Professional Documents
Culture Documents
Plumaatpapel Ni Rogelio L
Plumaatpapel Ni Rogelio L
Plumaatpapel Ni Rogelio L
Ordonez
( Sa m g a b ik t im a n g m a s ak e r s a M e n d iol a, m ga p a gp at a y s a H a ci e n da Lu i s it a at ,
ng ay o n n a ma n, s a K id a p aw an)
April 2, 2016 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez
39 Votes
(Tula)
33 Votes
32 Votes
(Tula)
34 Votes
(Tula)
(Tula)
24 Votes
28 Votes
200 Votes
(Editoryal)
NANG isilang sa daigdig ng peryodismo ang Pinoy Weekly noong Agosto 7, 2002, sinikap nitong manuntunan
sa landas ng katotohanan. Masagasaan man ang interes ng iilang naghahari-harian sa lipunan, hindi nangimi ang
PW na ugatin, dalirutin at suriin ang importanteng mga isyung kaugnay ng pambansang kapakanan – mulang
pagpapakasangkapan ng walang gulugod na pambansang liderato sa mapandambong na dayuhang mga interes
hanggang sa talamak na katiwalian sa burukrasya, mulang inhustisya ng uring mapagsamantala laban sa
binubusabos na masang sambayanan hanggang sa pagkasugapa, at pag-abuso, sa kapangyarihan ng mga nasa
poder.
Nanindigan ang peryodikong ito sa diwang makabayan, makatao, mapagmulat, mapagpalaya at
progresibo. Naging kakabit ito ng pusod, puso at isip ng uring maralitang patuloy na inginungudngod sa
kahirapan at kaalipinan na, higit na masama, patuloy pang sinisikil at sinasalaula ng mga diyus-diyosan
ang sagrado’t lehitimo nilang mga karapatang sibil lalo na kaugnay ng adhikain nilang magkaroon ng
pambansang pagbabago sa ilalim ng nakasusukang pambansang kaayusang palsipikado ang kasarinlan
at kalayaan, palsipikado ang demokrasya’t katarungan, lalo na ang minimithing kaunlaran at hustisya
sosyal.
Naging kabalikat ang munting diyaryong ito ng mumunting mga pangarap at adhikain ng masang
sambayanan – mga magsasaka’t manggagawa o uring inilarawan ng isang makata na “kulang sa pera,
kulang sa damit, kulang sa kanin, walang lupa, walang bahay, walang-wala” – dahil lamang kontrolado
ng iilang mapagsamantalang grupo ang pambansang pulitika’t ekonomiya at tagahimod pa ng pundilyo
ng mapambusabos na dayuhang mga interes, ngayon at noon pa man, ang pambansang lideratong laging
nagpapanggap na mga makabayan ngunit, sa katotohanan, sila pa ang bentador ng pambansang
kapakanan dahil lamang sa masidhi nilang makasariling ambisyon at interes, lalo na ang kasibaan sa
kayamanan, pribilehiyo at kapangyarihan.
Sa maikling salita, isinulong ng mga nilaman ng Pinoy Weekly sa halos anim na taon ang pambansang
kapakanan at interes ng uring patuloy na pinagsasamantalahan at binubusabos ng iilang naghahari-
harian sa lipunan. Tandisang isinatinig din nito ang matagal nang adhikain ng masang sambayanan na
umiral, sa wakas, ang isang lipunang mapayapa at maunlad, makatao at demokratiko – hindi ang uri ng
lipunan ngayong nagpapakabundat sa pawis at dugo ng sambayanan ang tiwaling mga opisyal ng
pamahalaan, ang mga suwitik na kapitalista’t asendero, at ang iba pang nabibilang sa uring mapang-
alipin at mapagsamantala.
Gayunpaman, dahil sa matinding krisis pang-ekonomiyang umiiral ngayon sa bansa – bunga na rin
unang-una ng balintuna’t makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng kasalukuyan at nagdaang
mga rehimen, bukod pa sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis kaya tuluy-tuloy ang pagtaas din
ng mga bilihin at serbisyo – hindi maiwasang maging biktima rin ng naturang krisis ang diyaryong ito,
gaya ng milyun-milyon ngayong mamamayang tuliro na’t hindi na malaman kung paano pa mabubuhay
sa bawat araw.
Nakalulungkot man, kahit tuloy ang Pinoy Weekly Online, ipinababatid ng pamunuan ng peryodikong
ito sa madlang mambabasa na matapos ang isyung ito, pansamantala munang ihihinto ang paglalathala
nito. Anuman ang mangyari – tuluyan mang mawala sa sirkulasyon o muling mabuhay ang Pinoy
Weekly – ipinaaabot nito ang walang hanggang pasasalamat at maalab na pagpupugay sa lahat ng
mambabasang masugid na sumubaybay, tumangkilik, at nakiisa sa matapat, mapanuri at makabayan
nitong mga simulain.
Sa madlang mambabasa, muli, maraming salamat at paalam muna.
