Stem 11 A. Final Thesis. Lebel NG Kamalayan Sa Fake News 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 62

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Sa kabanatang ito matatagpuan ang maikling pangkalahatang pagtatalakay sa

paksa ng pananaliksik. Dito rin inilahad ang mga suliranin na bibigyang kasagutan sa

mga susunod na kabanata ng pananaliksik, ang layunin ng pag-aaral, at kahalagahan nito

sa mga respondente, guro, mamamayan at sa hinaharap. Matatalakay rin sa kabanatang

ito ang saklaw at hangganan ng pag-aaral.

Panimula

Ang pagbabalita ang siyang paraan ng tao upang malaman ang mga pangyayari

sa iba't ibang lugar sa bansa, at sa buong mundo. Pagbabasa ng balita ang siyang nagiging

unang gawain sa umaga ng iilan, upang sa kabila ng abalang maghapon ay hindi mahuli

sa mga kaganapan sa bansa.

Karaniwan sa mga impormasyong matatagpuan sa balita ay ang mga

pangyayaring lokal tulad ng politika, mga pampublikong proyekto ng pamahalaan,

pagbabago sa lagay ng ekonomiya ng bansa, mga kalamidad, ulat ukol sa mga sikat na

mga artista, suspensiyon ng klase at iba pang mga isyung panlipunan na dapat malaman

ng publiko.

Maraming paraan para makasagap ng balita: maaring sa dyaryo, telebisyon at

radyo. At sa patuloy na pagbabago sa kultura ng mundo, kasabay ng pag-unlad ng

paggamit ng teknolohiya, patuloy ring nagbabago ang paraan ng pagbabalita.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
1
Madali na lamang para sa isang indibidwal, lalo na ang mga millenials na

gumamit ng internet upang kumalap ng impormasyon para sa kanilang mga

pangangailangan. Isa ang Facebook sa mga Social Media na nangunguna bilang isa sa

mga midyum ng pakikipagpalitan ng impormasyon.

Malaki ang naitutulong ng Facebook sa pagbibigay at pagbabahagi ng

impormasyon. Dito ay malaya ang mga taong magbahagi ng lahat ng klase ng

impormasyon na kanilang nais. Ngunit marami ngayon ang umaabuso sa kalayaang

magpahayag sa Facebook, at sahalip ay ginagamit ito upang magpakalat ng mga maling

impormasyon at mga balita na siyang nakapagbibigay kaguluhan sa publiko.

Bilang tugon sa nasabing suliranin, naglalayon ang pag- aaral na ito na alamin ang

Lebel ng Kamalayang Sosyal ng mga mag- aaral ng HUMSS 11 na aktibo sa paggamit ng

Facebook sa kanilang kakayahan sa pagtukoy ng mga kumakalat na Fake News.

Kaligirang Kasaysayan ng Pag- aaral

Ang “fake news” o pekeng balita ay tumutukoy sa mali o walang katotohanan na

mga impormasyon o propaganda na nailalathala. Inilathala ang mga ito upang linlangin

ang mga mambabasa tungkol sa mga impormasyon na kanilang nakikita, kumita ng

malaking halaga o magkaroon ng pampulitikong benipisyo ang mga nagpapalaganap ng

mga pekeng balita sa pamamagitan ng mga eksaherada, sensasyonal o makapukaw-

damdamin at maling pamagat ng mga balita na nakakaagaw pansin o tinatawag din sa

Inlges na “clickbait”. May dalawang katangian sa pagkalat ng pekeng balita, ito ay

pagiging totoo (authenticity) at intensyon. Una kinakategorya ang pekeng balita bilang

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
2
hindi totoo. Pangalawa ginagamit ang “fake news” sa maling intensyon upang manlinlang

ng mambabasa (Shu et al.).

Pinaniniwalaan na ang fake news ay umusbong kasabay ng paglago ng balita (Shu


et al.). Ngunit ito ay pinansin ng nakakarami noon lamang US Election of 2016.

Sa panahon ngayon, nabubuhay na ang tao sa mundo na puno ng teknolohiya.


Mapabata man o matanda ay gumagamit nito at may kaalaman patungkol dito. Isa sa
pinakasasikat na ginagamit ng tao, lalo na ang mga millennial, ang Social Media.
Ginagamit ito upang makakuha at makapagbigay ng impormasyon.

Ngunit sa pagdami ng mga lumalabas na impormasyon, karamihan na sa mga ito


ay hindi na totoo. Sa Social Media, isa ang Facebook sa pinakamadalas na pagkuhanan
ng mga impormasyon ng tao.

