."
Huminto ang Hermana Rufa at nagpatuloy sa pagnguya ng maskada.
Humahangang minalas siya ng mga babae. Ngunit tumigil ang palakad-lakad na lalaki
at nangungutyang sinabi sa kaniya: "Ako po, sa taéng ito lamang ay nakakuha ako ng
apat na plcnaryong higit sa inyo, Manang Rufa. At mahigit ng sandaang taon, gayong
hindi ako gaanong nagdasal sa taéng ito.”
"Higit pa sa akin? Higit pa sa 689 plenaryo at 994,856 taon?” inis na inis na
paglilinaw ng Hermana Rufa.
"Iyon nga po, nakahihigit ako ng walong plenaryo at mahigit ding 115 taon at sa
ilang buwan lamang," ulit ng lalaking nakakuwintas ng triaruruming cskapularyo' t
rosaryo.
"Hindi naman dapat ipagtaka," sabi ng Rufa na tinanggap ang pagkatalo, "kayo
ang maestro at ang pinuno ng kapatiran sa buong lalawigan."
Ngumiting nalulugod ang lalaki. '
"Hindi nga kataka-taka kung higit sa inyo ang nakamit ko. Ang totoo, maaaring
sabihin na nagkakamit ako ng indulhensiya kahit natutulog."
"At ano ang ginagawa ninyo sa mga indulhensiya, maestro?" sabay-sabay nd
tanong ng apat o limang tinig.
"Ano pa?" sagot ng lalaking nagkibit sa anyong lalong nandurusta. "Itinatapon ko
kung saan saan!”
"Aba, hindi ko kayo mapuputi diyan, maestro!" tutol ng Rufa. "Pupunta kayo sa
Purgatoryo 'dahil sa pagsasayang ng indulhensiya! Batid ninyong nagdurusa ng
apatnapung araw sa apoy dahil sa isang walang kabuluhang salita sang-ayon sa kuta,
animnapu, sa isang dangkal na sinulid; dalawampu, sa isang patak na tubig.
Mapupunta kayo sa Purgatoryo!"
"Alam ko kung paang lumabas doon!" tiwalang-tiwalang sagot ng Hermano
Pedro. "Marami na akong nailigtas na kaluluwa sa apoy! Napakarami kong ginawang
santo! At bukod sa mga ito, in articula mom's, 'sa paghihingalo' makakukuha pa ako
kung ibig ko ng kahit pitong plenaryo man lamang, at kahit agaw-buhay, maililigtas ko
pa ang iba!"
At pagkasabi nito ay nagmamalaking lumayo.
“Magkagayon pa man, dapat ninyo akong gayahin. Hindi ko sinasayang ang
kahit lsang araw at maayos ang aking tuos. Ayokong mandaya at ayoko ring madaya!"
"Ano nga ang ginagawa ninyo?" tanong ng Juana.
"Aba, gayahin ninyo ako. Halimbawa, ipagpalagay ninyong nagkamit ako ng
isang taéng indulhcnsiya. lnihlista ko ito sa aking kuwadcmo at sinasabi: Pinagpalang
Ama na Poong Santo Domingo, pakitingnan po ninyo kung may nangangailangan sa
Purgatoryo ng isang taon, walang labis o kulang na araw. Magkakara-krus ako. Pag
kara, wala; pag krus, mayroon. Ipagpalagay nating krus, kung gayon isusulat kong ==
Nakolekta na. Kung kara, mananatili sa akin ang indulhensiya, at sa paraang ito,
pinagbubukod-bukod kong tigsasandaang taon na inililista kong mabuti. Sayang dahil
hindi magagawa sa mga ito ang ginagawa natin sa salapi. Kung maaari kong
pagtubuan, higit pa sanang maraming kaluluwa ang maililigtas. Maniwala kayo sa akin,
gawin ninyo ang ginagawa ko."
"Aba, higit na mabuti ang ginagawa ko!" sagot ng Hermana Sipa.
"Ano? Higit na mabuti?" nagtatakang tanong ni Rufa. “Hindi maaari. Wala nang
hihigit sa ginagawa ko."
"Makinig muna kayo kahit sandali at maniwala kayo, Manang Rufa!" sagot ng
matandang Sipa nang may anghang ang tinig. .
"Tingnan natin! Pakinggan natin!" sabi ng iba. Matapos ang isang maarteng ubo,
ganito ang sinabi ng matanda.
"Alam na alam na ninyo sa pagdarasal ng Bendita-sea-tu-Preza at Senor-mio-
Jesucristo-Padre-dulcisimo-por-el-gozo ay maaaring magkamit ng sampung taon bawat
letra..."
“Dalawampu!” “Hindi, higit na maliit!" "Lima!" sabi ng iba't ibang tinig.
“Humigit o kulangin sa isa, hindi mahalaga! Ngayon, kapag nakabasag ang
katulong ko ng isang plato, baso, o tasa, atbp., pinupulot ko ang lahat ng piraso at sa
bawat isa, kahit ang pinakamaliit, pin'agdarasal'ko ukol sa akin ng Bendita-sea-tu-Preza
at Senor-mio-Jesucristo-Padre-dulcisimo-por-el-gozo at iniuukol ko sa mga kaluluwa
ang mga indulhensiyang nakamtan ko. Alam ito ng lahat sa aking bahay maliban sa
mga pusa.”
Ngunit ang mga katulong ang nagkammit ng mga indulhensiyang iyan at hindi
kayo, Manang Sipa," tutol ng Rufa.
“At ang mga tasa ko't plato, sino ang magbabayad niyon? Nasisiyahan silang
magbayad sa ganoong paraan at gayundin ako. Hindi ko sila pinapalo. Ilang kutos o
kurot lamang."
"Gagayahin ko kayo!" "Gagawin ko rin!" "Ako rin!" sabi ng mga babae.
"Ngunit kung nagkadalawa o tatlong piraso lamang ang nabasag na plato, di
kaunti lamang ang inyong matatamo?" ukilkil pa ng sutil na Rufa.
“Aba!” sagot ng matandang Sipa. "Pinagdarasal ko pa rin sila. Ipinadidikit ko ang
mga piraso, at walang nawala sa amin." Wala nang maitutol ang Hermana Rufa.
"Pahintulutan ninyo akong magtanong tungkol sa isang alinlangan," nakikiming
sabi ng nakababating si Juana. "Kayong higit na nakauunawa sa mga bagay tungkol sa
Langit, Purgatoryo, at Impiycmo...ipinagtatapat kong mangmang ako."
"Magsalita! "
"Malimit kong matagpuan sa mga nobena at ibang aklat ang ganitong habilin:
tres padrenuestros, tres avemarias at tres gloriapatris"
"At ano?"
"Kaya ibig k'ong malaman kung paano dasalin iyon. Tatlo bang sunodsunod na
Ama Namin, tatlong sunod-sunod na Aba Ginoong Maria, at tatlong sunod-sunod na
Luwalhati sa Ama? O tatlong ulit na isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria, at
isang Luwalhati sa Ama?"
"Aba, ganoon nga, tatlong ulit na isang Ama'Namin..."
"Mawalang-galang, Manang Sipa," sabad ni Rufa. "Dapat dasalin ang mga iyon
sa unang paraan. Hindi dapat ihalo 'ang mga lalaki sa mga babae. Mga lalaki ang Ama
Namin, mga babae naman ang Aba Ginoong Maria, at mga anak ang Luwalhati sa
Ama. " '
"E mawalang-galang, Manang Rufa. Ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at
Luwalhati sa Ama ay. katulad ng kanin, ulam, at salsa sa isang pagkain ng mga santo..
"Nagkakamali kayo! Makikita ninyo, kayong ganoon magdasal, hindi ninyo
matatamo kailanman ang inyong hinihingi!"
"At kayo ring kaiba magdasal, wala kayong tatamuhing anuman sa inyong mga
nobena!" sagot ng matandang Sipa.
"Sino?" sabi ni Rufa habang tumitindig. " Kamakailan lamang, nawalan ako ng
isang biik. Nagdasal ako kay San Antonio at nakita ko, kaya naipagbili ko sa mabuting
halaga, aba!"
"Siya nga ba? Kaya pala sabi ng inyong kapitbahay ay ipinagbili ninyo ang
kaniyang biik. "
"Sino? Ang walang-hiya! Kagaya ba ninyo ako? "
Kinakailangang mamagitan ang maestro upang mabalik ang kapayapaan. Wala
nang umungkat sa mga Ama Namin; mga baboy na lamang ang pinagusapan.
"Siya, siya! Huwag na kayong mag-away sa isang biik, mga kapatid! Nagbibigay
sa atin ng halimbawa ang Banal na Kasulatan. Hindi inaway ng mga crehe at
Protestante ang Ating Panginoong Hesukristo nang itaboy sa tubig ang isang kawang
baboy na pag-aari nila. At tayong mga Kristiyano, bukod sa mga kasapi ng Hermanos
del Santisimo Rosario, dapat ba tayong mag-away dahil sa isang biik? Ano na lamang
ang sasabihin sa atin ng ating karibal, ang mga Hermanos Terccros?"
Tumahimik ang lahat na humahanga sa malalim na karunungan ng maestro at
nangangamba sa sasabihin ng mga Hermanos Terccros. Nasiyahan naman ito sa
nakitang pagsunod at iniba ang tonong nagpatuloy.
“Maya-maya, ipatatawag tayo ng kura. Kailangang masabi natin sa kaniya ang
napili nating magsermon sa tatlong iminungkahi niya kahapon. Si Padre Damaso ba, si
Padre Martin, o ang koadyutor? Hindi ko alam kung nakapili na ang mga Terceros.
Kailangan nang magpasiya.”
“Ang koadyutor...” nakikiming bulong ng Juana. "Hmm! Di marunong magsermon
ang koadyutor!” wika ng Sipa. “Higit na magaling si Padre Martin. '
"Si Padre Martin?" nangmarnatang bulalas ng isa Walang boses. Higit na
mainam si Padre Damaso."
Siya na nga!" bulalas ng Rufa. "Tunay na marunong magsermon si Padre
Damaso. Para siyang komedyante, siya na!" "Ngunit hindi naman natin maintindihan,"
bulong ng Juana.
“Napakalalim kasi. At hanggang nakapagsesermong mabuti…"
Sa yugtong ito dumating si Sisa, may sunong na bakol, bumati ng magandang
umaga sa mgzi babae, at pumanhik.
“Pumanhik siya! Purnanhik din tayo!" sabihan ng lahat.
Nadarama ni Sisa na tumatahip ang kaniyang puso habang umaakyat. Hindi niya
alam kung ano ang sasabihin sa Padre upang mapahupa ang galit. Hindi rin niya alam
kung ano ang idadahilan upang ipagtanggol ang kaniyang anak. Sa umagang iyon,
pagbubukang-liwayway, lumusong siya sa kaniyang taniman upang pumitas ng
pinakamagaganda sa kaniyang gulay, mayos niya ang mga ito sa isang bakol sa
pagitan ng dahon ng saging at mga bulaklak. Pumunta siya sa tabing ilog at naghanap
ng pak6 sapagkat alain niyang maibigin ang kinang kumain ng ensalada. Nagbihis siya
ng pinakamaganda niyang damit, at sunong ang bakol na nagtungo sa bayan nang
hindi ginising ang anak.
Sinikap niyang huwag lumikha ng kalatis, marahang pumanhik, matamang
nakikiramdam at baka sakaling marinig ang isang tinig na kaniyang kilala, sanwa,
musmos.
Subalit wala siyang narinig ni nasalubong. Nagtuloy siya sa kusina.
Doon, luminga siya sa lahat ng dako. Matabang siyang tinanggap ng mga
katulong at mga sakristan. Bumati siya ngunit bahagya nang sinagot.
"Saan ko kaya maibababi itong mga gulay?" tanong na hindi nagpapahalatang
nasaktan.
“Doon...‘. Kahit saan!" sagot ng kusincro na hindi halos siya tiningnan at
nakabuhos ang loob sa ginagawa. Nagbabalahibo ito ng isang kapon.
Inayos ni Sisa sa ibabaw ng mesa ang mga talong, ampalaya, patola, sarsalida,
at sariwang talbos ng pakb. At saka inilagay ang mga bulaklak sa ibabaw, bahagyang
ngumiti, at tinanong ang isang katulong sa pag-aakalang higit itong malalapitan kaysa
kusincro.
"Maaari ko bang makausap ang Padre?"
“May sakit," mahinang sagot ng katulong.
“At si Crispin? Nasa sakristiya ba?"
“Si Crispin?" tanong nitong nakakunbt ang noo. "Wala ba sa inyong bahay? Ibig
pa ba ninyong ipagkaila?"
"Nasa bahay si Basilio. Ngunit naiwan dito si Crispin," sagot ni Sisa. Ibig ko
siyang makita.’..”
"Oo nga!" anang katulong. "Naiwan, ngunit pagkatapos...pagkatapos, tumakas,
nagnakaw ng maraming bagay. Pinapunta ako ng kura kaninang maagang-maaga sa
kuwartcl upang ipagbigay-alam sa Guwardiya Sibil. Malamang na nasa bahay na ninyo
sila upang hanapin ang mga bath.”
Tinukop ni Sisa ang mga tainga, ibinuka ang bibig, ngunit walang-saysay na
kumibot ang mga labi. Walang lumabas na anumang tinig.
"Anong uri ng mga anak meron kayo!” dagdag ng kusinero. “Lumilitaw na tapat
nga kayong maybahay, ngunit lumabas na gaya ng ama ang mga anak! Mag-ingat sa
maliit, hihigtan pa yata ang ama!" '
Napahagulgol si Sisa at paupong bumagsak sa isang bangko.
"Huwag kayong umiyak dito!" sigaw ng kusincro. Hindi ba ninyo alam na may
sakit ang Padre? Doon kayo mig-iiyak sa kalye."
Mistulang itinulak na pumanaog ang kahabag-habag na babae sa yugtong
nagbubulong-bulungan at naghahaka ang mga manang hinggil sa sakit ng kura.
Ikinubli ng sawing ina ang mukha sa likod ng panyuwclo at tinimpi ang hikbi.
Paglabas ng lansangan, luminga siyang nagbabantulot. Pagkatapos, waring naipasiya
ang gagawin at nagmamadaling umalis.

Mga Tala
1. real: salaping barya noon.
2. celadora: bantay o inspektor.

Mga Gabay na Tanong

 Ano-anong paghihirap ang makikita natin sa mga kaluluwa sa kzbanatang no at


100-1110 ang ginagawa nila ukol dito?
 Sino-sino ang mga kaluluwang naghihirap sa kabanata? Patunayan ang inyong
sagot.
KABANATA 19
MGA KAPALARAN NG ISANG GURO

El vulgo es necio y pues lo paga, es justo


Hablarle en necio darlo gusto.
(Lope de Vega)

“Hangal ang madla, at ipinagbabayad ito, kaya kailangang Kausaping


pahangal upang mabigyan ng kasiyahan.”

