Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Maarja C.

Mallari PI 100 WFV1


2015-09800 Dr. Nilo S. Ocampo

Panunuring Aklat: Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela ni Rizal

I. Alamin ang layunin ng may-akda at tagasalin at sabihin kung paano ito natupad o
naangkupan.
Napakarami nang naisulat at nalikhang tula, kwento, at nobela ng ating pambansang
bayani na si Jose Rizal, at ang pinakatanyag sa mga ito ay ang kanyang dalawang nobela –
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Madalas na paksain ng kanyang mga akda ay ang
paksaing paglaban at pagtuligsa sa mga Kastila upang gisingin ang diwang Makabayan ng
bawat Pilipino. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, may ikatlong nobela siyang
naisulat, ang Etikang Tagalog. Katulad ng dalawang naunang nobela, ang kwento ay tungkol
sa pamumuhay araw-araw ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila partikular ng mga
prayle. Sa kabilang banda, ang pagsulat sa Etikang Tagalog ay paraan ni Rizal upang
pukawin ang kaisipan at damdamin ng mga Pilipino. Ito’y higit na nakasentro sa kaugalian
at pamumuhay ng mga Pilipino. Maaaring mayroong parte na tumatalakay pa rin sa pulitika
at relihiyon, hindi naging prayoridad ni Rizal ang pagtalakay sa mga ito kundi ang
pagpapalawig at pagsusuri ng kulturang Pilipino sa pananaw ng isang Pilipino mismo.
Ipinakita niya ang pang-araw-araw na kaugaliang Pilipino upang mapukaw ang damdamin
at iparamdam ang panloob at malapitang kolonisasyon ng mga dayuhan. Sa madaling salita,
ang pangunahing layunin ng akdang ito ay paksain ang etiko at kulturang Pilipino, mga ugali
at gawi ng mga katutubong Tagalog, kagandahang asal at maging ag kasiraan ng mga
Pilipino.
Sa aking pagsusuri, ganap na naipahayag at naisakatuparan ang mga layunin. Ang
bawat karakter sa nobela ay siyang sumasalamin ng pagiging isang Pilipino, mula sa
gampanin ng relihiyon sa pamamalakad ng bayan ng Pili hanggang sa munting chismisan,
ipinakita ni Rizal ang realidad ng Pilipinong pamumuhay noon hanggang ngayon.
Maaaring matagumpay ang pagpukaw niya sa damdamin ng mga mambabasa subalit
napakasalungat naman ng kanyang pamamaraan ng pagsulat. Una ay hindi natapos ang
pagsulat sa nobelang ito. Ikalawa ay ang paggamit ng banyagang wika sa pagsulat. Siya na
rin mismo ang nagsabi na “ang pagpapanatili ng isang bayan ng kanyang wika ang siyang
nagpapanatili rin ng sagisag ng kanyang kalayaan; tulad ng tao, nananatili rin ang
pamamaraan sa pag-iisip ng bayan.” Ngunit sinabi niya na “…gayunman pinaghihirap ako
sa pagsulat ng librong ito, dahil marami sa aking mga naiisip ay hindi ko malayang
naipapahayag, kung hindi man ay nagpapasok ako ng mga neolohismo; bukod dito, hindi
na ako sanay magsulat sa Tagalog.” Nakalulungkot na ang atin mismong pambansang
bayani ay hindi na bihasa sa ating sariling wika. Batid ko na siya’y bihasa sa iba’t ibang
wikang banyaga, ngunit tila napakasalungat ng kanyang mithiin na lumikha ng isang akdang
Pilipino para sa mga Pilipino na nakasulat sa wikang Espanyol. Isang malaking
pagkukulang ito sa parte ni Rizal sapagkat hindi niya naisabuhay ang mensaheng nais niyang
iparating sa mga Pilipino. Sinasalamin din nito ang napakalaking impluwesnisya ng mga
banyaga sa kaugalian at kultura ng mga Pilipino noon pa man.
Mabuti na lamang ay natugunan ng tagasalin na si Dr. Nilo Ocampo ang
kakulangan ng bayani sa kanyang akda. Ganap na naipahayag ang mga mensahe na nais
iparating at naitanghal ang ating sariling wika maging ilan sa mga katutubong wika –
Kapampangan at Sebuano. Naipakita rin ang kahalagahan ng pagsalin sa pagpapahayag at
paglapit ng akda sa tunay nitong hangad na madla.