Editoryal, June 19, 2008
#Tula
KAY LUPIT ISIPIN ANG PAMAMAALAM
109 Votes
Tulad mo
minamahal ko ang pag-ibig,
buhay, at halimuyak ng mga bagay,
ang bughaw na tanawin
ng mga araw ng Enero.
At sumisilakbo ang aking dugo
tumatawa ako
sa pamamagitan ng mga matang
nakakilala sa mga usbong ng luha.
Naniniwala akong maganda ang daigdig
at ang tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat.
At hindi nagwawakas ang aking mga ugat
sa aking katawan lamang
kundi sa nagkakaisang dugo
ng mga nakikibaka para sa buhay,
pagmamahal,
mabubuting mga bagay,
tanawin at tinapay,
ang tula ng bawat isa.
(salin kay Roque Dalton)
HINDI na kayang linlangin o patuloy pang isakay sa tsubibo ng ilusyon ng mga tambolero’t salamangkero ng
Malakanyang ang masang sambayanan para pilit na papaniwalaing umaasenso ang kanilang buhay dahil
umuunlad diumano ang ekonomiya ng bansa, dumarami ang trabaho, nababawasan ang paglaganap ng gutom at
karalitaan at nasusugpo, higit sa lahat, ang katiwalian sa pamahalaan.
Araw-araw mang ipalabas sa estasyon ng gobyerno sa telebisyon ang estupidong propagandang
“Ramdam na Ramdam” na ng ordinaryong mga mamamayan ang pag-unlad ng kanilang buhay sa ilalim
ng naghaharing rehimen, hangal na lamang marahil ngayon o nangangarap nang dilat ang maniniwala
sa katumpakan ng naturang buladas ng administrasyon.
Bunga ng walang patumanggang paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa dahil diumano
sa pagtaas din ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na pinatataas pa – unang-una – ng
kasuwapangan sa tubo ng mala-kartel na mga korporasyong kumukontrol sa industriya ng langis sa
Pilipinas, at idagdag pa ang buwis na ipinapataw ng gobyerno dito (12% VAT), lalong hindi na
katakatakang umalagwa naman ang halaga ng kung anu-anong produkto mulang bigas at gatas, manok,
baboy at karne, hanggang sabon at mantika, gamot, kondom at pasador. Nakaamba pa nga sa bansa ang
muling dagdag-pasahe, at maaaring umabot na ng P10 ang minimong singil.
Idagdag pa nga ang napakataas pa ring singil sa kuryente dahil na rin sa VAT, bukod pa sa kung anu-
anong nakahihilong singil na ipinapapasan ng Meralco sa mga parukyano nito (generation, transmission,
system loss, distribution, subsidies, govt. taxes, universal charges, other charges), kaya kung P2,584.31
ang dapat lamang bayarang nakonsumong elektrisidad, aabot iyon ng P5,525.25 (higit sa doble) matapos
idagdagang naturang waring hinokus-pokus o sinalamangkang mga bayarin.
Sa kabilang banda, ano na ang limos na P20 bawat araw na dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa
pribadong sektor sa Kamaynilaan (P10 – P15 sa ibang rehiyon), o 10% dagdag-suweldo sa mga kawani
ng gobyerno, upang makahabol ang mga ito sa umaalagwang presyo ng mga bilihin at serbisyo? Higit pa
nga nilang gugustuhin tuloy na paalila sa ibang bansa upang mabigyan ng desenteng buhay ang pamilya
sa sariling bayang lumilitaw na malupit ang reyalidad nang mabuhay bilang tunay na mga tao sa isang
lipunang hindi mabanaagan man lamang ni anino ng lantay na hustisya sosyal.
Ano naman, kung gayon, ang ginagawa ng pambansang liderato upang makahinga – kahit bahagya – ang
sisinghap-singhap nang mga mamamayan sa gitna ng umiiral na matindi nang krisis pangkabuhayang sa
kanila’y sumasakal, bukod pa sa krisis pampulitika (dayaan sa eleksiyon, kredibilidad ni La Gloria,
maanomalyang mga kontrata ng gobyerno, katiwalian sa burukrasya, at iba pa) na, tiyak, kung lulubha
pa, ay magpapalala sa krisis pang-ekonomiyang ngumangatngat sa sinasabing Matatag na Republika?
Sabi nga, matagal nang dapat pinagsikapang ibasura na ng pambansang liderato ang batas sa
deregulasyon ng industriya ng langis at puspusang isulong naman ang pagsasabansa o nasyonalisasyon
nito, gayundin ang iba pang mahalagang mga industriya, alang-alang sa pambansang kapakanan. Ang
hirap nga, nakatali pa ang mga ito, lalo na si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, sa asintos ng
globalisasyong idinidikta ng mapandambong na interes ng imperyalistang mga bansang tulad na lamang
ng Amerika.
Habang nagpapakabundat sa nakukulekta namang VAT at iba pang buwisang mga hari-harian sa
burukrasya at kinauukulang mga mandurugas at mangungulimbat sa pondo ng bayan, titiguk-tigok
naman ang lalamunan – lalo na ngayon – ng milyun-milyong masang sambayanan at hindi matiyak,
araw-araw, kung buhay pa sila kinabukasan dahil sa gutom at labis nang karalitaan. Sa Mindanaw na
lamang na itinuturing pang “basket ng pagkain,” napaulat kamakailan na marami na rin ang
nagugutom dahil sa napakamahal nang presyo ng mga bilihin unang-una na ang bigas, isda, manok at
pangunahing mga pangangailangan.
