Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

LAGUMANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 9

I. KAALAMAN: PILIIN ANG TITIK NG WASTONG SAGOT SA MGA KATANUNGAN


1. Ang isa sa mga pinagkukunang yaman ay likas na yaman. Isang uri nito na hindi maaaring
madagdagan o bawasan ay ang
a. Lupa
b. Mineral
c. Enerhiya
d. Pangisdaan
2. Ang ekonomics ay isang agham ng pag-aaral, sa anong agham ito nabibilang?
a. Pisikal
b. Natural
c. Abstract
d. Panlipunan
3. May iba’t ibang uri ng enerhiya ang ginagamit ng bansa para sa pangangailangan ng tao at
ekonomiya. Ano ang tumutukoy sa isang enerhiya na buhat sa singaw na likha ng mga
nasusunog na kahoy?
a. Nukleyar
b. Geothermal
c. Fossils fuels
d. Dendrothermal
4. Ang ating bansa ay mayaman sa mga likas na yaman tulad ng yamang mineral. Saang
lalawigan matatagpuan ang mayamang deposito ng marmol?
a. Albay
b. Romblon
c. Zambales
d. Surigao del Norte
5. May mga batas na ipinatutupad upang matulungan ang mga mamimili. Isa na rito ay ang
nauukol sa paglalagay ng price tag sa mga bibilhing produkto. Anong batas ang nagtatakda
ng paglallagay ng price tag?
a. Batas Republika blg. 3542
b. Batas Republika blg. 3740
c. Batas Republika blg. 71
d. Artikulo 1546 ng kodigo sibil
6. Sa paglikha ng mga produkto ay mahalaga ang ginagampanan ng mga salik ng produksyon.
Alin sa mga salik ng produksyon ang itinuturing na kapitan ng industriya?
a. Maggagawa
b. Kapitalista
c. Entreprenyur
d. May-ari ng lupa
7. Ang pagpil at pagpapasya ay bahagi ng buhay ng tao. Ito ay ginagawa upang maugunan ang
ating mga pangangailangan kahit limitado ang mga pinagkukunang yaman. Ito ang sentro ng
suliranin ng
a. Kakapusan
b. Kakulangan
c. Trade off
d. Hoarding
8. Ang paggamit ng mga salik na produksyon ay nagbubunga ng paglikha ng produkto at
serbisyo. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng ugnayan ng input at output?
a. Economic function
b. Production function
c. Consumption function
d. Factors of production
9. Ang mga tao ay may pangangailangan na dapat matugunan. Ayon kay Harold Maslow, ano
ang pinakamataas sa hirarkiya ng pangangailangan ng tao?
a. Pansiguridad
b. Magmahal
c. Kaganapan ng pagkatao
d. Pisyolohikal
10. Ang mga pinagkukunang yaman ay nakapag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya. Alin sa
mga ito ang hindi maituturing na pinagkukunang yaman
a. Makinarya
b. Lupa
c. Salapi
d. Paggawa
11. Sa pagkapanot ng kagubatan ay marami ang naapektuhan, isa na rito ay ang mga hayop sahil
sa kanilang tirahan. Anong uri ng kagubatan ang kapaki-pakinabang na tirahan ng mga
maiilap na hayop at mga endangered species?
a. Mossy
b. Molave
c. Mangrove
d. Dipterocap
12. may ilang batas ang ipinatutupad upang mabigyang proteksyon ang mga mamimili, isa na
rito ang pagbabawal ng pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto na isinasaad ng
a. Batas Republika blg. 6657
b. Batas Republika blg. 3740
c. Batas Republika blg. 71
d. Batas Republika blg. 3542
13. Lahat ng yamang kapital ay dumaranas ng pagkasira at pagkaluma na nakakaapekto sa
pagiging episyente nito. Ang suliraning ito ay tinatawag na
a. Depresasyon
b. Imbentaryo
c. Debalwasyon
d. Deplasyon
14. Mayaman ang ating bansa sa Yamang tubig kaya maraming Pilipino ang nagkakaroon ng
hanapbuhay dahil sa yamang ito. Ano ang isang yamang tubig sa Maynila ang sinimulan na
ang rehabilitasyon upang muli itong buhayin?