Naliligid ng mga bundok, matiwasay na natutulog ang lawa, taglay ang pagkukunwari
ng kalikasan at waring hindi lumahok sa unos kagabi. Sa unang pagbanaag ng liwanag,
na gumising sa makikinang na nilalang na tumatahan sa tubig, maaaninaw ang mga
abuhing anino sa malayo, halos sa hangganan ng abot-tanaw. Ito ang mga bangkang
pangisda na nag-aahon ng mga lambat; ang mga kasko’t paraw na naglaladlad ng mga
layag.
Dalawang lalaking kapuwa nakaluksahg-luksa ang tahimik na nagmumuni sa
tubigan mula sa isang mataas na pook. Si Ibarra ang isa at kasama niya ang isang
binata na hamak ang anyo at mukhang malungkutin.
“Dito,” wika ng ikalawa. “Dito inihulog ang bangkay ng inyong ama. Dito dinala ng
sepulturero, kami ni Tenyente Guevarra."
Madamdaming kinamayan ni Ibarra ang binata.
“Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin,” wika nito. "Marami akong utang na
loob sa inyong ama at ang tanging naiganti ko'y ang makipaglibing ' sa kaniya. Napunta
ako dito nang walang kakilala, walang rekomcndasyon, walang pangalan, walang
yamang tulad din ngayon. Iniwan ng sinundan ko ang paaralan upang asikasuhin ang
pagtitinda ng tabako. Kinupkop ako ng inyong ama, tinulungang makakuha ng bahay at
binigyan ng lahat ng gamit upang maisulong ang pagtuturo. Dumadalaw siya sa
paaralan at inaabutan ng kaunting salapi ang mahihirap ngunit masisipag na bata,
binibigyan ng mga aklat at papel. Subalit tulad ng lahat ng mabubuting bagay, hindi ito
nagtagal."
Nag-alis ng sombrero si Ibarra at waring nanalanging matagal. Pagkatapos,
bumaling muli sa kasama at sinabi: "Tinulungan wika ninyo ng aking ama ang mga
batang mahirap. Ngayon?"
"Ginagawa nila ngayon ang magagawa at sumusulat kung kailan maaari," sagot
ng binata.
“At ano ang dahilan?"
“Nasa kanilang gulanit na damit at mga matang nahihiya ang dahilan."
Nanahimik si Ibarra.
“Ilan ang mag-aaral ninyo ngayon?" tanong niya na may kalakip na malasakit.
"Mahigit dalawang daan sa listahan ngunit dalawampu't lima sa loob ng klase." “Paano
nangyari iyon?"
Malungkot na napangiti ang guro.
"Kapag sinabi ko sa inyo ang mga sanhi, mag-uulat ako ng isang mahaba’t
nakababagot na kasaysayan," aniya.
"Huwag ninyong ipalagay na ibig ko lamang mag-usisa sa aking tanong," taimtim
na tugon ni Ibarra babaing nakatingin sa malayong abot-tanaw. “May , naisip akong
higit na mabuti. Palagay ko, higit na mabuting isakatuparan ang mga mithiin ng aking
ama kaysa tangisan siya. Lalong higit na mabuti kaysa ipaghiganti siya. Ang Banal na
Kalikasan ang kaniyahg libingan at kaaway niya ang bayan at isang saserdote.
PinatataWad ko ang una dahil sa kamangmangan . nito at iginagalang ko ang ikalawa
dahil sa kaniyang katangian at dahil ibig kong igalang ang Relihiyon n_a nagdudulot ng
edukasyon sa lipunan. Ibig kong pasiglahin ako ng diwa ng nagbigay-buhay sa akin,
kaya ibig kdng malaman ang mga balakid na dapat harapin dito ng pagtuturo."
“Pupurihin po ng bayan ang inyong alaala kapag maisagawa ninyo ang
magagandang layunin ng inyong ama, wika ng guro. "Ibig ninyong mabatid ang mga
balakid na dapat harapin ng pagtuturo? Kung gayon, sa katayuan natin na wala ni isang
tulong na makapangyarihan, hi'ndi kailanman magaganap ang pagtuturo. Una, dahil
walang pangganyak at pampasigla ukol sa mga bati. At pangalawa, kahit mayrbon,
papatayin ito ng pagdarahop sa panustos at ng maraming dapat gawin. Sinasabing sa
Alemanya, nag-aaral ang anak ng magsasaka sa loob ng walong taon sa paaralang-
bayan. Sino kaya sa bayang ito ang magnanais gumamit ng kalahati man lamang ng
panahong iyon kung napakaliit lamang ang mapapala? Nagbabasa sila, sumusulat, at
isinasaulo ang mga bahagi at kung minsan ang buong libro sa Kastila. Ngunit walang
nauunawaan kahit isang salita. Ano kung gayon ang mapapala sa paaralan ng isang
anak ng ating mga magsasaka?
“At kayo, nakita ninyo ang masama. Bakit hindi ninyo inisip lunasan?
"Ay!" sagot nito habang buong lumbay na umiiling. “Ang isang kawawang guro,
nag-iisa, ay walang laban sa mga dapat gawin, sa ilang paniniwala. Bago ang lahat,
kailangang may sariling pook ang paaralan, hindi gaya ngayong nagtuturo ako sa tabi
ng karwahe ng Padre Kura sa silong ng kumbento. Mahilig bumasa nang malakas ang
mga bat‘a, at doon, natural lamang na makagambala sila sa Padre. May mga
pagkakataong bumababa siyang ncrbiyoso, lalo na kung sinusumpong, sinisigawan sila
at hinahamak pa ako kung minsan. Mauunawaan ninyo na sa ganoong kalagayan,
mahirap makapagturo at mahirap matuto. Hindi igagalang ng bath ang guro sa
sandaling makita niyang hinahamak at hindi maipaglaban ang kaniyang karapatan.
Upang pakinggan, upang hindi pag-alinlanganan ang kaniyang autoridad, kailangan ng
guro ang karangalan, mabuting pangalan, katatagang moral, ilang kalayaan.
“Ipahintulot ninyong ilahad ko ang ilang malungkot na pangyayari. Tinangka kong
magpasok ng mga pagbabago at pinagtawanan ako. Upang lunasan ang binanggit
kong kasamaan, sinikap kong turuan ng Espanyol ang mga bata. Sapagkat bukod sa
iniaatas ito ng Gobyerno, pakikinabangan din, palagayko, ng lahat Gumamit ako ng
pinakasimpleng paraan Itinuro ko lamang ang mga parirala at pangngalan nang hindi
gumagamit ng anumang mataas na tuntunin dahil umaasa akong tuturuan ko sila ng
gramatika kapag nauunawaan na nila ang wika. Makaraan lamang ang ilang linggo,
halos nauunawaan na ako ng matatalino at nakagagawa na rin sila ng ilang parirala.”
Napahinto ang guro at waring nag-alinlangan. Pagkatapos, waring makabuo ng
pasiya at nagpatuloy. '
Hindi ko dapat ikahiyang sabihin ang aking mga hinakdal. Gayundin marahil ang
gagawin ng sinumang nasa katayuan ko. Tulad ng sinabi ko, mainam ang_ simula ko.
Ngunit makaraan ng ilang araw, ipinatawag ako‘sa sakristan mayor ni Padre Damaso,
ang kura noon. Sapagkat kilala ko ang kaniyang ugali at natatakot akong
paghintayin'siya, umakyat ako agad, nagbigay-galang at bumati ng magandang araw sa
Kastila. Iniabot niya ang kamay upang pagmanuhan ko, saka binawi. Hindi ako sinagot
at humalakhak nang nangungutya. Nalito ako; kaharap ang sakristan mayor. Hindi ko
malaman ang sasabihin sa sandaling iyon. Pinagmasdan ko siya ngunit patuloy siya sa
paghalakhak. Nawawalan na ako ng hinahon. Nadarama ko ang sariling gagawa ng
kapusukan, sapagkat hindi magkasalungat ang pagiging mabuting Kristiyano at
pagiging marangal. Tatanungin ko sana siya nang biglang maghunos sa pagkutya ang
halakhak at padustang sinabi: ‘May bueno: dim, ha? Buenos alias! Magaling! Marunong
ka nang mag-Espanyol!’ At ipinagpatuloy ang paghalakhak.”
Hindi napigil ni Ibarra ang isang ngiti.
“Matatawa kayo," sagot ng gurong natawa rin. "lpinagtatapat kong hindi ko man
lamang nadama noon ang pagtawa. Sa pagkakatayo, pakiramdam ko'y sumulak ang
dugo sa ulo ko at pinagdilim ng isang kidlat ang aking utak. Malayo ang tingin ko sa
kura, napakalayo. Humakbang ako palapit sa kaniya upang sumagot, kahit hindi ko
alam ang sasabihin. Pumagitna sa amin ang sakristan mayor. Tumindig ang kura at
matigas na sinabi sa akin sa Tagalog: ‘Huwag mo akong gagamitan ng mga hiram na
gamit. Makontcnto ka sa iyong wika at huwag mong sirain ang Espanyol na hindi para
sa inyo. Kilala mo ba si Maestro Ciruela? Aba, isang maestro si Cirucla na hindi
marunong bumasa pero nagbukzis ng eskuwelahan Ibig ko sanang pigilin, ngunit
pumasok sa kaniyang silid at b'uong dahas na isinara ang pinto.
"Ano ang magagawa ko? Halos di-magkasiya ang aking suweldo. Upang
masingil ito, kailangan ko pang kunin ang pagpapatibay ng. kuta at magsadya sa
kabesera ng probinsiya. Ano ang magagawa ko laban sa kaniya? Siya ang
pangunahing kapangyarihang moral, pampolitika, at sibil sa bayan. Tinatangkilik siya ng
Korporasyon, kinatatakutan ng gobyerno; mayaman, malakas, sinasangguni,
pinakikinggan, pinaniniwalaan, at laging pinaglilingkuran ng lahat. Kung kjnutya ako,
dapat akong magsawalang-kibo. Kung sasagot ako, aalisin ako sa aking tungkulin,
mawawalan ng karera habang-buhay, at wala igong idudulot na kabutihan sa pagtuturo.
Sa halip, papanig ang lahat sa kuta. Kasus uldaman ako, at tatawaging pasikat,_ palalo,
hambog, masamang Kristiyano, masama ang pinag-aralan, at hanggang kaaway ng
Espanyol at Glibustcro. Hindi inaasahang maging marunong o masipag ang guro.
Hinihingan lamang siya ng pagtitimpi, pagpapakumbaba, pagsunod sa agos. At
patawarin ako ng Diyos kung tinalikuran ko ang aking budhi t bait. Ngunit isinilang ako
sa bayang 1to, kailangan kong mabuhay, may ina ako, kaya ipinaubaya ko ang sarili sa
aking tadhana tulad ng bangkay na tangay ng alon."
“At dahil sa balakid na ito'y ganap na kayong nasiraan ng loob? At iyon ang
naging buhay ninyo pagkatapos?"
"Kung natuto nga sana ako!" ang sagOt. "Hanggang doon na lamang sana ang
kasawian ko! Totoong mula noon, nasuklam na ako sa aking karera. Inisip kong
humanap ng ibang gawain, tulad ng sinundan ko, sapagkat humihirap ang trabaho
kapag ginagawa nang mabigat sa loob at ikinahihiya. At sapagkat araw-araw,
ipinaaalala ng paaralan ang kahihiyan ko, nagiging napakapait sa akin ang pagdaan ng
mga oras. Ngunit ano ang magagawa ko? Hindi ko maaaring biguin ang aking ina.
Kailangang sabihin ko sa kaniya na nagdudulot sa akin ng ligaya ngayon ang karerang
ito na bunga ng kaniyang tatlong taéng sakripisyo, Kailangang papaniwalain ko siya na
napakarangal nitong propesyon, kasiya-siya ang gawain, hitik sa mga bulaklak ang
landas, nagbubunga lamang lagi ng kaibigan ang pagtupad ko sa tungkulin, at
iginagalang ako ng bayan at binubusog sa tangkilik. Kung hindi, bukod sa hindi huhupa
ang aking lungkot, makapagdudulot pa ako ng sama ng loob sa aking ina, isang bagay
na walang saysay at kasalanan pa. Anupa’t nanatili ako sa aking tungkulin at pinilit kong
huwag panawan ng sigla. Nagsikap akong lumaban."
Tumigil sandali ang guro at saka nagpatuloy.
"Mula noong araw na dustain ako, sinuri ko ang sarili at nakita ko na talaga
ngang napakamangmang ko. Nag-aral ako araw-gabi ng Espanyol at lahat ng kaugnay
sa karera ko. Pinahiram ako ng Tandang Tasio ng ilang libro. Binasa kong lahat ang
aking mahawakan, at sinuri kong lahat ang aking binasa. Binago ang aking pananaw ng
mga bagong kaisipang napulot ko kung saan-saan, at nakita ko 'ang maraming bagay
na kaiba kaysa dati kong pananaw. Nakita ko ang mga kamalian sa dating makikitaan
ko lamang ng mga katotohanan, at ang mga katotohanan sa mga bagay na ipinalalagay
ko dating mali.
"Ang pagpalo, halimbawa, na katangian mula’t'sapul ng mga paaralan. Itinuturing
ito noon na tangi't mabisang paraan upang matuto ang baté-kung hindi man
nakamihasnan nating maniwala na ganoon nga-ngunit napagwari ko nang lumaon na
hadlang sa pagsulong ng bati at nakasisirang lubha sa kaniyang katauhan. Nakumbinsi
ako na hindi makapag-iisip ang bata kapag nakakikjta ng pamalo o mga bagay na
pandisiplina. Nililito ng takot at sindak kahit ang'pinakapayapang kalooban, bukod sa
buhéy na buhéy at madaling pagkintalan ang isip ng bati. Maidadagdag pa, upang
maikintal 'ang isang idea'sa utak ng bati, kailangang maghari ang kapayapaan, sa loob
at sa labas. Kailangang umiral ang katahimikan ng espiritu, ang katiwasayang materyal
at moral, at ang mabuting kalooban. Naniniwala ako na‘bago ang lahat, dapat ikintal sa
mga bath ang pagtitiwala, kapanatagan, at pagpapahalaga sa sarili. Nauunawaan ko rin
na pinapawi ng araw-araw na pagpapakita ng pamamalo ang kabanalang nasa puso at
pinapatay ang ningas ng karangalan, na siyang tumitimbang sa daigdig. Nawawala
kasabay nito ang hiya na mahirap ibalik. Napuna ko rin na kapag napalo, ikinatutuwa
niyang makitang nagdusa rin ang iba, at nangingiti ng kasiyahan kapag pinakikinggan
ang hikbi ng iba. At siyang naatasang pumalo, sumusunod siya sa unang araw nang
mabigat ang loob.
Ngunit nasasanay din siya at nagtatamo ng aliw sa kaniyang malungkot na
tungkulin. .
“Nangilabot ako sa nakaraan, kaya ninais kong baguhin ang lumang kairalan
upang mailigtas ang kasalukuyan. Sinikap kong maging magiliw at kalugod-lugod ang
pagtuturo. Ninais kong baguhin ang larawan ng kartilya hindi isang munting librong itim
na tigmak sa mga luha ng kamusmusan kundi isang kaibigang naghahandog ng
pagkakataon upang tuklasin ang maraming kagila-gilalas na lihim. Hindi isang pook ng
hinagpis ang paaralan kundi isang pugad upang pagliwaliwan ng isip. Kaya nga unti-
unting itinigil ko ang pamamalo, iniuwi ko sa bahay ang mga parusa at pinalitan ko ng
pampasigia kakulangan ng pagsisikap at hindi kailanman sa kakulangan ng kakayahan.
Pinapaniwala ko sila na may higit silang kakayahan kaysa talagang ginagamit nila, at
ang paniwalang ito na sinikap nilang patunayan, ang nagtulak sa kanilang mag-aral,
gaya rin naman ng paguuwala sa sanli na humahantong sa kabayanihan.
“Sa simula, waring mahirap isagawa ang pagbabago. Maraming tumigil sa pag-
aaral. Ngunit nagpatuloy ako at napansin kong unti-unti silang sumisigla… Higit na
maraming bati ang pumasok at higit na malimit. Kapag may isang napuri minsan sa
harap ng lahat, ibayo ang kaniyang pag-aaral kinabukasan.
“Mabilis na nabalita sa bayan na hindi ako namamalo. Ipinatawag ako ng kura.
Sa pangamba kong maulit ang nangyari na, matabang akong nagbigaygalang sa kaniya
sa Tagalog. Napakaseryoso niya sa pagkakataong ito. Sinabihan akong sinisira ko ang
mga bati, sinasayang ko ang panahon, hindi ko tinutupad ang aking tungkulin, ang
amang hindi namamalo ay galit sa kaniyang anak, sinasabi ng Espiritu Santo na la letra
con sangre emm, atbp., atbp. Binigkas sa akin ang isang bahagi ng mga kasabihan sa
panahong barbaro, na wari bang sapat nang sinabi ng matatanda ang isang bagay
upang hindi na pagtalunan. Alinsunod sa mga ito, dapat nating paniwalaan na totoong
nabuhay ang mga halimaw na likha ng panahong iyon at iniukit sa itinayong mga
palasyo’t katedral noon. Sa dulo, ibinilin sa akin na maging masipag at bumalik sa
lumang paraan sapagkat kung hindi y isusumbong niya ako sa alkalde.
“Hindi natapos dito ang aking kasawian. Makalipas ang ilang araw, nagtipon sa
silong ng kumbcnto ang mga magulang ng mga bati. Kinailangan ko ang buo kong
hinahon at pagtitiis. Sinimulan nilang purihin ang mga sinaunang panahon, noong
katangi-tangi ang mga guro at nagtuturo sa paraang tulad ng kanilang mga ninuno. ‘Sila
ang mga tunay na paham!’ anila ‘Namamalo’t hinuhutok ang mga punbng baluktot.
Hindi sila mga kabataan. Magugulang . silang maraming karanasan, mauban, at
mahihigpit! Si Don Catalino, ang hari nilang lahat at tagapagtatag ng paaralang iyon,.
hindi siya kailanman'namalo nang kulang sa dalawampu't lima. Kaya may mga anak na
paham at pairi. Aaa! Nakahihigit ang mga nauna kaysa atin, opo, nakahihigit kaysa
atin!,
"Hindi nasiyahan ang iba sa ganitong magagaspang na pasaring. Tahasang
sinabi na kung ipagpapatuloy ko ang aking pamamaraan, walang matututuhan ang
kanilang anak at mapipilitan silang alisin sa paaralan. Walang saysay mangatwiran sa
kanila. Dahil nakababaté ako, ayaw nilang tanggaping may bait ako. Kahit yata ano
ipagpapalit ko, magkauban lamang ako! Inulit sa akin ang kapangyarihan ng Kura, ni
Ganoon, ni Ganito, at nila mismo. Idiniin na kundi sa mga palo ng kanilang mga guro ay
wala sana silang natutuhan. Bahagyang tinighaw ng ipinahayag na pagpanig sa akin ng
ilang tao ang pait ng panlulupaypay ko.
"Dahil dito, napilitan akong talikdan ang isang pamamaraan na nagsisimula nang
mamunga pagkatapos ng dibdibang pagsisikhay. Lupaypay na ibinalik ko kinabukasan
sa paaralan ang mga pamalo, at muling tinupad ang mabangis kong gawain. Naglaho
ang katiwasayan at muling naghari ang kalungkutan sa mukha ng mga batitng
nagsisimula na sanang«mahalin ako. Silang mga tangi kong kamag-anak, mga tangi
kong kaibigan. Kahit sinikap kong maging madalang at banayad ang pamamalo,
nakaramdam ang mga bati ng malaking sugat, ng pagkaaba, at buong kapaitang
tumangis. Tumimo iyon sa aking puso. At bagaman sa loob ko'y naiinis ako sa kanilang
mga mangmang na pamilya, hindi ko maatim paghigantihan ang mga walang malay na
biktima ng kamalian ng kanilang magulang. Pinapaso ako ng kanilang luha; nagpuputok
ang aking dibdib. At sa araw na iyon, nilisan ko nang maaga ang klase at umuwi ako
upang mag-isang umiyak. Marahil, nagtataka kayo sa pagkamaramdamin ko, ngunit
kung kayo ang nasa katayuan ko, mauunawaan ninyo. Sinabi sa akin ng ' matandang
Don Anasracio: Humihingi ng palo ang mga magulang? Bakit hindi sila ang bigyan
ninyo? Dahil sa nangyari, nagkasakit ako."
Naninimdim na nakinig si Ibarra. '
“Hindi pa ako gaanong magaling, pumasok na ako at natagpuang limang
bahagdan na lamang ang natira sa tinuturuan ko. Hindi na pumasok ang mahuhusay
dahil sa pagbalik ng lumang pamamaraan, at sa mga natira, pumapasok ang ilan upang
tumakas sa mga gawaing pambahay. Walang nagpakita ng kaligayahan, walang bumati
sa paggaling ko, Hindi mahalaga sa kanila kung gumaling ako o hindi. Marahil, higit pa
nilang nais na manatili akong may sakit, sapagkat ang kapalit ko, kahit na higit na
namamalo ay madalang namang lumitaw sa klase. Ang ibang tinuturuan ko, iyong
pinipilit pumasok ng kanilang magulang, ay nagsisiliban upang maglibot kung saan. Ang
isa, gayunman, anak ng isang babaeng tagabukid na dumalaw sa akin noong may sakit
ako, ay hindi na bumalik sapagkat nagsakristan. Sinabi ng sakristan mayor na hindi
dapat mamalagi sa paaralan ang mga sakristan. Bumababi diumano ang kanilang
katayuan.”
“At nasisiyahan ba kayo sa inyong mga bagong tinuturuan?" tanong ni Ibarra.
“May iba pa ba akong magagawa?" ang sagot. "Gayunman, maraming nangyari
noong may sakit ako. Nahalinhan ang aming kura. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa
at binalak kong gumawa ng panibagong pagsubok upang hindi lubos na masayang ang
panahon ng mga batii't mapakinabangan ang mga palo. Upang magkabunga, kahit
paano, ukol sa kanila ang kahihiyang inaabot nila, naisip ko. Ngayong hindi na nila ako
maaaring mahalin, ibig kong may malabi man lamang sa kanila kahit kaunti na kapaki-
pakinabang buhat sa akin. Upang maalala naman hila ako nang hindi gaanong mapait.
“Batid na ninyo na nasa Kastila ang mga libro ng karamihan sa mga paaralan,
maliban sa Katesismong Tagalog na nag-iiba-iba sang-ayon sa korporasyong
relihiyosong kinabibilangan. ng kuta. Ang mga librong ito'y karaniwang nobena,
tris'ahiyo, katesismo ni Padre Astete, na kapupulutan ng kabanalang nakukuha rin sa
mga libro ng erehe. Sapagkat hindi sila maaaring turuan ng Kastila at hindi rin maaaring
maisalin ko ang napakaraming libro, sinikap kong unti-unting--ipalit ang maiikling halaw
na kinuha ko sa mahahalagang sinulat sa Tagalog, gaya ng libro sa Urbanidad nina
Hortensio at Feliza, ilang maikling patnubay sa Agrikultura, atbp., atbp. Kung minsan,
ako na rin ang nagsasalin ng maiikling akda, gaya ng kasaysayan ng Filipinas ni Padre
Barranera at saka ko idinidikta upang maipon nila sa kuwaderno, na parninsan-minsang
dinadagdagan ko ng mga angkop na puna. Dahil wala akong mapa upang matuman sila
ng heograpiya, kinopya ko ang isang mapa ng probinsiya na nakita ko sa kabesera. Sa
tulong nito at ng mga baldosa ng sahig, , nabigyan ko sila ng ilang idea tungkol sa
bayan. Sa pagkakataong ito, umiingay ang mga babae. Nasisiyahan na ang mga lalaki
sa pagngiti, bunga ng akalang isa lamang ito sa mga kalokohan ko.
“Ipinatawag ako ng bagong kura. At kahit hindi niya ako kinagalitan,
pinagsabihan pa rin ako na ang relihiyon ang una kong pangalagaan. Bago diumano
turuan ng iba ang mga bati, dapat nilang patunayan sa isang pagsusulit na naisaulo
nilang mabuti ang Misterio, Fisagio, at ang Catesismo dc [a Doctrina Christiana.
"Kaya ngayon, nagtatrabaho ako upang gawing loro ang mga bata at maisaulo
nila ang maraming bagay nang hindi nauunawaan ang kahit isang kataga. Marami na
sa kanilang marunong ng mga misteryo at ng trisahiyo. Ngunit nangangamba akong
mabibigo ako kay Padre Astete dahil hindi pa nakikilalang mabuti ng karamihan sa
mag-aaral ang pagkakaiba ng tanong sa sagot at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
At sa gayon tayo mamamatay,
“At nasisiyahan ba kayo sa inyong mga bagong tinuturuan?" tanong ni Ibarra.
“May iba pa ba akong magagawa?" ang sagot. "Gayunman, maraming nangyari
noong may sakit ako. Nahalinhan ang aming kura. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa
at binalak kong gumawa ng panibagong pagsubok upang hindi lubos na masayang ang
panahon ng mga batii't mapakinabangan ang mga palo. Upang magkabunga, kahit
paano, ukol sa kanila ang kahihiyang inaabot nila, naisip ko. Ngayong hindi na nila ako
maaaring mahalin, ibig kong may malabi man lamang sa kanila kahit kaunti na kapaki-
pakinabang buhat sa akin. Upang maalala naman hila ako nang hindi gaanong mapait.
“Batid naninyo na nasa Kastila ang mga libro ng karamihan sa mga paaralan,
maliban sa Katesismong Tagalog na nag-iiba-iba sang-ayon sa korporasyong
relihiyosong kinabibilangan. ng kuta. Ang mga librong ito'y karaniwang nobena,
tris'ahiyo, katesismo ni Padre Astete, na kapupulutan ng kabanalang nakukuha rin sa
mga libro ng erehe. Sapagkat hindi sila maaaring turuan ng Kastila at hindi rin maaaring
maisalin ko ang napakaraming libro, sinikap kong unti-unting--ipalit ang maiikling halaw
na kinuha ko sa mahahalagang sinulat sa Tagalog, gaya ng libro sa Urbanidad nina
Hortensio at Feliza, ilang maikling patnubay sa Agrikultura, atbp., atbp. Kung minsan,
ako na rin ang nagsasalin ng maiikling akda, gaya ng kasaysayan ng Filipinas ni Padre
Barranera at saka ko idinidikta upang maipon nila sa kuwaderno, na parninsan-minsang
dinadagdagan ko ng mga angkop na puna. Dahil wala akong mapa upang matuman sila
ng heograpiya, kinopya ko ang isang mapa ng probinsiya na nakita ko sa kabesera. Sa
tulong nito at ng mga baldosa ng sahig, , nabigyan ko sila ng ilang idea tungkol sa
bayan. Sa pagkakataong ito, umiingay ang mga babae. Nasisiyahan na ang mga lalaki
sa pagngiti, bunga ng akalang isa lamang ito sa mga kalokohan ko.
“Ipinatawag ako ng bagong kura. At kahit hindi niya ako kinagalitan,
pinagsabihan pa rin ako na ang relihiyon ang una kong pangalagaan. Bago diumano
turuan ng iba ang mga bati, dapat nilang patunayan sa isang pagsusulit na naisaulo
nilang mabuti ang Misterio, Fisagio, at ang Catesismo dc [a Doctrina Christiana.
"Kaya ngayon, nagtatrabaho ako upang gawing loro ang mga bata at maisaulo
nila ang maraming bagay nang hindi nauunawaan ang kahit isang kataga. Marami na
sa kanilang marunong ng mga misteryo at ng trisahiyo. Ngunit nangangamba akong
mabibigo ako kay Padre Astete dahil hindi pa nakikilalang mabuti ng karamihan sa
mag-aaral ang pagkakaiba ng tanong sa sagot at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
At sa gayon tayo mamamatay, at gayon din ang susundin ng mga isisilang! At Progreso
ang pinag-uusapan sa Europa!”
"Huwag tayong lubhang manlumo,” wika ni Ibarra habang tumitindig.
“Inaanyayahan ako ng tenyente mayor na dumalo sa isang pulong sa_ tribunal. Ano
ang malay natin, baka doon makatagpo ng sagot sa inyong mga tanong?"
Tumayo rin ang guro, ngunit umiling tanda ng alinlangan, at sumagot: "Makikita
ninyo't ang proyektong binanggit ninyo ay makatutulad din ng sa akin. At kung hindi,
tingnan natin."

Mga Tala
1. Lope de Vega (1560-1635): bantog na mandudulang Espanyol.
2. Buenos dias: "Magandang mga araw," ang pariralang pambati ng mga
Espanyol at katumbas ng ating "Magandang umaga."
3. Maestro Ciruela: isang guro na hindi marunong bumasa ngunit nagtatag ng
isang paaralan sa probinsiya ng Badajoz, Espanya.
4. Kartilya: Sa orihinal, Caftz'lla, maliit na aklat para sa pag-aaral ng alpabeto.
5. la letra con sangre entra: “Pumapasok ang titik kasama ng dugo," ibig sabihin?
tumatalab ang pagtuturo kung may kaakibat na sakit o parusa. Panuntunan ito
noon sa paggamit ng palo bilang paraan ng pagdisiplina sa mga musmos, na
nagiging ' panuntunan din sa abusadong pagtrato ng mayaman sa dukha at ng
kolonyalista sa katutubo.
6. Padre Astete: may-akda ng katesismo sa doktrinang Kristiyano, ipinagtibay na
tcxtbuk sa paaralang primarya, alinsunod sa real dekreto ng 20, Disyembre
1863.
7. Libro sa Urbanidad nina Hortensio at Feliza: maaaring tinutukoy dito ang
popular na aklat sa kabutihang asal a_t kilala bilang Urbana at Feliza (1864) ni
Padre Modesto de Castro.

