Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

LABORATORY HIGH SCHOOL


Taong Panuruan 2019 – 2020

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Mga Kontemporaryong Isyu

Baitang at Seksyon 10-Ruby

Araw at Oras W 7:00am-9:00am


F 1:00pm-2:00pm

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natalakay ng mahusay ang mga dahilan ng sigalot-panteritoryo sa pagitan ng Pilipinas


at ilang mga kalapit-bansa nito sa Spratly Islands;
2. Nasuri ng malalim ang mga epekto ng sigalot-panteritoryo sa West Philippine Sea sa
kabuhayan, kalagayang pang-ekonomiya at pampolitika ng bansa, kapayapaang
panrehiyon, at ugnayan ng mga bansa sa Asya;
3. Natalakay ang mga diplomatikong aksiyong isinagawa ng Pilipinas upang matugunan ang
sigalot-panteritoryo sa mga pinag-aagawang maritime features sa West Phiulippine Sea;
4. Naipaliwanag ng mabuti ang mga naging bunga ng diplomatikong aksyon ng Pilipinas
bilang tugon sa lumalalang tensiyon sa West Philippine Sea;at
5. Nakabuo ng mga malikhaing paglalahad ng kaisipan at pag-unawa tungkol sa pag-angkin
ng Pilipinas sa Spratly Island sa pamamagitan ng paggawa ng comic strips.

II. Nilalaman

Aralin : Ang Pag-angkin ng Pilipinas sa Spratly Islands


Yunit : Mga Isyung Pampolitika
Mailalaan na Araw : Dalawang Araw
Batayang aklat : Cabagan, L.A. (2017). Ugat ng Lahi: Mga Isyung
Kontemporaryo, pahina 130-143.
Mga kagamitang panturo : Multisensory aids, whiteboard marker, atbp.
III. Pamamaraan
A. Paghahanda

1. Panalangin 5. Pagwawasto ng takdang aralin


2. Pagbati 6. Balitaan (Punto de vista)
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pagtatala ng liban sa klas

B. Pangganyak

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napapansin ninyo sa larawan?
2. Sa inyong palagay ano kaya ang ipinapahiwatig ng larawan na ito?
3. Ano kaya ang tatalakayin natin ngayong araw?
C. Gawain (Activities)

Gawain 1: Boardwork
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer ibigay ang mga impormasyon
tungkol sa potensyal na kayamanan at pakinabang ng Spratly Island.

Mga Potensyal na Island


kayamanan at
pakinabang ng Spratly

Gawain 2: Boardwork
Panuto: Sa pamamagitan ng talahanayan ibigay ang mga diplomatikong aksiyon
at pagsasalarawan sa mga diplomatikong aksiyon.
Mga Diplomatikong Aksiyon Pagsasalarawan sa mga
Diplomatikong Aksiyon
Gawain 3: Boardwork
Panuto: Punan ang blangkong timeline ng mga aksiyong isinagawa ng China
ukol sa pag-angkin nito sa sa kalakhang bahagi ng West Philippine Sea ( South
China Sea).

2012

2013

2014

2015

Gawain 4: Boardwork
Panuto: Sa pamamagitan ng talaan ng mahahalagang impormasyon ukol sa
nagging tugon ng Pilipinas sa lumalang tensiyon sa Spratly Island.
Ang Paghain ng Pilipinas ng Protesta sa International Tribunal noong 2011
Pangunahing Layunin Pangunahing Argumento

Pagdulog ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2013


Panginahing Layunin Pangunahing Argumento

Pagdulog ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration Noong 2015


Mga Argumento Desisyon ng Permanent Court of
Arbitration
1. 1.

2. 2.
3 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain 5: Pangkatan
Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at ang bawat pangkat ay gagawa
ng isang comic strip na pumapatungkol sa pagtutol nila sa pag-angkin ng tsina
sa Spratly Island.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Kaisipan Malinaw ang ipinapahayag na ideya 8
Katahimikan at Kaayusan Matahimik at maayos ang paghahanda 5
at pagtatanghal
Pagkamalikhain Malikhain ang pagkakaggawa ng output 7
Kabuuan 20