a. Manila Bay
b. Ilog Pasig
c. Ilog San Juan
d. Estero de Pritil
15. Sinasabing ang dami ng tao sa isang lugar ay potential market ng ekonomiya. Ito ay ang
tumutukoy sa
a. Lakas paggawa
b. Sinsin ng populasyon
c. Populasyon
d. Yamang tao
16. Ang kawalan ng mapapasukang trabaho dito sa ating bansa ang nagtutulak sa mga
manggagawang Pilipino na may kaalamang teknikal ang magtrabaho at manirahan sa ibang
bansa, ito ang tinatawag na
a. Brain drain
b. Brawn drain
c. Exodus
d. Migrasyon
17. Maraming likas na yaman ang unti-unting nauubos kaya kailangang kumilos ang mga tao
upang mapangalagaan at gamitin ng matalino ang mga yaman ng kalikasan, ito ay tinatawag
na
a. Reforestation
b. Conservation
c. Deforestation
d. Production
18. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga pagbabago upang ang ating mga mag-aaral ay
makaagapay sa pandaigdigang kompetisyon kaya isinasaayos ang sistema ng edukasyon sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng tinatawag na Kto 12 kurikulum. Anong batas ang
nagtakda nito?
a. Batas Republika blg.6657
b. Batas Republika blg. 7160
c. Batas Republika blg. 10533
d. Batas Republika blg. 39310
19. Ang mga bansa ay gumagamit ng sisitemang pang-ekonomiya upang maging gabay sa
pagtugon sa pangangailnagan ng bansa. Anong sistemang pang-ekonomiya na ang
pagmamay-ari ay yaman at produksyon ng bansa ay nasa kamay ng pribadong sektor o
indibidwal?
a. Komunismo
b. Sosyalismo
c. Merkantilismo
d. Kapitalismo
20. Ang Pilipinas ay sinasabing mayaman sa likas na yaman lalo na ng lupa na makakatulong sa
pag-unlad ng bansa. Ilan ang kabuuang sukat ng lupain ng ating bansa?
a. 3000 kilametro kuwadrado
b. 30000 kilametro kuwadrado
c. 300000 kilametro kuwadrado
d. 300000000 kilametro kuwadrado
A. PROSESO: Sa bilang 20-25, suriin ang mga datos at isulat ang titik ng wastong sagot:
Overseas Filipino Workers by Age Group and by Sex 2012
Age group Both Sexes Male Female
Philippines 2 220 000 1 148 000 1 072 000
15-24 182 000 80 000 102 000
25-29 535 000 233 000 302 000
30-34 494 000 240 000 254 000
35-39 353 000 181 000 172 000
40-44 271 000 153 000 118 000
45 and over 384 000 261 000 123 000

21. Ano ang kaisipan ng estadistika?


a. Overseas Filipino workers
b. Dami ng manggagawa at kasarian
c. Pangkat ng edad at kasarian ng mga OFWs
d. Bilang ng mga manggagawa sa ibang bansa
22. Ilan ang kabuuang bilang ng mga OFWs?
a. 1148000
b. 2220000
c. 1072000
d. 4440000
23. Sa anong age group, mas maraming OFWs na babae?
a. 25-29
b. 30-34
c. 45 and over
d. 40-44
24. Bakit mas maraming OFWs na lalaki sa edad na 45 and over kaysa sa babae?
a. Sa ganoong edad, maraming OFWs na babae ang humihina na ang resistansya kaysa sa
lalaki
b. Maraming OFWs na ababae ang dina pinapayagan ng asawa na magtrabaho
c. Maraming lalaki ang naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa babae
d. Mas nakatatagal ang mga lalaki magtrabaho sa ibang bansa kaysa babae
25. Batay sa talahanayan, sa age group na 15-24 may pinakamababang bilang ng OFWs na lalaki
at babae, ano kaya ang dahilan?