Mga Gabay na Tanong

 Ihambing ang mga ikinuwento ng maestro sa kasalukuyang kalagayan ng


edukasyon sa bansa sa mga aspekto ng lugar, kagamitan, dangal ng guro,
wikang ginagamit, pagpaparusa, pananaw ng madla, at paghubog sa kritikal na
pag-iisip ng mga mag-aaral.
 Anong mga sistema o paraan ng pag-iisip ang humahadlang sa pag-unlad ng
edukasyon sa bansa?
 Alin sa mga problemang ikinuwento ng maestro ang nananatili sa kasalukuyang
sistema ng edukasyon sa bansa?
KABANATA 20
ANG PULONG SA TRIBUNAL

Labindalawa hanggang labinlimang metro ang haba ng bulwagan at walo hanggang


sampu ang lapad. Pinaputi sa apog ang pader nito ngunit itik sa mga, guhit ng uling, na
pawang pangit kung hindi mahalay at may mga nakasulat pang paliwanag sa
kahulugan. Makikita sa isang sulok at maayos na nakhsandal sa dingding ang sampung
lumang baril kapiling ng mga kinakalawang na sable, espadin, at talibong-ang mga
sandata ng mga kuwadrilyero. '
Sa isang dulo ng sala na may gayak na mararaming kurtinang pula, nakasabit
sadingding ang larawan'ng Kaniyang Kimahalan, na bahagyang natatabingan. Sa ibaba
ng larawan, sa ibabaw ng isang tarimang kahoy, may isang lumang silyon na nakabuka
ang mga sirang katangan ng kamay. Sa harap nito, may mahabang mesang kahoy na
tigib sa mantsa ng tinta, injukit at ikinutkot na mga kalatas at mga unang titik ng
pangalan, katulad ng mga mesa sa tabernang Aleman na puntahan ng mga estudyante.
Mga bangkot silyal1g sira-s1ra ang dagdag sa kabuuan ng muwebles. Ito ang bulwagan
para sa mga pulong ng tribunal, n'g parusa, atbp. Dito magpupulong ngayon ang mga
pinuno ng" bayan at ng mga nayon. Hindi nakikihalo ang partido ng matatanda sa
partido ng kabataan; hindi nila matiis ang isat isa.Kinak211:awan ng unaang partido'ng
konserbatibo, at ng ikalawa ang liberal; at dahil lamang sa pangyayaring ito, lumulubha
ang banggaan nila sa mga bayan-bayan.
"Wala akong tiwala "sa ginagawa ng gobernadorsilyo,” ani Don Filipo, ang puno
ng partido heneral sa kaniyang mga kaibigan.
"Buo na ang Balak niya kaya ipinagpaliban hanggang huling sandali ang
ragtalakay tungkol sa panustos. Alalahanin ninyo na lalabing-isang araw na mg ang
nalalabi 5a atin.”
“At naiwan pa sa kumbento upang makipagusap sa may sakit na kurai" ma ng
isa sa mga kabataan “Hindi bale!’ tugon ng isa pa.
“Naihanda na natin ang lahat. Masama lang g nakakuha ng mayorya ang
panukala ng matatanda"
"Palagay ko, hindi nila makukuha!" ani Don Pilipo Ako ang maghahain anukala
ng matatanda
"Ano? Ano ang sabi ninyo?" tanong ng mga nagulat na nakikinig. "Ang sabi ko,
kapag ako ang unang nagsalita, ipapanukala ko ang ninanais ng ating kalaban."
"At ang atin?" "Kayo ang bahalang magharap ng atin," sagot ng tenyen tc at
pinatungkulan ang isang kabataang kabcsa dc barangay. "Magsalita kayo kapag
natatalo na ako."
"Hindi po namin kayo maunawaan!" wika ng mga kausap na tinitingnan siyang
tigib sa alinlangan.
"Makinig kayo," mahinang sabi ni Don Filipo sa dalawa o tatlong nakikinig.
“Nasalubong ko kaninang umaga ang Tandang Tasio."
“At ano?"
"Sabi ng matanda: 'Higit kayong kinapopootan ng mga kalaban ninyo kaysa mga
idea ninyo. Nais ba ninyong huwag mangyari ang isang bagay? Kung gayon, iyon ang
inyong imungkahi at kahit higit pang mahalaga iyon kaysa isang mitra ay tiyak na
tatanggihan nila. Kapag natalo na kayo, saka hayaang maghanap ng inyong tunay na
nais ang kahit pinakahamak sa inyo, at sasangayunan iyon ng inyong mga kalaban
upang hamakin lamang kayo.’ Ngunit ingatan ninyo ang lihim na ito."
"Ngunit..."
"Kaya ako ang magpapanukala sa ninanais ng ating mga kalaban at dadagdagan
ko pa hanggang maging katawa-tawa. Tahimik! Narito na si Ginoong Ibarra at ang guro.
Bumati sa ibat ibang pangkat ang dalawang binata nang hindi lumahok sa
kanilang mga usapan.
Makalipas ang ilang 'sandaJi, puinasok ang gobemadorsilyo na mukhang
masama ang loob. Siya iyong nakita natin kahapon na may dalang isang arobang
kandila. Pagpasok niya, natigil ang bugong ng bulong-bulungan, nagsiupo ang lahat, at
unti unting naghari ang katahimikan.
Naupo ahg kapitan sa silyong nasa ilalim ng larawan ng Kaniyang Kamahalan,
apat o limang ulit tumikhim, hinaplos ang ulot mukha, itinukod ang siko sa mesa, inalis,
tumikhim muli at paulit-ulit.
"Mga ginoo!" aniya sa wakas at sa tinig na nanghihina. "Nangahas akong
tawagin kayong lahat sa pulong na ito...ehem! ehem! Ipagdiriwang natin ang pista ng
ating patrong San Diego sa ika-12 ng buwang ito…ehem! ehem! Ngayo y ikalawa na..
.ehem! ehem! ' At sinasal dito ng pabugsobugso at tuyong ubo na nagpatigil sa kaniya.
Tumindig sa gayon mula sa bangko ng katandaan ang isang lalaking may
apatnapung taong gulang at mukhang arogante. Siya ang mayamang Kapitan Basilio,
kalaban ng yumaong Don Rafael, isang tao na may paniwalang mula nang mamatay si
Sto. Tomas dc Aquino ay hindi na nakahakbang pasulongang mundo at mula naman
nang lisanin nito ang San Juan de Letran ay umurong na ang Sangkatauhan.
"Ipahintulot ninyo, mga ginoo, na magsalita ako tungkol sa isang mahalagang
bagay. Una akong nagsalita, bagaman may iba ditong may higit na karapatan kaysa
akin. Ngunit una akong nagsalita sapagkat sa palagay ko sa ganitong mga bagay, hindi
nangangahulugang una ang unang magsalita, gaya rin naman ng pangyayaring hindi
nangangahulugang panghuli ang huling magsalita. Bukod' dito, mahalaga ang mga
bagay na sasabihin ko kaya hindi maipagpapaliban ni maipagpapahuli. Kaya nais kong
unang magsalita upang . mabigyan ko ang mga ito ng nararapat na pagpapahalaga.
“Ipahintulot ninyo sa_gayon, mga ginoo, na mauna akong magsaJita sa pulong
na ito na dinaluhan ng napakararangal na tao, tulad ng kasalukuyang Ginoong Kapitan,
ang kapitan pasado at kaibigan ko mulang pagkabata na si Don Julio; ang ating bantog
ria kapitan ng kuwadrilyero na si Don Melchor, at marami pang ibang ginoo na upang
madali’y hindi ko na babanggitin ngunit nakikita ninyo, mga ginoo, na naririto ngayon.
Sumasamo ako sa inyo, mga ginoo, na itulot sa akin ang isang kataga bago magsalita
ang sinuman. Magkapalad kaya akong paunlakan ng Kapulungan ang hamak kong
kahilingan?"
At magalang na yumukod ang orador na bahagyang nakangiti.
“Makapagsasalita na kayo dahil nasasabik na kaming makinig!" wika ng .mga
tinukoy na kaibigan at iba pang kumikilala sa kaniyang galing magtalumpati.
Nasisiyahang tumikhim ang matatanda at pinagkuskos ang kanilang mga palad.
Pagkaraang pahiran ng kaniyang sedang panyo ang pawis, nagpatuloy si
Kapitan Basilio.
Sapagkat naging magiliw at mapagbigay kayo, mga ginoo, sa hamak kong
pagkatao, sa pagpapaunlak na magsalita ako bago ang sinumang naririto,
sasamantalahin ko ang pahintulot na buong pusong ipinagkaloob sa akin, at
magsasalita na ako. Nakikini-kinita ko ang sarili sa gitna ng kagalang-galang na Senado
Romano, senatus populusque romanus na itinatawag natin sa magandang panahong
iyon, na sa kasawian ng sangkatauhan ay hindi na babalik; at hihilingin ko sa mga
Patres Coscripti, na siya marahil itatawag ng paham na si Cicero, kung siya ang nasa
katayuan ko, hihilingin ko, sapagkat kulang tayo sa panahon, at ginto ang panahon
ayon kay Solomon, na ipahayag ng bawat isa sa atin ang kaniyang kuro-kuro tungkol sa
mahalagang usaping ito sa paraang nialinaw, maikli, at payak. Iyon lamang po."
At nasisiyahan sa sarili at sa pakikinig ng mga nasa bulwagan, naupo ang orador
matapos tapunan ng tinging nagmamalaki si Ibarra at ng tinging makahulugan ang
kaniyang mga kaibigan, waring sinasabi sa kanila: "Ano! Mahusay akong magsalita,
ha!"
Ipinukol naman ng kaniyang mga kaibigan ang mga tinging iyon sa dako ng mga
kabataan upang patayin wari sa inggit ang mga ito.
“Makapagsasalita na ngayon ang may ibig, ehem!" wika ng gobernadorsilyo na
naputol ang sasabihin dahil muli siyang sinasal ng ubo at buntong hininga.
Kung pagbabatayan ang katahimikan, walang ibig matawag na isa sa mga patres
conscripts sapagkat walang tumitindig. Sa gayon, sinamantala ni Don Filipo ahg
pagkakataon at hiniling na makapagsalita.
Nagkindatan ang mga konserbatibo af makahulugang naghudyatan.
“Ihaharap ko sa inyo ang aking panukalang ppanustos, mga ginoo, ukol sa pista!"
ani Don Filipo.
“Hindi namin maaaring sang-ayunan," sagot ng isang matandang tisiko at
sagadsa-butong konserbatibo.
“Laban kami!" wika ng ibang kalaban.
Mga ginoo!" ani Don Filipo na pinipigil ang ngiti. “Hindi k0 pa naipapaliwanag ang
proyekto naming mga kabataan at ibig kong ipanukala. Ang malaking proyektqng ito,
natitiyak namin, ay pipiliin ng lahat kaysa anumang maimumungkahi ng aming kalaban."
Lalong ikinainis ng mga konserbatibo ang ganitong pangahas na simula.
Sumumpa sila m corde na mahigpit nilang tututuian. Nagpatuloy si Don Filipo. . .
«Tatlong !ibo't limang daang piso ang aming panukalang panustos. Sa halagang ito,
makapagdaraos tayo ng isang pistang hihigit ang rangya sa lahat ng nakita na natin dito
at kahit sa ating probinsiya at mga kalapit. "
Hmmm!" bulalas ng mga hindi naniniwala. “Gumugol na ang Bayan A ng limang
libo, ang Bayan ng apat na libo. Hmmm! Kahambugan!"
Dinggin muna ninyo ako, mga ginoo, at sasang-ayon kayo!" patuloy ni Don Filipo
na hindi natitigatig."Iminumungkahi kong magtayo ng isang malaking dulaan sa gitna ng
plasa sa halagang 150 piso."
“Hindi sapat ang 150, kailangang maglaan ng 160!” tutol ng isang sagadsa-
butong konscrbatibo.
"Isulat, Ginoong Direktor, ang 200 piso para sa dulaan!" ani Don Filipo.
"Iminumungkahi ko na kontratahin ang komedya sa Tondo upang magpalabas sa pitong
gabing sunod-sunod. Pitong palabas na 200 piso isang gabi ay 1,400.
Isulat ang 1,400, Ginoong Direktor!"
Nagkatinginang nagtataka ang matatanda at kabataan. Ang mga nakababatid
lamang ng lihim ang nanatiling payapa.
"Iminumungkahi ko pa ang malalaking paputok. Wala dapat maliliit na lusis ni
maliliit na ruweda na mga bata’t daJaga lamang ang may ibig. Wala dapat ng mga ito.
Ibig namin ang malalaking bomba at mga higanteng kuwitis. Iminumungkahi ko ang 200
malalaking bomba na dalawang piso ang isa, at 200 kuwitis na gayundin ang presyo.
Ipagagawa_natin sa mga kastilyero ng Malabon." '
"Hmmm!" sabad ng isang matanda. "Isang bombang tigalawang piso. Ni hindi
ako magugulat ni mabibingi. Tigatlong piso dapat."
"Isulat ang '1,000 piso para sa 200 bomba at 200 kuwitis!"
Hindi na nakatiis ang mga konserbatibo. Tumayo ang ilan at nagumpok. '
"Bukod dito, upang makita ng ating mga kalapit-bayan na maluho tayo at labis
ang ating'salapi," patuloy ni Don Filipo na itinaas ang tinig habang mabilis na sumulyap
sa matatanda, "iminumungkahi ko ang sumusunod. Una, apat na hermano mayor ukol
sa dalawang araw ng pista, at ikalawa, sa bawat araw, magtapon tayo sa lawa _ng 200
pritong inahin, 100 relyenong kapon, at 50 litson, tulad ng ginawa noon ni Sila, na
kapanahon ni Cicero, ang kababanggit lamang ni Kapitari Basilio."
“Oo nga, tulad ni Sila? ulit na nalulugod ni Kapitan Basilio.
Tumaas nang ilang antas ang pagtataka.
"Sapagkat dadalo ang maraming mayaman at may baon bawat isa ng libolibong
piso gayundin ngkanilang pinakamagaling na tandang at liyampo at mga baraha,
iminumungkahi kong labinlimang araw ang sabong, pabuksang lahat ang mga bahay-
pasugalan...”
Subalit pinigil siya ng pagtayo ng mga kabataan. Inakala nilang naloloko ang
tcnycntc mayor. Mainitang nagtatalo ang matatanda. “At sa huli, upang di mapabayaan
ang mga ikasisiya ng kaluluwa..." Nilunod ang kaniyang tinig ng ingay at sigawang
nagmula sa lahat ng ulok ng bulwagan. Hindi ito isang kaguluhan lamang. “Hindi!" sigaw
ng sagad-sa-butong konserbatibo. "Ayokong mapuri siya I pagtatagumpay ng pista,
ayoko! Hayaan ninyo ako, hayaan ninyo akong mgsalita!" “Dinaya tayo ni Don Filipo!”
wika ng mga liberal. “Boboto tayo ng laban! [mipat na siya sa matatanda! Bumoto tayo
ng laban!" Walang ginawa ang gobernadorsilyo, na lalo pang lupaypay kaysa dati, mg
maibalik ang kaayusan. Hinintay niyang sila ang magkusa.
Humiling na magsalita ang kapitan ng kuwadrilycro. Pinahintulutan siya. Ngunit
hindi binuksan ang bibig at muling naupong naguguluhan at napapahiya.
Mabuti na lamang at tumindig si Kapitan Valentin, ang moderado sa lahat ng
mga konserbatibo, at nagsalita: “Hindi natin maaaring tanggapin ang panukala ng
tenyente mayor dahil lumalabas na isang kalabisan. Napakarami ang bomba at
napakarami ang gabi ng komedya na maiibigan lamang ng isang kabataang tulad ng
tenyente m'ayor, na maaaring maglamay sa maraming gabi at maaaring makinig sa
maraming putukan nang hindi mabibingi. Sinangguni ko ang mga taong matuwid
magisip, at nagkakaisa-ang lahat sa pagtutol sa panukala ni Don Filipo. Hindi po ba,
mga ginoo?"
"Oo! Oo!" nagkakaisang sabi ng kabataan at ng matatanda. Lugod na lugod ang
mga kabataan na marinig ang katagang iyon mula sa isang matanda.
"Ano ang gagawin natin sa apat na hermano mayor?" patuloy ng isang matanda.
"Ano ang ibig sabihin ng mga inahin, mga kapon, at litsong itatapon sa lawa?
Kahambugan! Sasabihin ng ating mga kalapit-bayan. At pagkatapos, kalahating taon
tayong mag-aayuno. Ano ang pakialam natin kay Sila at kahit sa mga'Romano? Bakit,
inanyayahan na ba nila tayo sa isa man lamang nilang pista? Ako na lamang, wala pa
akong natatanggap na anumang paanyaya, at matanda na ako!" '
"Nakatira ang mga Romano sa Roma na kinaroroonan ng Papa,” bulong sa
kaniya ni Kapitan Basilio.
"Naunawaan ko na ngayon!" bulalas ng matandang hindi natigatig. "Idinadaos
nila marahil ang mga pista kung bihilya at malamang na iniutos ng Papa na itapon sa
dagat ang pagkain upang hindi magkasala. Ano't anuman, hindi dapat tanggapin ang
inyong panukala sa piSta. Hindi maaari, isang kabaliwan!"
Dahil sa matinding pagtutol, iniurong ni Don Fiiipo ang kaniyang panukala.
Nasiyahan sa pagkatalo ng kanilang pinakamalaking kalaban ang mga sagad-sa-
butong konscrbatibo a_t hindi nabahala nang makitang tumindig ang isang batang
kabesa dc barangay at humiling na makapagsalita.
"Ipagpaumanhin po, mga ginoo, kung nangangahas magsalita ang isang
kabataang tulad ko sa harap ng napakaraming taong kagalang-galang dahil sa kanilang
gulang, gayundin sa hinahon at talino. Ngunit sapagkat ang mahusay na orador na si
Kapitan Basilio ay nag-anyaya sa lahat na magpahayag dito ng ' kanilang palagay,
tumulong nawa ang kaniyang makapangyarihang salita upang pahintulutan at bigyan ng
kaduwagan ang kaliitan ang aking pagkatao."
Nagsitangong nasisiyahan ang mga konscrbatibo.
"Magaling magsalita ang kabataang ito!" “Mapagpakumbaba!” "Mahusay
mangatwiran!" ang sabi sa isa't isa.
"Sayang at hindi maalam kumumpas nang husto!" puna ni Kapitan Basilio.
"Ngunit maliwanag naman, hindi niya napag-aralan si Cicero at batang-batii
Pa.,, "Kapag iniharap ko, mga ginoo, ang isang programa o proyekto," patuloy ng
kabataan, "hindi ko iniisip na ipalalagay ninyo itong ganap na mahusay ni tatanggapin
kaya: Ang nais ko, kasabay ng pagsailalim kong muli sa kalooban ng lahat, ay
patuniyan sa matatanda na lagi kaming nag-iisip tulad nila yamang itinuturing naming
amin ang lahat ng ideang napakagilas na ipinahayag ni Kapitan Basilio. '
"Mahusay! Mahusay!" Wikang mga nasisiyahang konscrbatibo. Inihudyat ni
Kapitan Basilio sa kabataan kung paano ikompas ang kamay at iposisyon ang paa. Ang
gobernadorsilyo ang tanging'nananatiling walang imik. Nalilibang ba o nababalisa?
Mukhang kapuwa nalilibang at nababalisa. Masiglang nagpatuloy ang kabataan. .
"Ang panukala ko, mga ginoo, ay mabubuod sa sumusunod: lumikha ng bagong
palabas na hindi natin karaniwang napapanood araw-araw; at sikapin nating huwag
lumabas ng bayan ni waldasin sa pulbura ang salaping najlak. Sa halip, gamitin sd
isang bagay na mahalaga ukol sa lahat."
“Oo nga! Oo nga!" sang-ayon ng mga kabataan. “Iyan ang ibig namin."
"Magaling!" dagdag ng matatanda. '
"Ano ang mapapala natin sa isang linggong komedya na hinihiling ng tenyente
mayor? Ano ang matututunan natin' sa mga hari ng Bohemya at Granada, na nag-uutos
pugutan ang kanilang mga anak na babae o'ibala kaya sa kanyon upang pagkatapos ay
gawing trono ang kanyon? Hindi tayo hari, hindi tayo barbara, ni wala tayong mga
kanyon, at bibitayin tayo sa Bagumbayan kapag tinularan natin sila. Ano sa atin ang
mga prinscsang nakikilahok sa digma, nananaga at nang-uulos, nakikipaghamok sa
mga prinsipe, at gumagalagalang mag-isa sa mga bundok at libis na tila nasa ilalim ng
kapangyarihan ng tikbalang? Sa ating kaugalian, minamahal natin ang katamisan at
kasariwaan sa babae at natatakot tayong makipagkamay sa isang dalaga na may bahid
ng dugo, kahit na sa Moro o sa isang higante ang dugo. Sa atin, inaari nating hamak at
itinuturing nating kasuklam-suklam ang isang lalaking magbuhat ng kamay sa babac,
kahit na isa siyang prinsipe, alfcrcz, o walang-galang na magbubukid. Hindi kaya higit
na mabuting ilarawan natin ang sarili nating kaugalian, nang maituwid ang ating mga
bisyo't kahinaan at maitanyag ang ating mabubuting katangian?"
“Oo nga! Oo nga!" ulit ng kaniyang mga kapanalig.
“May katwiran!" bulong na naglilimi ng ilang matatanda. "Hindi ko naisip iyon
kailanman!" bulong ni Kapitan Basilio. "Ngunit paano ninyo gagawin iyon?" tutol ng
isang mahirap mapahinuhod.
“Napakadali po," sagot ng kabataan. "Dala ko dito ang dalawang komedya, na
natitiyak kong ipapalagay na mahalaga’t kaaliw-aliw ng mabuting panlasa’t kilalang
katalinuhan ng iginagalang na katandaang natitipon dito. Ang Paghahalal ng
Gobernadorsilyo ang pamagat ng isa. Isa itong komedya sa tuluyan, limang yugto,
sinulat ng isa sa kapiling natin dito. Ang ikalawa, siyam na yugto ukol sa dalawang gabi,
ay isang dulang pantastiko at may katangiang satiriko, sinulat ng isa sa pinakamahusay
na makata ng probinsiya, at pinamagatang Maria Makiling. Dahil nakinita naming
matatagalan ang pag-uusap tungkol sa paghahanda ng pista, at natatakot kaming
kapusin sa panahon, lihim kaming naghanap ng magsisiganap at pinapag-aral na sila
ng kanilang mga gagampanan. Inaasahan naming sapat na ang isang linggong
pagsasanay, upang lumabas na mahusay ang kanilang pagganap. Ito, mga ginoo,
bukod sa bago, makabuluhan, at karapat-dapat, ay may isa pang malaking kabutihan-
matipid. Hindi na kailangan ang mga kasuotang pantanghalan; maaaring gamitin ang
atin, ang damit sa karaniwang pamumuhay."
“Sagot ko ang dulaan!" masigasig na pahayag ni Kapitan Basilio. "Kung may
gaganap na mga kuwadrilyero, ipahihiram ko ang sa akin, ipahihiram ko!" wika ng
kapitan ng kuwadrilyero.
“At ako, at ako, kung kailangan ang isang matanda... pautal na wika ng isa pa at
mayabang na itinuwid ang katawan.
"Tinatanggap! Tinatanggap!" sigaw ng maraming tinig. Namutla sa hugs_o ng
damdamin ang tcnyente mayor at nangilid ang luha sa mga mata. Naiiyak sa galit!"
inakala ni Sagad…sa Butong kasalungat at sumigaw.
"Tinatanggap! Tinatanggap nang walang usapan!"
At nasisiyahan sa kaniyang higanti at sa lubusang pagkatalo ng kaniyang
.kalaban, sinimulan niyang purihin ang panukala ng kabataan. Nagpatuloy naman ang
huli.
"Maaring gamitin ang ikalimang bahagi ng salaping malilikom upang
makapagbigay ng ilang gantimpala. Halimbawa, ukol sa pinakamabuting bata sa
paaralan, sa pinakamabuting pastol, magsasaka, mangingisda, atbp. Maaari faydng
magdaos ng paligsahan ng mga bangka sa ilog at sa lawa, karera ng kabayo, palosebo,
at iba pang laro na maaaring lahukan ng ating mga magbubukid. Tinatanggap ko na
dahil sa ating matagal nang kaugalian, kailangan 'natin ang mga paputok-mga ruweda
at kastilyo na magdudulot ng panooring maganda at nakalilibang. Ngunit hindi ako
naniniwala na kailangan natin ang mga bomba na iminumungkahi ng tenycntc mayor.
Upang sumaya ang pista, sapat na rin ang dalawang banda ng musiko. Sa gayon,
maiiwasan ang labanan at awayan ng mga kawawang musikcro. Pumaparito sila upang
pasayahin ang ating pista sa pamamagitan ng kanilang tugtugin ngunit ginagawa nating
tila mga sasabungin. Pagkatapos, umuuwi silang kulang ang bayad at hindi makakaing
maigi, may mga pasa at sugat pa kung minsan.
"Magagamit ang lalabis na salapi tungo sa pagpapagawa ng isang maliit na
bahay upang maging paaralan, sapagkat hindi tayo dapat umasa na bababa ang Diyos
at itatayo iyon alang-alang sa atin. Nakalulungkot na mayroon tayong primera klaseng
Sabungan, ngunit nag-aaral ang ating mga kabataan sa tabi ng kuwadra ng kura. Ito, sa
maikling salita, ang proyekto. Ang pagpapakinis pa nito ay gawain nating lahat."
Isang masayang bulungan ang umalingawngaw sa bulwagan. Pumanig ang
halos lahat sa kabataan, iilan ang nagbulungan.
"Mga bagong-bagay! Mga bagong bagay! Sa ating kabataan...!"
"Tanggapin natin sa ngayon!" wika ng iba. “Hiyain natin siya."
At itinuro ang tenyente mayor.
Nang manumbalik ang katahimikan, sumang-ayon na ang lahat. Kulang na
lamang ang pasiya ng gobernadorsilyo.
Pinapawisan ito, hindi mapalagay, hinaplos ang noo, at sa wakas,
nakapagsalitang'nauutal sa mahinang tinig. '
"Sang-ayon din ako, ngunit… .ehem!" Tahimik na naghintay ang lahat ng nasa
tribunal. "Ngunit?" tanong ni Kapitan Basilio.
“Lubos akong sang-ayon!" ulit ng gobernadorsilyo. Ang ibig kong sabihin.. .hindi
ako sangayon… ang sabi ko, oo, ngunit...
Kinusot niya ng likod ng kamay ang mga mata.
"Ngunit ang kura," patuloy ng sawimpalad. “Iba ang nais ng Padre Kura."
"Ginugugulan ba ng Kura ang pista o tayo ang gumugugol? Nagbibigay man lamang ba
kahit ng isang kusing?" bulalas ng isang tinig na nang-uusig.
Bumaling ang lahat sa pinagmulan ng mga tanong. Naroon si Pilosopo Tasio.
“At ano ang nais ng Kura?" tanong ni Kapitan Basilio.
"Aba, nais ng Padre Kura...ng anim na prusisyon, tatlong sermon, _tatlong
grandeng misa...at kung may salapi pa, komcdyang Tondo at awitan sa mga pagitan."
"Aba, hindi iyan ang nais natin!" sabi ng mga kabataan at ilang matanda.

