Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng San Pablo
SAN PABLO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino
Grade VII

Pangalan : ____________________________ Iskor :___________


Antas at Seksyon : _____________________ Petsa :________________

I.Panuto : Makinig nang mabuti sa isang talinghagang babasahin ng guro. Sagutin ang mga
Sumusunod.

1. Ang maghahasik ay kinilala bilang isang ………


A.mangingisda C. magdadawag
B.magsasaka D. maghahalaman
2. Ano ang nangyari sa mga binhing nahulog sa daan ?
A. tinuka ng ibon C. natuyo
B. nalipad ng hangin D. namunga
3. Ano ang nangyari sa mga binhing nalaglag sa kabatuhan ?
A. nalipad ng hangin C. natuyo
B. tinuka ng ibon D. natakluban ng dawag
4. Bakit bakit hindi namunga ang mga binhing nalaglag sa dawagan ?
A. namatay dahil sa sikat ng araw C. lumago ang dawag
B. natakluban ng mga lupa D. lumubog sa kalupaan
5. Ano ang nangyari sa binhing nalaglag sa mabuting lupa?
A. gumapang at lumago C. namunga nang mabuti
B. tumaas nang tumaas D. sumuloy at lumaki
6. Anong kaisipan ang ipinapahayag ng binasang talinghaga ?
A. ang salita ng Diyos ay inihahasik C. alagaan ang pagtatanim
B. lahat ng binhi ay nagbubunga D. pag alala sa salita ng Diyos

II. Panuto : Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

____7. Ikinampay ng ibon ang kanyang pakpak at napaimbulog na paibaba sa kakahuyan.


A. itinaas C. itiniklop
B. ibinaba D. isinara
____8. “ Palayain mo ako , oh , makapangyarihang hari ng ibon ! ’’ ang hinaing. Tuktukin ng
Iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko.
A. pagsigaw C. pagmamakaawa
B. pagluha D. pagbulong
____9. Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may bulaklak na lumutang sa
Kinahulugan ni Amparo.
A. nakatulala C. nagmamatyag
B. nakatingin D. naguusap
_____10. Pumailanlang ang paruparo at dumapo sa halamanan.
A.sumisid C. pumaimbabaw
B.bumulusok D. pumagitna
_____11. Lagi kong iniuugnay si Mabuti sa kariktan ng buhay.
A. kalungkutan C. kagandahan
B. kasaganahan D. katapatan

______12. Ito ang sumupil sa kagustuhan kong yaon ; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng
walang ano mang malasakit sa sinabi ni Mabuti.
A.sumilakbo C. sumira
B.sumama D pumigil
III. Panuto : Tukuyin ang wastong sagot na nasa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

__________________13. Ito ang nagsisilbing libangan ng mga sinaunang Pilipino. Halimbawa


nito ay salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan at iba pa.
__________________14. Binubuo ng isa o dalawang taludtod maikli at may sukat at tugma.
__________________15. Mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig at nag-pa-
patalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal.
__________________16. Uri ng tugmang kadalasang makikita sa mga sasakyan.
__________________17. Isang uri ng awiting naglalayong manukso.
__________________18. Mga salaysay hinggil sa mga likhang- isip na mga tauhan na kuma-
Katawan sa mga uri ng mamamayan , kaugnay nito ang isang –
Tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
__________________19 Isang kwento na karaniwang tinatalakay ang mga diyos at nagbibi-
gay paliwanag hinggil sa likas na kaganapan.
__________________20. Isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.
__________________21. Isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
Kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
Impresyon lamang.
tugmang de gulong bugtong palaisipan karunungang bayan awiting panudyo

kwentong bayan alamat maikling kwento mitolohiya

IV. Panuto : Pagsunod-sunorin ang mga pahayag sa kwentong “ Mabuti ’’ ( 1-5 )

_______22. Isa siya sa pangkaraniwang guro noon. Walang sinuman ang nag-uukol sa kanya
ng pansin . Siyay tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siyay nakatalikod.
_______23. Naunawaan ko ang lahat . Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan
niyon ay naunawaan ko ang lahat.
_______24. “ Mabuti’t may tao pala rito ,’’ wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig.
_______25. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ng tungkol sa ama ng batang
May kaarawan.
_______26. Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon ; “ ang sulok na iyon …
Iniyakan natin ….. nating dalawa.’’

V. Panuto : Basahin ang awit at sagutin ang mga sumusunod na katanungan .

Tulog na, bunsong sinta


Ama mo’y nasa malayo
Nagpupunla ng pag-asa
Sa bayang diwa’t puso.
Tulog na bunsong sinta
Buhay ng kinabukasan
Gigising ka, bunsong anak
Sa bukas na iyong – iyo
Tulog na bunsong sinta
Tulog na bunsong sinta

27. Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng awit sa mga mambabasa ?