II. Sabihin kung paano ito kaugnay sa ating kursong pinag-aaralan at sa pangkasalukuyang
sitwasyon.
Napakahalaga ng mga akda ni Rizal hindi lamang sa kursong pinag-aaralan kundi
maging sa realidad ng kasalukuyan, sapagkat ang mga paksang kanyang tinatalakay ay
angkop sa mga kaganapan hindi lamang sa nakaraan kundi maging sa ating pangkasalukyan.
Ang mga naunang nobela niya’y higit na tumalakay sa pagpuna at pagtuligsa sa mga
banyagang mananakop, at ang paghangad na maging isang probinsya ng Espanya. Subalit sa
Etikang Tagalog mas naging maka-Pilipino ang kanyang piniling pagtuunan ng pansin, na
siya naming higit na naaangkop at makabuluhan para sa ating mga Pilipino.
Para sa Kursong PI 100, ang Etikang Tagalog mging ang dalawa pa niyang nobela ay
patunay kung gaano kahusay at kadunong ang ating pambansang bayani. Ipinahahayag ang
makabansa at makamasang mithiin na nagpapaigting ng diwang makaPilipino. Ang kanyang
mga akda ang nagsisilbing tapagsalaysay ng kanyang sa kung ano at sino nga ba si Rizal
bilang isang manunulat, bayani, Tagalog at Pilipino. Bagamat makikitaan ng mga
kapintasan at kahinaan si Rizal, mahalagang aspeto ang pag-aaral sa PI 100 upang lubos na
maunawaan ang kanyang katauhan at iugnay ito pati na ang kanyang mga akda sa aming
mga mag-aaral.
Katulad ng nabanggit sa mga naunang talata, ang akdang ito ay ganap na natugunan
ang mga paksaing itinalaga ni Rizal sa pagsulat nito kaya’t siguradong naramdaman ng mga
mambabasa na ang kanyang mga paksaing tinalakay sa Etikang Tagalog lalo na’t
magpahanggang ngayon ay nararanasan pa rin natin ang mga ito. Unang-una ay ang
relihiyon. Dala ng napakatagal na pananatili at pananakop sa atin ng mga Espanyol ay ang
pagpapalaganap nila ng Kristyanismong pananampalataya. Kasabay nito ay ang pagkontrol
nila sa ating kultura at paraan ng paumuhay. Maaaring tayo’y nakalaya na mula sa kanila
ilang libong taon na ang nakakaraan ngunit ang kanilang mga pamana, ang mga banyagang
pamamaraan ay nanatili sa ating kultura, naging bahagi na ito ng normal na pamumuhay
hanggang sa ngayon. Nananatiling malaking impluwensya ang relihiyon sa lahat ng aspeto
ng ating buhay. Pangalawa, ang ating mga katutubong wika. Dala rin ng mga Kastila at ib
apang mga mananakop ang kani-kanilang mga wika na naipasa na rin sa mga Pilipino.
Katulad ni Rizal, karamihan sa mga Pilipino ngayon, lalo na sa mga kabataan ang hindi na
marunong o nahihirapan sa pagsasalita at pag-intindi sa kani-kanilang mga katutubong wika.
Mas madalas na ituro kasi ng mga magulang ang mga banyagang wika kay’t hindi nakikita
ng mga kabataan ang kahalagahan ng ating sariling wika. Nariyan din ang pagtanggal ng
pag-aaral ng Filipino sa pag-aaral sa kolehiyo at sinasabing nakahihigit kung mas matututo
tayo sa wikang Ingles.
At marahil hindi masyadong nabigyan ng pansin, kung susuriin, may halo pa ring
politika ang akda. Isang malaking halimbawa ang pakikipag-agawan pansin sa kura upang
manalo sa susunod na eleksyon. Pinapakita dito na malaki ang nagagawa na impluwensiya
ng tagapamahala ng simbahan para impluwensyahan ang simpleng mamamayan. Tila ganito
pa rin naman ang eksena sa ating kasalukuyang gobyerno. Ang mga namamahala ay mas
pinahahalagahan ang kapangyarihan kaysa sa paglilingkod sa masa. Nariyan pa rin ang
maruming sistema, pandaraya at pang-aabuso ng mga nakaupo sa puwesto.
Ang mga kaugaliang nakasanayan na, kahit pa ito’y mali at hindi kanais-nais, ay
nagmistulang normal na at katanggap tanggap na sa kasalukuyang panahon.
III. Hanapin/tuklasin sa nobela ang mga sumusunod (tukuyin konteks o kung saang mga
pahina matatagpuan):
A. Katangian ng Wikang Pambansa (aktwal at desiderata): tukuyin sa mga
salita/pangungusap
Si Rizal ay ipinakita na ang wikang pambansa ay dapat na sinasalita at ginagamit.
Ang kanyang nais ay ang isulat ang akda sa wikang pambansa (desiderata) ngunit
dahil hindi na siya dalubhasa rito, siya na lamang ay nagsulat sa wikang Espanyol
(aktwa) . Ito ay nagpapakita ng isang katangian ng wika na dapat itong ginagamit
kung hindi ay mawawala ang pagkadalubhasa rito at hindi mabubuhay ang wika.
B. J. Calma, P. Guzman, A. Alvarez, M. Osorio – wfv1
Sina ginoong J. Calma, P. Guzman, A. Alvarez ay mga estudyante mula sa kolehiyo ng
musika kaya’t sila ang nagsilbing banda na tumutugtog para sa klase. Samantalang si
ginoong M. Osorio naman ay ang tapagsimula ng mga awitin at tugtugin na kinakanta
at sinasayaw sa klase.
C. Briefs o shorts?
D. Sino kaya ang kumanta nito at bakit: Oh Cecilia, binibiyak mo puso ko… Niyuyugyog
mo kumpyansa ko araw-araw… Oh Cecilia… Nakaluhod na ako, nagmamakaawa…
Sa umpisa, nalilito ako kung sino kay Isagani o kay Padre Agaton ang kumanta nito. Si
Padre Agaton kasi ay may pagtingin kay Cecilia subalit si Isagani ang nais ng babae.
Hindi tuwirang ipinahayag sa akda na si Isagani ay may pagtingin rin kay Cecilia. Sa
bahaging nakita ni Cecilia si Isagani sa may bintana, natural siguro na itaas ni Isagani
ang kanyang sombrero bilang pagbati kung kakilala naman niya si Cecilia at nauna
naman ang dalaga na ngitian siya. Subalit sa bahaging dumaan si Cecilia sa harap nila
Dr. Lopez, Don Paquito at Don Fermin, napagtanto kong si Isagani na nga ang kumanta
nito. Sinabi ni Don Fermin kay Isagani pagkakita sa kanya na “iba ang pipitas ng
prutas”. Mahihinuhang patungkol ito kay Cecilia na kahit may gusto si Isagani ay sa
iba naman mapupunta si Cecilia, kay Padre Agaton.

You might also like