"Iyon ang nais ng Padre Kura!” ulit ng gobernadorsilyo. "Nangako ako sa (uta na
matutupad ang kaniyang kahilingan."
"Kung gayon, bakit pa ninyo kami pinulong?"
"Iyon na nga, upang sabihin ko sa inyo!"
"At bakit hindi mo sinabi pagsisimula natin?"
“Nais kong sabihin sa inyo, mga ginoo, ngunit nagsalita si Kapitan Basilio at hindi
na ako nagkaroon ng pagkakataon...Dapat sundin ang Kura!”
"Dapat siyang sundin!" ulit ng ilang matanda.
“Dapat sundin dahil kapag hindi, ipabibilanggo niya tayong lahat sa Alkalde!"
malumbay na dagdag ng ilang matanda.
"Kung gayon, sumunod at dumalo kayo sa inyong pistal” bulalas ng mga
kabataan na nagsitindig. "Binabawi namin ang aming ambag."
“Nalikom nang lahat!" wika ng gobernadorsilyo.
Lumapit si Don Filipo at mapait na sinabi sa kaniya: “Isinakripisyo k0 ang aking
pagpapahalaga sa sarili alang-alang sa isang mabuting layunin. Kayo, isinakripisyo
ninyo ang inyong karapatan alang-alang sa masama at idinamay pa ninyo ang lahat. "
Wika ni Ibarra sa guro, "May nais ba kayo sa kabesera ng probinsiya? Aalis ako
ngayon din.” . “May aayusin ba kayo?” & “May aayusin tayo," mahiwagang sagot ni
Ibarra. Sa lansangan, sinabi ng matandang pilosopo kay Don Filipo, na minumura ang
naging kapalaran: "Kasalanan natin! Hindi kayo tumutol nang bigyan kayo ng isang
alipin bilang pinuno. At ako, akong baliw, nakalimutan ko naman!"

Mga Tala
1. tribunal: Ginagamit ito noong katumbas ng luntamiento. Gayunman, tinatawag
ding tribunal ang gusali ng pamahalaangpanlalawigan at pambayan. Sa nobela,
ito ang gusaling pambayan o ang munisipyo.
2. kuwadrilyero: Sa orihinal, cuadril/ero, ang pulis ng mga bayan noon. Dahil
kapos sa pantustos, malimit na kung anoano lamang ang sandatang ginagamit
ng mga kuwadriiycro at malimit ding wala silang sapatos.
3. kabesa de barangay: Sa orihinal, cabeza dc barangg, pinuno ng nayon noon.
Binubuo nang 50-60 mag-anak ang isang barangay.
4. Kapitan: Sa orihinal, capitan, tawag sa gobcrnadorsilyo. 5. San juan de Letran:
Ang Real Colegio de San Juan de Letran, itinatag noong 1640 ni Don ]uan
Geronimo Guerrero upang magdulot ng pagtuturong primarya para sa mga anak
ng dukha at mga naulilang anak ng mga Espanyol. Ipinagtibay ng isang dckrcto
noong 1875 ang pagdudulot nito ng pagtuturong sekundaryo. Itinatag ito sa
Parian, Intramuros at kinalalagyan pa rin ng kasalukuyang kolehiyo, ang College
of San Juan dc Letran.
5. senatus populusque romanus: ang senado at sambayanang Romano.
6. Patres Conscripti: tawag sa mga senador na Romano.
7. Hermano mayor: literal na nangangahulugang "matandang kapatid na lalaki" o
kuya, titulo ng iginagalang at mariwasang lalaki na nagiging punong
tagapangasiwa ng pistang bayan at sumasagot sa malaking bahagi ng gastos sa
pagdiriwang.
8. komedya sa Tondo: tinutukoy ang popular at hinahangaang pangkat pandulaan
sa Tondo, Maynila., Karaniwang palabas noon ang'moro-moro o komedya (mula
sa :amedza de tapa): espada ng Espanya).
9. relyenong kapon: Kinapong manok na inilutong may palamang karne, kabutc,
oliba, soriso, atbp., ang tradisyonal na pagkaing Espanyol kapag Pasko.
10. Sila: Si Lucio Cornelio Sila o Lucius Cornelius Sulla ( 13878 B. C. ), kilalang
diktador na Romano, sinasabing napakahusay na kaibigan ngunit
napakasamang kaaway.
11. liyampo: popular noong sugal ng Tsino.

Gabay na Tanong

 Ano ang sinasabi ng plano ni Don Filipo, talumpati ni Kapitan Basilio, panukala
ring batang kabesa at "ng pagbabalita ng gobernadorsilyo ukol sa
komunikasyon?
KABANATA 21
KUWENTO NG ISANG INA

Andaba incierto - volaba errante


Un solo instante – sin descansar
- (Alaejos)

“Hakbang na di tiyak – takbong tuliro,


Kahit iglap lamang – walang pahinga…”

Tumakbong pauwi si Sisa, saklot ng pagkalitong nagaganap sa atin kapag nasa


gitna ng kasawian at makita nating nilayuan tayo ng lahat at tinatakasan ng pag-asa. Sa
gayong pagkakataon, waring nagdidilim ang lahat sa ating paligid, at kung makakita
tayo ng isang munting liwanag na kumislap sa malayo, tinatakbo natin, tinutugis natin
sukdang may banging bumukés sa gitna ng landas.
Nais iligtas ng ina ang kaniyang mga anak. Paano? Hindi nagtatanong ang mga
ina ng paraan kapag mga [anak nila ang nasasangkot.
Humahangos siyang tumakbo, hinahabol ng kaniyang mga pangamba at
nakakikilabot na mga kutob. Nahuli na kaya ang kaniyang si Basilio? Saan kaya
tumakas ang kaniyang si Crispin?
Paglapit sa kaniyang bahay, natanaw niya ang kapasete ng dalawang sundalo at
nakasabit sa bakod ng kaniyang taniman. Napakahirap ilarawan ang ilaganap sa
kaniyang puso. Nalimot niya ang lahat. Hindi lingid sa kaniya ang kalapastanganan ng
mga taong iyon na walang pakundangan kahit sa pinakamayaman sa bayan. Ano kaya
ang gagawin ngayon sa kaniya at sa kaniyang mga anak na binintangang nagnakaw?
Hindi tao ang mga guwardiya sibil; mga guwardiya sibil lamang sila. Hindi sila dumidinig
ng mga samo at nahirati nang makakita ng luha.
Wala sa loob na tumingala sa langit si Sisa, at nakangiti ang langit sa liwanag na
walang pangalan. Ilang munti’t maputing ulap ang lumulutang sa nanganganinag na
kabughawan. Tumigil si Sisa upang supilin ang panginginig ’na lumukob sa kaniyang
buong katawan.
Paalis na ang mga sundalo sa kaniyang bahay at sila lamang. Walang nahuli
maliban sa isang inahing pinatataba ni Sisa. Huminga siya nang malalim at binalikan ng
sigla.
"Anung buti nila at anung buti ng kanilang puso!" bulong niya na halos maiyak sa
kaligayahan.
Kahit sinunog ng mga sundalo ang bahay, pupuspusin pa rin niya sila marahil ng
papuri kung pinalaya naman ang kaniyang mga anak.
Tumingala muli siya na nagpapasalamat sa langit, na binabagtas noon ng isang
kawan ng tagak-ang magagaang na ulap sa kalangitan ng Filipinas-at nabuhay muli sa
puso ang tiwala, ngunit pinabagal ng hinahon ang kaniyang hakbang.
Hindi pa siya gaanong nakalalayo nang marinig niya ang palalong pagtawag.
Nanginig siya ngunit nagkunwang walang napapansin at nagpatuloy sa paglakad. Muli
siyang tinawag ngunit pasigaw ngayon at may karugtong na paglait. Napalingon siya,
namumutla at nanginginig. Kinawayan siya ng isang guwardiya sibil.
Wala sa loob na lumapit si Sisa, pakiramdam niya'y nanigas sa takot ang
kaniyang dila at. natuyo ang kaniyang lalamunan.
“Magsabi ka ng tomo. Kung hindi, igagapos ka namin sa punbng iyon at
babarilin!” nagbabantang sabi ng _isa.
Tumitig ang babae sa punongkahoy.
"Ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw, ha?” tanong ng ikalawa.
“Ina ng mga magnanakaw!" wala sa loob na ulit ni Sisa.
"Nasaan ang salaping dinala sa iyo kagabi ng iyong mga anak??
“Aa,ang salapi..."
"Huwag mong ipagkaila, lalo kang mapapahamakl," dugtong ng ikalawa’.
“Naparito kami upang hulihin ang mga anak mo." Nakatakas ang nakatatanda. Saan rho
itinago ahg nakababat?
Pagkarinig nito, nakahinga nang maluwag si Sisa.
“Ginoo,” sagot niya. "Matagal nang hindi ko nakikita ang anak kong si . Crispin.
Umasa akong makita siya ngayong umaga sa kumbento, ngunit doon ko lamang
nalaman na..." '
Nagkatinginang makahulugan ang dalawang sundalo.
"Siya!" Bulalas ng isa sa kanila. "Ibigay mo sa amin ang salapi at iiwan ka
namin."
"Ginoo!" samo ng sawimpalad na babae. "Hindi magnanakaw ang mga anak ko
kahit nagugutom. Sa'nay kaming magutom. Hindi ako binigyan ni Basilio ni kahit isang
kusing. Halughugin ninyo ang buong bahay at kung makakita kayo ng kahit isang real,
gawin ninyo ang ibig ninyo sa amin. Kaming mahihirap, hindi kami magnanakéw lahat!"
"Kung gayon," banayad nd sagot ng sundalo at tinitigan sa mata si Sisa,
“sumama ka sa amin. Mapipilitang lumitaw ang mga anak mo at isasauli ang
ninakaw na salapi. Sumama ka sa amin!"
"Ako?...Sasama sa inyo?" bulong ng babaeng napaurong at sindak na napatingin
sa unipormc ng mga sundalo.
“At bakit hindi?”
“Ay, maawa kayo sa akin!” ang samong halos lumuhod. “Napakahirap ko. Wala
akong ginto, ni alahas na maibibigay sa inyo. Kinuha na ninyo ang tangi kong pag-aari,
ang inahing ipagbibili ko sana...Kunin na ninyong lahat ang makita ninyo sa aking
dampa, ngunit iwan ninyo ako dito. Hayaan ninyo akong mamatay dito!"
"Sulong! Kailangang sumama ka, at pag di ka kusang sumunod, igagapos ka
namin." . ,
Buong pait na napaiyak si Sisa. Di-matigatig ang mga lalaking iyon.
“Hayaan man lamang ninyo akong mauna nang bahagya," pakiusap niya nang
maramdam'ang marahas siyang sinunggaban at itinulak.
Naantig ang dalawang sundalo at nag-usap sa mahinang tinig.
"Siya!" sabi ng isa. “Dahil maaari kang makatakbo mula rito hanggang sa
pagpasok ng bayan, kaya pumagitna ka sa amin. Pagsapit natin doon, maaari kang
mauna nang dalawampung hakbang. Ngunit mag-ingat. Huwag kang papasok sa
alinmang tindahan, ni titigil. Sulong at bilisan!"
Walang nangyari sa mga samo, walang nangyari sa mga katwiran, walang '
nangyari sa mga pangako. Sinabi ng mga sundalo na sila ang malalagay sa panganib
kapag labis siyang pinagbigyan.
Nang makinang sarili sa pagitan ng dalawa, 'pakiwari ni Sisa’y mamamatay siya
sa hiya. Totoong wala silang nakasalubong sa daan, ngunit ang hangin at ang sikat ng
araw? May nakikitang mata kahit saan ang lamay na hiya. Tmakpan niya ng panyuwelo
ang mukha at lumakad nang walang nakikita, tahimik na itinatangis ang kaniyang
kahihiyan. Tinatanggap niya ang kaniyang karukhaan, batid niyang pinabayaan na siya
ng lahat at maging ng asawa, subalit hanggang sa pagkakataong iyon, ipinalalagay
niyang marangal ang sarili at kapita-pitagan. Hanggang sa pagkakataong iyon,
tinitingnan niyang nahahabag ang mga babaeng mahahalay manamit at tinatawag ng
lahat na mga kabit ng sundalo. Ngayon, pakiramdam niya, isang baitang pa ang ibinabé
niya kaysa kinalalagyan nila sa hagdan ng buhay.
Narinig niya ang yabag ng mga kabayo. Iyon ang mga naghahatid ng isda sa
mga panloob na bayan. Naglalakbay silang maliit na pangkat ng mga \alaki’t babae,
sakay ng maliliit na kabayo, sa pagitan ng dalawang batulang na nakasampay sa likod
ng hayop. Marami sa kanila ang nakikiinom pagtapat sa kaniyang dampa at binibigyan
siya ng isda. Pagdaan nila ngayon sa tabi niya, pakiwari niya'y nasagasaan siya at
niyuyurakan ng kanilang tingin, nahahabag man o nanlilibak, na naglalagos sa kaniyang
panyuwclo at tumitimo sa kaniyang mukha.
Sa wakas, nakalagpas ang mga biyahero at bumuntonghininga si Sisa. Saglit na
hinawi ang panyuwclo upang tingnan kung malayo pa ang bayan. Ilang pOSte pa ng
telegrapo ang nalalabi bago sumapit sa bantayan. Hindi niya inakala kailanman na
napakahabang lakarin iyon.
May malagong kawayanan sa tabing daan at pahingahan niya ang lilim nito
noong mga (nagdaang panahon. Matamis niyang kaulayaw doon noon ang kaniyang
ka'sintahan. Tinutulungan siya nitong magsunong ng bako! ng prutas at gulay. Ay,
lumipas ang panahong iyon na tila panaginip. Naging asawa ang kasintahan, naging
kabesa de barangay ang asawa, at noon, nagsimulang kumatok sa kaniyang pinto ang
kasawian.
Dahil umiinit na ang araw, tinanong siya ng mga sundalo kung nais niyang
magpahinga.
"Salamat," sagot niyang kinikilabutan.
Subalit sinaklot siya ng totoong takot nang palapit na sila sa bayan. Tigib sa
hapis siyang tumingin sa paligid: malalawak na palayan, isang maliit na kanal ng
patubig, mga punc‘mg payat, at wala ni isang talampas o batuhan na maaari niyang
lagpakan! Nagsisi siya sa pagsunod sa mga sundalo hanggang doon. Naroon sana ang
malalim na ilog at dumaraan malapit sa kaniyang dampa, may matatarik na pampang
na natatamnan ng matutulis na bato, at makapagdudulot ng matamis na kamatayan!
Subalit ang agam-agam niya tungkol sa mga anak, ang anak niyang si Crispin na hindi
pa niya alam ang sinapit, ang tumanglaw sa kaniya kagabi, kaya sumusuko niyang
naibulong: “Pagkatapos…pagkatapos, maninirahan kami sa pusod ng gubat!
Pinahiran niya ang mga mata, nagsikap 'huminahon, at nilinga ang mga
guwardiya habang mahinang nausal: “Nasa' bayan na tayo!"
Hindi mawari ang kaniyang tinig kung dumadaing, sumasamo, tumataghoy. Tila
iyon dasal, malalim na lumbay na namuo bilang tunog.
Naawa ang mga sundalo at tumango bilang tugon. Nabilis na nagpatiuna si Sisa
at nagpilit kumilos nang panatag.
Noon tumugtog ang mga batingaw upang ipatalastas ang pagtatapos ng misa
mayor. Binilisan ni Sisa ang hakbang upang hindi masalubong, kung maaari, ang mga
nagsimba. Subalit bigo siya! Hindi maaaring maiwasan ang pagsasalubong.
Mapait na ngiti ang ibinati niya sa tinging nag-uusisa ng dalawang kakilala. At
pagkatapos, upang maiwasan ang gayong kahihiyan, tumungo at tumingin na lamang
sa lupa. At nakapagtataka! Natatalisod siya sa mga bato sa lansangan.
Sandaling humihinto ang mga tao pagkakita sa kaniya, nag-uusap na
sinusundan siya ng tingin. Nakita niyang lahat ito, nararamdaman bagaman nanatili
siyang nakatungo.
Narinig niya ang isang lapastangang tinig ng babae buhat sa likuran at halos
pasigaw na nagtanong.
“Saan ninyo nahuli? At ang salapi?"
Isang babae itong walang tapis, dilaw at berde ang saya, at gasang asul ang
baro. Mahahalata sa kaniyang bihis na kerida siya ng mga sundalo.
Nakaramdam si Sisa ng sampal. Tila hinubaran siya ng babaeng iyon sa harap
ng madla. Sandali siyang nagtaas ng ulo upang magsawa sa kutya’t uyam. Sa tingin
niya, napakalayo ng mga tao. Malayong-malayo sa kaniya, datapwat nararamdaman
niya ang lamig ng kanilang titig at naririnig ang kanilang bulungan. Lumakad ang
kahabag-habag na babae nang hindi nararamdaman ang lupa.
"Hoy, dito!" sigaw ng isang guwardiya.
Tulad ng isang automata na nasiraan ng kontrol, mabilis na umikot ang kaniyang
mga sakong. At walarig nakikita, walang iniisip, tumakbo upang magtago. Nakatanaw
siya ng isang pintong may bantay at tinangka niyang , pasukin. Ngunit isa pang higit na
makapangyarihang tinig ang pumigil sa kaniya. Pasuling-suling na tinungo niya ang
pinagmulan ng tinig. Naramdaman niyang may nagtutulak sa kaniya. Pumikit siya,
humakbang nang dalawa, at nauupos na pinabayaan ang Sariling humandusay,
paluhod muna at saka paupo. Isang panaghoy na walang luha, walang sigaw, walang
ay-ay!, ang pabugso-bugsong nagpakatal sa kaniya.
Iyon ang kuwartel. May mga sundalo doon, mga babae, mga baboy, at mga
inahin. Nananahi ang ilan ng kanilang damit samantalang nakahiga sa bangk6 ang
kerida, nakaunan sa hita ng lalaki, naninigarilyo, at nababagot na nakatingin sa
bubungan. Tumutulong ang iba sa mga lalaki na maglinis ng mga adorno ng kasuotan,
ng mga sandata, atbp., a't katamtaman ang lakas na kumakanta ng malalaswang awit.
"Mukhang nakatakas ang mga sisiw! Inahin lang ang dala ninyo!" bati ng isang
babae sa mga bagong dating. Hindi matiyak kung si Sisa ang tinukoy o ang inahin na
patuloy na pumuputak.
"Oo, lagi namang higit na mahalaga ang inahin kaysa mga sisiw!" sagot nito sa
sarili nang makitang hindi kumibo ang mga sundalo.
“Nasaan ang sarhento?” nayayamot na tanong ng isa sa mga guwardiya sibil.
"Ipinaalam na ba sa alferez?"
Mga kibit ng balikat ang tugon ng mga lalaki. Walang nag-abalang alamin ang
kapalaran ng kahabag-habag na babae.
Dalawang oras siyang naroon sa kalagayang halos tulala, nakatalungko sa isang
sulok, nakasubsob sa kaniyang mga bisig na nakapatong sa tuhod, magulo at gusot
ang buhok. Tanghali na nang makarating ang pangyayari sa alferez. At nagsimula siya
sa pamamagitan ng hindi paniniwala sa sumbong ng kura.
“Baa! Gawa-gawa lamang iyan ng kuripot na fraile!" aniya at iniutos na palayain ang
baUae at pawalang-saysay ang sumbong:
“Kung nais niyang mabawi ang nawala," dagdag niya, "hingin niya kay San
Antonio o kaya magsumbong siya sa Nuncio! Alis na!"
Dahil dito, itinaboy si Sisa palabas ng kuwartel, itinulak halos dahil ayaw kumilos.
Nang matagpuan ang sarili sa gitna ng lansangan, wala sa loob na lumakad siya
patungo sa kaniyang bahay, nagmamadali, walang pindong ang ulo, at nakatitig sa
malayong-malayo. Nagliliyab ang araw sa itaas at wala ni isang ulap na tumatabing sa
nagluluningning na bola. Nanghihinang ginagalaw ng simoy ang mga dahon ng
punongkahoy. Tuyong-tuyo na ang daan. Walang ibong nangangahas umalis sa lilim ng
mga sanga.
Sumapit sa wakas si Sisa sa kaniyang bahay. Pumasok siya, magbihis, tahimik.
Tumingin-tingin, lumabas, at lumakad-lakad sa iba’t ibang dako. Pagkatapos, tumakbo
sa bahay ng matandang Tasio, kumatok sa pinto, ngunit wala ang matanda. Nagbalik
ang sawimpalad sa kaniyang baha}! at nagsimulang pasigaw na tumawag: Basilio!
Crispin! Panaka-nakang humihinto at matamang _ nakikinig. Inulit ng alingawngaw ang
kaniyang tinig. Ang matamis na aliwiw ng tubig sa kalapit na ilog, ang tugtugin ng mga
dahon ng kawayan ang mga tanging tinig ng pamamanglaw. Muli siyang tumawag,
umakyat sa isang dalisdis, bumaba sa libis, lumusong sa ilog, pasuling-suling ang mga
matang may nakabadhang kakila-kilabot, pinagliliyab paminsan-minsan ng matinding
ningning, saka nagdidilim tulad ng langit sa gabing maunos. Maaaring sabihin ' na
umaandap-andap na ang ilaw ng bait at malapit nang mamatay.
Bumalik siya at pumanhik muli sa kaniyang dampa, naupo sa banig na hinigan
marahil kagabi, tumingala at nakita ang isang pilas ng baro ni Basilio sa dulo ng isang
kawayang tabiki, na katapat ng bangin) Tumindig siya, kinuha ito at sinuri sa liwanag ng
araw. May bahid ng dugo ang pilas. Subalit tila hindi iyon nakita ni Sisa sapagkat
nanaog siya at patuloy na siniyasat ito sa gitna ng nagliliyab na sinag ng araw. Itinaas
niya ito, at tulad ng isang pinagdirimlan ng lahat, kinakapos sa liwanag na tinitigan
niyang nandidilat sa araw.
Nagpatuloy siya sa pagyayao't dito, sumisigaw o umuungol ng mahirap
mawaring tunog. Matatakot ang sinumang makarinig sa kaniya. May kakaibang timbre
ang kaniyang tinig, waring hindi lumalabas sa lalamunan ng tao. Sa gabi ng
nagpupuyos na unos, kapag inihahagkis ng rumaragasang hangin ang di-nakikitang
pakpak laban sa hukbo ng mga aninong hinahabol nito; kapag natagpuan ninyo ang
sarili sa isang Ulilang guho, nakikinig sa malulungkot na panaghoy, ungol at
buntonghininga; at kapag narinig ninyo ang mga buntonghininga at hinaing na inaakala
ninyong bugso ng hanging humahampas sa matatayog na tore at gibang mga pader,
ngunit nagdudulot sa inyo ng sindak at di-mapigilang panginginig...ay, higit pang
napakalungkot ang tinig ng inang iyon kaysa mga daing na mahirap makilala sa mga
gabing madilim at nagngangalit ang unos.
Gayon siya nang abutan ng gabi. Marahil, bibigyan siya ng langit ng ilang oras
ng pagtulog, upang pawiin ng mga di-nakikitang pakpak ng anghel, sa pamamagitan ng
banayad na haplos sa kaniyang maputlang mukha, ang kaniyang mga alaala na nalipos
sa hapis. Marahil, lubhang napakabigat ng pagdurusa upang matiis ng mahinang tao,
kaya maaaring mamagitan ang Inang Mapagkalinga sa bisa ng kaniyang matamis na
lunas-ang paglimot. Anuman ang nangyari, kinabukasan, palaboy-laboy si Sisa,
ngingiti-ngiti, aawit-awit, kinakau-kausap ang buong Kalikasan.