a. Nag-aaral pa ang mga lalaki at babae sa ganoong edad
b. Kailangan pang maging matured ang mga manggagawang babae at lalaki
c. Pinag-iisipan pa nila kung magtatrabaho sa ibang bansa
d. Ayaw pang mahiwalay sa pamilya
B. Kompyutin ang mga sumusunod na datos at piliin ang wastong sagot. Titik lamang ang isulat.
26. Ang populasyon ng Pilipinas ay itinuturing na batang populasyon kaya marami ang
pagkukunan ng lakas paggawa ng bansa. Kung ang ating bansa ay may 85 milyon na working
age population at 69 milyon na lakas paggawa. Ang labor force participation rate ay
a. 81.2%
b. 82.1%
c. 81.3%
d. 82%
27. Kung ang populasyon ng Pilipinas nu’ng taong 2009 ay 90 milyon, at nu’ng 2010 ay 95 milyon,
ilan ang population growth?
a. 5.50%
b. 5.55%
c. 5.56%
d. 5.57%
28. Isa sa mabigat na suliranin ng bansa ukol sa lakas paggawa ay ang unemployment. Ilang
porsyento ang unemployment kung ang bilang ng lakas paggawa ay 62 milyon at ang
unemployed ay 48 milyon?
a. 4.47%
b. 7.77%
c. 7.40%
d. 77.4%
29. Sa production possibility frontier (PPF) ang produktong x = 8 yunit samantalang ang
produktong Y = 20 yunit. Ang oppotunity cost kapag dinagdagan ang produksyon ng
produktong Y sa 60 yunit ay
a. 10 yunit ng produktong Y
b. 2 yunit ng produktong X
c. 3 yunit ng produktong X
d. 40 yunit ng produktong Y
30. Kung ang populasyon ng ating bansa ay umabot ng 100 milyon ngayon 2014. Ang densidad
ng populasyon sa Pilipinas ay
a. 376 katao.km
b. 366 katao/km²
c. 333 katao/km²
d. 322 katao/km²
II. PAG-UNAWA: Unawain ang mga pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot.
31. Ang Ekonomiks ay isang agham ng pag-aaral na sumasaklaw sa ating pang-araw-araw na
buhay. Ito ay mahalagang maituro sa mga mag-aaral sapagkat mauunawaan nila ang kaisipan
ng agham na ito. Alina ang higit na naglalarawan sa agham ng Ekonomiks?
a. Limitadong pangangailangan at masaganang yaman
b. Limitadong pangangailangan at limitadong yaman
c. Walang katapusang pangangailangan at limitadong yaman
d. Walang katapusang pangangailangan at masaganang yaman
32. Nababalitaan natin ang mga nangyayaring pang-aabuso sa ating manggagawa ng
nagtatrabaho sa ibang bansa ngunit di nito mapipigilan ang paghahangad ng ibang
manggagawa na magtrabaho sa ibang bansa?
a. Sapagkat malaki ang tatanggaping sahod
b. Sapagkat mahirap humanap ng trabaho dito sa loob ng bansa
c. Sapagkat marami ang nagnanais yumaman
d. Sapagkat gustong makapunta sa ibang lugar
33. Maraming batas ang ipinatutupad upang mapangalagaan ang ating likas na yaman ngunit
patuloy na nauubos at nasisira ang mga ito dahil
a. Maraming kalamidad ang nararanasan
b. Dumarami ang mga taong gumagamit
c. Hindi mahigpit sa pagpaptupad ng batas
d. Kulang ang mga ahensya ng pamahalaan na magbabantay sa mga likas na yaman
34. Ang underemployment ay isa sa mga suliranin ng mga manggagawa. Maraming manggagawa
ang hindi angkop amg kanilang trabaho sa kursong tinapos. Ano ang pinatutunayan nito?