Ang facebook ay isang social networking website na pinapatakbo at pagmamayari


ng Facebook Inc. Ang pagsibol ng Facebook ay nagbigay daan sa pagkakaroon ng mas
madali at epektibong pakikipagkomunikasyon ng tao at paghahatid ng mga
impormasyon. Inilunsad o itinatag noong Pebrero 4, 2004 ni Mark Zuckerburg kasama
ang mga kaklase sa agham pangkompyuter at mga kasama sa kuwarto habang mag-aaral
pa siya ng Pamantasan ng Harvard.

Mahalaga ang Facebook sa iba't ibang larangan tulad ng ekonomiya,

komunikasyon, impormasyon at pagbabalita, at bilang isang komunidad. Isang dekada

matapos unang ipakilala sa mundo ang Facebook, ito ay naging bahagi na nang pang

araw - araw na pamumuhay, lalo na ng mga Pilipino. Dito ay malaya tayong ipahayag

ang mga sariling opinyon, magbahagi ng mga karanasan, at makipagkomunikasyon kahit

pa sa mga taong nasa malayong lugar.

Isa sa mga dahilan kung bakit ito lumago ay dahil sa pagiging kakaiba nito at

umaayon sa mga pangangailangan ng mga kabataan sa ngayon. Dahil sa pagiging sikat

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
3
nito ay dito na madalas kumukuha ng mga impormasyon ang mga tao. Na ang karamihan

nabibiktima dahil sa mga nakukuha nila ay hindi na totoo o tinatawag ding fake news.

Ang epekto nito ay karamihan sa mga mambabasa ay hindi na pinaniniwalaan ang mga

nailalabas ng mga mamahayag. Pinapahina nito ang pagkilatis at pagkritisismo ng isang

mambabasa sa isang impormasyon. Nabibigyan ng mga maling impormasyon na

nagdudulot sa pagkalito, pagtiwala sa isang maling impormasyon at hindi pagkatuto ng

mga mag aaral.

Sa dumaraming mga nabibiktimang mga tao, umaksyon na ang ating gobyerno

upang masolusyonan ito. Sa katunayan noong ika-29 ng Agosto taong 2017, inaprobahan

ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Republic Act (RA) 10951 o tinatawag ding

Anti ‘Fake News” Law in the Philippines. Kung saan ang mga lumabag ay makukulong

nga mga anim na buwan at magbabayad ng mga ₱40,000-₱200,000.

Ginagawan din naman ng paraan ng mga mananaliksik upang malutas ang

suliranin na ito. Sa katunayan ang Facebook ay gumagawa ng paraan upang

masolusyunan ang problemang ito. Isa na doon ang pagbigay ng tips sa mga mambabasa

kung paano tukuyin ang isang fake news. Ang ibang mananaliksik naman ay

nagsasaliksik kung gaano kalawak ang kanilang kamayalan at kung ano ano ang mga

bagay na ginagamit nila upang matukoy kung ito ay fake news o hindi.

Batayang Teoretikal

Ang pag- aaral na ito ay ibinatay sa Argumentation Theory kung saan pinag-

aaralan kung paano makakabuo ng isang konklusyon na nakabatay sa lohikal na

pangangatwiran. Nakapaloob dito ang argumentum ad populum o argument to the

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
4
people, isang fallacy o maling argumento na umaapila maaring sa emosyon o sa

paniniwala ng isang tao, maraming uri ng argumentum ad populum ngunit pinili ng mga

mananaliksik na gamitin ang Bandwagon kung saan nagiging tama ang isang pahayag

dahil sa dami ng naniniwala dito. Nakilala ang argumentong ito sa libro na isinulat ni

Irving Copi noong 1961 na Introduction to Logic kung saan ipinaliwanag niya ang

argumentum ad populum: bandwagon gamit ang mga katagang: “If many believe so, it is

so”. Dahil sa maling argumentong ito, nagkakaroon ng tinatawag na “chain reaction”

kung saan sumusunod at naniniwala na lamang ang isang indibidwal sa kung ano ang

pinaniniwalaan ng nakararami upang hindi maging iba sa mayorya.