Mga Tala
1. San Antonio: Iba ito kay San Antonio Abad sa Kabanata 7. Ito si San Antonio
dc Padua, patron sa pighahanap ng mga nawawala. Ito rin ang dinasalan ni
Hermana Rufa sa Kabanata 18 'nang mawala ang kaniyang biik.
2. Nuncio: ang personal na kinatawan ng Papa.
Gabay na Tanong

 Nagdudulot daw ng paglimot ang mabigat na pagdurusa sa mahinang tao.


Patunayang mahina si Sisa, na patong-patong ang kaniyang pagdurusa, at na
paglimot nga ang naging dulot nito.
 Ano ang huling bagay na kinapitan ng martir na si Sisa, na noong inagaw sa
kaniya ay tila wala nang natira?
KABANATA 22
MGA LIWANAG AT MGA ANINO

Lumipas ang tatlong araw mula nang mangyari ang aming isinalaysay. Iniukol ng
San Diego ang tatlong araw na ito, pati na ang mga gabi nito sa paghahanda para sa
pista at mga usapusapan kasabay ang bulongbulungan.
Samantalahg inaasam-ang daratal na mga kasayahan, nililibak ng ilan ang
gobernadorsilyo, ng iba ang tenyente mayor, at ng iba pa ang mga kabataan, at hindi
nawawalan ng sumisisi sa lahat tungkol sa kahit ano.
Pinag-usapan ang pagdating ni Maria Clara, kasama si Tiya Isabel. Ikinasiya nila
iyon sapagkat mahal nila siya. Ngunit habang labis ang paghanga nila sa kaniyang
kagandahan ay ipinagtataka nila ang nagaganap na pagbabago sa katauhan ni Padre
Salvi. "Madalas na wala sa sarili habang nagmimisa. ‘Hindi na madalas nakikipag-usap
sa akin at halatang nangangayayat at higit na malungkutin,” sabi ng mga
nangungumpisal sa kaniya. Napansin ng kusinerong pumapayat nang mabilis ang kura
at isinasamé. niya ng loob ang pagpuri dili sa kaniyang inihahaing pagkain. Datapwat
ang higit na nagpasidhi sa mga bulungan ay ang pangyayaring nakakikita ng dalawang
ilaw sa kumbento samantalang dumadalaw si Padre Salvi sa isang bahay.. .sa bahay ni
Maria Clara. Nagkukrus ang mga beata ngunit nagpatuloy rin ang bulong-bulungan.
Mula sa kabesci'a ng lalawigan, tumelegrama si Juan Crisostomo Ibarra ng
pagbati kay Tiya Isabel at sa kaniyang pamangkin, ngunit hindi ipinaliwanag ang sanhi
ng kaniyang pag-alis. Maraming nag-akalang nabilanggo siya dahil sa ginawa niya kay
Padre Salvi noong hapon ng Todos los Santos. Subalit nagibayo ang usap-us'apan
nang sa hapon ng ikatlong araw ay may makakita sa kaniyang bumaba sa isang
karwahe sa tapat ng bahay ng kaniyang kasintahan at magalang na bumati sa
relihiyoso, na doon din patungo.
Walang nagambala tungkol kay Sisa at sa kaniyang dalawang anak.
Kung ngayon tayo dadalaw sa bahay ni Maria Clara, isang magandang pugad sa
gitna ng mga punb ng suha at ilang-ilang, aabutan pa natin ang dalawang kabataan na
nakapanungaw sa bintanang tanaw ang lawa. Nalililiman ito ng mga bulaklak at baging
na gumagapang sa kawayan at alambrc at nagpapailanglang ng mabining samyo.
Pabulong na nangungusap ang kanilang mga labi, malumanay pa kaysa paypay
ng mga dahon at higit na mabango kaysa hanging tigib sa halimuyak, mula sa
paglalagalag sa hardin. Iyon ang mga sandaling sinasamantala ng mga sirena sa lawa
ang mga anino ng mabilis na pagtatakipsilim upang isungaw ang kanilang masasayai at
mumunting mukha sa ibabaw ng alon para hangaan at batiin ng kanilang mga awit ang
agaw-buhay na araw. Sinasabing bughaw ang kanilang mga mata’t buhok, na may
korona silang mga halamang-tubig. . . na may puti't pulang bulaklak. Sinasabing kung
minsan, inilalantad ng maputing bula ang kanilang nililok na anyo na higit pang maputi
kaysa bula. At kapag ganap nang nakalatag ang gabi, sinisimulan nila ang kanilang
mga larong malabathala at ipinaririnig ang mahiwagang mga tugtuging kawangis ng
mula sa mga alpang eoliko. Sinasabi rin...Subalit balikan natin ang ating mga kabataan
at pakinggan ang huling bahagi ng kanilang pagniniig. Sinasabi ni Ibarra kay Maria
Clara:
"Bukas bago magbukang-liwayway, matutupad ang iyong hiling. Ipahahanda ko
sa gabing ito ang lahat upang walang makalimutan."
"Kung gayon, susulatan ko ang aking mga kaibigan upang dumalo sila. Gumawa
ka ng paraan upang hindi makasama ang kura!"
“At bakit?"
“Dahil tila binabantayan ako. Nababalisa ako sa kaniyang malalalim at
malulungkot na mata. Natatakot ako pag tinititigan niya. Pag kinakausap ako, ang tinig
niya...kung ano-ano ang sinasabi, lubhang di ko maunawaan, lubhang kaiba...Minsan,
tinanong ako kung napanaginipan ko ang sulat ng aking ina. Palagay ko, tila nababaliw.
Sabi ng kaibigan kong si Sinang at ng kinakapatid kong si Andeng, may kaunting katok
daw dahil hindi kuinakain at naliligo, at mahilig sa dilim. Gumawa ka ng paraan upang di
siya makasama!"
“Hindi maaaring hindi man lang natin siya anyayahan," tugong nag-iisip ni Ibarra.
"Hinihingi ito ng ating kaugalian. Nasa tahanan mo siya, bukod sa pinakitunguhan niya
ako nang mabuti. Nang sangguniin siya ng Alkalde tungo sa bagay na binanggit ko sa
iyo, pinakapuri niya ako at hindi nagbigay ng kahit munting hadlang. Ngunit wala kang
kibo. Huwag kang mag-alala, dahil hindi natin siya makakasama sabangka."
Nakarinig sila ng mahinang mga yabag: ang kura, papalapit, at pinipilit ang ngiti
sa labi.
“Malamig ang hangin," aniya. “Kapag sinipon, hindi ito mawawala hanggang tag-
init. Hindi ba kayo natatakot malamigan?" . Nanginginig ang kaniyang tinig at nakapukol
ang tingin sa malayo. Ayaw tumingin sa mga kabataan. “Hindi po, kaaya-aya sa amin
ang gabi, at masarap ang simoy," sagot ni Ibarra. ‘ Panahon ng aming taglagas at
tagsibol ang mga buwang ito. Nalalagas ang mga dahon ngunit laging sumisipot ang
mga bulaklak."
Bumuntong hininga si Fray Salvi.
"Napakaganda sa akin ang pagsasanib ng dalawang panahong ito nang walang
taglamig sa pagitan," patuloy ni Ibarra. "Sa Pebrero, uusbong ang buko sa sanga ng
mga punbng namumunga, at sa Marso, hinog na ang bunga, PagSaPit ng mga buwan
ng tag-init, nagtutungo kami sa ibang pook."
Ngumiti si Fray Salvi. Sinimulan nilang mag-usap hinggil sa mga bagay na
walang halaga: ang panahon, ang bayan, ang pista. Nagdahilan si Maria Clara at
lumayo.
“At napag-uusapan din lamang ang pista, pahintulutan ninyong anyayahan ko
kayo sa idaraos naming bukas. Isa itong piging sa labas ng kabayanan at handog
namin sa isa’t isa ng aming mga kaibigan.”
“At saan idaraos?"
“Ibig ng mga dalaga doon sa batis na dumaraan sa may gubat sa tabi ng balete.
Kaya maaga kaming gigising upang di abutan ng init.”
Nag-isip ang relihiyoso. Makalipas ang ilang saglit, sumagot: “Nakatutukso ang
inyong paanyaya at tinatanggap ko para patunayan sa inyo na hindi ako nagtatanim ng
galit. Pero mahuhuli ako ng dating, pagkatapos ng mga tungkulin ko. Mapalad kayong
malaya, lubos na malaya!"
Makalipas ang isang sandali, nagpaalam si Ibarra upang pangasiwaah ang
pagdiriwang bukas. Madilim na ang gabi.
Sa lansangan, may lumapit sa kaniya at magalang na bumati. '
“Sino kayo?” tanong ni Ibarra.
“Hindi po ninyo alam ang pangalan ko,” sagot ng hindi makilala. "Dalawang araw
na po akong nag-aabang sa inyo.”
“At bakit?"
“Sapagkat kahit saan po’y walang maawa sa akin dahil isa daw po akong
tulisan. Ngunit nawala po ang mga anak ko, nabaliw po ang asawa ko, at sinasabi ng
lahat na nararapat lamang po sa akin ang aking sinapit." Mabilis na sinuri ni Ibarra ang
lalaki at inusisa.
"Ano ang nais ninyo ngayon?" '
“Hilingin po ang inyong habag sa aking asawa at mga anak."
“Hindi ako maaaring mabalam,” sagot ni Ibarra. "Kung ibig mo, sumabay ka at
ikuwento sa akin ang mga nangyari habang lumalakad."
Nagpasalamat ang lalaki at dagli silang naglaho sa karimlan ng mga lansangang
mahina ang ilaw.
Mga Tala
1. kinakapatid kong si Andeng: Sa orihinal, Andeng, mi bermana de leche, at
literal na nangangahulugang “Andcng, ang kapatid ko sa gatas." Tinatawag na bemana
de leche ang kasabay na sumuso sa isang’ina. Namatay ang ina ni Maria Clara nang
ipanganak siya kaya nabuhay siya sa pamamagitan ng pagsuso sa ina ni Andeng.
2. Mga alpang eoliko: Sa orihinal, arpas eolicas. Instrumentong pang musika
ang alpa samantalang nangangahulugang “sinanhi o bunga ng hangin" ang eoliko.
Tinutukoy dito ang mga alpa noon na iniiwan sa pasamano ng durungawan kayat
waring tinutugtog ng hangin kapag dumaan ang simoy.

Gabay na Tanong

 Alin-alin sa mga detalye sa kabanata ang maituturing na liwanag at alin-alin ang


maituturing na anino?
KABANATA 23
PANGINGISDA

Nagniningning pa ang mga bituin sa bughaw na langit, at natutulog pa ang mga


ibon sa sanga, nang magsilakad ang isang masayang pangkat sa lansangan ng bayan
patungo sa lawa, naiilawan ng mga sulong sahing na tinatawag na huwepe.
Lima silang dalaginding, matuling magsilakad, magkakakawit ang mga kamay at
magkakahapit ang baywang, kasama ang ilang matanda at ilang katulong na buong
bining sunong ang mga bako! ng pagkain, plato, atbp. Kapag nakita ang tumatawa’t
nananabik na mukha ng mga kabataan, kapag namasdang nilalaro ng hangih ang
malago’t maitim na buhok at malalapad na pileges ng kanilang baro, aakalaing mga
diwata sila ng gabi at umiiwas sa araw, kung hindi natin alam na si Maria Clara ang isa
at kasama ang kaniyang apat na kaibigan: ang masayahin at pinsan niyang si Sinang,
ang mahigpit na si Victoria, ang marikit na si Iday, ang mapanimdiming si Neneng na
may kagandahang mayumi’t mahiyain.
Masigla silang nag-uusap, nagtatawanan, nagkukurutan, nagbubulungan, at
saka maghahalakhakan.
"Gigisingin ninyo ang mga natutulog!" saway sa kanila' ni Tiya Isabel. “Hindi kami
ganiyan kaingay 'noong mga bati kami."
“Hindi naman kayo gumigising nang maaga, tulad namin, at hindi naman
ganiyang matakaw matulog ang matatanda!" sagot ng munting si Sinang.
Sandali silang tumahimik, sinikap hinaan ang tinig, subalit madaling nakalimot.
Nagtawanan at napun6 ang lansangan sa kanilang kabataan at sariwang tinig.
Magkunwari kang nasaktan. Huwag mong kausapin!” ani Sinang kay Maria
Clara. “Kagalitan mo upang hindi mamihasa!”
"Huwag ka naman sanang napakahigpit,” ani Iday.
"Dapat ngang mahigpit ka. Huwag kang tanga! Dapat na sinusunod ang
kasintahan habang kasintahan, dahil pag asawa na, ginagawa na kung ano ang
maibigan!" payo ng munting si Sinang.
"Ano ba ang malay mo diyan, bata ka?" saway ng kaniyang pinsang si Victoria.
“Psst! Tahimik, narito na sila!"
Dumating nga ang pangkat ng kabinataang naiilawan ng malalaking kawayang
sulo. Taimtim silang lumalakad sa saliw ng isang gitara.
"Tila gitara ng pulubi," tumatawang sabi ni Sinang.
Pagtatagpo ng dalawang pangkat, nagsianyong matimtiman at tahimik ang mga
babae, na waring hindi pa natututong tumawa. Sa kabilang dako, naging masalita ang
mga lalaki, nagsibati, nagsingiti, at nakaanim na tanong upang magkamit ng kalahating
sagot.
“Tahimik ba ang lawa? Palagay ba ninyo’y magiging mabuti ang panahon?"
tanong ng mga ina. _ "Huwag po kayong mag-alala, mahusay akong lumangoy!" sagot
ng isang binatang payat, matangkad, at patpatin. «Dapat nagsimba muna tayo,"
buntonghininga ni Tiya Isabel na pinagdaop ang mga palad. ' uMay panahon pa po.
Maaaring magmisa sa bangka si Albino na isang, dating seminarista," sagot ng isa at
itinuro ang binatang payat at matangkad. Ito, na mukhang mahilig manukso, nang
marinig na tinukoy siya ay nagkunwang banal-banalan, halos ginagagad si Padre Salvi.
Sumali na rin sa kasayahan ng mga kasama si Ibarra, bagaman hindi nawawala
ang kataimtiman.
Pagsapit sa aplaya, napasigaw sa mangha at tuwa ang kababaihan. Dalawang
malaking bangka ang nakita nila, magkakabit, kaakit-akit na napapalamutian ng mga
nilubid na dahon at bulaklak, ng mga telang may batik na iba't ibang kulay, mga parol
na papel na nakasabit sa bagong gawang kulandong sa gitna ng mga rosas at klabel,
rnga prutas na tulad ng pinya, kasoy, saging, bayabas, lansones, atbp. Dinala ni Ibarra
ang kaniyang mga alpombra, tapis, at almuhadon, na naging maginhawang mga upuan
ng kababaihan. May gayak pati ang mga tikin at sagwan. Nasa bangkang may higit na
palamuti ang isang alpa, mga gitara, mga akordeon, at isang sungay ng kalabaw.
Nagliliyab sa kabilang bangka ang gatong ng kalang luad: inihahanda ang tsaa, kape’t
salabat para sa almusal.
"Dito ang mga babae, doon ang mga lalaki!" wika ng mga ina paglulan nila.
“Tahimik kayo! Huwag kayong lubhang magalaw at baka lumubog tayo!"
“Magkrus muna kayo!” ani Tiya Isabel na 'nagkrus.
“At kami lang dito?". nakasimangot na tanong ni Sinang.
"Kami lang?... Aray!"
Bunga ang aray ng biglang kurot ng ina.
Banayad na lumayo ang mga bangka sa aplaya. Maaaninag ang ilaw ng mga
parol sa salamin ng payapang-payapang lawa. Mababanaag sa Silangan ang mga
unang kulay ng bukang-liwayway.
Naghari ang katahimikan. Ang mga kabataan, na pinaghiwalay ng mga ina, ay
waring nakatalagang magnilay-nilay.
“Mag-ingat ka!" malakas na sabi ni Albino, ang seminarista, sa isang kabataan.
“Tapakan mong mabuti ang pasak sa ilalim ng iyong paa."
"Bakit?"
"Baka matanggal at pumasok ang tubig. Maraming butas ang bangkang ito.
"Ay, lulubog tayo!" sigaw ng mga sindak na sindak na babae.
"Huwag po kayong mag-alala!” pagpayapa sa kanila ng seminarista. "Ligtas po
ang bangkang iyan. Lilima lang po ang butas at hindi gaanong malalaki."
“Limang butas! Susmaryosep! At ibig ba ninyong malunod kami!" nanghihilakbot
na bulalas ng mga babae.
“Hindi po lalagpas sa lima, at ganito lamang po ang laki," paniniyak ng
seminarista habang ipinakikita ang maliit na bilog sa pamamagitan ng hinlalaki t
hintuturo.
Tapakang mabuti ang mga pasak at nang di matanggal!"
“Diyos ko'. Maria Santisima! Pumapasok na ang tubig!" sigaw ng isang
matandang may pakiramdam na nabasa siya.
Nagkaroon ng'munting gulo. Tumili ang ilan, inisip tumalon sa tubig ng iba.
“Tapakang mabuti ang pasak, doon!" patuloy ni Albino at itinuro ang dako ng
mga dalaga.
“Saan? Saan? Diyos k0! Hindi namin alam! Parang awa na ninyo, parito kayo’t
hindi namin alam!" luhog ng matatakuting babae.
Kinailangang lumipat sa kabilang bangka ang lirnang binata upang matiwasay
ang nahihintakutang mga ina. Ang pagkakataon nga naman! Waring may panganib sa
tabi ng bawat dalaga. Subalit walang nasa malapit ni kahit isang butas na
ikapapanganib ang mga matanda. At ang higit pang magandang pagkakataon!
Napaupo si Ibarra sa tabi ni Maria Clara, si Albino sa tabi ni Victoria, atbp. Naghari muli
ang katahimikan sa piling ng maiingat nai ina, subalit hindi sa dako ng mga dalaga.
Sapagkat lubhang tahimik ang tubig, hindi malayo ang mga baklad, at
napakaaga pa, ipinasiyang ihinto muna ang pagsagwan at mag-almusal ang lahat.
Pinatay ang mga parol dahil pinagliliwanag na ng bukang-liwayway ang kalawakan.
"Walang katulad ang salabat, kung iinumin sa umaga bago makinig ng misa," ani
Kapitana Tica, ina ng masayahing si Sinang. “Magsalabat at puto kayo, Albino, at
makikita ninyong pati kayo'y gaganahang magdasal."
"Iyon nga po ang gawa ko," sagot nito. "iniisip kong mangumpisal."
"Huwag!" ani Sinang. "Uminom ka ng kape dahil nagdudulot ng masasayang
kaisipan."
"Oo, ngayon din, dahil bahagya akong nalulungkot."
"Huwag ninyong gawin iyan," paalala ni Tiya Isabel. "Magtsaa at galyetas kayo.
Sinasabing nagpapatahimik daw ng isip ang tsaa."
"Magtatsaa at galyetas din po ako!" tugon ng masunuring seminarista. "Salamat
na lamang at wala alinman sa mga inuming ito ang Katolisismo."
"Ngunit maaari bang… ?" tanong ni Victoria. "Uminom din ng tsokolate? Palagay
ko! Huwag lang lubhang magtagal ang almusal."
Maganda ang umaga. Nagsimulang kuminang ang tubig. Ang liwanag mula sa
langit at ang nasasalamin sa tubig ay nagiging isang kalinawang tumatanglaw sa
bagay-bagay na halos mawalan ng anino, isang kalinawang maningning at malamig,
tigib sa rnga kulay, tulad ng makikita natin sa'ibang tanawing dagat.
Napakasaya ng lahat, nilalanghap ang banayad na simoy na nagsisimula nang
magising. Kahit ang mga inang lipos ng pag-iingat at pag-aalala ay nagtatawanan at
nagtutuksuhan.
"Naalala mo pa ba?" sabi ng isa kay Kapitana Tica. "Naalala mo ba nang maligo
tayo sa ilog noong dalaga pa tayo? Dinala ng agos ang mga bangka-bangkaang gawa
sa saha ng saging, may sari-saring prutas kapiling ng mababangong bulaklak. Bawat
bangka-bangkaan, may banderita at nakasulat doon ang ating mga pangalan."
"At pag-uwi natin?" dugtong ng isa bago matapos ang una. "Inabutan nating sira
ang tulay na kawayan kaya kailangan nating tumawid ng batis...ang mga saragate!"
"Oo," ani Kapitana Tica. "Ngunit minabuti ko pang mabasa ang laylayan ng aking
saya kaysa malitaw ang binti. Alam kong may mga matang naninilip sa katabing
kasukalan.”
Nagkindatan at nagngitian ang mga dalagang nakarinig. Abala ang iba sa
kanikanilang usapan at hindi iyon pinansin.
Isang lalaki lamang, ang piloto, ang namalaging tahimik at malayo sa lahat ng
nagaganap na kasayahan. Isa siyang kabataang may tikas manlalaro at may kapansin-
pansing mukha dahil sa malalaki't malulungkot na mata at mariing hugis ng labi. Maitim
ang kaniyang buhok, mahaba't hindi ay6s, nakalugay sa kaniyang matipunong leeg.
Suot niya ang isang barong yari sa telang magaspang at itiman, at ipinahihiwatig ng
mga lukot nito ang malalakas na kalamnang tumutulong sa malitid at hubad na bisig sa
pag-ugit, na waring isang pakpakpanulat, ng isang malapad at di-karaniwang sagwan,
na nagsisilbing timon upang patnubayan ang dalawang bangka.
Di-minsang nahuli ni Maria Clara na pinagmamasdan siya nito. Mabilis naman
nitong ibabaling ang mata sa ibang dako at titingin sa malayo, sa bundok, sa pampang.
Naawa ang dalaga sa pag-iisa nito kaya inalok ng ilang galyctas. Tiningnan siya ng
pilotong may badha ng pagkabigla, subalit saglit lamang. Kumuha ng isang galyctas at
matipid na nagpasalamat, sa tinig na halos hindi marinig.
At wala nang muling umalala sa piloto. Hindi nakapagpapintig sa munti mang
kalamnan ng kaniyang mukha ang mga masayang tawanan at pagbibiro ng mga
kabataang lalaki. Hindi siya napangiti ng masayahing si Sinang na saglit napapakunot
ang’noo dahil sa mga tinatamong kurot bago bumalik sa dating pagpapatawa.
Pagkaagahan, nagpatuloy ang pamamangka patungo sa mga baklad.
Dalawa ang baklad, di kalayuan sa isa't isa at kapuwa pag-aari ni Kapitan Tiago.
Mula sa malayo, matatanaw ang ilang tagak na nakahapon sa dulo ng mga bakod na
kawayan, sé‘anyong naglilimi, samantalang ilang ibong puti, kalaway ang tawag ng mga
Tagalog, ang nagliliparan sa iba't ibang dako, sumasagi ang mga bagwis sa ibabaw ng
lawa at pumupum‘) sa himpapawid ang kanilang matinis na mga huni.
Sinundan ng tingin ni Maria Clara ang mga tagak na nagsilipad sa kalapit na
bundok paglapit ng mga bangka.
"Namumugad ba ang mga ibong iyon sa bundok?" tanong niya sa piloto, marahil
higit na upang pagsalitain ito kaysa upang malaman ang sagot.
"Marahil po," sagot nito. "Ngunit wala pang nakakita hanggang ngayon ng pugad
nito.
"Walang pugad ang mga ibong iyon? "
"Palagay ko, dapat na may pugad, sapagkat napakasawimpalad ng mga iyon
kung wala"
Hindi napansin ni Maria Clara ang paglungkot ng tinig nang bigkasin nito ang
naturang pangungusap.
"Kung gayon?"
"Sinasabi po," sagot ng binata,' 'na di nakikita ang pugad ng mga ibong iyon dahil
nagbibigay ang mga ito ng tagabulag sa sinumang makakuha. At tulad ng kaluluwang
nakikita lamang sa malinaw na salamin ng mata, gayundin naman ang mga pugad na
makikita lamang sa salamin ng tubig."
Sinapian ng paninimdim si Maria Clara.
Samantala, sinapit nila ang baklad. Itinali ng matandang bangkero ang mga
sasakyan sa isang kawayan.
"Hintay!" ani Tiya Isabel sa anak ng matanda na humahanda nang umakyat
tangan ang panalok-kawayang may supot na lambat sa dulo. "Kailangang ihanda muna
ang sinigang upang mula sa tubig ay tuloy-tuloy ang mga isda sa sabaw."
"Ang bait ng Tiya Isabel!" bulalas ng seminarista. "Ayaw mawala ang isda kahit
saglit lamang sa tubig."
Si Andeng, ang kinakapatid ni Maria Clara, sa kabila ng maaliwalas at
masayahing mukha ay kilala bilang mahusay na kusinera. Inihanda niya ang hugas-
bigas, kamatis at kamyas, habang tinutulungan o ginugulo ng ilan, na nagnanais
marahil makalugdan niya. Nilinis ng mga kabataang babae ang talbos ng kalabasa, ang
gisantes, at pinutol ang paayap sa maiikling piraso, ka'singhaba bawat isa ng sigarilyo.
Upang libangin ang inip ng mga nagnanais makita kung paano lalabas ang mga
isda sa plitan nang buhay at pumapalag-palag, kinuha ng marikit na si Iday ang alpa.
Bukod sa napakahusay tumugtog ni Iday ng instrumentong ito, napakaganda pa ng
kaniyang mga daliri.
Nagpalakpakan ang mga kabataan at hinagkan siya ni Maria Clara. Pinakahilig
tugtugin _sa lalawigang iyon ang alpa at bagay na bagay sa pagkakataong iyon.
"Awitin mo Victoria ang awit ng pagaasawa!" hiling ng mga ina.
Tumutol ang mga lalaki at idinahilan ni Victoria, na maganda ang tinig, na
minamalat.siya. Isang magandang dalit na Tagalog ang «Awit ng Pég-aasawa,”
naglalarawan sa lahat ng hirap at lungkot sa kalagayang ito nang wala man lamang
binabanggit kahit isang munting ligaya.
Sa gayon, nahilingang umawit si Maria Clara.
“Malungkot lahat ang mga awit ko.”
"Kahit na! Kahit na!" sabi ng lahat.
Hindi na siya naghintay ng pamimilit,kinuhaang alpa, tumipa ng pasakalye, at
umawit sa mataginting na tinig, malambing at puno ng damdamin.