a. Maraming manggagawa ang nangingibang bansa
b. Di angkop ang curriculum sa nalikhang trabaho
c. Di namimili ang ng trabaho ang manggagawa
d. Kulang ang sahod ng manggagawa
35. Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman. Nakikilala ang ating bansa na nagpoprodyus
ng mga produktong agrikultural lalo na ang bigas. King gayon, bakit tayo nakararanas ng
krisis sa bigas?
a. Dahil ibinibenta sa ibang bansa
b. Dahil unti-unti nang nauubos ang taniman nito
c. Dahil itinatago ng mga mapagsamantalang negosyante
36. Kung ang isang ektarya ng lupain ay ginagamit na taniman ng mais kaya sa palay ay
nangangahulugan na mas pinili ang pagkakaroon ng mais kaysa sa palay. Ito ang kaisipan na
inilalarawan ng production possibilities frontier na kung saan ang paglikha ng produkto ay
ibinabatay sapangangailngan ng mga mamamayan. Sa ganitong sitwasyon, ano ang dapat
gawin upang lahat ng produktong kailangan ng mga tao ay malikha?
a. Alamin kung anong produkto ang higit na kailangan ng mamamayan
b. Magkaroon ng alokasyon ng mga pinagkukunang yaman para gamitin sa paglikha ng mga
produkto na kailangan ng mga tao
c. Iprodyus ang mga produktong bibilhin ng mga tao
d. Piliin ang mga produktong kailngan ng mga tao
37. Bawat isa sa atin ay may bahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya. May panangutan tayo sa
kalagayan ng ating bansa sapagkat tayo ang gumagawa ng desisyong pang-ekonomiya. Lahat
ng desisyon makers sa isang ekonomiya ay
a. Nagsusupply ng salik ng produksyon
b. Lumilikha ng produkto at serbisyo
c. Gumagawa ng pagpili
d. Nakikipag-ugnayan sa pagpil ng pangkat
38. Maraming batas ang ipinatutupad upang mapangalagaan ang ating likas na yaman ngunit
patuloy na nauubos at nasisira ang mga ito dahil
a. Dumarami ang mga taong gumagamit
b. Maraming kalamidad ang nararanasan
c. Hindi mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas
d. Inaabuso ng mga tao ang paggamit ng mga ito
39. Dumaranas ang mga bansa sa daigdig ng mga suliranin sa yamang enerhiya. Isa na rito ang
ating bansa kaya ang mga tao ay pinagtitipid sa paggamit ng enerhiya sapagkat
a. Wala ng pambili ang pamahalaan
b. Mauubos ang pinagkukunan ng mga ito
c. Nag-aagawan ang mga bansa sa pagkuha ng mga ito
d. Nagrereklamo ang mga tao sa pagtaas ng presyo
40. Ang kakapusan ay batayang katotohanan na may limitasyon ang paggamit at kapakinabangan
sa mga pinagkukunang yaman. Ngunit ang mga tao ay hindi alintana ang katotohanang ito.
Ano ang dahilan ng walang pakundangan na paggamit ng mga pinagkukunang yaman ng
mga tao?
a. Dumarami ang pangangailangan ng mga tao na dapat matugunan
b. Lahat ay nagnanais na mag angkin ng maraming yaman ng bansa
c. Pansariling interes ang umiiral sa mga tao
d. Pakikipagkompetensya sa kapwa tao na makagamit ng pinagkukunang yaman
41. Sinasabing maraming tao na ang mayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay higit
naghihirap sa ilalim ng sistemang kapitalismo. Bakit maraming bansa at tao ang patuloy na
tumatangkilik s akapitalismo?
