Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAGALANG

Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ay ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa
matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos madasal ng
orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumating o bumisitang kamag-
anak o matanda, at kapag Nakita at nakasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.

PAGTUTULUNGAN

Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa
gawain bahay. Ang bawat isa ay may kani-kaniyang responsibilidad sa bawat tahanan. Mayroong
nakatakda sa paghuhugas, paglalaba, pagdidilig ng halaman, pagluluto, pagwawalis, pagliligpit ng mga
damit, at kung-anu-ano pa. Ang ina ang karaniwang nagdidisiplina at nagtuturo sa kaniyang mga supling
sa pagsapit ng tamang edad na kaya na nilang gawin ang mga ganitong gawain. Kinakailangang
magtulungan ang bawat isa upang mapagaan ang isang mahirap na gawain.

PAGTITIWALA SA PANGINOON

Ang pagkakaroon ng tiwala sa Panginoon ay isa sa magandang katangian ng mga Pilipino. Naniniwala
silang may isang Panginoon na pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong
Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.

PAGDARASAL BAGO KUMAIN

Para sa mga Pilipino, ang pagdarasal bago kumain ay sumisimbolo ng pasasalamat sa biyayang
tinatamasa nila sa araw-araw.

PAGDARASAL BAGO MATULOG

Ano man ang paniniwala o relihiyon ng mga Pilipino, ang pagdarasal bago matulog ay isang napaka-
importanteng gawain. Ito ay sumusimbolo ng walang katapusang biyayang natatanggap sa buong araw
na nagdaan at pag hingi ng gabay sa mga susunod na araw.
PAGIGING RESPONSABLENG ESTUDYANTE

Hindi lang ang pag aaral nang mabuti ang basehan ng pagiging responsableng mag-aaral. Ang pagtulong
sa paglilinis ng silid-aralan ay sumisimbolo sa kabataan ng pagiging responsible at may malasakit sa
kaniyang kapaligiran lalo na sa kanyang paaralan. Ito rin ay nagpapakita ng pagiging matulungin sa
kanyang guro at kapwa kamag-aral.

You might also like