Sa pag- aaral na ito, sinusukat ang lebel ng kamalayang sosyal ng mga mag-aaral

ng HUMSS 11. Ang impluwensya ng Facebook bilang isang midyum sa

pakikipagkomunikasyon at paglalahad ng impormasyon sa maraming tao ang siyang

magiging susi sa pananaliksik na ito, sa dami ng taong nakakabasa ng isang impormasyon

karamihan ay nagiging tama na ito para sa iilan. Ang kaalaman ng mga magaaral sa

pagtukoy ng fake news sa Facebook ay nasusubukan sa kung sila ba ay agad maniniwala

sa isang pahayag na pinaniniwalaan ng karamihan kahit na walang sapat na ebidensya.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
5
Balangkas Konseptwal

Pinagbatayan Pamamaraan Kinalabasan

Mga gagamitin upang 1) Ang pananaliksik na 1) Sa pagaaral na ito ay


malaman ang isasagawa ay nasa masusukat kung anong
pagkakakilanlan o anyong kwantitatibong lebel ng kamalayang
propayl ng napiling mag- deskriptibo kung saan sosyal ang taglay ng mga
aaral (HUMSS 11) gagamit ng sarbey at piling mag-aaral
likert scale. Dito (HUMSS 11) sa
a) Edad magbibigay ang mga pamamagitan ng
b) Kasarian mananaliksik ng pagkompyut ng mga
c) Sosyo- pamantayan para sa total puntos na kanilang
ekonomikong ng mga puntos na iniligay sa kwestyuner at
Kinabibilangan makukuha. At iraranngo ito iraranggo batay sa
d) Paggamit ng kung ang magaaral batay ibibigay na pamatayan.
Facebook sa may lubos na
kamalayan, may 2) Kalakip ng pagaaral
kamalayan, katamtamang na ito ang malaman kung
kamalayan, kaunting paano nakaapekto ang
kamalayan at walang mga salik na
kamalayan. pinagbatayan ng mga
magaaral sa naging lebel
2) Ang mga ng kanilang kamalayang
mananaliksik ay sosyal.
mamamahagi ng
kwestyuner sa piling
mag-aaral na naglalaman
ng mga tanong na may
kinalaman sa pagtukoy
ng mga pekeng balita.

3) Muling pagbasa at
paganalisa sa mga
katanungang na
ipapamahagi upang
mabago at mawasto ang
mga kamalian.

Figyur 1: Paradigma ng Pag-aaral

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
6
Ipinapakita sa presentasyon ng paradigma sa itaas ang pagsukat ng lebel ng

kamalayang sosyal ng mga napiling mag-aaral sa pagtukoy ng mga di totoong balita sa

facebook. Una, nagtataglay ito ng mga pagbabatayan sa pagsusuri ng pagkakakilanlan o

propayl ng mga piling kalahok na kakikitaan ng kahalagahan sa isasagawang pag-aaral

tulad ng edad, sosyo-ekonomikong katayuang kinabibilangan, kasarian, mga natamong

kaalaman o edukasyon ukol sa pekeng balita at ang pag-alam sa kung saan nagmumula

ang mga di makatotohanang balita na kadalasan ay makikita sa facebook. Pangalawa,

kalakip nito ang mga pamamaraan kung paano masusukat ang lebel ng kamalayang

sosyal ng mga piling mag-aaral sa pamamagitan ng pagsawa ng sarbey at pamamahagi ng

mga kwestyuner na naglalaman ng mga katanungan patungkol sa gagawing pag-aaral.

Pangatlo, ang magiging resulta o kakalabasan ng pag-aaral na ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pagaaral na ito ay naglalayong masukat ang lebel ng kamalayang sosyal ng

mga piling magaaral sa pagtukoy ng mga di totoong balita at malaman kung saan ito

nagmula na kadalasang nakikita sa Facebook.

Layuning sagutin ng pag- aaral na ito ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang:

a. Kasarian

b. Edad

c. Sosyo-ekonomikong kinabibilangan

d. Paraan ng paggamit ng Facebook

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
7
2. Ano ang lebel ng kamalayang sosyal ng mga magaaral ng HUMSS 11 sa

pagtukoy ng mga pekeng balita sa facebook?

3. Paano mailalarawan ang kamalayang sosyal ng mga respondente sa pagtukoy ng

pekeng balita batay sa kanilang propayl?

Saklaw at Hangganan ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang lebel ng kamalayang

sosyal ng HUMSS 11 sa mga Fake News sa Facebook.