a. Sapagkat mas maraming mayaman na tao
b. Sapagkat nais nila ang kalayaan na tinatamasa
c. Sapagkat may pagkakataon na magnegosyo ang mga tao
d. Sapagkata hindi totoo ang pagtuligsa sa kapitalismo
42. Ang mga samahang pangnegosyo ay mahalaga ang bahaging ginagampanan sa s apag-unlad
ng ekonomiya. Isa na rito ang kooperatiba na sinusuportahan ng pamahalaan ang pagtatag ng
mga ito upang
a. Makontrol ang negosyo ng mga myembro
b. Magkamit ng malaking tubo ang mga myembro
c. Maiangkat ang pamumuhay ng mga myembro
d. Madiktahan sa pamamahala ang mga myembro
43. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na naglalarawan ng budget line ng mamimili
a. Ang pagpili ng mga produktong bibilhin ng mga mamimili
b. Ang dami ng bawat produkto na maaaring bilhin ng mamimili
c. Ang ninanais na lebel na pagkonsumo ng isang mamimili
d. Ang naglilimita sa pagkonsumo ng mamimili
44. Lahat tayo ay mamimili sapagkat bawat isa ay bumibili ng mga produkto at serbisyo na
makatutugon sa ating pangangailangan. Bakit may umaabuso pa rin sa karapatan ng mga
mamimili?
a. Dahil hindi lahat ay matalinong mamimili
b. Dahil pinapayagan ng mga mamimili na gawin sa kanila
c. Dahil hindi napaparusahan ang mga nang-aabuso sa mamimili
d. Dahil kulang ang suporta ng mga samahan ng mga mamimili
45. Sa patuloy na paglaki ng populasyon, ang pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang
mapigil ang mabilis na paglaki nito. Isa na rito ang pagpapatupad ng reproductive health law.
Bakit may tumututol na ipatupad ito?
a. Labag sa ipinag-uutos ng Diyos
b. Hindi malinaw ang layunin nito
c. Walang sapat na pondo ang pamahalaan sa pagpapatupad nito
d. Pinipigilan ang pagnanais ng mag asawa na magdagdag ng anak
46. Ang likas na yaman ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Hinihikayat ang mga
mamamayan na linangin at pangalagaan ang mga ito. Ano ang maitutulong mo upang
mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?
a. Magtatanim ng mga halaman
b. Sasalai sa fun run para sa kalikasan
c. Sasapi sa mga organisasyong pangkalikasan
d. Aktibong makikilahok sa mga proyekto para sa kalikasan
47. Kung ikaw ang napiling lider ng isang organisasyon ng mga OFWs, ano ang gagawin mo
upang masiguro na magiging maayos ang kalagayan ng manggagawa sa ibang bansa?
a. Makikipag-usap sa mga opisyal ng pamahalaan na regular na imonitor ang kondisyon ng
mga OFWs
b. Magbigay ng trainings sa mga umaalis na OFWs para malaman ang kanilang gagawin
kapag nagkaproblema
c. Gagawa ng paraan na lahat ng OFWs ay nakarehistro sa organisasyon
d. Pupuntahan ang mga bansa na mayroong OFWs
48. Ikaw ay namimili sa pamilihan, nakita mo na may daya ang ginamit ng tindera na nagbebenta
sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Magsasawalang kibo ako
b. Sisitahin ko ang tindera
c. Irereport ko sa awtoridad
d. Hindi na ako bibili sa kanya
49. Kapag ikaw ay may sapat na salapi para mamuhunan sa negosyo at inalok ka ng kaibigan mo
na magnegosyo. Ano ang magiging desisyon mo?
a. Papayag ako dahil nais kong maging isang entreprenyur
b. Hindi ako papayag kasi gusto kong ipunin ang alapi ko
c. Hindi ako papayag dahil ipambili ko ng gamit ang salapi ko
d. Papayag akong magnegosyo upang makatulong na magbigay ng trabaho sa mga
manggagawa
50. Sa pagnenegosyo ay kinukwenta ang mga gastusin sa paglilikha ng produkto. Kung ikaw ay
isang negosyante, dapat ka bang tumanggap ng sahod sa sarili mong negosyo.
a. Oo, upang madagdagan ang gastos ng negosyo ko
b. Oo, upang malaman ko kumikita ang aking negosyo matapos makuwenta ng mga gastusin
c. Hindi, kasi ako na ang may-ari ng negosyo
d. Hinid uoang hindi na ako makadagdag sa gastusin ng aking negosyo.

You might also like