Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BURNHAM PARK

THE MANSION
BAGUIO
Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na
dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong
Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang
Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa
ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa
salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming
tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman.
Nasa hilaga ng Lungsod Baguio ang La Trinidad, ang Itogon sa silangan, at
ang Tuba sa timog at kanlurang bahagi.
Nakilala ang Baguio sa mala-ahas nitong lansangang tila pumupulupot sa
katawan ng kabundukan; sa kagila-gilalas na tanawin mula sa matatarik na
burol o bundok; sa mahalumigmig na hangin; sa makukulay na bulaklak; at sa
mga pagkaing sariwa't nalalahukan ng mga sariwang gulay at pampalasa.
Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, tao, moda, at pananaw na
pawang lalong nagpasigla sa turismo.
KULTURA
Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang
kapistahan saLungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.
Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din
ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga
turista.

Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong,


panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng
bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng
pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating
Direktor ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya
na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang
bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim,
Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si
Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan ang lungsod
na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake.
TURISMO
BAGUIO CITY, Philippines – Muling sumigla ang turismo sa Baguio City kung
saan unti-unti ang pagdagsa ng bakasyunista matapos manalasa ang
magkasunod na bagyo na nagresulta sa pagkawasak ng mga kalsada.

Sa tala ng Hotels and Restaurants Association of Baguio, umakyat na sa 60


porsiyento ang booking sa mga hotel at inns kumpara noong nakalipas na
linggo kung saan zero occupancy ang mga hotel.

Dumagsa na rin ang turista simula pa noong Biyernes dahil sa tatlong araw na
holiday na simulan ang All Souls and Saints Day na magtatapos ngayon.

“We are slowly inching our way up, as vehicular traffic as early as Thursday
began to pile up especially along major streets in Baguio,” pahayag ni
Anthony de Leon, chairman ng hoteliers group.

Napag-alaman din na nagsimulang magbigay ng discount ang iba’t ibang


establisamento para maiangkat muli ang turismo sa nabanggit na lungsod.

Plano ng Baguio Tourism Council na magbigay ng diskuwento ang lahat ng


establisamento na tatagal ng 60-araw.

EKONOMIYA
Ang Ekonomiya ng Lungsod ng Baguio ay nakadepende sa kanyang
kinaroroonan at sa kanyang klima. Maraming mga Unibersidad ang
umusbong dito dahil sa dami ng mga magaaral na gustong magaral sa lugar
na tahimik at malamig. Madali rin itong puntahan kahit ito ay nasa mabundok
na lugar. Ito rin ang centro ng kalakalan sa Cordillera. Karamihan ng mga
kalakal ng mga kalapit na probinsiya ay dumadaan muna sa lingsod bago ito
maipamahagi sa mga ibang probinsiya. Dahil sa kanyang klima, ang lungsod
ang karaniwang bakasyonan ng mga turistang galing sa mga kalapit na
probinsiya at maging mga turistang dayuhan lalo na sa tag-araw.
Matatagpuan din sa lungsod ang isang sangay ng "Philippine Economic Zone
Authority" na nagbibigay kabuhayan sa mga residente ng lungsod. Karamihan
sa mga produktong ginagawa sa lugar an ito ay iniluluwas sa ibang bansa.
CAMP JOHN HAY

You might also like