Midterm Exam in Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
PAJO NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangi, Pajo, Lapu-Lapu City
Tel. No.: (032) 340-2283

Midterm Examination sa Komunikasyon at Pananaliksik


SY 2019-2020
MGA PANUTO: I. Maramihang Pagpili. Isulat ang titik ng tamang salitang makabubuo sa mga sumusunod
na pahayag. Istriktong WALANG ERASURES. Ang pagtatanong , pagtingin , pagtatayo, pagtingin sa
cellphone sa loob ng klase ay BAWAL.
1. Ang Ingles na language ay galing sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay ______.
A. dila B. bibig C. tunog D. salita
2. _______ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensiyong heograpiko.
A. Dayalek B. Rehistro C. Sosyolek D. Idyolek
3. Ang _______ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba't
ibang wika.
A. monolingguwalismo B. bilingguwalismo C. multilingguwalismo D. wala sa pagpipilian
4. _______ naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring
panlipunan.
A. Dayalek B. Rehistro C. Sosyolek D. Idyolek
5. Ang _______ ay tinatawag ding katutubong wika o mother tongue.
A. unang wika B. wikang pambansa C. ikalawang wika D. dayalek
6. _______ ang dayalek na personal sa isang ispiker.
A. Dayalek B. Rehistro C. Sosyolek D. Idyolek
7. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______.
A. pinipili B. dinamiko C. isinasaayos D. kagila-gilalas
8. _______ ang barayti ng wika na ginagamit base sa propesyon o larangang kinabibilangan ng isang tao.
A. Dayalek B. Rehistro C. Sosyolek D. Idyolek
9. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay _______.
A. Tagalog B. Filipino C. Pilipino D. Ingles
10. Antas ng wika na tinatawag din itong salitang pankalye o pangkanto, hindi dalisay at pan- panahon
kung sumulpot.
A.Panlalawigan B. Kolokyal C. Pambansa D. Balbal
11. Mahalaga ang komunikasyong di berbal dahil sa:
A. Inilalantad o ipinahihi!atig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.
B. nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe
C. naipahahatid ang ibang mensaheng di kayang sabihin nang personal
D. nagiging malakas ang loob ng tao na magawa ang isang bagay
12. Ito ay ang sistema ng arbitrayong simbolo ng patunog na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao.
A. Wika B. Domain C. Varayti D. Varyasyon
13. Siya ang Ama ng wikang Pambansa?
A.Dr.Jose Rizal B. Lope K. Santos C. Emilio Aguinaldo D. Manuel L. Quezon
14. Ang antas ng Wika na ginagamit ng mga tao sa isang particular na pook.
A. kolokyal B. IDyolek C. PanlalaWigan D. Balbal
15. Ang magkaibigan ay parehong galling sa Dumaguete, kaya maaaring magkatulad sila ng
A. Idyolek B. dayalekto C. creole D. Pidgin
16. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wastong kahulugan ng wika maliban sa
A. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
B. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa
pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga,nakasulat man o binibigkas.
C. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
D. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan na ginagamit sa bawat paaralan.
17. Patuloy na naghihirap ang bansang Pilipinas dahil sa mga buwaya sa katihan. Ang pahayag na ito ay
may antas ng wika na ______.
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. pampanitikan
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika
A. pakikipag-usap sa tindera.
B. pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
C. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
D. panonood ng pelikula
19. Tinatawag na _____________kapag napakaraming wikang ginagamit sa ibat-ibang lalawigan sa bansa.
A.Nasyonalismo B.Multilingguwalismo C. Bilinggu!alismo D. rehiyonalismo
B. Tukuyin ang antas ng wika ng mga sinalungguhitang salita sa loob ng mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot.
a. pambansa
b. pampanitikan
c. panlalawigan
d. balbal
e. kolokyal
20. Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang
salita ay mauuri rin sa antas na
21. Pinarangalan kagabi ang mga ulirang ilaw ng tahanan.
22. Halina kayo dine.
23. Panatilihin natin ang kapayapaan sa buong daigdig.
24. Ang wikang ito ay para sa'kin at para sa'yo.
25. Super sa ganda ang mga chikababes sa NTC.
C. Tukuyin kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod na pahayag/salita. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
a. Sosyolek
b. Idyolek
c. Diyalekto
d. Rehistro
26. Pagkaganda pala ng anak ng mag-asawang are, ah!
27. Ryan Bang: I lilly lilly like it!
28. What's up yo? Break it down.
29. checkup, therapy, diagnosis
30. Pagkatagal mo, ga.
C. Isulat ang tamang sagot.
A. impormatibo B. heuristiko C. instrumental D. regulatoryo E. interaksyunal
F. Personal G. imahinatibo
31. Pagbibigay babala 32. Pakikipagkapwa
33. Pangangalap ng impormasyon 34. Pagsulat ng dula
35. Pag uulat 36. Pagtatanong
37. Pakikiusap 38. Pagsulat ng nobela
39. Pagbabati 40. Pagsasabi ng nararamdaman
D. Basahin maigi ang pangungusap, at isulat sa papel ang tamang sagot.
A. Panahon ng Kastila E. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Rebolusyong Pilipino F. Panahon ng Republika
C. Panahon ng Amerikano G. Panahon ng Bagong Lipunan
D. Panahon ng Pagsasarili H. Panahon ng Kasalukuyan
41. Nagpatayo ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila.
42. Sapilitang ipinagamit ang katutubong wika.
43. Pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4.
44. Pagkakaroon ng patakarang Edukasyong Bilinggwal.
45. Pagkakaroon ng Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino.
46. Ang dating Linggo ng Wika ay ginawang Buwan ng Wikang Pambansa.
47. Nagbukas ng paaralang ang layunin ay ituro ang relihiyon.
48. Naitatag ang Kartilya ng Katipunan na nakasulat sa wikang Tagalog
49. Itinatag ang tanggapan ng surian ng wikang Pambansa.
50. Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipanaturo ang wikang Pambansa at Niponggo.
ANSWER KEY IN KOMMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

1. A
2. A
3. C
4. C
5. A
6. D
7. B
8. B
9. B
10. D
11. A
12. A
13. D
14. C
15. B
16. D
17. D
18. C
19. B
20. E
21. B
22. C
23. A
24. E
25. D
26. C
27. B
28. A
29. D
30. C
31. D
32. E
33. B
34. G
35. A
36. C
37. C
38. G
39. E
40. F
41. C
42. A
43. F
44. G
45. H
46. H
47. A
48. B
49. D
50. E

You might also like