Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

October 9, 2019

Isang repleksyon sa pinanood na pelikula,


“2cool 2 be 4gotten”: Ingles ay wika ng kaunlaran natin?

Nakapapaso sa init, nakalulugmok sa bigat at nakapanlulumo sa pagkakomplikado…

Ganito mailalarawan ang mga kinakaharap na mga isyung panlipunan ng bansang

Pilipinas sa kasalukuyan. Mula sa mga kaliit-liitang kontrobersya sa mga komunidad

hanggang sa mga pambansang diskusyon ay kakikitaan ng maraming isyung panlipunang

nag-uugat sa ibat ibang suliranin. Isa sa mga ito ay ang mga suliraning pangwika na

tumutuklas sa relasyon ng mga partikular na isyu sa bayan at wikang umiiral dito. Ilan sa

mga partikular na isyung ito ay mapapansin sa pelikulang “2cool 2 be 4gotten” Petersen

Vargas, isang coming-of-age story noong 2016 sa direksyon ni Petersen Vargas na isinulat ni

Jason Paul Laxamana. Matapos mapanood ang nasabing pelikula, narito ang mga nabuo kong

repleksyon ungkol sa ugnayan ng wika at ng mga isyung panlipunang nakapaloob sa istorya

ng palabas.

“Using Kapampangan is barriotic and gives the school a very bad image” -

Ipinakita sa simula ng istorya ang isang guro ng Ingles sa loob ng silid-aralan na binabalaan

ang kanyang mga mag-aaral na huwag gagamit ng Kapampangan kung hindi ay

maparurusahan. Ang sipi sa unahan ay sinabi ng guro bilang dahilan kung bakit nya

ipinagbabawal ang pagsasalita ng Kapampangan sa klase. Isa itong malinaw na indikasyon

ng isang laganap na kaisipan na ang Ingles ay ang wika ng kaunlaran. Ang paniniwala ng guro

sa pelikula na nakasasama sa imahen ng paaralan ang paggamit ng wikang Kapampangan ay

nagpapakita ng diskriminasyon sa wikang umiiral sa Pilipinas bunsod ng kaisipang kolonyal

na marami ang inaalipin ngayon. Tunay na malaki epekto ng wika sa pananaw ng mga tao sa
bansa partikular sa wika nito kung saan sa konteksto ng Pilipinas, ang wikang Ingles pati na

ang mga taong inirerepresenta nito ay tila nagniningning na ginto para sa marami at iniisip

na mas magaling, mas kaaya-aya at mas pasok sa istandard ang mga dayuhan dahil sa

kaisipang kolonyal. Halimbawa nito ay ang eksenang giliw na giliw ang mga tao sa paaralan

sa pagpasok ng ‘Snyder brothers’. Sa isa pang punto, tila pa ngang sinasamba ng kanyang

mga kamag-aral si Maxim Snyder at susundin ang kahit anong iutos nito kapalit ng mga

dolyares nito. Ang wika sa usaping ito ay nagsilbing makapangyarihang presensya kung saan

may politika sa pagitan ng Ingles at Kapampangan.

“I express myself better in English.” - Ang impluwensya ng wika sa identity crisis ng

mga Pilipino ay makikita rin sa pelikula sa katauhan ni Felix. Habang nasa bahay siya nila

Magnus upong tulungan ito sa mga aralin sa paaralan, sinabi ni Magnus na maari syang

makipag-usap sa Kapampangan dahil marunong naman silang magkapatid ngunit sinabi ni

Felix na mas kaya nyang ipahayag ang kanyang sarili sa Ingles. Kapansin-pansin na bibihira

lamang siyang gumamit ng Kapampangan sa kabuuan ng pelikula at isa rito ay tuwing siya’y

nasa bahay. Isa itong patunay sa epekto ng kaisipang kolonyal sa identidad ng mga Pilipino

partikular sa wika. Ang mga wika sa Pilipinas ay tila ba mas mababa sa Ingles kaya umaabot

sa puntong mas nagiging pangunahing wika ng iba ito kapag ito ang ninais ituro ng kanilang

mga magulang noong sila’y musmos pa. Ang wikang kalalakhan ng paslit ay Ingles at mas

magiging magaling sya ritong ipahayag ang kanyang sarili na maaring gumulo sa kaisipan

nya sa tunay na identidad ng isang Pilipino.

“A great miracle of interaccial copulation.” - Ang pagsasalin-lahi ay nagiging paraan

upang ang dalawang wika na banyaga sa isa’t isa upang yumabong sa paggamit ng mga

bunga nito. Yumayabong ang wikang Ingles at Kapampangan sa pagsasalinlahi sa katauhan


nila Magnus at Maxim. Dahil dito, may mga salitang umuusbong o mga dating salitang

nabibigyan ng bagong kulay. Sa kabilang dako, isang issue na ipinakita sa pagsasalinlahi sa

Pilipinas partikular sa Clark Airbase ay ang ang pagbebenta ng panandaliang aliw ng ilang

mga babae sa mga sundalong Amerikano daan upang magkaroon ng pagsasalin-lahi. Sa

pelikula, habang nag-aalmusal ang magkakaibigan ay napag-usapan nila ang nanay nila

Magnus bilang ‘hooker’ o prosti na kung saan ang magkapatid na Snyder ay bunga ng

pagiging prosti nito. Ipinapahiwatig nito ang wikang Ingles bilang tulay ng nanay nila Magnus

sa ‘di inaasahang pagsasalin-lahi.

You might also like