Batay nga sa hinihingi ng makabayang mga sektor ng lipunan, dahil sa tumitinding krisis pang-
ekonomiya sa bansa, marapat lamang na alisin muna ng gobyerno ang VAT, lalo na sa kuryente at mga
produktong petrolyo o langis. Ayon sa pagsusuri ng Kontra KulimVAT, kung ibabasura ang nasabing
buwis, mababawasan ng P5 – P6 bawat litro ang presyo ng krudo at gasolina, ng P69 ang isang tangke ng
LPG, at mga P0.72 bawat kwh (kilowatt-hour) ng kuryente.
P18-B sa langis lamang ang inaasahang makukulekta ng gobyerno ngayon dahil sa VAT; noong 2006,
nakalikom ito ng P76.9-B kasama ang ibang produktong sakop ng VAT; at mga P113-B noong
2007. Naiukol ba naman ng gobyerno ang naturang nakulektang buwis sa edukasyon, kalusugan,
pabahay at iba pang serbisyong panlipunang lubhang kailangan ng mga mamamayan? O nakulimbat
lamang ang malaking bahagi ng kinauukulang mga mandarambong sa burukrasya dahil, batay sa
pagsusuri, mga 30% ng pambansang badyet ang nilalamon ng katiwalian taun-taon sa iba’t ibang sangay
ng pamahalaan?
Dahil sa napakataas nang presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo, at ginigiyagis na ng matinding
krisis pangkabuhayan ang milyun-milyong ordinaryong mamamayan at sukdulang naghihimagsik na
ang mga sikmura, magagawa pa kaya ng pambansang liderato na magkamot na lamang ng puklo at
unahing atupagin ang pagkagahaman sa poder at kayamanan ipagkanulo man ang pambansang
kapakanan? O hihintayin pa nilang malunod sila sa daluyong ng mga protesta?
Editoryal, June 04, 2008
126 Votes
MATAPOS ideklara ni Hen. Emilio Aguinaldo ang sinasabing kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12, 1898 sa
balkonahe ng kanyang mansiyon sa Kawit, Kabite — makaraang makalaya sa kolonyalismong Kastila — at
nang luminaw ang gahamang layunin ng Amerikang sakupin at pagsamantalahan ang Pilipinas, marami agad
ang bumalimbing sa uring ilustrado’t elitista, ipinagkanulo ang kapakanan ng masa, pinagtaksilan ang
pambansang soberanya at naging garapalang Amerikanista.
Pinangalagaan ang oportunistang mga interes, humimod agad sa tumbong ng Amerika ang
mga ilustradong nakapaligid at nang-uto kay Aguinaldo sa Kongreso ng Malolos, gaya nina
Pedro Paterno, Benito Legarda, Pardo de Tavera, Jose Luzurriaga, Cayetano Arellano, Felipe
Buencamino, Florentino Torres, Victorino Mapa, Macario Adriatico, at iba pang patuloy na
itinuturing na mga “makabayan” at nakabalandra pa nga magpahanggang ngayon ang mga
pangalan sa mga kalye, paaralan at pampublikong mga lugar.
Sa kanilang mga pahayag sa Schurman Commission sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano, sinalaula nila’t ipinampunas ng paa at puwit ang dignidad ng mga Pilipino at
walanghiyang ipinahayag ang labis na pamamanginoon agad sa dayuhang mananakop.
Halimbawa, nang tanungin ng Schurman Commission si Arellano kung kaya na ng mga
Pilipinong magsarili at pamahalaan ang bansa, tuwirang sinabi ng Kapampangang si Arellano:
“May bahagyang kakayahan ang ilan. Sa ilang lalawigan, halimbawa ang Pampanga, ang mga
mamamayan ay may sapat na kaalamang magpalakad ng kanilang pamahalaan ngunit
hanggang doon lamang; hindi sila maaaring magsarili.”
Bilang pagsisipsip agad sa mga Amerikano, sinabi naman ni Tavera: “Pagkatatag ng
Kapayapaan, lahat ng ating pagpupunyagi ay dapat iukol sa ating pagiging maka-Amerikano;
kinakailangang palawakin at gawing panlahat ang kaalaman sa salitang Ingles upang
maangkin natin ang kanilang ugali at kabihasnan sapagkat ito lamang ang ating ganap na
katubusan.”
Higit na nakasusuka ang sinabi ni Buencamino: “Ako’y isang Amerikano at lahat ng salapi ng
Pilipinas sampu ng hangin, liwanag ng araw ay aking ipinalalagay na Amerikano.”
