Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nilalaman ng Isang Sanayang Aklat

I. Layunin

A. Nailalahad ang katuturan ng bawat anyo ng matatandang panitikan.

B. Naihahambing ang tatlong anyo ng matatandang panitikan.

C. Napapahalagan ang mga matatandang anyo ng panitikan

II. Paksa

Matatandang Anyo ng Panitikan (Kwentong-bayan,Mitolohiya at Alamat)

III. Pamamaraan/Istratehiya

Mga Matatandang Anyo ng Panitikan

1.Kwentong-bayan

 Ang kwentong-bayan o folklore ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki
o kaya sa isang hangal na babae.
 Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain.
2. Alamat

 Ang alamat o legend ay isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig.
 Karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan.
3. Mitolohiya

 Ang mitolohiya o mythology ay isang kwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo


hanggang sa kasalukuyan, masasabing halos ipinakikita rin nito ang tradisyon ng isang lahi.
 Karaniwang tinatalakay ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggl sa mga likas na
kaganapan.
 Halimbawa ng kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan.

IV. Ebalwasyon

Gawain A. Pagtukoy

Tukuyin kung anong anyo ng matatandang panitikan ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang sagot kung kwentong-bayan, alamat o mitolohiya.

1.______________Isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga diyos at diyosa.


2.______________ Kadalasang nagpapaliwanag ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay,lugar o
pangyayari.

3.______________ Isang uri ng panitikan na tumatalakay at naglalaman ng mga kwento ng bungang-isip.

4. ______________ Kadalasang mayroong pinagbatayan sa mga pangyayari sa kasaysayan.

5.______________ Naglalaman ng mga pangyayari na may kaugnayan sa mga pangyayari sa isang


naturang lugar o pook.

Gawain B. Paghahambing

Paghambingin ang tatlong Anyo ng Matatandang Panitikan gamit ang Venn diagram. Ibigay ang
kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.

Kwentong-
bayan Alamat

Mitolohiya

Gawain C. Paggawa ng Repleksiyon

Bumuo ng isang maikling repleksiyon ukol sa mga matatandang anyo ng panitikan (kwentong-
bayan,alamat at mitolohiya) matapos maunawaan ang katuturan ng bawat anyo.

You might also like