Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 64

KELVIN KENT E.

GIRON
Ang Shang ay ang unang dayuhang tribo
na permanenteng nanirahan sa ibabang
bahagi ngYellow River (Huang Ho).
Dumadaloy ang Huang Ho may 4,640 Km. at
nagdadala ng LOESS o dilaw na lupa. Dahil sa
madilaw na kulay na tubig nito kaya tinatawag
itong HUANG HO oYELLOW RIVER
Nag iiwan ng depositong LOESS o dlaw na lupa ang tubig ng
Huang ho sa kabuuan ng lambak nito.
Sa pagitan ng mga Buwan ng Hulyo at Oktubre dumarating ang
hangning MONSOON na may ulan. Dahil sa taunang pag-apaw
at bagong deposito ng LOESS, ang lupa rito ay mataba at
angkop para sa malawakang pagtatanim.
Ngunit minsan ang mataas na pagbaha g Huanh Ho a maari ring
sumira sa maraming ari-arian at pumatay sa maraming tao.
Kaya nangangailangan ng paghahanda laban sa sobrang pag-
apaw ng tubig at ilihis ang daloy ng tubig tungo sa sa mga
taniman.
Natuto ang mga magsasaka sa lambak na ito ng teknolohiya ng
pagtanim at pagkontrol ng baha.
Nang lumaonang mga neolitikong pamayanan ay naging
lungsod sa panahon ng kabihasnang shang.
Noong 1920, nahukay ng mga arkeologo ang mga labi ng
neolitikong pamayanan sa lambak ng Huang Ho.

Hinati ng mga iskolar sa dalawang panahon ang neolitikong


pamumuhay rito – ang kalinangang YANGSHAO at ang
LUNGSHAN.
Tinatayang noong 3000 BCE hanggang 1500 BCE lumitaw at
namayagpag ang kalinangang YANGSAO.
Si Tang ang tagapagtatag ng Shang;
ay gumamit ng mga aral mula sa
mga labi ng nakaraang dinastiya,
trinato niya nang mabuti ang
kanyang mga mamamayan at
gumamit ng maraming magagaling
at matatalinong ministro.
Nagkamit ng malaking
progreso ang Shang sa ekonomiya,
teknolohiya, kultura at politika sa
panahon ng paghahari ni Tang.
Dahil sa tunggaliang
pampulitika para makamtan ang
kapangyarihan sa korteng
imperyal at sa patuloy na
pakikidigma sa mga tribo sa
hanggahan, limang beses na
inilipat ang kabisera ng Shang.
Ang pinakakilalang paglipat
ay naganap noong panahon ng
paghahari ni Haring Pangeng,
ang ika-17 hari ng Shang. Muli
niyang itinayo ang kabisera sa
Yin, sa lunsod ng Anyang ng
lalawigang Henan.
Nang maitatag ang bagong
kabisera, hindi na ito nagbago sa
buong panahon ng Shang, kaya,
ang Dinastiyang Shang ay laging
tinatawag na "AngYin" o "ang
DinastiyangYin-Shang".
 Agrikultura o Pagsasaka

Natuklasan ng mga arkeologo


sa mga labi ngYin, na ang Shang ay
isang lipunang pansakahan, at
mataas ang pamantayan sa
agrikultura. Mayroong sistemang
irigasyon upang mabigyang-lunas
ang pagbaha ng ilog Huang Ho .
Malawakang ginagamit noon
ang mga ararong bato, pala, karet at
irigasyon. Ang mga pangunahing
pananim ay kinabibilangan ng millet
at trigo.
Industriya

Umunlad din nang malaki ang


iba pang industriya. Sa handicraft,
ang operasyon ay nagkaroon ng
higit na pinong dibisyon ng
paggawa. Naitala ang isang daang
linya ng paggawa sa handicraft
noon.
Ang mga craftsmen ng Shang ay
mahusay sa pagkalupkop at
paglililok at litaw ang mga
dekorasyon ng kanilang mga Jade
wares. Stone wares at Ivory wares.
Nakapag-imbento ang mga
manghahabi ng simpleng jacquard
loom, sa paggawa ng sedang
mataas ang kalidad at may hidden
patterns.
Paggamit ng Bronze
Ang Dinastiyang Shang ay
palatandaan ng pagdating ng
Bronze Age. Gumitaw sa Tsina
ang kulturang bronse bago ang
3,000 BC at umabot ito sa
kasukdulan noong ika-13 siglo
BC.
Ang mga bagay na yari sa
bronse ay hindi lamang
nakaapekto sa pang-araw araw
na pamumuhay ng mga tao
kundi gayun din sa armas ng
estado.
Ang bronze wares ay may
dalawang klasipikasyon: mga
panluto at lalagyan ng alak. Dahil sa
malawakang paggamit ng bronze,
nagkamit ng walang katulad na
tagumpay ang Dinastiyang Shang sa
pulitika, ekonomiya, kultura at
sining.
Medisina at Teknolohiya
Ang mga mamamayang
Shang ay nagkamit pa ng
kahanga-hangang progreso sa
medisina at astronomiya; ang
halimbawa ay lunar calendar.
Gumagamit na rin sila nuon ng
gulong at ng chariot.
Karwaheng Pandigma