Hindi nasiyahan sa mga pahayag lamang, lubusan silang nakipagsabuwatan sa Pamahalaang
Amerikano, nagtatag ng mga partidong lubos na kikilala sa kapangyarihan ng mga Amerikano
at, kung maaari, gawin nang isa sa mga estado ng Estados Unidos ang Pilipinas. Ito ang
Partido Federal, Partido Conservador at Asociacion de Paz na pinangunahan nina Pedro
Paterno, Macario Adriatico, Gregorio Singian, Justo Lukban, Enrique Barredo, Leon Ma.
Guerrero, Felipe Buencamino, Rafael Palma, Pascual Poblete, Nazario Constantino, Joaquin
Lara at iba pang ilustradong nagsipagtaksil sa masa ngunit, sa kabilang banda, dinakila pa rin
ng mga hindi mulat sa tunay na kasaysayan ng bansa bunga ng mga aklat pangkasaysayang
sinulat ng mga historyador na nakukubabawan ng utak-kolonyal.
Minana ng sumunod na pambansang liderato ang pagiging Amerikanista. Sa panahon lamang
nina Quezon, Osmena at Roxas, nagkasunud-sunod ang mapaminsalang mga tratadong pabor
lamang sa mga Amerikano, gaya ng Parity Rights, Bell Trade Act, Kasunduang Laurel-
Langley, at iba pa. Maging sa sumunod na mga rehimen mulang kay Quirino hanggang kina
Marcos, Aquino at Ramos, hitik ang kasaysayan ng bansa sa pagtatraydor ng mga lider-
pulitiko sa tunay na pambansang kapakanan. Sa rehimen ni Erap, isinalaksak sa lalamunan ng
sambayanan ang kontrobersiyal na VFA (Visiting Forces Agreement) na ginawang tuntungan
ngayon ng mga pagsasanay-Balikatan dahil sa walang habas na suporta ni Presidente Gloria
Macapagal-Arroyo sa bawat plataporma at teroristang pakana ni Presidente George W. Bush
ng Amerika.
Lubusan mang mapinsala ang kapakanan ng bayan at ibenta man ang kinabukasan ng
susunod pang mga henerasyon, agad na ipinalulunok sa sambayanan ng pambansang
lideratong nakaugaliang maging palagiang tagahimod ng tumbong ng Estados Unidos ang
mapandambong at mapang-aliping globalisasyon, liberalisasyon, pribatisasyon,
kontraktuwalisasyon, at iba pang maka-Amerikanong programang tuluyang lalamon sa
pambansang ekonomiya at tuluyang maglulubog sa bansa sa malaganap na karalitaan.
Hindi na tuloy katakataka, at lohikal na isipin, na iaangkop lamang sa interes ng Amerika ang
isinusulong na muling pagbabago sa Konstitusyon ng bansa o Cha-Cha. Malamang kaysa
hindi, tuluyan nang ibenta ng mga Amerikanista ang pambansang soberanya at ipagahasang
lubusan ang kabuhayang-bansa at, gaya nang iginigiit na noong panahon pa ni Erap,
pahihintulutan ang kapitalistang mga Amerikano na makapagmay-ari dito ng mga lupain,
makapagpatakbo ng mga serbisyo publiko gaya ng tubig at kuryente, transportasyon at
telekomunikasyon, at makapagmay-ari din ng media, mga kolehiyo at unibersidad. Sa maikling
salita, buung-buong ipalalamon ng mga Amerikanista ang bansa sa mapambusabos na
dayuhang interes.
Pero, sa aba naming palagay, hindi natutulog ang kasaysayan at patuloy na isusumpa ng
mulat, makabayan at progresibong mga mamamayan ang mga Amerikanistang taksil sa
bayan.
Kolum,Hunyo 11, 2003
Posted in Kolum | 1 Comment
B ah ag A ng Bu nt ot Sa S a ba h
May 21, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez
155 Votes
(Editoryal)
INIULAT ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong nagdaang Biyernes (Mayo 15)
na 24 na mangingisdang Pilipino ang dinakip ng mga awtoridad sa Kudat, Sabah, dahil diumano sa ilegal
na pangingisda sa sakop ng karagatan ng Malaysia. Abril 2008 pa nang sila’y hulihin doon sakay ng F/V
Princess na pag-aari ng isang Janet Policarpio ngunit, hanggang ngayon, hindi pa malaman kung ano na
ang nangyari sa kanila sa kamay ng mga Malaysian.
Maaalaala, noong 2002, parang mga hayop na pinagmalupitan ang mga Pilipinong ikinulong
sa Malaysia at pinababalik sa Pilipinas bilang ilegal na mga dayuhan. Sa kulungan doon, batay
sa mga ulat, pinaghahagupit sila ng yantok ng mga pulis, binuhusan ng kumukulong tubig,
pinagulong sa kubeta, ginutom, at ginahasa pa ang ilang kababaihan. Sa kabila ng kasuklam-
suklam na pangyayaring iyon, nanggalaiti lamang ang pambansang liderato, umastang
nagpoprotesta, pero hindi man lamang nagharap ng kaso laban sa Malaysia sa ICCJ
(International Criminal Court of Justice) si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa Sabah naninirahan ang karamihan sa mga Pilipinong nandayuhan sa Malaysia. Sa kabila
ng mga kalupitang dinaranas nila, higit pa nilang ninanais na manatili doon kaysa sa sariling
bansang napakailap ang oportunidad na matugunan nila ang pangunahing mga
pangangailangan ng pamilya dahil na rin sa kainutilan, kapabayaan, katiwalian at balintunang
mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan ng kasalukuyang rehimen, gayundin ng mga
nauna pa.
