Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Reesha Marion M.

Cata-al
2 AB PH

Paglalagom sa Orientalism and the Study of Philippine Politics ni Reynaldo Ileto

Tuwing isinasalaysay ang kasaysayan ng Pilipinas, malaking bahagi ng usapin ang


pagtalakay sa mga kolonyal na mananakop na namuno sa bansa at kung paano nila sila
nakadala ng malaking pagbabago sa bansa. Hanggang sa kasalukuyang panahon, makikita
pa rin ang impluwensiya nila; pero ang pagtutuunan muna ng pansin ang larangan ng
politika. Kung titignan ang opinyon ng mga Amerikano, o ang mga Amerikanong
manunulat na babanggitin ni Ileto, marami silang ibinigay na opinyon tungkol sa paksa
na ito. Kung babasahin ang mga akda nila ay lalo maiintindihan kung saan sila nanggaling.
Pero bakit nga ba na sila ang inaasahan natin para intindihin ang sarili natin? Tama ba
ang pagkaintindi nila sa mga Filipino, na nakakaayon ba ito sa panahon natin ngayon ang
paglalarawan nila sa buhay politika sa Pilipinas? O hindi ba nilanaiintindihan ang kultura
natin dahil ang alam lamang nila na batayan ng tama at pag-unland ang batayan nila? Iyan
ang isa sa mga tanong na nakuha ko mula sa sanaysay ni Reynaldo Ileto. Ngunit ang
pangunahing tanong niya rito ay kung mayroon pa rin mga elemento ng kolonyal na
diksurso na nananatili pa rin sa mga sulat tungkol sa larangan ng politika sa Pilipinas, at
kung ginagamit ito ng maayos.

Tinalakay ni Ileto sa ikatlong bahagi ng kanyang serye ng mga panayam ang mga
pananaw at mga libro ng mga Amerikanong manunulat, at una rito si Stanley Karnow,
ukol sa estado ng politika at gobyerno sa bansa, sa libro ni Karnow na In Our Image:
America's Empire in the Philippines. Makikita ang paglalarawan ni Ileto sa paniniwala ni
Karnow na hindi ‘nagtagumpay’ ang ng mga Amerikano sa kanilang layuning baguhin at
turuan tayo. Ito’y dahil ayon sa kanya, malakas pa rin ang kapit ng mga tradisyon natin sa
atin. Nabigo ang mga Amerikano na gabayan tayo sa “tamang daan” para sa kanila.
Ibinaggit ni Karnow na ang mga malalapit na relasyon natin sa pamilya at kaibigan ang
isa sa pangunahing rason bakit nagkakaroon ng isyu sa gobryeno natin. Ipinapalagay rin
ni Karnow na masyado tayong matigas ang ulo na baguhin kung ano ang nakasanayan
nila. Ngunit kailangan alalahanin na panay mga Amerikanong libro ang ginagamit niya sa
kaniyang pananaliksik. Mababasa rin dito na panay mga "stereotypical" na negatibong
imahe ng mga Filipino ang ginagamit dito. Ipinamumukha ni Karnow na hindi tayo mga
sibilisadong mga mamamayan, na ayaw sumunod sa mga nais "tumutlong" sa kanila
umasenso, sa madaling salita. At makikita rin na hindi lamang si Staneley Karnow ang
may naisulat ukol sa mga Filipino, at halos magkapareho ang mga pananaw nila, bagaman
tinatalakay nila ang iba’t ibang aspeto ng politika sa Pilipinas. Isa sa mga historians na
binanggit na source para kay Karnow ay si Glenn Anthony May. Ayon kay Ileto, hindi
maipaliwanag ng maayos ang pagiging komplikado ng mga relasyon sa pagitan ng mga
mamamayang Filipino at sa mga mananakop.