D. Paunlarin (Analysis)
Saan nga ba natin matatagpuan ang Matatagpuan ang Sprtaly Island kung
Spratly Islands? ating tutukuyin sa mapa ito matatagpuan
natin malapit sa lokasyon ng Pilipinas.
Tama!
Bakit ganoon na lamang ang mga karatig Isa sa mga dahilan bakit pinag-aagawan
bansa na mapasakanila ang islang ito? nila ang isalang ito dahil sa sinasabi na
maroon daw itong reserba ng langis at
natural gas.
Paano nasabi ng bansang China at Dahil sa pagsusuring isinagawa ng
Vietnam na ang Spratly Island ay Geology and Mineral Resources Ministry
nagtataglay ng langis at natural gas? sinasabi na aabot sa 17.7 bilyong
tonelada ng langis at natural gas ang
nakareserba sa isla. Ngunit sinasabi ng
United States Energy Information
administration na halos walang langis rito
at mas mababa pa sa 100 billion cubic
feet lamang ng natural gas ang nasa
paligid.
Tumpak!
Bakit sinasabi na ang Spratly Island ay Sinasabi na ang Spratly Island ay isa sa
isang komersyal na palaisdaan? pinakaaktibong komersyal na palaisdaan
sa mundo. Dahil ayon sa West Central
Pacific nakapagtala ng 14% ng kabuuang
huli ng isda sa mundo katumbas ng 11.7
milyong tonelada.
Tama!
Paano naman nasabi na ang Spratly Dahil halos lahat ng commercial shipping
Islands ay isa sa pinakaaktibong shipping sa mundo ay dumadaan dito tinatayang
lanes sa mundo? noong dekada 1980’s nasa 270 na barko
ang dumaraan rito.
Magaling!
Ano- ano ang mga diplomatikong aksiyon Isa sa mga diplomatikong aksiyon na ito
ng ukol sa pagreresolba sa sigalot? ay ang 1995 aggreement kung saan
naganap noong 1995 sa West Philippine
Sea na nag-ugat sa pagiging agresibo ng
China gayundin ang patuloy na
pagpapatayo nito ng mga pasilidad sa
mga pinag-aagawang teritoryo.
Tama!
Ano ang kasunduang nabuo sa pagitan Ang kasunduang nabuo ito po ay
ng China at ng Southeast Asian Nations? nagsasaad na nararapat lamang na
ipabigay-alam ng isang bansa sa ibang
pang bansa ang anumang aktibidad
pangmilitar na isinagawa sa pinag-
aagawang teritoryo.
Tumpak!
Ano naman itong Declaration on the Ito ay naganap noong Nobyembre 4,
conduct of parties in the South China 2002 sa Phnom Penh, nilagdaan ang
Sea, 2002? Declaration on the Conduct of Parties in
the South China Sea ng sampung foreign
ministers ng mga bansang ASEAN at ng
China, nakasaad rito na sinikap ng mga
partido na mabuo ang deklerasyon upang
maayos ang sigalot panteritoryo at
panghurisdiksyon.
Mahusay!
Ano naman ang nakasaad sa Code of Nakasaad rito na lahat ng partido ay
Conduct in the South China Sea? nararapat na kumilos ayon sa isanasaad
ng mga naunang deklarasyon gayundin
sa isinasaad ng Uited Nations
Convention.
Magaling!
Pangalawang Araw
Magbigay ng mga tensiyong idinulot ng Ito po ay ang 2014 Chinese Dredging
sigalot sa Spratly Islands? Activities at ang papapatayo ng China ng
Airfield sa Ferry Cross Reef noong 2015.
Tumpak!
Paanong paraan ito nagdulot ng sigalot Dahil sa pagiging agresibo ng China sa
ang mga nabanggit na mga tensiyon? pag-angkin ng Spratly Island at
pagpapatayo ng mga military base sa
islang ito.
Tama!
Ngayon ibigay ang mga isinagawang Unang pagdulog na isinagawa ng
tugon ng pilipinas sa lumalalang tensiyon Pilipinas ay ang paghain ng Pilipinas ng
sa Spratly Island? protesta sa International Tribunal noong
2011, pangalawa pagdulog ng Pilipinas
sa Permanent Court of Arbitration noong
2013 at pagdulog ng Pilipinas sa
International Tribunal sa Hague
Netherlands noong 2015.
Magaling!
Ano ang naging basehan ng bansang Ang nagging basehan nila sa pag-angkin
China sa pag-angkin nila sa Spratly ng Spratly Island ay ang kanilang
Island? historical rights kung saan sinasabi ng
China na ang West Philippine Sea ay
pag-aari nito sa loob ng maraming siglo
kung saan kaya inangkin nito ang mga
pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon
batay sa historical rights nito.
Tumpak!
Paano naman ito nilabanan ang nasabing Sinasabi na ang China ay walang
pag-aangkin sa Spratly Island? karapatan na igiit ang kanyang
diumanoyhistoric rights sa mga
katubigan, seabed at subsoil ng Spratly
Island na nasa labas ng itinakdang
convention.
Tama!
Ano pa ang ibang pinagbasihan ng China Ang 9-dash line daw ay demarcation line
s apag-angkin ng Spratly Islands? na ginamit ng China na kung susuriin ay
sumasaklaw sa buong South China Sea.
Mahusay!
Paano naman ito inagurmentuhan? Ang tinatawag na 9 dash line ng China sa
West Philippine Sea (south China Sea)
ay walang anuman batayan sa ilalim ng
International Law.
Magaling!
Ibigay pa ang ibang idinulog ng Pilipinas ito po ay ang rock vs. island, breach of
para ipaglaban ang Spratly Island sa the law of the sea at damage to
China? environment.