Hindi sakop ng pag- aaral na ito ang indibidwal na interes ng mga mag- aaral na

kinapabibilangan ng mga Fake News, gayundin ang mga magiging epekto ng mga Fake

News sa mga mag- aaral, at ang pagbibigay ng mga paraan upang maiwasan ang maging

biktima ng mga Fake News. Limitado lamang ang isinagawang pananaliksik sa HUMSS

11 at hindi saklaw ang iba pang mga strand na kabilang sa senior high school. Hindi

sakop ng pag-aaral ang iba't ibang klase ng Fake News at ang iba pang mga media

platform kung saan ito laganap. Tanging Facebook lamang bilang midyum ng

pagpapahayag ng balita ang naging pokus ng pag-aaral

Sa kabuuan, ang pag- aaral na ito ay tungkol lamang sa Lebel ng Kamalayang

Sosyal ng mga mag- aaral sa mga Fake News sa Facebook at pagsukat sa lawak ng

kanilang kaalaman tungkol sa mga nasabing isyu.

Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay makatutulong upang maging epektibo at mapagbuti ang

pagpapakalat ng mga tunay at konkretong balita sa Facebook. Ito rin ay makakatulong sa

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
8
pagtukoy at pag- iwas na maging biktima ng pekeng balita. Ang makikinabang sa pag-

aaral na ito ay ang mgasumusunod:

Mga Guro at Namamahala ng Paaralan. Malaki ang magiging pakinabang sa

mga kaguruan ang pag- aaral na ito sapagkat sila ay mabibigyan ng ideya sa laki ng

impluwensya ng mga impormasyong nakukuha sa Facebook ng mga mag- aaral.

Ang paaralan din ay magkakaroon ng batayan sa paggawa ng isang balangkas na

mas makapagpapataas ng lebel ng kamalayang sosyal sa pagtukoy ng mga pekeng balita

sa Facebook ng mga mag- aaral ng Lagro High School.

Mga Respondente. Ang resulta ay magsisilbing batayan ng katotohanan sa kung

ano ang naging impluwensya ng propayl ng mga respondente sa magiging lebel ng

kanilang kamalayang sosyal sa pagtukoy ng mga pekeng balita sa Facebook.

Mga ibang gumagamit ng Facebook. Ang pag- aaral na ito ay magiging daan sa

pagkakaroon ng mgas mataas na kasiguraduhan na ang mga balita sa Facebook ay

mabilis na makikilatis ng mga mag- aaral kung ang mga balita ba ay peke o may

katotohanan.

Sa mga Mananaliksik. Natutukoy ang kakayahan ng mga gumagamit ng

Facebook na tumukoy ng pekeng balita na makatutulong sa pag- iwas at kalaunan ay

pagsugpo nito.

Katuturan ng mga Katawagan

Binibigyang katuturan ang sumusunod na mga katawagan ayon sa pagkakagamit

sa pananaliksik na ito.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
9
Facebook - Isang klase ng social media kung saan ang mga tao ay nagbabahagi ng

karanasan, nangangalap at nagbibigay ng impormasyon at nakikipag- ugnayan

sa ibang tao.

Fake News - Mga impormasyong nababasa at nakikita sa Facebook na hindi totoo:

walang sapat na batayan o hindi mapagkakatiwalaan ang sanggunian.

Kamalayan - Isang katangian ng isip na nangangahulugang gising at tumutugon sa

kapaligiran; may kaalaman sa mga nangyayari sa paligid at mga katotohanan.

Kamalayang Sosyal - Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa komunidad

at kaalaman sa kung ano ang dapat gawin sa mga sitwasyong kinakaharap.

Likert Scale - Ginamit na paraang batayan sa pagkuha ng lebel ng kamalayang sosyal. Ito

ay hindi nagkukumpara bagkus ay ginagamit sa pagsukat lamang ng isang

katangian.

Social Media - Mga websites at applications kung saan maaring magbahagi ng

impormasyon at makipag komunikasyon sa ibang tao.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
10
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Inilahad sa kabanatang ito ang ilang sipi sa tisis, aklat, internet, dyornal, at iba

pang mga sanggunian na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Dito rin inilagay

ang mga pagpapatibay na impormasyon na susuporta sa mga asampsyon at konklusyon

na isinaad sa naunang kabanata. Ang mga pagpapalalim sa mga impormasyon at

pagpapaliwanag ay matatagpuan rin dito.

Mga Literaturang Lokal

Ang Pilipinas, bilang isang demokratikong bansa, ay ipinagkalooban ng

pribilehiyo ng malayang pamamahayag. Ito ay isang lipunan na mayroong boses at may

karapatang mapakinggan. Ngunit, ang kalayaan na ito ay naabuso nang nagsimulang

dominahin ng Fake news ang Social Media. Nagsimula itong magkalat ng kalituhan sa

mga Pilipino at sa buong mundo.