Kung tutuusin, sa kabilang banda, hindi sila nandayuhan doon dahil, batay sa malinaw na mga
datos, sa Republika ng Pilipinas naman talaga ang teritoryo ng Sabah na tuluyang inangkin na
ng Malaysia matapos itong lumaya sa mga Ingles. Lubhang napapanahon na tuloy na
seryosong harapin ng gobyerno ang paghahabol sa Sabah ngunit waring bahag ang buntot ng
pambansang liderato na gawin ito.
Dekada ’60 sa panunungkulan ng yumaong Presidente Diosdado Macapagal (ama ni La Gloria)
nang isulong ng gobyerno ang paghahabol sa Sabah, at nagpulong nga sa Maynila noong
Hulyo 3 – Agosto 5, 1963 sina Pres. Macapagal, Pres. Sukarno ng Indonesia at Ministrong
Panlabas Tunku Abdul Rahman ng Malaysia at, gayundin, sa Phnom Penh, Cambodia noong
Pebrero 5-12, 1964 sina Macapagal at Rahman at napagkasunduang isampa sa World Court
ang isyu ng Sabah. Nang maluklok sa poder si Presidente Ferdinand E. Marcos, ipinagpatuloy
nito ang paghahabol sa Sabah kaya, noong Enero 12, 1968, ipinalabas ni Rahman ang isang
dokumentong naglalahad na ipagpapatuloy ang talakayan ng dalawang bansa tungkol dito.
Pero, bakit, sa sumunod na mga rehimen hanggang ngayon, ibinasura na – at hindi man
lamang nababanggit ng waring walang gulugod na pambansang liderato – ang naturang isyu?
Nabahag ba ang kanilang buntot dahil kakaning-itik na lamang ang tingin ngayon ng Malaysia
sa Pilipinas?
May sukat na 29,000 milya kuwadrado ang Sabah at 18 milya lamang ang layo sa Pilipinas
gayong 1,000 milya naman mula sa Kuala Lumpur. Ito ang bumubuo ng isang-ikaapat (1/4) na
bahagi ng Karagatang Sulu at nag-uugnay sa mga isla pakanan mula Palawan hanggang
Kanlurang Bisaya, Mindanaw at Arkipelago ng Sulu. Dati itong pinamamahalaan ng Sultan ng
Brunei, pero noong 1704, ipinagkaloob ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu ang Hilagang
Borneo o Sabah bilang pagtanaw ng utang na loob nang matulungan siya ng Sultan ng Sulu
na masugpo ang rebelyon sa Brunei.
Noong 1878, pinarentahan ng Sultan ng Sulu kina Baron de Overbeck at Alfred Dent ang
Sabah sa halagang $5,000 (Malaysian) na itinaas sa $5,300 nang malaon. Nang itatag ng Ingles
na negosyanteng si Dent ang British North Borneo Co. at mapagkalooban ng Karta Royal
noong 1881, nagprotesta ang pamahalaang Espanya at gobyernong Olandes sa Bretanya
ngunit binigyang-diin ng Bretanya na “MANANATILI SA SULTAN NG SULU ANG PAGMAMAY-
ARI SA SABAH” at tungkuling administratibo lamang ang gagampanan ng kompanya ni Dent.
Nang inilipat naman noong 1946 ng British North Borneo Co. sa British Crown ang lahat
nitong karapatan at obligasyon sa Sabah, at noong Hulyo 10, 1946 – anim na araw matapos
ibalik ng Amerika ang inagaw na kalayaan ng Pilipinas – iginiit na ng British Crown ang
ganap nitong mga karapatan sa soberanya ng Hilagang Borneo o Sabah. Higit pa ngang
masama, matapos nitong pagkalooban ng kasarinlan ang Malaysia, ganap nang inangkin
ng Malaysia – hanggang ngayon – ang Sabah. (Para sa detalyadong mga datos, basahin
ang “Balik-tanaw sa Sabah,” PINOY WEEKLY, Set. 25 – Okt. 1, 2002).
Batay sa nabanggit na malinaw na mga datos, mag-aasal-aso na lamang bang bahag ang
buntot ng gobyerno ng Pilipinas, lalo na si La Gloria, sa isyu ng pagmamay-ari sa Sabah?
Paano itatakda, sa kabilang banda, ng pambansang liderato ang hangganan ng teritoryo ng
Pilipinas at aangkinin pa ang Spratlys o grupo ng mga islang tinawag na Kalayaan kung hindi
man lamang ito makapagpakita ng pangil sa lehitimong isyu ng Sabah? O matapang lamang
ito laban sa mulat, makabayan at progresibong mga sektor ng lipunan, gayundin laban sa mga
kritiko ng rehimen?
