Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SINTESIS/BUOD

IRIS: THE MOVIE

Ang NSS special agents ay mga trained specialists na gagawin ang ano mang paraan para
matapos lang ang kanilang misyon. Hindi sila opisyal na nag eexist at hindi rin sila kinikilala o
pinoprotektahan ng gobyerno. Pero kahit iiinsayo sila para maging cold-blooded killers, mayroon
talagang pangyayari sa buhay ang hindi maiiwasan; at yun ang pag-ibig.
Agent ng NSS o National Security Service ang magkasintahang Kim Hyun-jun at Choi
Seung-hee. Sila ay nasa Balaton, Hungary para sa isang misyon. Pagkatapos ng kanilang misyon,
pinapatay ang lahat ng mga agent na pauwi sa South Korea, maliban sa kanilang dalawa.
Binigyan ng solong misyon si Hyun-jun ng director ng NSS na si Baek-san upang patayin si
Yoon Sung Chul, Chairman of the North’s Supreme People’s Assembly. Sya ay ipinapapatay ng
director ng NSS, para mawala ang hinala ng North Korea na may kinalaman sila sa nasabing
atake. Nakatakas si Hyun-Jun at pinuntahan nya si Seung-Hee. Pumunta sila sa istasyon ng tren.
Bumili ng tiket si Hyun-Jun at naiwan naman si Seung-Hee sa sasakyan. Pagbalik nya bigla
nalang sumabog ang kotse kung saan nya iniwan si Seung-Hee. Nakita sya ng mga tauhan.
Tinamaan ng baril ang pinalipad nyang eroplano kaya’t bumagsak ito sa tubig.
Tinulungan si Hyun-jun ng taong gustong mawala ang organisasyong tinatawag na IRIS.
Organisasyong kasapi ang ilang government official at ilang mga armies. Nakipag sanib pwersa
si Hyun-Jun sa mga terorista sa North Korea. Ang una nilang misyon ay ang atakihin ang
headquarters ng NSS. Nang makapasok sila sa headquarters pinatay nila lahat ng lumalaban sa
kanila. Matagumpay na nakuha ni Hyun-Jun ang files ni Baek-San tungkol sa Iris. Nalaman ni
Hyun-Jun na si Baek-San ang pumatay sa kanyang mga magulang. Sa pag-iimbistiga ng NSS sa
nangyari, kinidnap si Seung-hee ng mga terorista upang kunin ang code sa NSS. Si Hyun-Jun
ang nag torture kay Seung-Hee. Hindi parin ito nagsalita, kung kaya’t pinakawalan nalang nila
ito.
Nagpaplano ang lider ng terorista na magpasabog ng nuclear bomb sa Seoul, South
Korea. Nang malaman ito ng kampo ni Hyun-Jun, agad silang kumilos para mapigilan ito.
Kasama nyang kumilos si Kim Sun-Hwa kasamahan nya rin sa terorista. Nagkita si Seung-hee at
Hyun-Jun at nag usap. Nakita nila ang bomba sa isang bus. Paalis na sana sila nang paputukan
sila ng mga terorista, dumating naman si Seung-Hee para tulungan silang dalawa, dumating rin
ang mga pulis at dinakip lahat ng terorista. Kinulong rin si Baek-San at lahat ng mga miyembro
sa IRIS na nakalagay sa files ni Baek-San.
Bumalik sa tahimik na buhay sina Hyun-Jun at Seung-Hee. Nagplanong magkita si Hyun-Jun at
Seung-Hee sa isang light house malapit sa dagat. Nauna roon si Seung-Hee. Isang kilometro
nalang ang layo ni Hyun-Jun sa kanilang tagpuan. Nang bigla nalang syang binaril sa ulo habang
tumatakbo ang kanyang sasakyan. Galing sa yate ang baril at pagmamay ari ito ni Kim Sun-Hwa,
kasapi rin sya ng IRIS. Namatay si Hyun-Jun at naiwang mag-isa si Seung-Hee.

You might also like