Tama!
Ibigay ang mga ilang naging desisyon sa Una na ditto ay ang historic rights and the
ginanap na tribunal. 9-dash line, status of features, lawfulness
of Chinese action at harm to marine
environment.
Tama!
Sa inyong palagay sapat ba lahat ng Hindi dahil lahat ng kanilang
pagpapatunay sa pag-angkin nila sa pinagbabasihan nila sa pag-angkin sa
Spratly Island? Spratly Island ay hindi lahat gaano
kalakas upang sang-ayunan ito.
Mahusay

E. Pagnilayin at Unawain (Abstraction)


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Bilang isang mag-aaral, Paano Bilang isang mag-aaral ang
mareresolba ang tensiyon sa West pinakamabisang paraan para matapos na
Philippine sea nang hindi humantong sa ang suliranin tungkol sa teritoryo at
panggigipit o puwersahang hangganan ay dapat lahat ng mga bansa
komprontasyon? ay sumunod sa batas at rumespeto sa
kung ano man ang napagkasunduan ng
mga bansa.

F. Isabuhay (Application)
Porfolio Entry 4 (Bukas na liham sa China)
Ikaw ay isang miyembro ng organisasyon ng mgha kabataang nagsusulong sa
panrehiyong kapayapaan at kaayusan sa West Philippine Sea (South China Sea). Isa
sa mga paraang inyong gagawin upang epektibong maisulong ang inyong adhikain ay
ang pagbuo ng isang buaks na liham para sa China. Ano ang nararapat na maging
tema at estilo ng inyong liham na nagpapakita ng inyong diplomatikong prinsipyo at
kaisipan?
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama
Mali naman kung mali.
1. Ang pag-aagawang sa Spratly Island sa pagitan ng China at Pilipinas ay
nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon.
2. kabilang sa material na dahilan ang populasyon, likas na yaman at strategic
value ng teritoryo.
3. Ang Spratly Island ay isa sa pinakaaktibong komersyal fishing sa buong
mundo.
4. Ang Spratly Islands ay isa sa pinakaaktibong shipping lane sa mundo.
5. Ang mga bansang Taiwan, Malaysia, China, Vietnam, Brunei at Pilipinas ang
nag-aagawan sa Spratly Island.
6. Ang pagkakaroon ng karapatan sa bawat estado ay kinikilala ng mga bansa sa
buong mundo.
7. Isa sa mga pinagbasihan ng china sa pag-angkin ng Spratly Island ay ang
historical rights nito.
8. Sa Ilalim ng UNCLOS sinasabi na maaring lagyan lamang ng 200-nautical-
mile EEZ ay yaong mga islang maaring panirahan lamang.
9. Nagtatag ng pederasyon ang mga bansa sa daigdig hinngil sa usapin sa
suliraning teritoryal.
10. May mga batas na maaring sundin para matigil ang pag-aagawan ng mga
estado sa mga teritoryo.
Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

Ms. Elvie P. Dulauan Mr. Melvin N. Ambida Mr. Roberto Martin L. Sing

Student Teacher Cooperating Teacher Head, Social Studies Department


11
12

You might also like