Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG MGA ESTRATEHIYA SA

PAGTUTURO NG WIKA AT ANG


PAMARAANG KOMUNIKATIB SA
PAGTUTURO NG WIKA
PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG


PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba
pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang
komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.

1. I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng


Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

1. II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

 EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit


ng taong 2000.

1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng
asignatura.
2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo
bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng
pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na
larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong
pangkolehiyo.
6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa
pamamagitan ng Filipino.

1. III. Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o


ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

 Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language


competence(kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
 TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning
gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at
pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.
Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan
na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.

SPEAKING ni Hymes. . . .

S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

1. IV. Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal,
interpersonal, directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi
binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita
sa aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa


dayagram.
Mga Estratehiyang Tuwiran
Mga Estratehiyang Di-tuwiran

(Mga Estratehiyang Pangmetakognitib, Pang-apektib at Pansosyal)

You might also like