Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang buhay ay parang pag-akyat sa isang bundok. Maraming ups and down.

Maraming
hirap at pasakit, pagod at hikahos. Maraming lubak na daraanan, putik na lalakaran, at
bangin na lalagpasan. Maraming pawis na pupunasan, maraming hangin na hahabulin
at maraming tubig na iinumin. Pero gayon pa man ang lahat ng ito ay kinakailangan sa
pag-ahon at nagiging sandata sa isang makabuluhang paglalakbay.

Mula sa paanan pa lamang ay kailangan mo ng ihakbang ang iyong mga paa at ng


marating mo ang rurok ng kabundukan. Lakad sige lakad lang animo’y umiiindayog
na mga paa. Walang katapusan na paglalakad, mga paltos sa paa at kalyo sa daliri.
Mga pinupulikat na binti at nangangatal na mga tuhod. Animo’y binibagtas mo ang
isang daang hindi mo matanaw ang dulo. ! Mararanasan ninyo ang maglakad sa dilim,
paakyat ng bundok … walang maapuhap, walang mahawakan, at walang makitang
katiyakan. Sa kabila nito , kailangan mong huminto, mag pahinga ng bahagya at
uminom. Magnilay pansamantala at humingi ng palatandaan upang masundan ang
daan na tinatahak. Patirin pansmantala ang uhaw at magtawanan at magsaya.
Kailangan ibsan ang pananakit ng katawan. Dahil ang buhay ay puno pa rin ng saya sa
kabila ng mga paghihirap.

Sa pinagkahaba-haba ng inyong paglalakbay dumarating sa punto na gusto mo ng


huminto at sumuko. Bumalik na lang sa simula. Ngunit marami ka ng hirap na
pinagdaanan at hindi na dapat bumitaw pa.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay iba’t ibang tao ang inyong makakasalamuha. Mga


iba’t ibang ugali at maraming karanasan na. Mayroong survivor, may mga madaling
sumuko. Mayroong malalakas ang loob, may mga madaling panghinaan. Mayroong
handang magbigay ng tulong, mayroong hahayaan ka na lang sa pagkakadulas.
Mayroong hinding hindi ka iiwan, mayroong din kaya mag-isa maglakbay.

You might also like