Kamakailan sa isang sarbey na pinangunahan ng CS Media, 31% ng mga

millennials ang nagsabi na nagbahagi sila ng isang balita sa internet at di kalaunan ay

natuklasan nilang ang ito ay fake news.

Sa kawalan ng tiyaga at sipag, ang ilang gumagamit ng social media ay talagang

makakahanap ng fake news na kapanipaniwala sa unang tingin. Isa sa mga nakaranas nito

ay ang Department Head of Justice Secretary Vitaliano Aguirre na naakusahang gumamit

ng fake news bilang basehan ng isang intelligence report sa kaniyang departamento.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
11
Ang fake news ay maraming negatibong epekto. Sadya nitong binabago ang

pananaw ng isang indibidwal ukol sa isang isyu at nagtatanim ito ng kasinungalinagn sa

utak ng tao.

Ayon kay Mike Aballos na isang sociologist, isa sa mga pangunahing dahilan ng

pagkakaroon ng fake news ay ang pagkiling ng isang indibidwal – ito man ay political,

sosyal, o lohikal.

Sa pagsusuri ni Aballos, sinabi niya na ang mga walang lisensyang manunulat sa

social media ay naglalathala ng kanilang mga opinyon patungkol sa isang isyu at

binabansagan itong balita. Walang pakundangan at pagaalinlangan na inilalathala nila

ang kanilang mga opinyon bilang katotohanan.

Ang grabidad ng epekto ng fake news ay naging isang malaking problema para sa

gobyerno. Bukod dito, ang problemang ito ay naging pandaigdigang suliranin na rin.

Binibigyan nito ng nakalalasong paraan ng pag- iisp ang mga millennials,

ginagawa rin nitong komplikado ang kanilang kaugnayang sosyal at binabago ang

kanilang prisipyo at paniniwala.

Ayon kay Marlene Reyes, isang marketing officer at nanay ng tatlong tinedyer,

ay inaabuso ng fake news ang kalayaan sa pakikipagkomunikasyon. Ipinunto niya na ang

komunikasyon ay ginagamit dapat sa mabuting paraan at hindi para magpakalat ng

kasinungalingan na talagang nakaka apekto sa kamalayan ng isang tinedyer.

Sa isang kamakailang national news tungkol sa fake news ay nanawagan ang

Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na iwasan and

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
12
pagkakalat ng mga fake news o mga maling impormasyon. Naglabas din ang CBCP ng

listahan ng mga websites na naglalaman ng fake news at mga hindi tiyak na

impormasyon.

Ito rin ang nagudyok sa Senado ng Pilipinas na isaalang- alang ang pagpapatupad

ng mga kaparusahan sa mga indibidwal na gumagawa at nagpapalaganap ng fake news.

Sa katunayan, si Senator Joel Villanueva ay nagsaayos ng Senate Bill 1492 o “Act

Penalizing the malicious Distribution of False News and Other Related Violations”

noong nakaraang Hunyo 21, 2017.

Sa pagkilala sa negatibong epekto ng fake news, ang paaralan at ibang institusyon

ng pagkatuto ay may napakaimportanteng papel sa pagkintal ng tiyaga, kaalaman at

kritikal na pag- iisip sa mga tao. Ngunit mas mahalaga parin na ang edukasyon at

kampanya laban sa fake news ay dapat magsimula sa tahanan.

Sa isang panayam sa manunulat ng SunStar Davao na si Boom Castillo, sinabi

niya na ang totoong papel ng isang mamahayag o manunulat ay ang maglathala ng

makatotohanan at makatarungang balita sa publiko. Dapat din ay makipagtulungan sila sa

gobyerno ay komunidad sapagkat sila ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng dalawang

kampo.

Inamin din ni Castillo na hindi madali ang pangangalap ng mga istorya at

impormasyon. Ang pangangalap ng mga istorya ang isang walang tigil na pagsubok para

sa mga manunulat.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
13
Ayon pa kay Castillo, ang pagiging totoo ng isang balita ay maaring patotohanan

ng mga salita at tonong ginamit ng manunulat. Dapat din alamin ng mga mambabasa

kung ang balita ay obhektibo kung saan ang manunulat ay hindi gaanong gumagamit ng

mga pang- uri sapagkat ang paggamit ng mga ito ay nagpapahiwatig ng pagkiling.

Dagdag pa niya na dapat ay mapagkakatiwalaang ang sanggunian ng mga balita.

Sa madaling salita, ang pagsusulat ng balita ay hindi kasing dali ng pag- tipa sa

laptop at pagpindot ng “post” upang mailathala ang istorya. Ang pagsulat ng balita ay

isang trabaho na nangangailangan ng maraming pagpapatotoo at ebidensya upang

makagawa ng isang mapagkakatiwalaang istorya o balita.

