Ang Magmamani

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“ANG MAGMAMANI”

Ni TEOFILO E. SAUCO
Tampok sa nobelang Ang Magmamani (1924) ni Teofilo E. Sauco ang pakikipagsapalaran ng mag-inang
pinaghiwalay ng tadhana ngunit pagbubuklurin muli dahil sa pag-ibig sa isang lalaki. Si Tentay (Vicenta Gomez)
na mula sa alta sosyedad ay nabuntis ng kaniyang kasintahang si Ventura Villaroman, ngunit napilitang
ipaampon ang kaniyang sanggol sa solterong si Ingkong Pinong na taga-Baliwag, Bulakan. Sisikaping palakihin ni
Ingkong Pinong ang bata, na sa paglipas ng panahon ay magiging marikit na dalagang tatawaging si Ninay.
Pagtatanim at pagtitinda ng mani at iba pang gulay ang ikinabubuhay ni Ingkong Pinong, at balang araw ay
kakatuwangin niya si Ninay sa pagtitinda ng mani. Hahangaan naman si Ninay sa sipag nito’t bait, at
pagnanasahan ng mga binata. Ngunit walang makapangahas makapanligaw sa kaniya dahil sa pangingilag kay
Pinong, hanggang makilala ni Ninay ang binatang si Luis na taga-Maynila. Pinakyaw ni Luis ang tindang mani ni
Ninay, hahabulin ang dalaga, at pagkaraan ay yayayaing pakasal. Subalit may isang balakid. May isang babaeng
kinakasama si Luis, at iyon ay si Tentay na dating mananayaw sa kabaret sa Santa Ana. Matutuklasan ni Tentay
ang retratong kuha ni Luis kay Ninay, at maghihinuha si Tentay na anak niya ang dalaga dahil kahawig na kahawig
niya ito.
Hahanapin ni Tentay ang kinababaliwan ni Luis, at nang matiyak kay Ingkong Pinong na si Ninay ay anak nga
niya, kukumbinsihin ni Tentay ang matanda na pumayag na sa pagpapakasal ng magkasintahan. Lalayo si Tentay
at papasok sa kumbento upang mapalayo kay Luis. Samantala, hihimukin at paaaralin naman ni Luis si Ninay na
pumasok sa kolehiyo at nang makatapos makapag-aral. Makikilala ni Ninay si Tentay sa loob ng kumbento, at
magtuturingang mag-ina, subalit mananatili ang lihim hangga’t hindi nakakasal si Ninay kay Luis.
Sa dakong huli’y magkakasakit nang malubha si Tentay na nagtatago sa ngalang Madre Victoria Fuentes.
Mangungumpisal siya sa pari, ngunit pinagtiyap naman ng pagkakataong ang nasabing pari ay siya pala niyang
dating kasintahang si Villaroman. Matutuklasan din ni Padre Villaroman na anak niya si Ninay na ipinaampon sa
matandang Pinong, at ang babaeng pakakasalan ni Luis. Ang pangungumpisal ni Tentay ang sukdulan ng
kuwento, dahil doon mabubunyag ang lahat ng lihim na kipkip ni Tentay mulang pagdadalaga hanggang pagiging
baylarina tungong pagiging kabit ni Luis hanggang pagsisikap maging madre para ituwid ang mga pagkakamali.
Makakasal sina Luis at Ninay, samantalang magkakapatawaran sina Padre Villaroman at Tentay. Mamamatay si
Tentay dulot ng karamdaman, at pagkaraan niyon ay lalasapin naman ng mag-asawang Luis at Ninay ang bagong
buhay at saganang pagsasama. Aalagaan nila si Ingkong Pinong, at ipasasaka sa iba ang lupain nitong laan sa
pagtatanim ng mani. At magbabalik sina Ninay at Luis sa Tiaong, Baliwag, Bulakan upang magbigay-galang sa
amang si Padre Villaroman, at sariwain ang nakaraang “hindi na babalik sa kanila kailan man.”

Ang Kwentong Magmamani ay isang ROMANTISISMONG PAGDULOG dahil sa kwento, pinairal ng mga tauhan
ang tungkol sa kanilang damdamin at damdamin ng ibang tao.
Halimbawa:
• Ang pag-ibig nina Tentay at Ventura na pinaghiwalay ng tadhana.
• Ang pag-ibig ni Ingkong Pinong kay Ninay na itinuring na sariling anak bagaman hindi naman kaano-ano.
• Ang makalupang pag-ibig ni Luis sa mag-inang sina Tentay at Ninay, at pagtuhog sa dalawang
magkabukod na kapalaran ng babae.
• At ang dalisay na pag-ibig ni Ninay mula sa kaniyang amaing si Ingkong Pinong hanggang sa mga tunay
na magulang na sina Tentay at Padre Villaroman, tungong pag-ibig kay Luis na kasintahan.
• Pag-ibig din sa Diyos ang maglalapit kina Tentay at Padre Villaroman, at siyang maghahatid sa
kapatawaran.
• Ngunit pinakamatindi sa lahat ang pag-ibig ni Tentay sa lahat ng lalaking naging matalik sa kaniyang puso,
mula kay Villaroman hanggang mga lalaki sa kabaret, hanggang kay Luis at pagkilala kay Ingkong Pinong,
tungong sukdulang pag-ibig sa anak na nawalay at minamahal.

You might also like