Chanchan Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

I. Layunin:
Sa loob ng 10 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a
b. nabibigyang kahulugan ang salitang pandiwa sa pamamagitan ng gawain at
c. nagagamit ang pang-abay sa pangungusap sa pamamagitan ng talakayan
II. Paksang Aralin
Pamantayan ng Pagkatoto:
a. Paksa: Pandiwa
b. Sanggunian: KATIG Pagbasa at Gramatika, Ikaapat na Baitang, Pahina 94-101
c. Kagamitan: Biswal, pisara, marker, kantang pambata
III. Pamamaraan
A.) Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Pagganyak
Ang guro ay magpapakanta sa mga mag-aaral ng “ ”.
“Ako ay may lobo.”
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala!
Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako!
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako!
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako!
B.) Paglinang Gawain
1. Gawain:
Ipapakanta ng guro sa mga mag-aaral ang “Magtanim ay di biro.”
“Magtanim ay di biro”
Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko.
Di man lang makaupo,
Di man lang makatayo.
Braso ko'y namamanhid,
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.
Sa umagang paggising,
Ang lahat iisipin.
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Braso ko'y namamanhid,
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.
Halina, halina, mga kaliyag.
Tayo'y magsipag unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas.
Para sa araw ng bukas!
2. Pagbibigay Hinuha
Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
 Sino ang pinag-uusapan sa kanta?
 Alin-alin ang mga salitang nagpapakita ng kilos na nakapaloob sa kanta?
3. Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro kung ano ang pandiwa.
Ano ang pandiwa?
Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito
ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o
hayop. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay takbo, alis, uminom, kumain, umiyak,
at binigyan.
4. Paglalapat
 Magtatanong ang guro kung ano ang kahulugan ng salitang
pandiwa.
 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral ng mga halimbawa ng
mga pandiwa.
IV. Pagtataya:
Panuto: Kumuha ng kalahating papel. Bilugan ang pandiwang ginamit sa
bawat pangungusap.
1. Ang kuya ko ay nangagamot ng maysakit sa mga lalawigan.
2. Kumain ng pritong bangus si Tito Bernil.
3. Ang bilis tumakbo ni Cristian papuntang paaralan,
4. Kinuha ni Dominic ang papel ni Llyod.
5. Ang tsinelas ni Marco ay itinapon ni Marie.
6. Naglakbay ako patungong Japan.
7. Lumakad ng mabilis si Wyne.
8. Paglaki ko gusto kong tumulong sa mga mahihirap.
9. Hinawakan ni Herry ang kamay ni Chan.
10. Uminom ng gatas si Retamas.
V. Takdang Aralin:
Sumulat ng mga halimbawa ng pangungusap na may dalawa o higit pang pandiwa
na nakapaloob sa pangungusap. Ilagay sa isang kalahating papel ang sagot.

You might also like