Inihalintulad ng CNN Philippines Life ang pagpigil sa pagkalat ng fake news sa

pakikipaglaban sa isang hydra, isang halimaw mula sa Greek mythology na kilala sa

pagkakaroon ng maraming ulo: sa oras na maputol ang isang ulo ay may panibagong

ulong papalit dito.

Halimbawa nito ay ang website na filipinewsph.com na kinilala bilang fake news

Website ng Center for Media Freedom Responsibility. Ang nasabing website na dapat ay

wala na ay nagpalit lamang ng pangalan at naging filipinews.info.

Ang terminolohiyang fake news ay iminungkahi ng isang beteranang manunulat

na si Ellen Tordesillas bilang ibang katawagan sa kasinungalingan. Isinaad din niya na

ang fake news ay mga kasinungalingang pinagmumukhang totoo.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
14
Ang paggamit sa tinaguriang “social media giant” na Facebook sa

pagpapalaganap ng fake news ay naging sentro ng atensyon matapos ipabagsak ang isang

local news site na naging biktima ng misinformation campaign.

Ang kinabukasan ng Rappler, dating kasosyo ng Facebook, ay hindi malinaw

matapos bawiin ang kanilang lisesya sa pagpapatakbo.

Ayon kay Carly Nyst, isang abogado ng karapatang pantao, ang pagbagsak ng

Rappler, isang organisasyon na nawalan ng kredibilidad bilang resulta ng pagpapalanap

nito ng fake news sa Facebook ay isang paalala sa Facebook na sila ay may mahalagang

papel na ginagampanan sa pag-hulma sa political discourse. Dagdag niya pa ay hindi

kanais- nais ang pagtanggi ng Facebook sa papel na dapat ay ginagampanan nito.

Mga Literaturang Panlabas

Iminungkahi ni Dennis McQuail, isang tanyag na media and communication

theorist na ang balita ay pili at ginawa upang matukoy at bigyang kahulugan ang isang

pangyayari. Isinulat din niya na hindi lahat ng pangyayari ay maaring maging isang

balita. Ang isinulat niyang ito ay batay na paniniwala na ang mga tinatawag na

gatekeepers na karamihan ay mga mamamahayag ang nagdedesisyon kung ano ang balita

at kung paano ito ibalita at ipakalat. Ngunit inamin din ni McQuail na iba na ang batayan

ngayon. Ang pagbabago ay dulot ng lumalagong impluwensya ng social media at ang

pagiging simbolo nito sa pagiging makapangyarihan ng publiko sa kadahilanang sa bawat

parte ng mundo, ang mga Social Networks gaya ng Twitter at Facebook ay naging parte

na ng pang araw- araw na pakikipagkomunikasyon ng mga tao at unti unti nang

napapalitan ang mainstream media bilang midyum ng balita. Dahil sa pagpapalit na

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
15
nabanggit, hindi lang ang midyum ng pagbabahagi ng balita at mga impormasyon ang

nagiba ngunit pati ang kasiguraduhan ng mga kahulugan at kahalagahan ng balita.

Sa nakakahilong bilis ng pagbabago sa industriya ng pagbabalita, tila ata

dumating na ang oras para tanggapin ng publiko ang mga taong hindi propesyunal bilang

parte narin ng industriya. Tunay na hindi na sapat na turuan lamang ang mga mag- aaral

kung paano magsulat at magedit ng mga balita. Dapat na ring isaisip ng mga mag- aaral

na hindi na lamang sa mga mamamahayag o sa mga propesyunal nagmumula ang mga

balita kundi maari naring magmula sa kahit na sinong may pagmamay- ari na cellphone.

Ang madla, na sa loob ng ilang henerasyon ay naging parte na rin ng industriya ng

pagbabalita ay biglaang naging aktibo. Noon, ang publiko ay mga mamimili lamang ng

mga balitang inilimbag at mga tagapakinig lamang sa kung ano mang nais ipamalita ng

mga mamamahayag at kung sa tingin ng madla na ang balitang kanilang binabasa ay may

kinikilingan o kaya’y kung ang mambabasa ay may hindi pagsang- ayon, ang maari

lamang nilang gawin ay ang magpadala ng sulat ng pagkabahala sa manunulat ng balita.

