Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Capistrano, Daerick Nheiro C.

November 19,2019
Pagbasa at Pagsusuri ng mga iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik.
Ang Mag-anak na Cruz
Ni Liwayway A. Arceo

BUOD
Si Remy ay isang mananahi at si Tinoy naman ay isang namang kawani. Nag-aarala ang kanilang dalawang
anak na sina Baby, panganay at si June, bunso. Nagsimula ang kwento sa isang sitwasyon na si Remy, sa sobrang
katarantahan, ay nawan ang sinaing niya at nasunog. Sa sitwasyong iyon, walang bagay na matino ang pumapasok
sa isip niya dahil siya ay hirap na hirap na at may nag-aalala siyang wala na silang pambili ng bagong bigas. Bigla
naman dumating si Tinoy at pinalakas ang kaniyang loob a sinabing ang sinaing na nasunog ay maaring dalhin kay
Aling Tomasa. Ikinatuwa naman iyon ni Remy.
Masayang masaya ang mag-asawang Remy at Tinoy nang mabanggit ni Tinoy ang tungkol sa promosyon sa
trabaho ni Tinoy. Matapos ng nangyari, naisipan ni Tinoy na bumalik muli sa pag-aaral at dito nakaroon ng
pangyayaring tila sisira sa kanilang pagsasama. Nagkaroon ng kaklasi si Tinoy na inakala ni Remy na kalaguyo ni
Tinoy. Nang makita ni Remy si Tinoy at may kasamang ibang babae, natuwa siya, dahil ito palang babae ay si Mrs.
Esteban. Pinakilala ito ni Tinoy si Remy sa kanya at napatawa naman si Tinoy dahil nag-seselos si Remy sa isang
babae na kasal at napakataba pa. Hindi natuloy ang promosyon sa dibisyon nila dahil nag-hire ang kumpanya ng
bagong Ahente na ikinalungkot ng buong pamilya at ng mga umaasa sa promosyon.
Minsan nabigla si Remy nang may isang babaeng kalahok sa Peach face powder na nanghihingi ng
singkwenta sentimos at sulat upang manalo sa nasabing progarama. Hindi ito pinaunlakan ni Remy. Nang ikinuwento
ni Remy kay Tinoy ang nangyari, natawa na lamang si Tinoy dahil papara singkwenta sentimos na lamang ay hindi
pa nito naibigay.
Isang araw matapos umuwi ni Baby galling sa kanyang iskuwelahan nagtanung ito sa kanyang nanay kung
mayaman ba sila Sioning. Sumingit naman si Petra at sinabing hindi ito mayaman at nagalit si Remy at pinatahimik
ito. Pinagusapan nila kung paano nagpapataasan ang pamilya nila Sioning at nina Misis Rubio.
Naiyamot si Remy nang makita niya namay isang lasenggero sa tapat ng kaniyang patahian at ito ay
nanghaharang ng mga dyip upang manghingi ng abuloy daw para sa namatay nilang kapitbahay. Alam ni Remy na
ang mga nakokolektang pera ng lasenggero ay hindi mapupunta mismo sa patay kundi sa kaniyang mga alak. Ibibili
na lamang niya iyon ng alak kaya ayaw niyang magpabiktima sa lasenggerong ito.
Magpipista na kina Remy at napakadami nitong dapat tapusin na mga tahiin mula sa kaniyang mga suki. Gabi
na at nagising si Tinoy nang makita niya si Remy at inaakalang nananahi pa ito. Sabi ni Remy, titingnan na lamang
niya ang mga order sa kaniya kung maayos na at naghahanda na rin siya ng ilang tela para maipagtahi naman niya
ng damit ang kaniyang mga anak na sina Baby at June.
Inintay nina Baby at June ang kanilang ina para makapagpaalam dito dahil naimbitahan sila sa kaarawan ng
kanilang kaibigan. Noong una ay nag-aalala si Remy kaya hindi sila pinayagan. Nang dumating si Tinoy, pinayagan
na ang dalawa. Nagtagal sila bago nakabalik na pinag-alala naman ni Remy ngunit natuwa din ito nang ihatid sina
Baby at June ng kanilang mga kaibigan.
Kinabukasan, bumisita sa bahay nina Remy si Mr. Bernal kasama ang anak niyang si Eddie at ipinakilala kay
Baby. Sumunod na Sabado, mag-isang pumunta sa bahay nina Remy si Eddie para bisitahin si Baby. At tila
nagkakaroon na ng relasyon sa pagitan nilang dalawa.