Kay tamis mabuhay sa sariling bayan


Lahat kaibigan sa silong ng araw,
Buhay kahit simoy‘na buhat sa parang,
Aliw ang mamatay, umibig ay banal.

May sarili ka bang bayan?


Dahil ako’y nalulumbay,
Huwag akong hahanapan
Ng bayan kong akin lamang!

Maalab na halik sa labi’y kasaliw


Magmula sa dibdib ng ina paggising;
Ang hanap ng bisig siya ay yapusin,
At napapangiti ang mata pagtingin.

May ina ka bang nagmahal?


Dahil ako y nalulumbay,
Huwag akong hahanapan
Ng ina kong akin lamang!

Kay tamis mamatay kung dahil sa bayan,


Lahat kaibigan sa silong ng araw;
Lason kahit simoy para sa sinumang
Walang bayan, walang ina't minamahal.
Namatay ang tinig, huminto ang awit, napipi ang alpa, ngunit nanatili silang
nakikinig. Walang pumalakpak. Naramdaman ng mga dalaga ang' pangingilid ng
kanilang luha; Waring nabalisa'si Ibarra at walang tinag ang tanaw sa malayo ng
binatang piloto.
Biglang narinig ang isang nakatutulig na ingay. Napasigaw ang mga babae at
tinakpan ang mga tainga. Hinipan palang buong lakas ng dating seminaristang si Albino
ang sungay ng kalabaw, ang tinatawag na tambuli. Bumalik ang tawanan at kasiglahan;
nangatuwa ang mga matang tigmak sa luha.
"Ano ka ba! Bibingihin mo ba kami, erche?" bulyaw sa kaniya ni Tiya Isabel.
"Hindi po," taimtim na sagot ng dating seminarista. “Narinig ko po kasi na may
isang dukhang trumpetero, doon sa mga pampangin ng Rhin, na dahil sa kaiihip ng
trumpeta ay makasal sa isang dalagang maharlika at mayaman."
"Totoo iyon, ang Trumpetero ng Sackingen," dagdag ni Ibarra, na di maiwasang
makilahok sa bagong kasiglahan.
“Narinig ninyo?" patuloy ni Albino.' 'Kaya nais kong makita kung ganoon din ang
magiging kapalaran ko."
At muling hinipan nang higit pang malakas ang maalingawngaw na sungay, at
itinutok sa tainga ng isang dalagang nalulungkot. Nagkaroon, mangyari pa, ng kaunting
gulo. Sinaway siya ng mga ina sa pamamagitan ng palo ng tsinelas at mga kurot.
"Aray! Aray!" aniyang hinihimas ang mga braso. “Napakalayo naman ng Filipinas
sa mga pampang ng Rhin! O temporal O more:.f'O ang panahon! O ang buhay!’
Nagkakamit ang iba ng mga grasyang cngkomiyenda; ngunit ang mga tulad ko,
sambenitos at parusa."
Tumawa ang lahat, maging si Victoria. Gayunman, binulungan ni Sinang, ang
dalagang may masasayang mata, si Maria Clara.
“Mapalad ka! Ay, kung kaya ko lang, aawit din ako!"
Ipinahayag sa wakas ni Andcng na handa nang tumanggap ang sabaw ng mga
panauhin.
Umakyat ang binatilyong anak ng mangingisda sa ibabaw ng pinakakulungan o
bulsa ng baklad, na nasa pinakamakipot na dulo nito at may nakasulat pang Lasciate
ogm' spemnza voi ch'entrz'zte. "Iwan ang lahat ng pag-asa, kayong papasok dito." Kung
marunong lamang sanang bumasa ng Italyano ang mga kawawang isda at maunawaan
ang riakasulat-ang isdang pumasok doon ay makalalabas lamang upang mamatay. Ang
kulungan ay halos pabilog, may isang metro ang luwang, at inayos upang makatayo
ang isang tao sa itaas at sumalok mula roon ng isda.
“Hindi ako maiinip mamingwit doon," ani Sinang na kinikilig sa tuwa.
Nanood ang lahat. Nakinita na ng ilan ang pumapasag na mga isda sa loob ng
panalok, nangingintab ang makikinang na kaliskis, atbp. Subalit nang isalok ng binatilyo
ang panalok, walang pumusag kahit isang isda.
“Puno dapat iyan," mahinang sabi ni Albino. "Limang araw na iyang di
napapandaw.”
Iniahon ng mangingisda ang panalok...Ay! Wala ni isang munting isdang
nakapalamuti sa lambat. Ang tubig, na masaganang pumapatak mula sa lambat at
tinatamaan ng sinag ng araw, ay tila nanlilibak sa pinilakang tawa. Isang ay! ng
paghanga, ng pagdaramdam, ng pagkabigo, ang pumulas sa mga labi ng lahat.
Sumalok muli ang binatilyo, at gayundin ang nangyari. .
“KuIang ka pa sa karanasan!" ani Albino na umakyat sa baklad at ”magaw ang
Panalok. "Ngayon, makikita mo! Andeng, buksan mo ang palayok!
Subalit kulang din sa karanasan si Albino. Wala pa ring laman ang lambat
Pinagtawanan siya ng lahat.
"Huwag kayong maingay. Baka naririnig kayo ng mga "da mahuli!" aniya._ «Sira
ang lambat!”
Subalit buo ang lambat.
“Ako naman," ani Leon, ang kasintahan ni Iday:
Sinuri nitong mabuti ang kulungan, siniyasat ang lambat, at nasisiyahang
nagtanong: "Natitiyak mo bang hindi ito napapandaw nang limang araw?"
"Tiyak na tiyak! Pinakahuli ang kinain sa bihilya noong Todos los Santos."
"Kung gayon nga, may engkanto ang lawa ay may mahuhuli ako."
Inilubog ni Leon ang kawayang panalok sa tubig. Ngunit gumuhit ang pagtataka
sa kaniyang mukha. Tahimik na luminga sandali sa kalapit na bundok at iniligid sa loob
ng baklad ang hawak na kawayan, saka bumulong nang hindi inaalis ang panalok sa
tubig.
“Buwaya!” '
"Buwaya?" Ulit ng lahat.
Nagpalipat-lipat ang salita sa *bibig ng lahat sa gitna. ng takot at pagkatigagal.
"Ano ang sabi mo?” tanong nila.
"Sabi ko, may buwayang nakulong," patunay ni Leon at inilubog sa tubig ang
hawakan ng panalok, saka nagpatuloy.
"Naririnig ba ninyo ang tunog na iyon? Hindi iyon buhangin kundi matigas na
balét. Ang likod ng buwaya. Nakikita ba ninyo kung paano gumalaw ang mga bakod?
Nagpupumiglas siya,ngunit nakapilipit. Hintay..malaki, mga sandamak o higit pa ang
lapad ng katawan.»
"Anong gagawin natin?" ang tanungan.
"Hulihin!" udyok ng isang tinig.
"Susmaryosep! At sino ang huhuli?”
Walang nagkusang lumusong sa kailaliman. Malalim ang tubig.
"Dapat itali natin sa ating bangka at matagumpay na kaladkarin!" ani Sinang.
"anain niya ang mga isdang dapat sanang kainin natin."
"Hindi pa ako nakakita ng buwayang buhay!” bulong ni Maria Clara.
Tumindig ang piloto, kumuha ng isang mahabang lubid, at maliksing umakyat sa
tuntungan ng baldad. Pinaraan siya ni Leon. '
Bukod kay Maria Clara, walang nakapansin" sa kaniya hanggang sa sandaling
iyon. Hinangaan nila ngayon ang kaniyang mzihagway na tindig.
Sa malaking pagtataka sa kabila ng sigaw ng lahat, sumisid ang piloto sa loob ng
kulungan.
"Dalhin ninyo ang sundang na ito," sigaw sa kaniya ni Crisostomo na kumuha ng
isang malapad na patalim Toledo.
Subalit umalimbukay na ang tubig sa sanlibong tilaroy at puminid nang
mahiwaga ang kailaliman.
“Susmaryoscp!” bulalas ng kababaihan. “Mapapahamak tayo! Susmaryoscp!"
"Huwag po kayong mabahala," sabi ng matandang bangkcro. "Kung may tao sa
buong probinsiya na makagagawa ng gagawin niya, siya iyon."
"Ano ang pangalan ng binata?" ang tanungan.
"Tinatawag namin siyang ang Piloto. Siya ang pinakamahusay na nakita ko.
Bagaman hindi niya mahal ang kaniyang gawain."
Gumalaw ang tubig, nabagabag; waring may nagaganap na paghahamok sa
pusod nito. Umuga ang bakod. Tahimik ang lahat, pigil ang paghinga. Mahigpit na
tangan ni Ibarra ang puluhan ng sundang.
Waring natapos ang paghahamok. Lumitaw ang ulo ng binata, na sinalubong ng
masayang sigawan. Tigmak sa luha ang mga mata ng kababaihan. Umahon ang piloto
na tangan ang dulo ng lubid, at hinila ito nang nasa tuntungan na.
Lumitaw ang halimaw. Nakatali nang dalawang sakbat ang lubid sa leeg nito at
sa unahang mga paa. Malaki ito, tulad ng pahayag ni Leon, batik-batik... at tinutubuan
ang likod ng bcrdeng lumot, na kung baga sa tao ay uban ng buwaya. Umunga ito na
tila kinapong toro, hinahampas ng buntot ang bakod na kawayan, nangunyapit sa mga
tulos, at ibinuka ang maitim at napakalaking lalamunan na kinakitaan ng mahahabang
pangil.
Mag-isa itong hinatak ng piloto. Walang nakaalalang tumulong sa kaniya.
Nang maiahon na't mailagay sa ibabaw ng tuntungan, tinapakan niya ito sa likod,
itinikom ang malaking panga ng kaniyang matipunong kamay at sinikap talian ang
nguso sa pamamagitan ng mahihigpit na buhol. Nagsagawa. ng huling piglas ang
buwaya, ibinalantok ang katawan, hinampas ang sahig ng malakas na buntot, at
nakaalpas, tumalon sa lawa sa labas ng baklad, tangay ang tagasupil. Patay na ang
piloro! Isang sigaw ng sindak ang pumulas sa dibdib ng lahat.
Simbilis ng kidlat, isa pang katawan ang bumulusok sa tubig. Bahagya na nilang
namataang si Ibarra pala. Hindi hinimatay si Maria Clara, palibhasay hindi pa marunong
himatayin ang mga Filipina noon.
Nakita nilang nagkakulay ang mga alon, nagkulay-dugo. Sumisid ang binatilyong
mangingisda na tangan ang kaniyang gulok. Sumunod ang kaniyang ama. Subalit saglit
pa lamang silang naglalaho ay lumitaw si Crisostomo at ang piloto na kapuwa nakakapit
sa bangkay ng buwaya. Wakwak ang puting tiyan nito at nakatatak ang sundang sa
lalamunan.
Walang galos man lamang si Ibarra, may galos sa bisig ang piloto.
"Utang ko sa inyo ang aking buhay," sabi kay Ibarra na ibinabalot sa sarili ang
kumot na lana at tapis. May lungkot sa tinig ng piloto.
"Napakatapang ninyo," tugon ni Ibarra. "Huwag na ninyong bibiruin muli ang
Diyos."
"Kundi ka nakabalik!" usa] ni Maria Clara na namumutla at nanginginig
"Kundi ako nakabalik at sumunod ka sa akin," wika ng binata upang tapusin ang
kaniyang iniisip, "nakapiling ko sana ang aking pamilya sa pusod ng lawa." . Hindi
malimot ni Ibarra na nakahimlay doon ang labi ng kaniyang ama
Ayaw nang magtungo sa kabilang baldad ng matatandang babae. Nais nilang
umuwi, daHil masama raw ang simula ng araw at maaaring dumating pa ang ibang
kapaha'makan.
"Nangyari ang lahat dahil hindi tayo nakinig ng misa!" buntonghininga ng isa.
"Ngunit ano po bang kapahamakan ang nangyari sa atin," tanong ni Ibarra.
«Tanging ang buwaya ang napahamak."
“Pinatutunayan nito," patapos ng dating seminarista, “na hindi kailanman nakinig
ng misa sa buong buhay nitong makasalanan ang nasawing buwaya. Hindi ko siya
kailanman nakita sa piling ng napakaraming buwayang malimit sa simbahan.”
Pinuntahan na rin ng mga bangka ang ikalawang baklad at kinajlangang
maghanda si Andeng ng bagong sinigang. .
Tumatanghali na, umiihip ang hangin, napupukaw ang mga alon at
umaalimbukay' sa paligid ng buwaya, lumilikha ng "mga bundok ng bula na
nagniningning at mayaman sa kulay ng liwanag araw sa wika ng makatang RA.
Paterno,
Muling narinig ang musika. Tinugtog ni Iday ang alpa; ng mga lalaki ang mga
akordeon at gitara, na nasa tono kahit paano, ngunit pinakamahusay si Albino sa
kaniyang takadang totoong wala sa tono at naliligaw ng kompas sa bawat sandali, at
malimit pang nakalilimot at napagpapalit-palit ang mga himig.
Walang tiwala nilang tinungo ang isa pang baklad. Inaasahan ng marami na
matatagpuan doon ang babaeng buwaya. Ngunit palabiro ang Kalikasan at laging tigib
ang panalok pag-ahon.
Nag-utos si Tiya Isabel.
“Mainam ang ayungin sa sinigang; iwan ang biya ukol sa cskabetsc, ang da_lag
at buwan-buwan ukol sa pcsa. Nakatatagal ibiyay ang dalag. Ilagay sila sa lambat
upang manatiling nasa tubig. Sa kawali ang sugpo! Ukol sa asado ang banak, balutin sa
dahon ng saging at palamnan ng kamatis."
Huwag akong hahanapan Ng bayan kong akin lamang!
“Mag-iwan kayo ng pain. Masamang walang kalaman laman ang baklad,”
dugtong niya.
Saka sila dumaong sa pampang, doon sa gubat ng matatandang punongkahoy
at pag-aari ni Ibarra. Doon, sa lilim at katabi ng malinaw na batis sila nananghalian, sa
gitna ng mga bulaklak o sa ilalim kaya ng mga itinayong silungan.
Umalingawngaw ang musika sa paligid, masayang pumailanlang ang usok ng
mga kalan, katulad ng banayad na ipuipo; umawit ang tubig sa mainit na palayok,
marahil upang aliwin ang mga isdang patay sa uyam at biro; pabalibaligtad ang
bangkay ng buwaya, itinatanghal kung minsan ang maputi’t warak na tiyan, kung
minsan ang batik-batik at luntiang likod; at ang tao, ang paborito ng Kalikasan, hindi
natitigatig sa tinatawag ng mga Brahmin at mga behetaryano na maramihang pag-utang
ng buhay.

Mga Tala
1. Awit ni Maria Clara: Isinalin dito ang buong awit sang-ayon sa orihinal ni Rizal,
binubuo ng tatlong pangunahing saknong at dalawang refrain. Mahirap unawain
kung bakit naging popular ang awit na ito nang may tathng saknong lamang.
Maaaring dahil lumaganap ang edisyong Espanyol ng nobela na ang tatlong
pangunahing saimong lamang ang nakalimbag. Sinikap din sa pagsasaling ito na
tumbasan ang tugma at sukat ng orihinal.
2. Rhin: Sa Ingles, Rome, malaki at mahabang ilog sa Germany.
3. O temporal O mores!: Mula kay Cicero at tagulaylay hinggil sa napupuna
niyang pagbagsak ng moralidad sa kaniyang panahon.
4. Nagkakamit ang iba ng mga grasyang engkomiyenda... sambenitos at
parusa: Sa orihinal, “A unos les dan encomiendas y a otros sambenitos!”
Pinaglalaruan dito ni Albino ang inaabot niyang malas at ang suwerte ng ibang
nabibigyan ng lupain. Engkomiyenda (encomienda) ang tawag sa mga lupaing
iginagawad bilang gantimpala sa mga opisyal na Espanyol kapalit ng
paglilingkod sa Hari. Sambenito naman ang tawag sa kapotilyo o eskapularyong
isinusuot sa mga pinarurusahan noong panahon ng Ingkisisyon. Sa mga laro,
sambenito ang tawag sa sombrerong sinusuot sa taya o naparusahan.
5. Lasciati ogni speranza voi ch’entrate: Sa Inferno ni Dante, ito ang bahalang
nakasulat sa bukana ng impiyerno. Kahanga-hanga ang sistc ni Rizal sa
pagtutulad ng isdang pumasok sa baldad bilang kaluluwang napunta sa
impiyerno. Gayunman, mahirap namang tanggapin na maiisip itong isulat sa
baklad ng isang mangingisda o kahit na ni Kapitan Tiago noon at kahit ngayon.
6. patalim Toledo: Sa orihinal, baja toledana, sundang na yari sa Toledo, lungsod
sa'Espanya at kilala sa industriyang asero.
7. RA. Patcmo: Si Pedro Alejandro Paterno, kapanahon ni Rizal at autor n8
koleksiyong Sampaguitas y Poeiisa Varias: (1885). Sinipi ni Rizal sa
paglalarawan ng lawa ang huling dalawang taludtod mula sa saknong na ito:

De aquestos mares, junto a la orilla


El oleaje gusta mirar;
Vienen las olaw, y sin mancilla
Montes de espuma do tersa brilla,
Rica en colores la luz solar

Mga Gabay na Tanong

 Ano-ano ang makikita natin sa kabanata ukol sa Filipinong pagliligawan,


kababaihan, inumin/pagkain/lutuin, musika, disenyo, paghahanap ng tahanan, at
pananaw sa relihiyon?
 Ano ang pagkakatulad ni Ibarra at ng piloto sa mga bayani ng panitikan?
KABANATA 24
SA GUBAT

