Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

E-FILIPINO:

ANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG/SA WIKANG FILIPINO SA SISTEMANG OPEN AND DISTANCE
LEARNING

Abstrak:

Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang pagpasok sa ating
kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e-Commerce, e-Government, knowledge
based society, knowledge-based economy, information society, paperless society, information economy,
attention economy at iba pang techno-terms (Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang ICT
ng pagbabago maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong
patunay nito ay ang pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open University
(UPOU). Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa
Open and Distance Learning (ODL), sinusuri sa papel na ito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa
wikang Filipino kaugnay ng mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang
pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang layunin, ipaliliwanag sa papel ang
kabuuang sistema ng ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din
sa pag-aaral ang katangian ng mga mag-aaral ng UPOU kaalinsabay ng inaasahang katangian ng isang
ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tungtungan ng pananaliksik ang ugnayang akademiko sa distance
education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin ang epektibong pagbubuo ng mga
gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang Filipino sa ODL at ang paggamit ng software na
Moodle. Inaasahang sa pamamagitan nito ay mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang
sistemang ODL bilang lunan ng pagtuturo ng/sa wikang Filipino sa makabagong panahon.

Repleksiyon:

Hindi sapat ang kaalaman ng mga tao sa Wikang Filipino dahilan ng limitadong panahon sa pag aaral
nito at nakakaapekto din ang kalayuan ng ilan sa mga paaralan at dahil laganap ang paggamit ng
teknolohiya sa panahong ito, maaari itong maging daan sa mas maayos at mas mabilis na pag-aaral ng
Wikang Filipino. Ang nasabing panahon ng ICT ay nagresulta ng pagbabago maging sa sistema ng
pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino. Nakita ang gamit ng Internet bilang midyum sa
pagdidisenyo ng at pagtatalakay sa klase. Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating
wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung
tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at
magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa
buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na
matutuhan nila ito.

You might also like