BookReview Bilanggo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gerard Angelo A.

Samillano Kas 1 THV3


2018-00031 November 17, 2018

Reflection: Field Trip 2K18

“Matakot ka sa Kasaysayan… sapagkat ang Kasaysayan ay isang hukom na hindi

mapipigilan, at mabigat ang kanyang hatol sa sino mang magkakasala sa kanya.”

Ito ay isa sa mga kilalang kataga mula kay Andres Bonifacio, isa sa mga dakilang bayani

ng ating bansa. Napakabigat ng mga katagang ito dahil hanggang ngayon ay nananaig ito sa ating

mga buhay. Ano nga ba ang iiwan nating marka sa lipunan? Katulad ba ito ng iniwan ng ating mga

bayani na nagsakripisyo ng dugo, pawis at luha para sa bayan? O maisasama ba tayo sa mga

kontrabida ng kasaysayan, kung saan makikita ang mga kababuyan na ginawa natin?

Nabigyan kami ng pagkakataon na maging saksi sa mga hatol ng kasaysayan sa nakalipas

na “lakbay-aral” noong ika-sampu ng Nobyembre. Sa pagbisita namin sa mga makasaysayang

lugar at bantayog ng mga dakilang bayani, nakita namin ang kanilang mga paghihirap at ang

kanilang sakripisyo para sa ating kasarinlan. Ngunit hindi lang ang kanilang kabayanihan nila ang

aming nakita, kundi ang pagiging tao nila, na may mga mali din silang nagagawa.

Ang una naming pinuntahan ay ang Mabini Shrine, na matatagpuan sa Talaga, Tanauan,

Batangas. Sinabi ni Sir James Ligero, ang aming tour guide, na ito raw ang pinakamagandang

shrine sa lahat ng mga shrine sa Pilipinas, at sa totoo lang, tama siya! Maganda ang disenyo ng

lugar, lalo na yung marmol sa labas ng gusali. Maganda rin ang ginawa nilang replika ng bahay ni

Apolinario Mabini, na nagpagkita ng simpleng pamumuhay ng mga Mabini nung mga panahon na

yun.
Kung may isa akong natutunan sa pagdalaw sa bantayog ni Mabini, ito ay walang

makakapigil sa isang taong determinadong marating ang kanyang paroroonan. Ang storya ni

Mabini ay ang orihinal na rags-to-riches na kuwento ng Pilipinas. Nagmula siya sa mahirap na

pamilya, ngunit nagpursigi at naging dedikado sa kanyang pag-aaral upang makatapos at maging

isang ganap na abogado. At sa kabila na kapansanang nakuha niya sa kanyang pagtanda, hindi siya

tumigil sa pagiging “Utak ng Rebolusyon”. Nagpatuloy siya sa pakikipaglaban sa kanyang sariling

paraan: sa pagtuturo at pagbibigay ng kaalaman sa mga miyembro ng Katipunan. Kung ang

pagiging lumpo ay hindi nakapigil sa kanya sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, ano pa ang

pipigil sa atin na walang kapansanan?

Ang sunod naming pinuntahan ay ang ancestral home ng Pangatlong Pangulo ng Pilipinas,

si Jose P. Laurel. Lumaki sa Laurel sa Tanauan, Batangas, kaya’t dito rin matatagpuan ang bahay

kung saan siya lumaki. Maganda ang pagkakapreserba sa lugar, dahil andun pa rin karamihan sa

mga gamit ng pamilya Laurel (kahit ang balon kung saan nahulog ang dating pangulo!).

Si Laurel ay isang magandang halimbawa ng pagiging makabayan sa harap ng matinding

pagsubok. Sa kabila ng pangigipit ng mga Hapon sa kanya noong siya ay pangulo ng Pilipinas,

nagawa niyang ipaglaban ang mga karapatan ng mga Pilipino sa pagpigil sa pagpasa ng ilang batas.

Kung hindi pa iyon sapat para masabing tunay siyang bayani, ginamit rin niya ang kanyang tahanan

bilang taguan ng mga mamamayan noong pananakop ng mga Hapones, sa pamamagitan ng mga

sikretong lagusan.

Nais ko ring kunin ang pagkakataong ito upang ipagtanggol si Laurel. Maraming mga tao

na nagsasabi na hindi karapat-dapat na ituring na bayani si Laurel dahil daw kolaborator siya sa

mga Hapones. Ngunit sa tingin ko, no choice si Laurel sa pagiging puppet niya. Kung magbitiw
siya sa puwesto, tiyak na maglalagay ng isang pangulong mas pabor sa mga mananakop. Ngunit

kung magmatigas siya sa puwesto niya, maaring ipapapatay siya at palitan din. Kaya’t ang tanging

nagawa niya ang magpanggap na kakampi ng mga Hapon, ngunit patagong ipaglaban ang

kasarinlan ng Pilipinas.

Sunod naman naming pinuntahan ang Malvar Shrine sa Sto. Tomas, Batangas. Ang

bantayog na ito ay inalay para kay Hen. Miguel Malvar, isa sa mga huling heneral noong panahon

ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Kung ako ang tatanungin, siya ang pinakamaangas ng bayani

sa lahat ng mga bayani. Tingnan mo naman ang kanyang postura! At ang kanyang hawak na espada

at baril! Tapos yung paraan ng pakikipaglaban niya sa mga Amerikano!

Matapos yun ay pumunta naman kami sa UPLB, para masaksihan ang isa pang uri ng

kasaysayan na madalas ay nakakalimutan na natin: ang kasaysayan ng ating mundo. Napakaastig

na makita ang mga fossils ng mga hayop na tumapak sa lupain ng Pilipinas noong sinaunang

panahon. Nakakamangha ang variety ng mga halaman at hayop na matatagpuan sa Pilpinas (kahit

ang mga nakakadiring ipis at mga insekto).

Sa pagtatapos ng lakbay-aral, marami akong aral na napulot. Sa tingin ko, napatigbay ng

field trip na ito ang aking pananaw tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas; na ito’y napakaganda at

dapat natin itong alahanin at isapuso.

You might also like