Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay sa Araling Panlipunan - 7

I. Layunin
Matapos ang aralin, ang magaaral ay inaasahan:
1. Naipapaliwanag kung paano lumaganap ang Islam sa Pilipinas
2. Napapahahalagahan ang Islam bilang isa sa mga Relihiyon sa Pilipinas
3. Naipapakita ang ambag ng Islam sa komunidad ng Pilipinas

II. Nilalaman
Paksa: Introduksyon ng Islam sa Pilipinas
Sanggunian: Oliveros et al. Ang Kasaysayan at Pamahalaang Pilipinas,
Quezon city: Ibon Foundation, Inc., 2007. p 15.
Kagamitan: Powerpoint Presentation, recitation card, chalk, pictures
Tinatayang Oras: 60 Minuto

III. Pamamaraan
Guro Magaaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin Pagdarasal
Pagbati sa guro Tugon ng mga magaaral
Pagtatala ng liban Tahimik na nakaupo

B. Balik Aral
Nakaraang Paksa: Mga Teorya ukol sa pinagmulan ng mga sinaunang
Pilipino.

Sino ang nagpakilala ng Islam sa Si Mudum po sir!


Pilipinas?

Tama!

Sino/sino naman ang responsable sa Sina Raha Baginda at Abu Bakr po


mabilis na nagpalaganap ng Islam sa sir!
Sulu?
Tumpak!

Anong uri ng pamahalaan ang itinayo Sultanato po sir!


ni Abu Bakr?

Magaling!

Sino si Serif Kabungsuan? Siya ang unang sultan ng Mindanao


at nagpalaganap ng Islam sa
Kabisayaan at Luzon po sir!

Tama!

Bakit hindi masyadong lumaganap Sapagkat dahil nadin sa pananakop


ang Islam sa Visayas at Mindanao? ng mga kastila noong ika-16 na siglo
ang nagpaatras sa pwersang Muslim
sa timog bahagi ng bansa.

Magaling!

IV. Pangwakas na Gawain


A. Paglalahat
Isa-isahin ang mga tao na nagbigay ambag sa pagusbong ng Islam sa
Pilipinas.

B. Pagpapahalaga
Magbigay ng sariling Opinyon tungkol sa larawan na ito:

C. Paglalapat
Bilang isang magaaral paano mo maipapakita na mahalaga ang ambag ng
Islam sa paghubog ng Pilipinas?
V. Pagtataya
Indentification
1. Sino ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas?
2-3. Sino-sino ang nagpalaganap ng Islam sa Sulu?
4. Sino ang tinaguriang unang sultan ng Mindanao?
5. Anong uri ng pamahalaan ang pinamumunuan ng isang sultan?

VI. Kasunduan
Magsaliksik ukol sa buhay ng mga sinaunang Pilipino.

Iniihanda Ni: Jennard B. Calderon

You might also like