Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang nobelang ito ay umiikot sa pang aapi ng isang mayamang pamilya sa

mga mahihirap na mamamayan sa isang bayan sa probinsya na sinasabing


iskwater. Dahil sa pang aapi ng mayamang pamilya nag kaisa ang mga
mahihirap na mamamayan upang lumaban at malutas ang kanilang mga
problema. Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina
Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa
Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at
kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng
hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes.
Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-
maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Ang mahahalagang pangyayari ay
sa bandang Sampilong, Baguio at Maynila.
Si Amádo V. Hernández ay hinirang na
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong
1973. Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang
mga kaibigan at kasáma sa kilusang paggawa.
Kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at
nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at
dahil sa kaniyang totoong paglahok sa
organisasyong pampolitika.

Nagsimula siya bílang manunulat at editor bago


ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan
ng digma, naging kinatawan siya ng Newspaper
Guild of the Philippines sa pamunuan ng Congress
of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo siya ng CLO noong 1947 at
nahalal ding Konsehal ng Maynila noong 1945 at 1947.
Itinuturing na pinakamahalagang aklat niya ang kalipunan ng tulang Isang
Dipang Langit (1961), ang mga nobelang Luha ng Buwaya at Ibong
Mandaragit(1969), tulang pasalaysay na Bayang Malaya (1969), at mga dulang
“Muntinglupa” (1957), “Hagdan sa Bahag hari” (1958),“ Ang mga Kagalang-
galang ”(1959) at “Magkabilang Mukha ng Isang Bagol” (1960). Paborito
namang binibigkas ang kaniyang mga tulang “Kung Tuyo na Luha mo Aking
Bayan,”“ Panata sa Kalayaan,”“ Inang Wika,” at “Makalawang Namatay.”
Nagtamo ng karangalang banggit ang kaniyang “Kayumanggi” sa
Commonwealth Literary Contest noong 1938, at nabigyan siya ng Republic
Cultural Heritage Award para sa Isang Dipang Langit noong 1962. Kinilala rin
siyang Makata ng Ilaw at Panitik noong 1925, Patnubay ng Sining at Kalinangan
ng Lungsod Maynila noong 1964, at Tanglaw ng Lahi ng Ateneo De Manila
noong 1970.
Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 13 Setyembre 1903 kina Juan Hernandez
at Clara Vera. Napangasawa niya ang Reyna ng Sarsuwela at Kundiman at
kapuwa Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro na si Atang de la Rama.
III. Tagpuan/Panahon
A.Sampilong
Sa bayang ito, sa isang probinsya sa kalagitnaang Luzon halos naganap
ang mga pangyayari sa nobela. Ang “sampilong” ay nagmula sa pinaikling
pangalan ni San Teofilo. Meron din namang nagsasabi na ito’y mula sa
“sampal o tampal sa ilong” ng isang dalagang taga baryo sa kurang
banyaga.

a. Pagupitan ni Tinoy
Sa lugar na ito unang nadaan si Bandong nang siya’y dumating. Dito
rin tumatambay ang mga mag sasaka habang nagpapahinga.
b. Ang kabukiran ng Sampilong
Dito idinaos ang paggapos ng mga ani, at ito ang dahilan ng
pagtutunggali ng mga tauhan.
c. Bahay na bato ng mga Grande
Dito nakatira ang mga grande pati na rin ang mga magsasakang
naglilingkod sa kanila. Si Donya leona hindi tumatanggap ng
iskwater sa kaniyang lupa. Dito rin idinaos ang handaan para sa
pagdating nina Ninet at Jun.
d. Bahay paaralan sa Sampilong
Dito nagtatrabaho si Bandong bilang isang guro. Ito ay natupok
nang gamiting himpilan ng mga Hapones na muling naipatayo
pagkatapos ng digmaan.
e. Tahanan ni Nana Oris
Kasalukuyang naninirahan si Bandong at ang kanyang kasama ay si
tiya na si Nana Oris.
f. Tahanan ni Hulyan
Dito ibinurol ang bangkay ni Sepa, at dahil sa kanyang pagkamatay
ay nabuo ang unyon ng mga magsasaka.
g. Tahanan ni Mang Pablo
Dito bumibisita si Bandong upang makita si Pina.
h. Bagong Nayon
Dati itong tambakanna kung saan naninirahan si Andres at ang ibang
mga kasama sa iskuwater. Ito’y nagbago dahil kanila itong inayos at
pinaganda para sa pagtatayo ng “cottage industry”.

B. Baguio
Dito nagtungo ang anim na magkakaibigan Jun, Pil, Marybee, Ninet,
Dan at Bining para magbakasyon , na ang kariktan ng lungsod ay halos
pangkaraniwan na dahilan sa malimit nila itonng puntahan.

C. Maynila
Dito nagmula sina Sedes at Andres bago sumiklab ang digmaan. Sa
kabiserang ito nagtungo sila Pina, Bandong, Dinong, Sedes at Andres
upang humingi ng tulong sa abugadong kilala ni Bandong noong siya’y
nag aaral pa lamang.
IV.Buod
V. Paksa/Tema
Ang pamagat ng nobelang “Luha ng Buwaya” sa aking
pagkakahulugan ang buwaya ang sumisimbulo sa mga buktot o
pagiging sakim na tao, at ito’y nasa katauhan ng Grande.
Ang tema ng ng nobela ay tumatalakay sa kasakiman ng mayamang
pamilya na Grande at ang pagkakaisa ng mga magsasaka upang
masugpo ito.
Makikita ang pagiging sakim ng pamilyang Grade sa lupa, na naging
rason upang ang mga api ay lalong maghirap. Maiiugnay ang
pamagat sa kwento sa ilang pangyayari katulad ng nang namatay si
Sepa nagpadala ng abuloy si Donya Leona upang ipakita na sila ay
nakikiramay sa sinapit ng asawa ni Hulyan. Kung bakit natuluyan si
Sepa sa kadahilanang wala silang maipambili ng gamot, dahil sa
hindi pagpayag ni Donya Leona upang kalahati lang muna ang
kaltasin sa mga naaani.
Sa katauhan ni Bandong, siya ang naging tagapayo ng mga
magsasaka at ang utak sa likod ng pagpapatayo ng kooperatiba ng
iskwater. Sa nobelang ito malalaman mo ang pagkakaisa ng mga
magsasaka tungo sa pagbabagong inaasam, at dahil dito nagawa
nilang kalabanin o mapagtagumpayan ang pamilyang Grande .
VI. Mahahalagang pahayag
VII. Bisa ng Isip at Bisa ng Damdamin
IX. Reaksyon
X. Implikasyon

You might also like