A. ang pagmamahal ng ama sa kanyang anak. C. pagmamalupit na ama sa pamilya
B. pag-iwan ng ama sa kanyang pamilya D.pangungulila ng ina sa anak
28. Anong kaisipan ang ipinapahayag na unang apat na taludtod ng awit ?
A. pangungulila ng naiwang anak C. sakripisyo ng ama para sa pamilya
B. pagtitiis na ina D. pangingibang bansa ng ama

29. Ano ang nais na ipakahulugan ng may salungguhit na mga salita sa awit ?
A. Magandang bukas dahil sa ina C. Sakripisyo ng ama para sa anak
B. Gigising ang anak na malayo sa ama D. Sakripisyo ng anak para sa ama

VI. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nasa anyong Anapora o Katapora.
Isulat ang sagot sa patlang.

_______________ 30. Si Mabuti ay isang guro. Lagi siyang tumatangis sa silid aklatan.
_______________ 31. Ikinampay ang pakpak at pumaimbulog pataas. Siya ang hari ng ibon
_______________ 32. Si Perla ay pawang sumisibol na dalagita. Siya ay masipag at masinop.
_______________ 33. Isang tamad at mahilig lang sa bulaklak. Siya si Amparo.
_______________ 34. Si Mariang Sinukuan ang reyna ng bundok ng Ararat. Iginagalang ng
lahat ng naninirahan dito.

VII. Enumerasyon.

Mga ponemang Suprasegmental


35.
36.
37.
Mga halimbawa ng karunungang bayan
38.
39.
40.

VIII. Sumulat ng isang sanaysay gamit ang pormal at di pormal na wika. ( 41-50)

“ Bakit Ako Magsusulat sa Wikang Filipino ’’

Pamantayan sa pagsulat

10 puntos 7 puntos 5 puntos 3. puntos


Maayos ang pag- Di gaanong maayos Kulang sa kaisipan Nangangailangan ng
kakasulat at angkop ang pagkakasulat at at di gaanong lubusang pagsasaayos
ang mga salitang gina mga salitang ginamit maayos ang pagka sa pagsulat at paggamit
mit . kasulat at mga ng mga salita.
salitang ginamit.
TEKSTO SA PAGBASA
( Ikatlong Markahan )

“ Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik ’’

“ May isang magsasakang lumabas upang maghasik.

Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan.

Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon.

May binhi namang nalaglag sa kabatuhan.

Sapagkat manipis lang ang lupa roon,sumibol agad ang binhing iyon,

Ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo ,

Palibhasay walang gaanong ugat.

May binhi namang nalaglag sa dawagan;

lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon.

Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay;

may tigsasandaan, may tig-aanimnapu,

at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay.

Ang may pandinig ay making ’’


MATAAS NA PAARALANG PANLUNSOD
LUNSOD NG SAN PABLO
TALAHANAYAN NG ISPESIFIKASYON
FILIPINO Grade 7
IKATLONG MARKAHAN
DIAGNOSTIC TEST
2018-2019
KASANAYAN Blg. Ng Araw Blg. Ng Kinalalagyan ng Aytem
Aytem

Nasasagot nang wasto ang mga 3 6 1,2,3,4,5,6,


tanong tungkol sa akdang narinig.
( F7PN-III-e-14 )

Natutukoy ang kahulugan ng salita sa 4 6 7,8,9,10,11,12


pangungusap batay sa kung paano
ito ginamit. ( F7PT-IIId-e-14 )

Natutukoy ang wastong sagot na 8 9 13,14,15,16,17,18,19,20,21,


hinihingi ng bawat bilang
( F7PB-IIId-e-16 )

Napagsusunod-sunod nang wasto 5 5 22,23,24,25,26


ang mga pangyayari sa isang kwento.
( F7PN-IIId-e-14 )

Nahihinuha nang wasto ang mga


kaisipang ipinapahiwatig ng tekstong 5 3 27,28,29
binasa. ( F7PN-IIIf-g-15 )

Natutukoy ang anyo ng isinasaad na 6 5 30,31,32,33,34


pangungusap. Anapora o katapora
( F7WG-IIIh-i-16 )

Naibibgay ang mga hinihinging 3 6 35,36,37,38,39,40


puntos ( Suprasegmental/ mga
karunungang bayan )

Nakasusulat ng sanaysay gamit ang 6 10 41,42,4344,45,46,47,48,49,50.


pormal at di pormal na wika. ( F7PU-
IIIf-g-15 )

Inihanda : G. ALLAN E. DE LIMA


Teacher 1

Nirebyu ni : PERLITA E. DE LA CRUZ


Head Teacher III

You might also like