198 Votes
(Kolum)
NAKATUTUWANG makakita ng mga Pilipino — bagaman matagal nang mga mamamayan ng ibang
mga bansa saanmang panig ng mundo — na hindi pa rin nakalilimot sa ugat ng kanilang lahi, sabik na
sabik na makakita at makipag-usap sa sariling wika sa sinumang kalahi at, higit sa lahat, nangungulila
sa bansang napilitang layasan dahil sa napakasamang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan bunga
ng tiwaling gobyernong lumilitaw na instrumento lamang ng pagsasamantala at inhustisya ng mga
kapitalista’t asendero, ng bastardong mga pulitiko, at ng ilang mga taong naglulublob sa impluwensiya,
kapangyarihan at pribilehiyo.
Nakasusuka naman, sa kabilang banda, ang ilang Pilipinong mamamayang Amerikano na ngayon na
nagpipilit na maging mas Amerikano kaysa tunay na mga Amerikano. Kung totoo man o pagbibiro
lamang ang lumabas sa Internet, may titulong “Filipino Names = U.S. Citizens” na pinagbatayan ng
artikulo ng isang Matthew Sutherland sa London Observer, nagpalit ng pangalan ang naturang mga
Pilipino nang maging mga mamamayan na ng Estados Unidos bago naganap ang Setyembre 11
pagkadurog ng Twin Towers sa New York. Malinaw na tandisan na nilang ikinahihiya ang pagiging
Pilipino na kahit palitan pa ang kanilang mga pangalan, hindi naman maikakaila ng kanilang mga
mukha na sila’y Pilipino. Higit sa lahat, pinutol na nila ang anumang ugat na mag-uugnay sa dati nilang
bansa — wika man, kultura o kaugalian.
Nagbibiro man o hindi si Sutherland, sinalaula ng naturang mga Pinoy-Amerikano hindi lamang ang
kanilang buong lahi kundi maging ang buo nilang pagkatao sa sinadya nilang pagpapalit ng pangalan
upang maitago ang talagang pinagmulan. Halimbawa, ayon kay Sutherland (at sinadyang gawing
katawatawa), naging Frank Porter ang Francisco Portero, naging George Bush ang Gregorio Madawag,
Tom Cruise ang Tomas Cruz, Tiger Woods ang Leon Mangubat, Remington Steel ang Remigio
Batungbacal, Ben Hur ang Bienvenido Jurado, Johnnie Walker ang Juanito Lumacad, Roger Moore ang
Rogelio Dagdagan, Victoria Secret ang Victoria Malihim. at marami pang mga pangalang lubusang
ikahihiya ng isang tunay na Pilipino.
Sabagay, maging sa sariling bansa, tuloy ang Amerikanisasyon ni Juan lalo na sa antas ng mayayaman at
elitista, at hindi nga lamang sa pangalan kundi maging sa wika, kultura at kaugalian bunga ng
napakatinding impluwensiya ng Amerika at pagiging labis na maka-Amerikano ng pambansang liderato.
Kung sa panahon ng kolonyalismong Kastila, “ikinulong ang mga Pilipino sa kumbento sa mahigit na
300 taon, 50 taon naman silang ikinulong sa Hollywood” sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano,
ayon na rin sa mananalaysay na si Stanley Karnow. Higit pang masama, nakakulong pa rin tayo
magpahanggang ngayon sa ekonomiya man o pulitika, kalayaan man o kasarinlan ng bansa sa poder ng
Amerika.
Sa obserbasyon nga ni Sutherland, maging sa sarili nating bayan, itinatakwil na rin natin ang tatak-
Pilipino at pinipilit ng bagong henerasyon na maging tunog-dayuhan ang kanilang mga pangalan, gaya
ng Precious, Lovely, Honey, Apple, Orange at Pepsi, Sugar, Ginger at Milky. Pinahihirapan naman ng
iba ang baybay o ispeling tulad ng Jeanette o Suzette, Jay-Anne o Marie-Anne, Cathleen o Jocelyn. Ang
iba’y katunog daw ng “doorbell” gaya ng Dingdong, Bingbong, Bingbing, Tingting o Bongbong. Para
hindi magtunog Pinoy, nakahibangan din ang dinodobleng pangalan, halimbawa’y Jon-jon, Mai-mai,
Jay-jay, Len-len, Let-let o Pek-pek.
Sa bagay na ito, hinangaan namin si Svetlana Taraskova habang ilang umagang umiinom kami ng tsang
vanilla sa Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria. Serbidora siya roon, tagapunas ng mesa,
tagatapon ng naupos na mga sigarilyo sa sinisera. Bagaman tulad siya ng maraming migranteng
Pilipinong parang layak na ipinadpad ng hangin sa Amerika, ikinararangal pa rin niya ang pagiging
Ruso kahit malagim ang sinapit ng kanyang mga ninuno sa panahon ng paghahari ng mga Romanov —
nina Tsar Nicholas at Tsarina Alexandra. Mga magsasaka’t manggagawa ang kanyang mga ninuno,
biktima rin ng inhustisya’t pagsasamantala ng uring naghahari, ngunit nakiisa sa mga kauri at
nakilahok sa 1917 Rebolusyong Bolshevik doon. Ang ilan sa kanyang angkan ay pinugutan ng ulo ng mga
sundalo ng Tsar, pinagulong na parang mga bola sa maniyebeng lansangan ng Moscow, tinadtad ng mga
punglo ang iba, tulad din marahil ng ginagawa ng mga militar ng Estado sa Mindanaw at Mindoro o sa
iba pang panig ng nagdaralitang bansa laban sa mulat at nagpoprotestang uring maralita at kakaning-
itik.