Maaga, maagang-maagang nagmisa si Padre Salvi at nilinis sa ilang sandali ang


sandosenang maruming kaluluwa. At hindi niya ito ugali. Waring pagkatapos basahin
ang ilang liham, na dumating na selyadong mabuti at lakrada, nawalan ng ganang
kumain ang marangal na kura sapagkat napabayaang ganap na lumamig ang tsokolate.
“May sakit ang Padre," sabi ng kusinero habang inihahanda ang isa pang tasa.
Ilang araw nang hindi makakain. Sa anim na putaheng ihain ko y dalawa ang hindi
nagagalaw."
“Hindi kasi makatulog mabuti," sagot ng katulong. "Binabangungbt Siya mula
nang lumipat ng silid-tulugan. Nénlalalim ang kaniyang mga mata, namamayat araw-
araw at naninilaw."
Totoo nga, kaawa-awang tingnan si Padre Salvi. Ni hindi nais galawin ang
ikalawang tasa ng tsokolate ni tumikim ng olhadres mulang Cebu. Naninimdim na
palakad-lakad sa maluwang na sala, nalalamukos sa kaniyang mga butuhang kamay
ang ilang liham na maya’t mayang binabasa. Sa wakas, ipinatawag ang kaniyang
karwahe, nag-ayos at nag-utos na ihatid siya sa gubat na kinaroroonan ng
kinatatakutang punongkahoy at pinagdarausan ngayon ng pagdiriwang.
Pagsapit sa pook, pinaalis ni Padre Salvi ang kaniyang sagakyan at magisang
pumasok sa gubat.
Isang mapanglaw na landas ang naghihirap sumuot sa dawag, patungo sa batis
na daluyan ng ilang mainit na bukal katulad ng maraming nasa paanan ng Makiling.
Nakatanghal sa mga pampang nito ang mga bulaklak na ilahas, na marami ang wala
pang ngalan sa Latin, ngunit walang alinlangang kilala na ng mga ginintuang kulisap,
ng'mga paruparong iba’t iba ang laki’t kulay-asul at ginto, puti’t itim, magkakabagay,
makikinang, mararangya, may rubi’t esmeralda sa kanilang pakpak-at ng libo-libong
salaginto na may metalikong kintab at nabubudburan ng pinong ginto. Ang ugong
lamang ng mga kulisap na ito, ang sitsit ng mga kuliglig na tumitigib sa papawirin gabi’t
araw, ang awit ng mga ibon, o ang gapok na tunog ng bulok na sangang nalalaglag sa
lahat ng dako ang tanging gumagambala sa katahimikan ng mahiwagang pook na iyon.
Matagal-tagal siyang naglakad sa pagitan ng masisinsing baging, umiwas sa
mga tinik na kumakapit sa kaniyang abitong ginggon upang tila bimbinin siya, at sa mga
nakausling ugat na paulit ulit ikinatitisod ng hindi bihasang maglakad. Napatigil siyang
bigla. Nakarating sa kaniyang pandinig ang masasayang tawanan at kabataang tinig, at
nagbubuhat ang mga tawa at tinig sa gawing batis at papalapit nang papalapit.
"Titingnan ko kung makakikita ako ng isang pugad," sabi ng isang kaibigibig at
matamis na tinig na kilala ng kura. "Ibig ko siyang sundan nang hindi niya ako nakikita,
ibig kong sundan siya kahit saan."
Nagkubli si Padre Salvi sa likod ng isang malaking punongkahoy at humandang
makinig.
“Ibig bang sabihin, ibig mong gawin ang ginagawa sa iyo ng kura, nakabantay sa
iyo kahit saan?" sabi ng isang masayahing tinig. “Mag-ingat ka dahil
nakapangangayayat ang panibugho at nakapangangalumata!"
"Hindi, hindi panibugho ito, isang lamay na bunga lamang ng aking pagtataka!"
sagot ng pinilakang tinig, habang inuulit-ulit ng masayahin ang "00, panibugho!
Panibugho!” at humahalakhak.
"Kung may panibugho ako, siya ang gagawin kong may tagabulag sa halip na
ako, upang wala nang makakita sa kaniya."
"Ngunit hindi mo rin siya makikita at di mabuti iyon. Higit na mainam na kapag
natagpuan natin ang pugad, ihandog natin sa kura, sa gayon, mababantayan niya tayo
nang hindi natin siya nakikita. Ano sa palagay mo?"
“Hindi ako naniniwala sa mga pugad ng tagak," sagot ng isa pang tinig.
"Ngunit sakali mang manibugho ako, alam ko na kung paano magbantay nang
hindi nakikita..."
“At paano? Paano? Tulad marahil ng isang Sor Escucha?"
Sinundan ng masayang tawanan ang gunitang ito ng buhay-koichiyala.
"Alam mo na kung paano linlangin ang 50: Escucha!"
Mula sa kaniyang kanlungan, nakita ni Padre Salvi sina Maria Clara. Vicwria, at
Sinang na tumatawid sa batis. Lumalakad ang tatlo habang sinasalamin ang tubig,
naghahanap ng mahiwagang pugad ng tagak. Nabasa na sila hanggang tuhod a1
bumabakat sa malalapad na pilcgcs ng kanilang tapis pampaligo ang magagandang
hubog ng kanilang hita. Nakaiugay ang kanalang buhok at nalalantad ang kanilang mga
bisig at ikinukubli ang kanilang dibdib ng isang barong may malalapad na guhit at
maaasaya‘ng kulay. Samantalang hinahanap nila mg isang napakahirap makita.
nangunguha ang tatlong dalaga ng mga bulaklak at gulay na tumutubo sa pampang.
Namumutla at walng tinag na pinagmasdan ng relihiyosong Acteon ang
mahinhing Diana. Ang nangingislap niyang mga mata sa loob ng madidilim na orbit ay
waring hindi napapagod sa paghanga sa mapuputi't mabibilog na bisig, sa matikas na
leeg na pinagsisimulan ng dibdib. Ang maliliit at malarosas na paang nagtatampisaw sa
batis ay pumukaw ng mga banyagang pakiramdam sa kaniyang hamak na pagkatao at
pinapanaginip ng mga bagong kaisipan ang kaniyang nag-aalab na utak.
Pagliko sa siko ng batis, sa likod ng masinsing kawayanan, nawala ang maririlag
na anyo at di na narinig ang kanilang malulupit na talinghaga. Naliliyo, bantulot, naliligo
sa pawis; nilisan ni Padre Salvi ang kaniyang kanlungan at luminga na tila naliligaw.
Napatigil siya nang walang kilos, nag-aalinlangan, humakbang na waring susundan ang
mga dalaga, ngunit bumalik at tinungo ang pampang upang hanapin ang ibang
nagdiriwang.
Sa di-kalayuan, nakita niya sa gitna ng batis ang isang uri ng paliguang may
bakod na masinsing mga tulos at may bubong na makapal na kawayan. May
nagbubuhat doong masasayéng tinig babae. May gayak iyong mga dahon ng niyog,
mga bulaklak at mga watawat. Sa dako pa roon, nakita niya ang isang tulay na
kawayan at naliligo sa malayo ang mga lalaki, habang naglisaw ang isang hukbo ng
mga katulong na babae’t lalaki sa paligid ng mga bagong gawang-kalan, abala sa
paghimulmol ng mga inahin, paghuhugas ng bigas, naglilitson, atbp. At doon sa
kabilang pampang, sa isang bahaging hinawan, ' nalilimpi ang pangkat ng mga ,lalaki’t
babae sa silong ng isang toldang lona, nakasabit ang isang gilid sa mga sanga ng
sinaunang mga punongkahoy at ang ' kabilang gilid sa mga bagong tayc^>ng tulos.
Naroon ang alferez, ang koadyutor, ang gobernadorsilyo, ang tenyente mayor, guro, at
maraming mga kapitan at tenyente pasado, pati na si Kapitan Basilio, ang ama ni
Sinang, at dating kalaban ng yumaong Don Rafael sa isang matandang asunto. Wika
sa kaniya ni Ibarra; “Nagtatalo tayo tungkol sa isang karapatan, at hindi
nangangahulugan ang pagtatalo ng pagiging magkaaWay.” At kaya masiglang
pinaunlakan ng bantog na orador ng mga konserbatibo ang paariyaya, nagpadala pa ng
tatlong pabo at ipinailalim ang mga katulong sa pamamahala ng binata.
Tinanggap ng lahat, pati ng _alferez, nang magalang at mapitagan ang kura. '
"Ngunit saan nanggaling ang Inyong Reberensiya?” tanungan nila nang makitang
puné ng galos ang mukha at nababalot sa mga tuyong dahon at piraso ng siit ang abito.
“Nadapa ba ang Inyong Reberensiya?”
“Hindi, naligaw ako!" sagot ni Padre Salvi at yumuko upang siyasatin ang
kaniyang kasuotan.
Binuksan ang mga prasko ng lemonada. Biniyak ang mga buko upang mainom
ang malamig na sabaw at makain ang malambot na laman, maputi pa kaysa gatas, ng
sinumang umahon sa paliligo. Tumanggap ang mga dalaga ng tig-iisang kuwintas ng
sampagang may mga salit na rosas at ilang-ilang upang pabanguhan ang kanilang
nakalugay na buhok. Nakasalampak ang ilang panauhin, nakahilig ang iba sa mga
duyang nakasabit sa mga sanga, o nalilibang kaya sa paglalaro sa paligid ng isang
malapad na bato-at makikita sa ibabaw nito ang mga baraha, mga tablero, mga librito,
mga sigay, at mumunting bato.
Ipinakita sa kura ang buwaya, subalit waring hindi nito alumana at nakinig
lamang nang sabihin sa kaniyang gawa ni Ibarra ang malaking sugat. Sa kabilang dako,
hindi na makita ang bantog ngunit walang nakakikilalang piloto; naglaho bago dumating
ang alferez.
Sa wakas lumabas mula sa paliguan si Maria Clara kasama ang kaniyang mga
kaibigan, saniwa tulad ng rosas sa una nitong umaga kung kumikinang ang hamog na
tila mga butil ng diyamante sa kagiliw-giliw na mga talulot. Ukol kay Ibarra ang kaniyang
unang ngiti; at dahil kay Padre Salvi ang unang ulap sa kaniyang noo. Nahalata ito ng
huli at napabuntonghininga.
Sumapit ang oras ng-tanghalian. Naupo ang kura, ang koadyutor, ang alferez,
ang gobernadorsilyo, at ilang kapitang kasama ang tenyente mayor sa isang mesang
pinangunguluhan ni Ibarra. Hindi pinahintulutan ng mga inang makisalo ang sinumang
lalaki sa mesa ng mga binibini.
“Sa pagkakataong ito, Albino, hindi ka na nakalilikha ng mga butas na tulad ng
sa mga bangka," ani Leon sa dating seminarista.
“Ano? Ano iyon?" tanungan ng matatandang babae."
"Ang mga bangka po, buong-buo tulad ng platong ito," paliwanag ni Leon.
Susmaryosep, saragate!” nakangiting bulalas ni Tiya Isabel. May alam na ba
kayo, SenyorAlferez, hinggil sa kriminal na lumapastangan kay Padre Damaso?" tanong
ni Fray Salvi sa binanggit habang kumakain.
“Sinong kriminal, Padre Kura?" tanong ng alferez na sinipat ang kura mula sa
puwitan ng basong tinutunggaan niya ng alak.
"Sino pa? Iyong bumugbog kay Padre Damaso sa daan kamakalawa ng hapon!"
“Bumugbog kay Padre Damaso?" tanong ng iba't ibang tinig.
Waring nangiti ang koadyutor.
"Oo, at nahiga-ngayon si Padre Damaso. Ipinalalagay na si Elias mismo iyon, na
siya ring naghagis sa inyo sa putikan, Senyor Alferez."
Namula ang alferez dahil sa hiya o sa alak.
“Puwes, akala ko," patuloy ni Padre Salvi na may bahid ng panunuya, "alam na
ninyo ang buong asunto, dahil wika ko'y kayo ang alferez ng Guwardiya Sibil... "
Napangatlabi ang militar at umanas ng walang-wawang pagdadahilan.
Noon sumipot ang isang babaeng maputla, yayat, kaawa-awa ang kasuotan.
Walang nakapansin sa kaniyang pagdating dahil napakatahimik niya at walang kakala-
kalatis. Kung nagkataong gabi ito, mapagkakamalan siyang isang multo.
"Pakainin ninyo ang ka_awa-awang babaeng iyan!" sabi ng matatandang babae.
"Hoy, halika rito.!"
Subalit nagpatuloy sa paglakad ang babae at lumapit sa mesang kinalalagyan ng
kura. Napalingon ito, nakilala niya ang babae, at nabitawan ang kutsilyo.
"Pakainin ninyo ang babaeng ito!" utos ni Ibarra.
"Madilim ang gabi at nawawala ang mga bata!" bulong ng pulubi. Subalit nang
makita ang alferez na kumausap sa kaniya, natakot ang babaqat tumakbo hanggang
maweila sa kakahuyan.
“Sino siya?" ang tanong.
"Isang sawimpalad na nasiraan ng bait dahil sa tindi ng inabot na sindak at
pighati!” sagot ni Don Filipo. “May apat na araw na siyang ganiyan.”
Siya ba si Sisa?» may malasakit na tanong ni Ibarra.
"Hinuli siya ng mga sundalo ninyo, Senyor Alferez," patuloy sa mapait na tinig ng
tenyente. "Inilibot siya sa buong bayan dahil sa di ko malamang bagay tungkol sa
kaniyang mga anak na...Hindi ko alam kung nabigyan na ninyo ng linaw."
"Aba?" tanong ng alferez na humaling sa kura, “iyan marahil ang ina ng dalawa
ninyong sakristan?" Tumango 'ang kura. . “Nawala sila nang wala man lamang
magsiyasat!" mariing dagdag ni Don Filipo habang nakatingin sa gobernadorsilyo na
nagbabé ng mga mata. «Hanapin ninyo ang babae!" utos ni Crisostomo sa mga
katulong. "Naingako akong sisikaping alamin kung nasaan ang kaniyang mga anak."
"Sinabi ninyong nawala?" tanong ng alferez. Nawala ang inyong mga sakristan, Padre
Kura?”
Tinungga ng. huli ang alak sa basong nasa harap niya at tumango bilang
pagsang-ayon.
“Karamba, Padre Kura!” bulalas ng alferez na tumawang nang-uuyam at masayé
sa akalang makaganti. "Nawala ang ilang piso ng Inyong Reberensiya at maagang-
maagang ipinagising ako't ang sarhento ko upang hanapin iyon. Nawala ang dalawang
sakristan at walang sinabing anuman -ang Inyong Rebercnsiya. At kayo, Senyor
Kapitan...totoo rin bang kayo...”
At hindi tinapos ang pangungusap. Sa halip tumatawang ibinaon ang kutsara sa
mapulang laman ng isang papayang-gubat.
Nalilito at wala sa sariling sumagot ang kura.
"Dahil ako ang nananagot sa salapi..." "Mahusay na sagot, rcberendong pastol
ng mga kaluluwa!" hadlang ng
lferez na namumuwaian. "Mahusay na sagot, lalaking banal!” Nais sanang
mamagitan ni ibarra, ngunit sumagot si Padre Salvi, nagtitimpi Lt may pilit na ngiti. “At
alam ninyo, Senyor Alfcrez, kung ano ang sinasabi hinggil sa pagkawala ng mga batang
iyon?_Hindi? Puwes, itanong ninyo sa inyong mga sundalo!" "Ano?" bulalas ng kausap
na napawi ang sayai. "Sinasabing'noong gabing mawala sila, nakarinig ng mga putok!"
"Mga putok?" ulit ng alferez at tumingin sa nakapaligid. . Tumango ang mga ito. Sa
gayon, sumagot si Padre Salvi nang banayad at may talim ng kutya. "Malinaw, nakikita
kong kayq, na hindi makahuli ng kriminal at walang nalalaman sai ginagawa ng mga
kasambahay, ang ibig pang magsermon at magturo sa iba ng kanilang tungkulin.
Kailangan ninyong malaman ang kasabihang: Mas sabe el loca su casa. (Mas alam ng
baliw ang sariling bahay...… «Mga ginoo!" putol ni Crisostomo nang makitang namutla
ang alferez; "Kaugnay nito, ibig kong malaman kung ano ang palagay ninyo sa aking
proyekto. Iniisip kong paalagaan ang baliw sa isang mahusay na doktor, at samantala,
sa tulong ninyo’t payo, hanapin ang kaniyang mga anak."
Ang pagbalik ng mga katulong na hindi umabot sa baliw ang lubusang sumawata
sa magkaaway. Dumako sa ibang bagay ang usapan.
Pagkatapos kumain at habang idinudulot ang tsaa’t kape, nagpangkatpangkat
ang mga kabataan at matatanda. Kinuha ng ilan ang mga tablero, ng iba ang mga
baraha. Subalit nais malaman ng mga dalagita ang hinaharap at pinili nilang magtanong
sa Rueda de la Fortuna.
“Halikayo, Ginoong Ibarra!" masayang tawag ni Kapitan Basilio. “May labinlimang
taon na ang ating usapin at walang makapagpasiyang hukom sa Audcncia. Tingnan
natin kung malulutas natin sa tablcro?”
“Opo, ngayon din po at tauspuso!” sagot ng binata. "Saglit lamang po dahil
nagpapaalam ang aiferez!"
Nang mabatid ang napipintong laban, naipon ang matatandang nakauunawa sa
ahedres sa paligid ng tablero. Kawili-wili ang laban at nasiyahan kahit ang mga hindi
marunong maglaro. Sa kabilang dako, pinaligiran ng matatandang babae ang kuta
upang sangguniin hinggil sa mga bagay na pangkaluluwa. Datapwat inisip marahil ni
Padre Salvi na hindi angkop ang pook at ang pagkakataon sapagkat malabo ang
kaniyang mga sagot at nakatinging malungkot at may pagkayamot sa lahat ng dako
maliban sa kaniyang mga tagatanong.
Buong taimtim na nagsimula ang laban.
"Kapag nagtabla ang laro, dapat magkaunawaan tayo na ititigil na ang asunto,"
ani Ibarra.
Sa kalagitnaan ng laro, tumanggap si Ibarra ng isang telegrama na nagpakislap
sa kaniyang mga mata at nagpaputla sa kaniya. Buo niya itong ipinaloob sa kaniyang
kalupi habang sumusulyap sa pangkat ng kabataan na patuloy na nagtatanong sa
Tadhana sa gitna ng tawanan at sigawan.
“Akin ang Hari!" sabi ng binata.
Walang maisip na paraan si Kapitan Basilio kundi itago ito sa likod ng Reyna.
"Akin ang Reyna!” sabi muli at ipinambanta ang kaniyang tore, na
ipinagtatanggol ng isang piyon.
Nang hindi maikubli ang Reyna at hindi rin maialis dahil nasa likod nito ang Hari,
humingi si Kapitan Basilio ng panahong makapag-isip.
“Tauspuso!” sagot ni Ibarra. "Mayroon din lamang po akong sasabihin sa ilan sa
pangkat na iyon." At tumayo upang bigyan ang kalaban ng labinlimang minuto. Hawak
ni Iday ang bilog na karton na kinasusuiatan ng 48 tanong; hawak naman ni Albino ang
libro ng mga sagot. “Sinungaling‘. Hindi totoo! Sinungaling‘.” sigaw na halos maiyak ni
Sinang.
"Ano ng nangyayari sa iyo?" tanong ni Maria Clara.
Tingnan mo, ang tanong ko Kailan ako magkakaroon ng sariling bait? Inihagis k0
ang mga dais, at iyan, iyang kurang pumayat sa puyat, ang binasa sa libro: ‘Kapag
nagkabuhok ang palaka!) Ano ngayon ang sasabihin mo?"
At nginiwian ni Sinang ang ating seminarista na patuloy naman sa pagtawa.
“Sino ang nag-utos sa iyong itanong iyan?" sabi ng kaniyang pinsang si Victoria.
“Ganiyan lang talaga ang nararapat na sagot sa ganiyang tanong."
“ikaw naman ang magtanong!" sabi nila kay Ibarra at ibinigay dito ang gulong.
"Usapan namin na tatanggap ng isang regalo mula sa lahat ang sinumang
makatanggap ng pinakamabuting sagot. Nakapagtanong na kaming lahat."
“At sino ang nakatanggap ng pinakamabuti?”
“Si Maria Ciara, si Maria Clara!” sagot ni Sinang. "Pinilit namin siyang itanong,
sa ayaw niya at sa hindi: ‘Mgtapat ba at walang-maliw ang kaniyang pag-ibig?’ at ang
sagot ng libro...”
Subalit pulang-pula, tinakpan ni Maria Clara ng kaniyang kamay ang bibig ni
Sinang at hindi pinahihintulutangmagpatuloy.
"Kung gayon, akin na ang gulong," nakangiting sabi ni Crisostomo.
"Ang tanong ko. 'Magtatagumpay kaya ako sa kasalukuyan kong gawain?"
"Anung pangit na tanong!" bulalas ni Sinang.
Inihagis ni Ibarra ang mga dais, at batay sa lumabas na numero, hinanap nila
ang pahina at linya ng sagot. "Mga panaginip ang mga panaginip," basa ni Albino.
Inilabas ni Ibarra ang telegrama at nanginginig na binuksan.
“Ngayon, nagsisinungaling ang inyong libro!" bulalas niyang maligayang
maligaya."Basahin mo!"
"Proyekton'g paaralan pinagtibay, hinatulan ang isa pa nang pabor sa inyo."
“Ano ang ibig sabihin nito?" tanungan nila.
"Hindi ba sabi inyo, dapat magregalo sa nagtamo ng pinakamabuting sagot?"
tanong niya sa tinig na nangangatal sa damdamin at pinilas sa dalawang piraso ang
papel.
"00, oo!" ~
“Kung gayon, ito ang aking regalo, " aniya habéng ibinibigay kay Maria Clara ang
isang piraso. “Magtatayo ako sa bayan ng isang paaralan ng mga bata. Ang paaralang
11:0 ang regalo ko!"
"At ang kalahati? Ano ang ibig sabihin?"
"Ito ang regalo ko sa nagtar'no ng pinakamasamang sagot."
"Aba, ako iyon! Kung gayon, sa akin!" sigaw ni Sinang.
Ibinigay sa kaniya ni Ibarra ang papel at mat'uling lumayo. “At ito? Ano ang ibig
sabihin nito?"
Subalit malayo na ang masayang binata at ipinagpatuloy ang laban ng ahedres.
Tila nalilibang na lumapit si Fray Salvi sa masayang pangkat ng kabataan.
Pinahid ni Maria Clara ang isang luha ng kasiyahan.
Nahinto nathan ang tawanan at naputol ang usapan. Tiningnan ng kura ang mga
kabataang hindi makapagsalita kahit isang kataga. Hinintay naman ng mga itong
magsalita siya kaya tumahimik.
"Ano ito?" naitanong niya sa wakas at kinuha ang aklat ha binukla buklat.
"Rueda de la Fortuna, isang libro ng laro," sagot ni Leon.
"Hindi ba ninyo alam na kasalanan ang maniwala sa ganito?" aniya at galit na
pinunit ang mga pahina.
Pumiulas ang sigaw ng pagtatakat pagdaramdam sa lahat ng labi.
"Higit na malaking kasalanan ang makialam sa hindi pag aati at laban sa loob ng
may-ari!" tugon ni Albino at tumindig. “Padre Kura, pagnanakaw ang tawag diyan at
ipinagbabawal ng Diyos at ng tao."
Napagdaop ni Maria Clara ang mga palad at minalas na naiiyak ang nalabi sa
aklat na kani-kanina lamang ay nagdulot sa kaniya ng napakalaking kasiyahan.
Salungat sa inaasahan ng pangkat, hindi sinagot ni Fray Salvi si Albino.
Nama‘lagi itong minamalas ang paikot-ikot na nagliliparang mga pahina, na napadpad
ang ilang piraso sa gubat at ang iba sa tubig; saka tumalilis na pasuray-suray at sapo
ang ulo. Sandaling humintong nakipag-usap kay Ibarra na sinamahan siya hanggang sa
isa sa mga karwahe na nakalaang maghatid sa mga panauhin.
"Mabuti ngang umalis si Masungit!" bulong ni Sinang. “Pati ang mukha, tila
nagsasabing: Huwag kang tatawa't alam ko ang iyong mga kasalanan."
Napakaligaya ni Ibarra pagkabigay ng regalo sa kaniyang kasintahan kaya hindi
pinag-isipan ang laro at hindi nag-abalang suriing mabuti ang ayos ng mga pitsa.
Bunga nito, bagaman halos hindi na makapagtanggol si Kapitan Basilio ay
naging patas ang laban. Salamat sa maraming maling tira ng binata pagkatapos.
“Itigil na natin! Itigil na natin!" ani Kapitan Basilio na tuwang-tuwa.
“Itigil na natin!” ulit ng binata. “Anuman ang hatol na ibigay ng mga hukom." '
Samantalang ipinagdiriwang ng nangatitipon ang pangyayaring ito na tumapos
sa isang usaping nagdulot ng ligalig sa magkabilang panig, biglang dumating ang apat
na guwardiya sibil at isang sarhento, pawang sandatahan at nakakabit sa baril ang
bayoneta. Nagambala ang kasayahan at nasindak ang kababaihan.
"Tumahimik ang lahat!" sigaw ng sarhento. “Papuputukan ang sinumang
kumilos!" “Ano ang nais ninyo?" ang tanong. "Ilabas ninyo ngayon din ang isang
kriminal na nagngangalang Elias, na piloto ninyo kaninang umaga," sagot sa tinig na
nananakot. "Isang kriminal? Ang piloto? Baka nagkakamali kayo!” sagot ni Ibarra.
"Hindi, Ginoo. May bago na namang sakdal ang Elias na iyan dahil sa pagbubuhat ng
kamay sa isang sascrdotc." "Aa! At siya ang piloto?’ ' "Siya na nga, ayon sa sabi sa
amin, tinatanggap ninyo sa inyong pagdiriwang ang isang taong may masamang
pangalan, Ginoong Ibarra."
Tiningnan ni Ibarra mula ulo hanggang paa ang sarhento at sinagot nang buong
suklam.
"Hindi ko kailangang ipagbigay-alam sa inyo ang Iahat ng aking ginagawa! Sa
aming pagdiriwang, tinatanggap naming malugod ang sinuman, at kayo kung naparito’y
may puwang sa mesa tulad ng inyong alferez na kapiling namin may dalawang oras pa
lamang ang nakalilipas."
At tumalikod matapos magsalita.
Kinagat ng sarhcnto ang bigote, at dahil sa pag-aakalang mahina ang panig nila,
nag-utos na halughugin ang kakahuyan at hanapin ang piloto-na may paglalarawang
{lakasulat sa kapirasong papel. Dahil dito, pinagsabihan siya ni Don Filipo.
“Pansinin ninyo na siyam sa bawat sampung katutubo dito ang maaaring ilapat
sa inyong paglalarawan. Baka kayo magkamali."
Bumalik sa wakas ang mga sundalo at nag-ulat na wala silang nakitang bangka
o sinumang kahina-hinala. Umutal ng ilang salita ang sarhento at lumayas gaya ng
pagdating-asal-guwardiya sibil.
Unti-unt'mg bumalik ang kasayahan. Umulan ng mga tanong at sagana sa mga
pala-palagay. ~ "Siya pala ang Elias na naghagis sa alfercz sa putikan!" nagliliming sabi
ni Leon.
“At paano nangyari iyon? Paano?" tanungan ng mga mausisa.
"Sinasabing buwan noon ng Setyembre, isang araw na maulan, nang
makasalubong ng alfercz ang isang lalaking may paséng mabigat. Maputik ang daan at
sa gilid lamang may makitid na maaaring madaanan ng tao. Sinasabing sa halip pigilin
ng alferez ang kaniyang kabayo, incspuwela ito at saka sinigawan ang lalaki na
umurong. Waring ayaw namang bumalik sa pinanggalingan ng lalaki dahil sa mabigat
na pasan, o dahil ayaw malublob sa putik, kaya nagpatuloy sa pagsulong. Nagalit ang
alfcrcz, tinangkang sagasaan ang lalaki, ngunit kumuha im ng isang putol m
panggatong, at pinalo nang napakalakas ang hayop sa. ulo kaya natumba ang kabayo
at bumagsak ang sakay sa labak. Sinasabi ring panatag na nagpnuloy sa paglakad ang
lalaki at hindi pinansin ang limang pung‘ong 'La-isang itinudla sa kaniya mula sa labak
ng alfcrez. na binulag ng labis na galit :: putik. Sapagkat hindi niya nakilala ang lalaki.
inakala niyang ito mg bantog na si Elias. na ilang buwan pa lamang dumating sa
probinsiya. muh kung saang dako. at mkilala m ng mga guwardiya sibil sa ilang bayan
sa pamamagitan ng nakakatulad m mg: pangyayari.'
“Isa siyang tulisan kung gayon?’ unong na nanginginig ni Victoria.
"Hindi ako naniniwala, dahil sinasabing nakipaglaban siya minsan sa mga tulisan
isang araw na looban nila ang isang bahay.'
"Hindi siya mukhang m‘asamang-tao," dagdag ni Sinang. “Hindi, napakalungkot
lamang ng kaniyang tingin. Hindi ko siya nakitang ngumiti buong umaga,' 'sagot na
naglilimi ni Maria Clara.
Sa gayon lumipas ang hapon at sumapit ang oras ng pagbalik sa kabayanan.
Sa mga panghuling sinag ng agaw-buhay na araw nila nilisan ang gubat. at
tahimik na dumaan malapit sa mahiwagang libingan ng ninuno ni Ibarra. Bumalik
pagkuwan ang masiglang usapan, hitik sa kulay, sa silong ng mga sangang hindi
gaanong bihasang makinig sa gayon karaming tinig. Nalulumbay wari ang mga
punongkahoy, kumakaway wari ang mga baging upang sabihing: "Paalam, kabataan!
Paalam, pangarap ng isang araw!"
At ngayon, sa liwanag ng mapula't malaking mga kawayang sulo, at sa saliw ng
mga gitara, bayaan natin sila sa kanilang paglakad pauwi sa kabayanan. Mababawasan
ang pangkat, mamamatay ang mga ilaw, hihinto ang mga awit, titigil ang gitara habang
papalapit sila Sa mga tahanan ng tao. Magsuot ng balatkayo sapagkat nasa piling na
muli tayo ng inyong mga kapatid!

