Term Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANIMULA

Malaki ang ginagampanan ng wikang Filipino sa pagbubuo ng isang pambansang


identidad o kaakuhan ng Pilipinas, lalo na sa kumukubabaw na konsepto ng globalisasyon.
Mahalagang mabuo muna ang pagkakakilanlan ng isang bansa bago ito sumabak sa proseso
ng globalisasyon. Kung hindi, maaaring nilamon na ito ng mga higit na makapangyarihang
kultura at mamatay ang higit na mahinang kultura bansang iyon. Ang pagkakaroon ng wikang
pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamayan at nagbibigay tulong sa
pagunlad ng iba’t-ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailngan
ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng
bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi
nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy pa na umuunlad. Ang mga


sitwasyong pang wika sa radio, dyaryo at telebisyo, kung saan ay itinuturing na pinaka mabisa
at makapangyarihan sa lahat ang isa sa mga dahilang kung bakit patuloy na lumalago at
maraming tao ang nakakapasalita ng wikang Filipino. Ngunit kasabay ng pagunlad na ating
tinatamasa ay patuloy ding nagbabago ang ating sariling wika. May mga ilang Pilipino ang
gumagamit ng iba’t-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika,
ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit
ng letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na
halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga
makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling
gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay
ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit ng mga kabataan.

Kahalagahan

Ang kabataan ngayon ay sumasabay sa saliw ng makabagong panahon kasabay ang


pagbabago at pag unlad ng kanilang wika. Ngayong taong panuruan ang mga GRADE 11
mananaliksik ay nagsagawa ng mahusay na pag-aaral at pangangalap impormasyon upang
malaman ang tunay na kalagayan ng wika sa kabataan taon 13-19 gulang. Isinagawa ang pag-
aaral na ito upang malaman at maiugnay ang noon sa ngayon na antas ng wika, kung ano nga
ba ang lagay ng wika sa mga kabataan ngayon. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat
nakapagbibigay impormasyon ito sa mambabasa tungkol sa tulong at impluwensya ng
teknolohiya sa wika ng kabataan. Napapahalagahan rin ang wika sa tulong ng pangangalap
impormasyon. Nadedebelop ang kakayahan ng mananaliksik sa pangangalap datos at
nasasanay sa pag-gawa ng matagumpay na pag-aaral. At higit sa lahat nalalaman ang lagay ng
ibang wika sa kabataan gaya na lamang ng ingles, jejemon, balbal at iba pa. Pagbabago na nga
lamang ang permanente sa mundo. Kaya't ating wika'y maaaring umuunlad o hindi, nasa kamay
ng kabataan sa kasalukuyan ang halaga at sitwasyon ng wika.

PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS

Upang makapangalap ng mga tiyak at angkop na mga datos na kakailanganin at lubos na


makatutulong upang maisakatuparan ang pamanahong papel na ito, ang mga mananaliksik ay
nagkaisang mangalap ng mga datos sapamamagitan ng Hanguang Elektroniko o Internet. Ang
Hanguang Elektroniko o Internet ay maituturing pinakamalawak, pinakamabilis at
napapanahong hanguan ng mga impormasyon o datos. Sa isang pindot lamang o pagtipa sa
talapindutan ay may mayamang impormasyon nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga
ng malikhaing kaisipan ng mga sikat imbentor noon kaya naman hindi sukat akalain n tangkilikin
ito sa kasalukuyang panahon. Ang teknolohiyang ginamit sa pananaliksik ay lubos na
nakatulong sapagkat naging daan ito sa mas mabilis na pananaliksik upang makalikom ng
impormasyong naaayon sa pag- aaral. Sapamamagitan ng Hanguang elektroniko, ang sarbey
ang naging kasangga ng mga tagapagsaliksik para sa mas maayos at angkop na impormasyon.
Ang Sarbey o Survey ay isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o impormasyon
sa isang deskriptibong pananaliksik. Madali itong nakatulong sa pagsusuri ng kalagayang
panglipunan, pangkultura, pang- edukasyon at pangdamdamin.Isinagawa ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng pagpapasagot sa mga respondente ng inihandang mga katanungan o
questionnaire. Sa pangangalap ng datos, ang tagapagsaliksik ay lubos na pinairal ang pagiging
matiyaga, madiskarte, masipag, malikhain at matalino. Dulot ng mga katangiang ito, naging
matagumpay ang pamanahong papel na ito. Ang pangangalap ng datos ay hindi madali, ito ay
nangangailangan ng sapat at magandang katangian ng tagapagsaliksik dahil dito nakasalalay
ang mga impormasyon makakalap.
KONKLUSYON Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na konklusyon.

konklusyon: 1. Karamihan sa mga respondente ay hindi sang- ayon sa kalagayan ng Wikang


Filipino sa kasalukuyan 2. Naipakita ng teknolohiya na nabago nito ang paggalaw ng
komunikasyon sa mga kabataan mula purong Filipino patungong TagLish dahilan ng mga
panibagong salitang natutuklas 3. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag- unlad ng wika. 4.
Sa pag- unlad ng panahon, teknolohiya ang nagiging pangunahing salik sa patuloy na
pagbabago ng wika at sa pagiging bahagi ito ng ating kultura.

You might also like