Nagplano sina Tinoy at Remy na magpagawa ng bahay sa naibili nilang bakanteng lote. Ang napili nilang
gagawa ng kanilang bahay ay sina Tata Ponso. Sa paggawa ng kanilang bahay nakita ang bayanihan ng mga kasama
ni Tata Ponso at nila sa paggagawa ng bahay. Nakatipid man sila ng gastos sa pagpapagawa, hindi naman nila
mababayaran ang utang na loob nila sa matanda.
Dumating ang araw na ang si June ay magpapaksala na kay Fred. Ayaw man makialam ni Remy sa kasal ng
dalawa, napilit pa rin siya ng kaniyang anak na tumahi ng trahe de boda nito. Matapos ang kasal kahit na may konting
kalungkutan siyang nararamdaman, masaya pa rin siya para kay June.
Abalang abala si Remy sa pag aayos sa kanyang bakuran. Nagulat na lamang siya ng makaita ang kaniyang
apong si Vic sa tabi niya. May nakita silang uod at papatayin na sana ito ni Remy dahil makasasama ito sa halaman.
Hindi naman pumayag si Vic dahil alam niyang ang uod na iyon ay magiging isa pang magandang paru-paro.
Natutuwa si Remy sa apo niyang si Vic dahil alam niyang napalaki siya ng maayos ng kaniyang mga magulang.
Naalala niya tuloy ang kaniyang mga anak noong ito ay mga maliliit pa.
Ngiti-ngiti si Remy habang nakatingin sa mga larawan sa hawak niyang magasin. Pahapyaw niyang binabasa
ang mga nakasulat na kasama ng mga larawan. Nag-aaway sila ni Tinoy kung bakit hindi totoo ang mga nasa
magasin. SInabi ni Tinoy na hindi naman ito katulad ng diyaryo na pawang katotohanan lamang ang nilalaman. Sabi
ni Tinoy na kung maglalagay ang magasin ng masasamang artikulo ay magiging bad publicity ito.
Noong una hindi pinansin ni Remy ang kaibigan ni June galing amerika na si Joan. Isa itong amerikana na
nais tumulong sa community nila Remy. Naging masaya ang mga tao sa pagtulong ni Joan lalo na nang tumulong
ito sa housing project para sa mga nakatira sa bukid. Sa isang programa, akangiti si Joan ng humarap sa mikropono
at sinabing “Meynga Keybigeyn Meyreming Seleymet pow sa leyhat” at masigla itong yumukod. Si Remy ang unang
pumalakpak bago ito nagpatuloy sa mga sasabihin nito.
Sinabi ni Remy kay Tinoy na malapit nang ilibing ang Tata Mante nito. At sa lamayan na kanilag pinuntahan,
samu’t saring tradisyon ang kanilang nagawa. Katulad na lamang ng paglalakad ng lahat nang ihatid ang namatay sa
huli nitong hantungan.
Sina Remy at Tinoy lamang ang hindi sumama sa pagliliwaliw ng mga magkakapitbahay papuntang
Tagaytay. Ayaw ni Remy sumama sa araw na iyon dahil noon ay Biernes Santo. Mariing idinidiin ni Remy kay
Tinoy na ang mga tradisyon tuwing Mahal na Araw hindi nararapat baguhin. Bigla na lamang pumasok si Petra at
binalita nito na naaksidente ang kanilang mga kapitbahay na napunta sa Tagaytay.
Ang buong mag-anak na Cruz ay masayang pinagdiriwang ang kanilang Bagong Taon. Sa pagdiriwang nilang
iyon, naalala ni Remy na ang mga panahon noong bata pa sina Baby at June. Noon ay kumpleto silang nagdiriwang
at ngayon naman ay may kani-kaniya na silang mga pamilya na nagdiriwang ng Bagong Taon sa kani-kanilang
bahay. Masaya si Remy dahil alam niyang kayang palakihin ng kaniyang mga anak nang maayos ang kaniyang mga
apo.
Ipapadala sa Amerika si Tinoy dahil sa kaniyang trabaho. Noong una ay ayaw pang sumama ni Remy dahil
napamahal na siya sa kanilang bahay. Nakumbinsi naman siya ni Tinoy nang sabihin nitong wala na siyang dapat
alalahanin dahil ang kaniyang mga anak ay maayos na ang kalagayan sa piling ng kani-kanilang mga pamilya. Ang
kaniyang mga apong sina Vic, Lina at Osi. Sa huli naiyak si Remy at hindi na nagawang kumaway pa sa kanyang
mag-anak dahil sa lungkot na nararamdaman.

You might also like