Dekada ’80 nang itaboy ng hangin sa Amerika si Svetlana Taraskova sa pamamagitan ng isang tiyo na
mamamayang Amerikano na. Kahit 22 taon na sa Estados Unidos, lumalangoy pa rin sa malalim niyang
mga mata ang pangungulila sa pag-ulan ng niyebe sa matulaing mga lugar sa Rusya. Hinding-hindi siya
nalamon ng Amerikanisasyon at malalim pa ring nakabaon sa puso niya’t kamalayan ang kinagisnang
wika, ugali, tradisyon at kultura.
Di gaya ni Svetlana Taraskova ang maraming Juan at Juana na ngayo’y mga John at Jhoanna sa bituka
ng Amerika.
Mayo 14, 2003
115 Votes
(Tula)
115 Votes
(Editoryal)
TATAK na yata ng liderato ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang kahusayan sa pambobola at paglulubid
ng kasinungalingan upang palitawing katotohanan. Kamakailan lamang, sa ulat ni Kalihim Tagapagpaganap
Eduardo Ermita sa UNHRC (United Nations Human Rights Council), pinalitaw niyang maayos na
napangangalagaan, hindi patuloy na nasasalaula, ang mga karapatang pantao sa Pilipinas.
Masigabo ngang pinalakpakan ng UNHRC si Ermita kaya tuloy para siyang isang Arhat o
Buddhistang narating ang “nirvana” o lubos na kaluwalhatian. Sabi nga niya, “naramdaman
naming para kaming nasa Cloud 9” nang marinig ang mga palakpak matapos niyang basahin
ang sinalamangkang ulat. Sabagay, may dalawang uri ng palakpak: isa ang lubos na papuri
dahil humahanga at naniniwala at, ikalawa, maaari din namang pangangantiyaw at panunuya.
Makatotohanan nga ba ang iniulat doon ni Ermita upang hangaan at ipagbunyi ng naturang
konseho? Paano na, unang-una, at tiyak na nasuri ng UNHRC, ang mga nilalaman ng ulat
noon ni Philip Alston, kinatawan ng UN na ipinadala dito upang imbestigahan ang mga
paglabag at pagsalaula sa mga karapatan at kalayaang sibil ng mamamayan, lalo na kaugnay
ng kampanya ng gobyerno laban sa rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA?
Tiyak, kung pagbabatayan ang nandudumilat na reyalidad, nakasusulukasok ang larawan ng
naghaharing rehimen kaugnay ng isyu sa mga karapatang pantao, lalo na nga’t patuloy ang
paninikil nito at pandarahas sa lehitimong mga kilos-protesta kaugnay ng paghingi ng masang
sambayanan ng tunay na pambansang pagbabago tungo sa isang mapayapa, maunlad at
demokratikong lipunang namamayani ang tunay na hustisya sosyal, hindi ang batas lamang
ng uring mapagsamantala’t naghahari-harian na walang labis na pinangangalagaan kundi ang
pansariling mga interes at pagkadayukdok sa kapangyarihan.
Kaugnay ng maulap na ulat ni Ermita sa UNHRC, sa ngalan ng sagradong katotohanan at
pambansang kapakanan, maitatanong tuloy ang mga sumusunod: Ilan na ba ang nalutas sa
napatalang 901 biktima ng pampulitikang mga pagpatay at 180 dinukot mula lamang nang
maluklok sa poder noong 2001 si La Gloria, halimbawa na lamang ang kaso ng isang Jonas
Burgos? Paano na ang kaso ni retiradong Hen. Jovito Palparan at iba pang pulis at militar na
isinasangkot sa gayong mga kaso? Paano na ang 12 peryodistang pinatay noong 2006 at 5 iba
pa noong nagdaang taon? Kamakailan lamang, isa na namang mamamahayag, si Benefredo Y.
Acabal ng Pilipino Newsmen ng Cavite ang binaril at napatay sa Pasig.
Sa naturang mga kaso, wala pa yatang mga pinaghihinalaang dinakip ang nahatulang
nagkasala? O may nadakip nga bang kriminal at nakasuhan at naparusahan? Sa opinyon tuloy
ng pandaigdig na mga organisasyon sa pamamahayag, lalo na ng FRWB (French Reporters
Without Borders), pangalawa ang Pilipinas – una ang Iraq – sa pinakamapanganib na bansa sa
mundo para sa mga mamamahayag.
