Abakada NG Mag-Asawa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangaan: Lorence Joshua P.

Soto Baitang at Seksyon: Science Class 8

ABAKADA NG MAG-ASAWA
A- Ang pag-aasawa ay isang tulay ng pagkakaroon ng pamilya.
Ba- BAtayan nito ang totoo niyong pagmamahal sa isa’t isa.
Ka- Kasal man o hindi ang lalaki at babae sa isa’t isa, dapat magsama sila na puno ng tibay.
Da- Dapat ang pagaasawa ay di minamadali at pinapabasta-basta.
E- Eto ang tulay at umpisa ng pagbuo ng pamilya.
Ga- Gaano man kahirap o kaginhawa ang pamumuhay nila, dapat manatili silang matatag.
Ha- Hamunin man sila ng pagkakataon, sila ay dapat laging bumangon.
I- Ito ay dapat nilang isaalang-alang, sapagkat sila ang magiging gabay ng kanilang magiging mga
anak.
La- Lamunin man sila ng poot at galit nila sa isa’t isa, dapat gawan nila ito ng solusyon para
magkaayos sila.
Ma- Mamahalin ang isa’t isa hanggang sa kanilang huling hininga.
Na- Nangangako na walang bibitaw, aalagaan, at mananatiling buo hanggang sa dulo.
O- Oras at pagmamahal kanilang iaalay, di lang sa isa’t isa, maging sa anak at apo nila.
Pa- Parating magdadamayan sa oras ng kalungkutan.
Ra- Ratratin man sila ng ibang tao at tukso, mananatili ang abstinente at respeto nila sa sarili nila.
Sa- Sampalin man sila ng pangunguyat at pagmamaliit ng ibang tao, mananatili silang lahat na
kapit-bisig sa isa’t isa.
Ta- Takutin man sila ng kasamaan, magsasama-sama silang lalabanan ito.
U- Uuwi sila sa kanilang tahanan na may matamis na ngiti sa labi.
Wa- Walang bibitaw, lalaban at magsasama-sama, at mananatiling lalaban hanggang sa dulo.
Ya- Yan ang tunay na buhay ng matatag, nagmamahalan, at may takot sa Diyos na mag-asawa at
pamilya.

You might also like