Lunar Calendar
Komunikasyon at Panulat
Sa panahong Shang, ang
mahahalagang pangyayari ay
nakaukit sa mga bahay ng pagong at
mga buto ng hayop sa pamamagitan
ng Oracle Script, ang
pinakamatandang porma ng
nasusulat na komunikasyon ng
Tsina.
O
R
A
C
L
E

S
C
R
I
P
T
Oracle Bones
Butong panghula at paraan ng pakikipag
usap sa kanilang diyos at namatay na ninuno.
Ang Oracle Script ay naging
mahalagang kulturang Tsino na
pinaunlad pa nila sa isang sining
na pagsusulat na tinatawag na
CALLIGRAPHY.
CALLIGRAPHY
Mga Paniniwalang Relihiyon

Sa paggitaw ng pagsasaka,
sinasamba ng mga tao ang langit
para magkaroon ng magandang
panahon at mga pananim. Ito'y
isanguri ng pagsamba sa
kalikasan.
Ang isa pang paniniwala ay
ang pagsamba sa kanilang mga
ninuno na tinawag ding
pagsamba sa kaluluwa. Nag-
aalay sila ng sakripisyo sa
kanilang mga ninuno at
dumadalanging pagpalain sila ng
kanilang ninuno.
Sistemang Panlipunan at Pulitika

Sa Dinastiyang Shang ay
laganap ang sistema ng pang-
aalipin. Nagtatamasa ang mga
aristokrata ng karangyaan
samantalang namumuhay na parang
aso ang mga alipin.
Sila'y pag-aari ng kanilang
mga panginoon. Pagkaraang
mamatay ang may-ari ng mga
alipin, kadalasa'y inililibing sila
nang buhay bilang alay na
kasama ng mga inialay na hayop.
LABI NG MGA ALIPING INILIBING NG
BUHAY BILANG ALAY
Upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan, pinagsanib ng mga
hari ang pagsamba sa mga ninuno at
ang pagsamba sa kalikasan.
Layunin nito ang lumikha ng
Diyos ng Kalangitan, at
ipinahayag ng mga hari ang
kanilang sarili bilang mga ahente
o pangmundong inapo ng Diyos.
Ang pagbagsak ng Shang

Sa pagkamatay ni Haring
Wuding ay hindi nagtagal ang
panahon ng Dinastiyang Shang.
Ayon sa mga salaysay, ang
Shang ay bumagsak dahil sa
pagkawala ng "kapangyarihan mula
sa langit".
Ayon naman sa kasaysayan,
naging malupit ang kahuli-hulihang
hari ng Shang, kaya sumidhi ang
panloob na mga alitan at nagrebelde
ang mga decal state.
Ang dinastiyang Shang ay
lubusang lumipas nang gupuin ito ng
dinastiyang Chou.
Mga Katanungan
1. Ano ang
kabuhayan o
ekonomiya ng Shang?
2.Ano ang kanilang
kontribusyon sa
larangan ng agrikultura?
3. Ano ang kanilang
kilalang Industriya?
4.Ano ang kanilang
kontribusyon sa
astromiya?
5.Ano ang kanilang
kontribusyon sa
transportasyon?
6.Ano ang kanilang
sinaunang pamamaraan
ng pagsusulat at
komunikasyon?
7.Ano ang
pagpapaunlad na
sistema ang nagawa nila
sa Oracle Script?
8.Saan nila isinusulat
ang mga mahahalagang
pangyayari?
9.Saan nila ginagamit
ang Oracle Bones?
10.Ano ang mga
paniniwalang pang-
relihiyon ng Shang?
Mga Sagot
1.Ang kanilang kabuhayan o
ekonomiya ay agrikultura o
pagsasaka
•2.
•Sistema ng irigasyon at
pagkontrol sa pagbaha.

•Paggamit ng ararong bato, pala


at karet.
3. Handicrafts
Paglilok at pagkalupkop ng
mga:
•Jade wares
•Ivory wares
•Stone wares
•Bronze wares
3. Handicrafts
Paghabi ng mga telang seda
magmula sa uod na silkworm.
4. Ang Lunar Calendar
5. Ang paggamit ng gulong.
6. Ang “Oracle Script”
CALLIGRAPHY 1.
Sa bahay ng pagong at
buto ng mga hayop .
Sa mga ritwal ng
panghuhula, pakikipag usap sa
kanilang diyos at namatay na
mga ninuno.
•Pagsamba sa langit na isang uri
ng pagsamba sa kalikasan.
•Pagsamba sa kanilang mga
ninuno.
•Pagsamba sa kanilang mga hari.

You might also like