Sa takbo tuloy ng mga pangyayari, mulang “jueteng payola” at Jose Pidal hanggang “Hello
Garci” at “fertilizer scam,” mulang maanomalyang mga transaksiyong Piatco at Venable LLP
hanggang NorthRail at SouthRail, mulang ZTE-NBN hanggang Spratley, mulang 7.3% GDP
(gross domestic product) noong nagdaang taon hanggang sa kung anu-ano pang
nangangalingasaw na mga isyu, pambobola pa rin nga’t hinokus-pokus na mga datos ang
ipinambubulag ng naghaharing rehimen sa opinyon publiko upang patuloy itong
makapaglublob sa nakasusugapang kapangyarihan at nakababaliw na mga impluwensiya’t
pribilehiyo sa kapinsalaan, sa kabilang banda, ng nagdaralitang masang sambayanan.
Maaari ngang eksperto ang mga propagandista ng rehimen sa pagkakamada ng mga
kasinungalingan pero, dahil sa tumitinding krisis sa bigas (kinakapos na ang suplay at
tumataas ang presyo at kailangang bumili sa ibang bansa ng mga 2.2 milyong metriko
tonelada), at malinaw na itong nakikita sa humahabang mga pila ng maralitang mga
mamamayan makabili lamang ng murang bigas mula sa NFA (National Food Authority), hindi
lamang sa mga 80 parokya ng Simbahan at 400 palengke ng Kamaynilaan, kundi sa iba pang
panig ng bansa, mukhang mahihirapan nang pasinungalingan ng mga tambolero ng
Malakanyang ang naghuhumindig na katotohanan. Sabi nga, mahirap bolahin at utuin ang
hungkag na mga sikmura at walang kinikilalang batas ang gutom.
Makabubuti marahil para sa pambansang liderato na tigilan na ang paglulubid ng buhangin
lalo na, unang-una, tungkol sa krisis sa bigas, bukod sa walang habas na pagsalaula sa mga
karapatan at kalayaang sibil ng sambayanan at, sa halip, matapat at lubusang pangalagaan
ang kapakanan ng mga mamamayan, hindi ang makasariling ambisyong pampulitika at bundat
na bundat na nilang mga sikmura. Pinatalsik nga sa poder kamakailan lamang si Punong
Ministro Jacques Edouard Alexis ng Haiti dahil sa naturang krisis na nagbunga ng mga
kaguluhan at karahasan sa naturang bansa at, gayundin, lumaganap din ang rayot sa
Bangladesh at Ehipto nang dumami nang dumami ang mga nagugutom dahil sa kakulangan
ng pagkain.
O pambobola’t pambobola pa rin – sa lahat ng antas ng pambansang kapamuhayan — ang
lagi’t laging patuloy na itutugon ng naghaharing rehimen sa nabanggit na sensitibong mga
isyu? Pinatunayan na ng mga aral ng kasaysayan na hindi paulit-ulit na malilinlang ang
namumulat na sambayanan.
150 Votes
(Editoryal)
NANG sinusulat ito, Hunyo 18, pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga biktima ng
mga pagpatay na pampulitika si Mario Auxillo, lider ng Bayan Muna sa Bohol at, batay sa
ulat ng grupong Karapatan, umabot na nga ng 844 ang mga biktima, bukod sa 198 mga
dinukot, buhat lamang noong 2001 nang magsimulang manungkulan bilang Presidente
ng diumano’y Matatag na Republika si Gloria Macapagal-Arroyo.
“Itinanong niya sa kanyang mga sundalo kung ilan nang militanteng mga aktibista ang
kanilang napatay,” sabi ng mga nagbulgar sa Inquirer. “Hayagan nila iyong tinalakay.
Ipinagyabang pa nga nila ang mga pagpatay. Utak-pulbura talaga sila.”
Bukod sa mga nabanggit, nariyan pa nga ang ipatutupad sa Hulyo – kung hindi
mahahadlangan — na HSA (Human Security Act) o batas kontra-terorismo. Batay sa
mapanikil na naturalesa ng pambansang liderato (CPR, E.O. 464, Proklamasyon 1017 at
marahas na pagbuwag sa lehitimong mga kilos-protesta, kasama na nga ang
nangyayaring mga pagdukot na pagpatay na pampulitika), hindi malayong abusuhin pa
nga ng mga ito ang naturang kontrobersiyal na batas makapanatili lamang sa
kapangyarihan.
Unang-una, napakalabo sa nasabing batas ang kahulugan ng pagiging terorista. Batay
sa nilalaman nito, “ang paghahasik ng pangamba at kalituhan” at “pamimilit sa
gobyerno na sundin ang labag sa batas na mga kahilingan” ay mga hakbang na ng
terorismo. Pinagsama-sama maging ang karaniwang mga krimeng may kaukulang
kaparusahan sa ilalim ng umiiral na mga batas, at itinadhana na rin itong terorismo.
“May susulpot pang opresibong mga batas,” ayon pa sa KME. At magpapatuloy naman,
sa kabilang banda – batay na rin sa ipinahihiwatig ng mga pangyayari – ang walang
patumanggang mga pagdukot at pagpatay na pampulitika at garapalang pagsalaula sa
mga karapatang pantao at demokratikong mga proseso.