Hindi lamang ang libro ni Karnow ang tinalakay na sa kanyang sanaysay. Sa libro
naman na Compadre Colonialism: Philippine-American Relations: 1898-1946 ng limang
estudyante mula sa isang unibersidad sa Estados Unidos. Pangunahing paniniwala na
ipinahayag ng mga manunulat rito ay kadalasan isinasantabi ng mga Amerikano ang
kanilang mga paniniwala upang makisunod at makisama sa mga sinasabi nilang tradisyon
ng mga Filipino. Isa sa mga rason na sinabi ng mga estudyanteng ito na dahil matigas
masyado ang ulo natin, na ayaw natim makiangkop sa mga bago nilang uri ng
pamamalakad. Dahil dito, ipinapaliwanag nila na kailangan nila ito gawin para pamunuan
nila ang mga katutubo. At sa Leaders/Factions/and Parties: the Structure of Philippine
Politic ni Carl Lande, sinuri naman niya rito na kahit nakabatay pa rin tayo sa balangkas
ng Amerika sa larangan ng politika, may mga “peculiarities” ang mga Filipino na
nakakaabala sa ideya nilang ng “good government”. Isa sa mga dito ang papalit-palit ng
mga “political parties” ng iilan sa mga politiko. At sa Anarchy of Families: State and Society
in the Philippines na sinulat rin ni Lande, at ayon na naman sa kanya ay “familism,
localism, corruption, and violence” ang mga katangian ng mga politiko sa bansa, at
inilarawan niya ang mga Filipino ay meron kultura nakasalalay lamang sila sa kanino man
sila makakakuha ng tulong.

Isang pangungusap na nakakuha ng aking attensyon ang sinulat ni Ileto na


kumuha sa aking atensyon ang ito: “Karnow is equally indebted to May for revisionist
interpretations concerning the main goal of colonial tutelage...” Nais ko bigyanng-diin ang
paggamit ni Ileto sa salitang “revisionist”, dahil ibig sabihin nito hindi tunay na karanasan
ang ipinapahayag ng mga Amerikano na ito. Makikita na may binago na sila sa mga
totoong salaysay sa mga May mga punto na napansin ko na paulit-ulit ang mga sinasabi
ang mga Amerikanong manunulat na ito. Napapaisip ako kung sini ba talaga ang may
makitid ang utak: tayo o sila? Sila na ayaw isipin na sa kanila ang pagkakamali, na kahit
papano may ginampanan sila na papel sa paghubog ng larangan ng politika sa Pilipinas?
Sa bandang huling bahagi lamang ng sanaysay na ito makikita ng lantaran ang pananaw
ni Ileto sa mga Amerikanong manunulat na ito. Sa unang pagbasa ko, napansin ko na halos
magkasing-tulad nito sa mga pananaw nina Hamid Dabashi at Walter Mignolo. Sinasabi
rin dito ni Ileto na pagkatapos basahin ang mga sulat ng mga Amerikanong na ang tingin
nila sa atin bilang mga barbariko, na walang maayos na sibilisasyon pero sa katunayan
meron. Hindi nila ito nakikita dahil iisa lamang ang ideya nila ng pag-uunlad at kung ano
ang tamang uri ng pamamahala. Ipinapalagay lamang nila tayo bilang isang “other entity”,
na nais nilang kontrolin at hubugin upang maging sunud-sunuran sa kanila, at nung hindi
nila magawa iyon ay naiinis lamang sila. At nilagay nila na tayo ang maysala, kahit na
kailanman hindi natin hiningi na manghimasok sila sa bansa natin.

Sumasang-ayon ako rito kay Reynaldo Ileto. Hindi ko man maitatanggi ang ilan sa
mga sinulat nina Karnow ukol sa pagpapahalaga natin sa mga koneksyon sa pamilya at
kaibigan, at makikita pa rin ito sa mga political dynasties na nananatili pa rin hanggang
sa kasalukuyan, katulad ng mga Marcos, Binay, Aquino, atbp. Pero hanggang doon ba
lamang tayo? Bakit nga ba kailangan naka-ugat ang diwa natin sa diwa ng mga
Amerikano? Kailangan ba nakatali lamang sa pagkakaintindi nila sa mga tradisyon at ang
pagkakaintindi natin sa sarili natin? Ang sagot ko dito ay hindi, at ito kailangan natin sila
pakinggan dahil may matututunan naman tayo kahit papano. Ngunit hindi tayo dapat
makasalalay rito, at dapat sumaliksik din tayo sa mga karanasan at mga naisulat na libro
ukol sa paano gumalaw ang politika ng ating bansa.

You might also like