Ngayon, ang madla ay mayroon nang direktang ugnayan sa manunulat gamit ang mga

Social Media Platform. Maaari na silang agad at direktang magbigay ng komento sa mga

nababasa nila nang hindi sila nagpapakilala at bilang mga gumagamit ng parehong

midyum, maari na ring gumawa at magbahagi ng sarili nilang impormasyon ang publiko.

Maituturing na rin silang Legitimate Source of Information ng mga taong hindi naman

makakakila sa tunay nilang pagkakakilanlan.

Noong 2016, nalaman ng media sa isang mahirap na paraan na ang journalism o

pamamahayag ay nanganganib na mabalot ng kasinungalingan at ng rebolusyon sa

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
16
industriya ng komunikasyon na nagiging midyum at nagpapabilis sa pagkalat ng mga

kasinungalingan, maling impormasyon at mga hindi makatotohanang pamamahayag.

Ayon sa mga kritiko, ang mga balita ukol sa Brexit at Election of Donald Trump

ay nagsilbing hudyat ng panganib at ang media sa iba’t ibang panig ng mundo ay lubhang

nabahala.

Ang malayang pagkalat ng mga malisyosong kasinungalingan, kawalan ng katumpakan

sa pagsisiyasat ng katotohanan at ang pagusbong ng tinatawag na post- truth era ay ilan

lamang sa humahamon sa haligi na sumusuporta sa wastong pamamahayag – ang

katotohanan ay mahalaga sa demokrasya at sa kadahilanang nais ng tao na magkaroon ng

lubos na kabatiran na maaring gawing basehan na bawat desisyon niya sa buhay.

Ang ilan ay agad na sinisi ang teknolohiya at ang mga social media platform gaya

ng Google, Facebook at Twitter sa kinakaharap na crisis.

Ang iba naman ay sinisisi ang media sa kadahilanang ang media raw ay

maraming butas at nagpapa gamit sa politika kaya’t hindi nakakapagbuo ng koneksyon sa

madla na humahantong sa pagkagalit ng mga tao.

Ang Facebook ay ginagamit ng mahigit 150 milyong tao samantalang sinabi

naman ni Mark Zuckerberg, na siyang gumawa ng Facebook na isang kalokohan ang

paniniwala ng mga tao na nakaapekto ang fake news sa Facebook sa katatapos lang na

Presidential Election sa Amerika noong 2017. Isang empleyado ng website sa Buzzfeed

ang nagsabi na ito ay hindi isang masamang ideya. Ang hindi mabuti ay ang ginawa

niyang pagsawalang bahala kahit pa alam niya at nang mga nagtatrabaho sa kompanya na

ang fake news ay patuloy na kumakalat sa Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
17
Ang mga kompanya tulad ng Facebook ay may kakayahang puksain ang fake

news. Kung sila ay handang gumastos sa teknolohiya at tao para bawasan ang mga

inilalathala sa kanikanilang mga feeds ay maiiwasan sana ang mga balita gaya ng “FBI

Agent Suspected in Hillary Email Leaks Found Dead in Apparent Murder Suicide” o

“Pope Francis Shocks World, Endorses Donald Trump for President.”

Ang problema sa Facebook ay nahahati sa dalawang parte: una, tinatanggi nitong

kilalanin na ang paggamit sa teknolohiya upang bantayan at mag- edit ng mga balita ay

hindi maikukunpara sa pag- upa sa isang tao upang mag- edit at maghanda ng balita para

sa paglathala, pangalawa, itinatanggi ng Facebook na ito ay isang tagapaglathala.

Ang nangyari sa Vietnam war photo ay isang patunay na kailangan parin ang

isang taong may damdamin sa pag- aaral, pag- bibigay halaga at paggawa ng

makatarungang hatol sa kung ano ang dapat ilathala. Sa pagsusulat, hindi lahat ng hubad

ay malaswa, hindi lahat ng larawan ng karahasan ay mapanira at hindi lahat ng masakit

na salita ay hindi katanggap- tanggap. Lahat ay nakabatay sa konteksto. Ang mga

editorial decisions ay kailangang gawin ng mga indibidwal na nakakaintindi sa diwa ng

interes ng publiko at may pag- unawa sa balangkas ng paniniwala ng publiko.

Iginigiit naman ni Zuckerberg na ang Facebook ay isang “tech company” at hindi

isang tagapaglathala, ngunit, maraming mga dalubhasa sa media ang hindi umaayon sa

kaniya.

Ayon sa mga dalubhasa, si Zuckerberg ang pinakamakapangyarihang editor sa

buong mundo sapagkat pinamumunuan niya ang isang kompanya na may halagang $325

bilyon, ay ang pang anim sa pinakamalaking kompanya sa mundo.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
18
Ayon sa isang pag- aaral sa ginawa ng Pew Research Center, sa panahon ngayon,

mahigit 50% ng mga tao ang kumukuha o nagbabasa ng balita sa mga Social Media.

