Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

V.

Ang Pangangatwiran

5.1 Katuringan/Kahulugan

 Ang pangangatwiran ay isang uri ng pahayag hingil sa kaalaman at paniniwala sa bagay,


pangyayari o ediya na binibigyan ng katarungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag upang
makahikayat.
 Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay
magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan at ipatanggap ang katotohanang iyon sa
nakikinig o bumabasa. Ang isang nangangatwiran ay dapat magtaglay ng sapat na kaalaman
tungkol sa paksang pinangangatwiran. Kailangang ang katwiran ay nakabatay sa
katotohanan upang ito ay makahikayat at makaakit nang hindi namimilit.

5.1.1 Uri/ Pagsulat ng Pangangatwiran

MGA URI NG PANGANGATWIRAN

1. Induktibo o Pabuod na pangangatwiran


 Ito ay nagsisimula sa maliit na katotohanan ta nagwawakas sa panlahat na simulain o
isang pangkalahatang obserbasyon.

Ang ganitong pangangatwiran ay nasasangay sa tatlong paraan:

a. Ang pagkakaroon ng sampol sa pamamagitan ng surbey na siyang nagiging batayan ng


mga konklusyon. Kailangang tiyak ang kinatawan sampol. Dito kalailangan ang kaalaman
sa estadiskita o ang gabay ng isang propesyunal na estadistisyan.
b. Ang Pagtutulad
 Binibigyang diin ang mga pagkakahawig ng katangian, sinusuri ang mga ito at mula dito
mababatid ang isang katotohanan.
c. Paggamit ng sanhi at bunga
 Sa makabagong panahon, madalas itong ginagamit dahil sa paniniwalang walang bunga
o epektong mangyayari nang walang sanhi.

2. Deduktibo o Pasaklaw na Pangangatwiran


 Ang pamamaraang ito ay nagsisimula sa pangkalahatang obserbasyon at gumagalaw
tungo sa mga partikular na kaso. Ang ganitong pangangatwiran ay tinatawag na
silohismo. Ito ay binubuo ng isang pang-unang batayan at isang konklusyon. Ang
silohismo ay isang payak na balangkas ng pangangatwiran.
5.1.2 Bahagi ng Pangangatwiran

 SIMULA - inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan.


Ginagawa rin dito ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu.
 KATAWAN - inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay binubuo ng mga
patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa manig na ipinagtatanggol.
 Nagsisilbing daan para sa mambabasa upang manatiling tapat sapagkat malinaw na
naiparating ang nais na katwiran. Ito ay nagagampanan sa pamamagitan ng mga
patunay o ebidensya.
 WAKAS - ang buod ng isyung binigyang-patunay.

You might also like