Mga Tala
1. nilinis sa ilang sandali ang sandosenang maruming kaluluwa: minadali ang
pakikinig ng kumpisal.
2. Acteon: Isang mangangaso, sang-ayon sa mitolohiyang Griyego, at riaging isang
usa nang mapagmasdan niyang naliligo si Artemis. Bilang usa, hinabol siya at kinain ng
sariling mga aso.
3. Rueda dc la Fortuna: Gulong ng Kapalaran, isang laro na gumagamit ng isang
tablerong nakukuhanan ng sagot sa anumang maisip itanong.
4. Mga panaginip ang mga panaginip: Sa orihinal, Lo: xuerios, :uerio: Jon, ibig
sabihin, hindi dapat magtiwala sa mga panaginip. Mula ito sa pangungusap ni
chismundo sa dulang La vida ef mario ni Padro Calderon de la Barca at ginamit na
cpigrap sa Kabanata 17.
Gabay na Tanong
 Ano-ano ang mga nasiwalat at naghihintay pa ng kaganapan sa kuwento nina '
ray Salvi, sa kababaihan, sa pamilya ni Sisa, sa alferez, kay Ibarra, at kay Elias?
KABANATA 25
ELIAS AT SALOME

Kung nagtungo ang mararangal na guwardiya sibil, matapos gambalain ang


pagdiriwang, sa isang pook na alam namin bago magtakipsilim sa apon ,ding iyon,
natagpuan sana nila ang hinahanap.
Isa itong munti ngunit kaakit-akit na dampa, nakatirik sa pampangin ng lawa
ngunit sa dakong mataas upang hindi abutin ng pagtaas ng tubig, sa gitna ng malagong
kawayanan, mga punbng bunga, at niyog. Sumisibol ang mga munti't pulang bulaklak
tulad ng kamantigi at marahilya sa paanan ng makapat at magaspang na pader, gawa
at tinapyas na mga batong-buhéy sa paanan hindi aakalaing tila hagdan ito patungo sa
lawa. Yari sa pawid at kaboncgro ang bahaging itaas, natatalian n_g uway at
napapalamutian ng mga palaspas na binasbasan sa Linggo de Ramos at mga artipisyal
na bulaklak ng timsin buhat sa Tsina. Isang mausisang sanga ng pundng ilang-ilang
ang pumapasok sa bukés na bintana at tumitigib ng halimuyak sa paligid. Sa palupo ng
bubungan, palitpalit na humahapon ang ilang tandang at inahin, samantalang nananatili
ang karamihan sa piling ng mga itik, pabo, at kalapati upang simutin ang mga butil ng
palay at mais na ibinudbod sa isang tila patyo.
Sa batalan o asoteang kawayan, sinasamantala ng isang dalaga ang liwanag ng
araw sa pagtahi ng isang kamisang matingkad ang mga kulay at manipis ang tela. Mga
labimpito o dalawampung taon siya, hamak ang pananamit bagaman marangal at
malinis. Maraming tagpi at sulsi ang'kaniyang baro, tulad ng kaniyang saya at tapis. Ang
tangi niyang gayak, ang tangi niyang hiyas, ay isang payak na suklay na kala, na
nakaipit sa kaniyang buhok na payak ang pagkakaayos, at isang rosaryong itim na
nakasuot sa kaniyang leeg sa ibabaw ng baro.
Kalugod-lugod siya sapagkat kabataan, sapagkat may maririkit na mata, maliit na
ilong, munting bibig; sapagkat nagtutugma ang kaniyang kabuuan at pinasisigla ng
isang masuyong anyo.'Subalit hindi siya isang kagandahang tumatawag ng pansin sa
biglang tingin. Katulad siya ng maliliit na bulaklak sa parang na walang kulay ni bango
kaya nayayapakan natin nang hindi napapansin, at natatanghal lamang sa atin ang
kagandahan kapag 'masusi na nating pinagmamasdan-mga di-kilalang bulaklak, mga
bulaklak ng lingid na halimuyak.
Manaka-nakang lumilingap ang dalaga-sa dakong lawang balisa noon ang alon,
ititigil ang ginagawa't matamang makikinig. Subalit sapagkat walang makita, babalikan
ang kaniyang tinatahi na may kasaliw na mahabang buntonghininga.
Datapwat biglang nagliwanag ang kaniyang mukha nang ilang yabag ang
umabot sa kaniyang pandinig. Iniwan niya ang tinatahi, tumayo, inayos ang lupi ng
kaniyang damit, at nakangiting naghintay sa tabi ng munting hagdang kawayan.
Nagliparan ang mga kalapati, nabulabog at nagputakan ang mga itik at inahin, at
lumitaw ang di-palakibong piloto na may dalang panggatong at isang buwig ng 'saging
na tahimik niy_ang inilapag sa sahig, samantalang iniaabot sa dalaga ang isang dalag
na kumikiwal pa't pumapalzig ang buntot.
Sinuri ng dalaga sa tinging nababagabag ang binata, saka inilagay ang isda sa
isang batyang puno ng tubig, at kinuha muli ang tinatahi habang nauupo sa tabi ng
matahimik pa ring piloto.
"Akala ko sa lawa ka manggagaling, Elias," aniya upang buksan ang pag-uusap.
“Hindi maaari, Salome," tugon ni Elias sa mahinang tinig. "Dumating ang falua at
nagpatrulya sa buong lawa. Kilala ako ng isa sa mga sakay."
"Diyos ko! Diyos ko!" bulong. ng dalaga at natitigatig na minalas si Elias.
Samunod ang isang mahabang katahimikan. Tahimik na pinagnilayan ng piloto
ang malalambot na punb ng kawayang ipinapagaspas ang matutulis na ' dahon.
"Nakapaglibang ba kayong mabuti?" tanong ni Salome.
"Nakapaglibang? Sila, sila ang nakapaglibang!" sagot ng binata.
"Ikuwento mo kung paano ninyo pinalipas ang araw. Pag narinig ko mula . sa
mga labi mo, masisiyahan ako na para ring kasama ninyo. "
"E...pumunta sila...nangisda" nag-awitan.. .at nagsipaglibang," sagot na ' wala sa
loob.
Di na makapagtimpi si Salome, tiningnan siyang nagtatanong at sinabihan:
“Elias, nalulungkot ka!"
"Nalulungkot?”
"Nauunawaan kita!" bulalas ng dalaga. "Malungkot ang iyong buhay... Natatakot
ka marahil matuklasan nila?"
Isang tila ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata.
"May kailangan ka ba?"
"Kailangan ko marahil ang pakikipagkaibigan mo? Hindi ba't kapuwa tayo
mahirap?" sagot ni Elias. "Kung gayon, bakit ka ganiyan?"
"Ilang ulit mo na bang sinabi sa akin, Salome, na napakatahimik ko?" Yumuko si
Salome at ipinagpatuloy ang pananahi. Pagkaraan, sa tinig na nagsisikap
magwalang-bahala, muling nagtanong: "Marami ba kayo?"
"Marami sila!"
"Maraming babae?"
“Marami...”
"Sino sa mga… ...dalaga ang magaganda?"
"Hindi ko sila kilala… .ang isa, ang kasintahan ng mayamang binatang kararating
mulang Europa," sagot ni Elias na halos hindi marinig.
“A, ang anak ng mayamang si Kapitan Tiago. Sinasabing lumitaw siyang
napakaganda?"
“A, oo. Napakaganda’t napakabait," sagot ng binatang pinipigil ang isang
buntonghininga.
Tiningnan siya sandali ni Salome, at yumuko pagkatapos.
Kung hindi sina nakatingin si Elias sa mga ulap na pabago-bago ang anyo sa
takipsilim, tiyak na napansin niyang. umiiyak si Salome at dalawang luha ang pumatak
sa tinatahi. Sa pagkakataong ito, siya ang bumasag sa katahimikan, tumindig at
nagsalita.
"Paalam, Salome! Lubog na ang araw at_tulad ng iniisip mo, hindi mabuti na
masabi ng mga kapitbahay na inaabutan ako dito ng gabi...Ngunit umiiyak ka‘” dagdag
na nagbago ang himig at napakunot-noo. "Huwag mong ipagkaila sa pamamagitan ng
ngiti, umiiyak ka!’
“A, oo," sagot ng dalagang nakangiti samantalang natitigib sa mga bagong luha
ang mga mata "Sapagkat napakalungkot ko rin."
“At bakit ka nalulungkot, mahal kong kaibigan?"
"Sapagkat malapit ko nang iwan ang bahay na itong sinilangan ko’t ' nilakhan,"
sagot ni Salome habang pinapahid ang mga luha '
“At bakit?" .
“Sapagkat hindi mabuting mamuhay akong mag-isa! Aalis ako't makikitira sa mga
kamag-anak ko sa Mindoro...Malapit ko nang mabayaran ang utang na naiwan ng
yumao kong ina. Darating na ang pista ng bayan at matataba na ang mga alaga kong
inahin at pabo. Ang paglisan sa tahanang sinilangan at nilakhan ay higit pa sa
pagkawalang kalahati ng sariling pagkatao...Ang mga bulaklak, ang halamanan, ang
ating mga kalapati! Daratal ang isang bagyo, isang baha, at maaanod ang lahat sa
dagat!"
Nanatiling nagiiiimi si Elias, at pagkatapos, ginagap ang kamay ng dalaga at
tinitigan sa mga mata habang tinatanong.
"May narinig ka na bang nagsalita ng masama sa iyo? Wala?
Pinagsamantalahan na ba kita kahit minsan? Hindi rin? Kung gayon, nagsasawa ka na
sa akin at sa aking pakikipagkaibigan, kaya upang makatakas ka sa akin…"
"Hindi, huwag kang magsalita nang ganiyan! Sana nga'y pinagsawaan ko ang
iyong pakikipagkaibigan," putol ng dalaga. "Susmaryosep! Nabubuhay ako sa araw at
gabi na iniisip lamang ang oras sa hapon ng iyong pagdating! Noong hindi pa kita kilala,
noong buhéy pa ang kaawa-awa kong ina, ang araw at ang gabi ang pinakamabuting
likha ng Diyos. Ang umaga, sapagkat nakikita ko ang pagsikat ng araw na sinasalamin
sa tubig ng lawa ang kalalimang madilim na kinahihimlayan ng aking ama, sapagkat
nakikita ko ang aking mga sariwang bulaklak, nananariwa muli ang mga dahong nalanta
sa sinundang araw, masayé akong sinasalubong ng aking mga kalapati’t inahin,
bumabati wari ng magandang umaga. Mahal ko ang umaga, sapagkat pagkataposkong
ayusin ang dampa, sumasakay ako sa munting bangka upang pagbilhan ng pagkain
ang mga mangingisdang nagkakaloob sa akin ng mga isda o nagpapahintulot sa aking
manimot ng mga natira sa lambat. Mahal ko ang gabi na nagdudulot sa akin ng
pahinga, na nagtutulot sa aking mangarap sa katahimikan sa paanan ng mga kawayan,
sa saliw ng tugtugin ng mga dahon, nalilimot ko ang katotohanan; at sapagkat ibinabalik
sa akin ng gabi ang aking ina, na iwinawalay sa akin sa araw ng panggingge.
"Subalit, mula nang makilala kita, nawalan ng halina sa akin ang umaga’t gabi,
tanging ang hapon na lamang ang maganda sa akin. Paminsan-minsan, namumuni ko
na nilikha ang umaga upang asaminang tatamuhing ligaya sa hapon, at' ang gabi upang
panaginipan at namnamin ang mga alaala’t nangapukaw na damdamin. Kungpamimiiiin
lamang sana akong mamalagi sa buhay na ito...Alam ng Diyos na nasisiyahan ako sa
aking kapalaran, wala akong nilulunggati kundi kalusugan. upang makapagtrabaho,
hindi ako naiinggit sa yaman ng mayayaman, ngunit..."
"Ngunit?"
“Wala, hindi ako naiinggit sa kanila habang nasa akin ang iyong
pakikipagkaibigan."
“Salome!” tugon ng binatang may kalakip na matinding dalamhati. ' "Batid mo
ang masaklap kong nakaraan at batid kong hindi igo kagagawan ang aking kasawian!
Kung hindi lamang sa kasawiang ito na paminsan-minsang nagpapagunita nang buong
pait sa pagmamahal ng aking mga magulang, kung hindi lamang ayaw kong danasin ng
aking mga anak ang dinanas naming magkapatid at dinadanas ko pa, ilang buwan na
sana kitang asawa sa mata ng Diyos at naninirahan na sana tayo ngayon sa pusod ng
gubat malayo sa mga tao. Ngunit alangalang na rin sa pagmamahal na ito, alang-alang
sa daratal na mag anak na ito, isinumpa kong wakasan sa akin ang kasawiang mula pa
sa mga magulang at mga anak ay minana ko. At kailangang gayon ang mangyari
sapagkat ikaw man 0 ako, hindi natin nanaising marinig na isinasakdal ng ating mga
anak ang ating pagmamahalan na tanging hapis lamang ang naipamana sa kanila.
Mainam ngang magtungo ka sa bahay ng iyong mga kamag-anak, limutin mo ako,
limutin ang isang pag-ibig na baliw at walang kabuluhan! Marahil makatatagpo ka doon
ng hindi tulad k0.”
“Elias!” bulaias na tumututol ng dalaga.
“Hindi mo ako naunawaan. Kinakausap kita gaya ng pagkausap ko sa aking
kapatid kung siya ay buhay. Wala ni bahid ng hinakdal laban sa iyo ang aking mga
salita, wala ni ikinukubling hinanakit. Bakit kita sasaktan sa pamamagitan ng paninisi?
Maniwala ka sa akin, magtungo ka sa iyong mga kamag-anak, limutin mo ako, sapagkat
sa paglimot mb’y hindi ako gaanong magiging sawi. Dito, wala kang iba kundi ako. Sa
araw na mahulog ako sa kapangyarihan ng mga umuusigsa akin, mag-iisa ka, at mag-
iisa sa nalalabi mo pang buhay kapag natuklasang kaibigan ka ni Elias, Samantalahin
mo ang iyong kabataan at ang iyong kagandahan upang makakita ng isang mabuting
asawang karapat-dapat sa iyo. Hindi mo pa alam kung paano mabuhay mag-isa, mag-
isa sa piling ng mga tao."
"Umasa akong sasamahan mo ako…"
"Ay!" sagot ni Elias na umiiling, "hindi mangyayari, at ngayon, lalong hindi
kailanman! Hindi ko pa natatagpuan ang sadya ko dito, kaya hindi mangyayari. Sa araw
na ito, nawala ang aking kalayaan!"
At isinalaysay ni Elias sa ilang salita ang naganap sa umagang iyon.
“Hindi ko hiningi sa kaniyang iligtas ang buhay ko. Hindi ko ipinagpapasalamat
ang pangyayari, bagaman ipinagpapasalamat ko ang damdaming nagbunsod sa
kaniya, at dapat kong bayaran ang utang na ito. Ang isa pa, nasa Mindoro man o sa
ibang pook, laging mabubuhay ang nakaraan at di-maiiwasang matuklasan."
“Kung iyon ang nais mo!" ani Salome at masuyong minalas ang binata. "Tumira
ka man lamang dito pagkaalis ko, manirahan ka sa dampang ito. Magpapaalala ito sa
iyo sa akin at hindi ko aalalahanin mula sa malayo na tinangay na ang kubo ng bagyo o
ng mga alon. Kapag binalikan ng isip ko ang mga pampang na ito, magkasamang
haharap sa akin ang iyong gunita at ang aking tahanan. Matulog ka kung saan ako
natulog at nanaginip...Sa gayon para na rin akong namuhay kapiling mo, para na ring
ako ang katabi mo."
"Ilibing siya."
“Sa sementeryo.?"
"Wala akong salapi, at saka hindi iyon papayagan ng kura.”
“Kung gayon?” "Kung ibig ninyo akong tulungan…" "Mahinang-mahina na ako,"
sagot ng di-kakilala na unti-unting nalugmok ' at itinukod ang mga kamay' sa lupa. "May
sugat ako, dalawang araw na akong hindi kumakain at natutulog. Wala bang pumunta
dito kagabi?"
Matagal na minasdang naninimdim ng lalaki ang nakaaakit na anyo ng bati.
“Makinig ka!? patuloy ng tinig _na higit nang humina. "Maaaring mamatay din
ako bago mag-umaga...Mga dalawampung hakbang mula dito, sa kabilang pampang ng
batis, may nakabuntong mga panggatong. Hakutin mo dito, gumawa ka ng talaksan,
ipatong mo sa ibabaw ang bangkay namin, takpan mo at sindihan, pagliyabin hanggang
maging abo kami."
Nakinig si Basilio.
"Pagkatapos, kung walang dumating... Humukay ka dito, makatatagpo ka ng
maraming ginto...at magiging iyo lahat. Mag-aral ka!" .
Lumalabo nang lumalabo ang tinig ng di-kakilala.
"Sulong at kumuha ng panggatong... Ibig sana kitang tulungan."
Lumakad si Basilio. Humatap sa Silangan ang di-kakilala at bumulong na
tila nagdarasal. . Mamamatay akong hindi nakitang sumilay ang bukang-
liwayway sa aking bayan! Kayong makakikita, salubungin siya.. .Huwag ninyong
lilimutin ang mga nabuwal sa dilim ng gabi!" Tumingala ito sa langit, kumibot ang mga
labing umuusal wari ng isang dalangm, saka yumuko at dahan-dahang bumagsak sa
lupa…
Makaraan ang dalawang Oras, nasa bétalan si Hermana Rufa at ginagawa ang
kaniyang mga pang-umagang paghahanda sa pagsisimba. Napatingin ang budhing
babae sa gubat at nakitang papataas ang isang makapal na usok. Napakunot ang noo
nito at lipos ng banal na galit na bumulalas: “Sino kayang erehe ang nagkakaingin sa
araw ng pangingilin? Kaya dumarating ang maraming kasawian! Subukin mong
pumunta sa Purgatoryo at tingnan mo kung hanguin kita doon, salbahe!"

Mga Tala
l. Nochebuena: literal na "Magandang gabi, at nakamihasnang tawag ng bago ang
araw ng Pasko. Sa gabing ito, malimit noong may mga pagdiriwang na nagdudulo sa
isang grandeng misa sa hatinggabi. Pagkatapos, nagka aroon ang bawat mag-anak
bago matulog. Pinanatili sa saling ito ang orihinal na baybay sa ESPanyol sa halip na
“notsebuwena.”

Mga Gabay na Tanong


 Sa pamamagitan ng teksto, buuin ang nangyari kay Basilio, kay Sisa, at sa
misteryosong lalaki mula nang huli natin si_lang makita hanggang ngayong
Noche Buena. '
 Natupad ba ang pangarap 'ni Basilio para sa Paskong iyon?

You might also like