Ang tanging sigurado ay ang layunin ng Facebook na gumawa ng isang platform

na maghihikayat ng mga advertisers. Ipinahihiwatig nito na ang Facebook ay walang

interes na bumuo ng reputasyon sa industriya ng pagbabalita.

Ipinunto rin ng Norwegian Prime Minister na si Erna Solberg na siya mismo ay

sumuri sa Facebook nang kumalat ang isang napalm photo. Sinabi niya na ang aksyon ng

kompanya ay hindi malinaw at nagpapahiwatig na hindi ito responsible. Ang Facebook

ay nauwi sa pag- iiba ng kasaysayan at pagmamanipula sa katotohanan.

Ang pagbabago, bagama’t mabagal ay paparating na. Ang Google at Facebook

ay nangako na gagawa ng aksyon upang malimitahan ang paglaganap ng Fake news,

ngunit marami paring mga isyu ang hindi malinaw at tumataas naman ang kawalan ng

tiwala ng mga tao sa paraan ng Social Media sa pag- edit ng mga inilalathala dito.

Isang pangunahing pagkabahala ang nananatili na ang Fake o misleading News ay

may kakayahang kumalat sa parang apoy sa Social Media ay dahil sa pagkumpirma ng

mga kinikilingan, paggamit ng “likes” at pagbabahagi sa mga kaibigan. Ito ay

nakakaapekto sa elemento ng tao na mas madaling tatanggap ng impormasyon dahil

sumasangayon ito sa kung ano ang paniniwala sa mundo.

Sa isang pag- aaral na pinangunahan ng BuzzFeed, natuklasan na 38% ng mga

ibinabahaging impormasyon sa Facebook ay “false or misleading information”.

Ang ebolusyon sa pakikipagkomunikasyon ay nagbibigay sa mga tao ng iba’t

ibang paraan ng pangangalap ng impormasyon at kaya nilang gumawa ng sarili nilang

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
19
pamantayan sa kung anong impormasyon lamang ang kailangan nila o nais makita. Sa

loob ng 150 taon, mga dyaryo ang nanguna sa pagbabalita ngunit binago ng pagdating ng

teknolohiya ang lahat. Ang pag- aanunsyo ay naging mas laganap na sa online sa

kadahilanang ang pag- aanunsyo rito ay libre at sa kawalan ng sapat na pondo para sa

pag- aanunsyo ay mahirap nang ibahin ang pananaw ng mga tao sa paggamit ng internet

sa pag- aanunsyo.

Talagang napakalaki na ng impluwensya ng Social Media hindi lang sa buhay ng

tao kundi pati narin sa pagbabalita. Sa kadahilanang mas madali na ang pagpapalitan ng

impormasyon ay nababawasan na ang pangangailangan sa mga tao na dapat sana ay

kakalap ng balita kaya’t mas humihina ang industriya ng pagbabalita. Ang pangangalap

naman ng impormasyon na noon ay personal na ginagawa ng manunulat ay mas madali

nang nagagawa sa pagpapasa sa email at ibang Social Media outlets. Nag- uugat ito sa

kawalan ng kredibilidad ng impormasyon sapagkat ang impormasyon na hindi personal

na nakalap ay nakakapagtaka at kung iisipin ay napaka daling gawin at ibahagi. Ang

kawalan ng kredibilidad ng mga pinagkukuhanan ng impormasyon ang siyang

pangunahing dahilan ng pagkakaroon at paglaganap nga fake news ngayon, hindi lamang

sa bansang Pilipinas ngunit maging sa buong mundo.

Ang fake news ay pinaniniwalaang matagal nang mayroon ay mas lumaganap

lamang ng ito ay naging tungkol sa politika kung saan bawat impormasyon ay talagang

kinikilatis ng mga tao. Ang masamang epekto nito na hindi man lahat ngunit karamihan

ng tao ay nakaranas na ay isang patunay na ang Social Media kung gagamitin sa hindi

maayos na paraan ay may kakayahang impluwensyahan, ibahin at kontrolin ang buhay

nino man. Ang mga tao na minsan nang nahulog na patibong ng fake news ay

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
20
paniguradong naging mas mabusisi na sa bawat impormasyon at balita na nababasa nila

sa social media at ang mga hindi pa nabibiktima ng fake news ay dapat na mas pataasin

pa ang kanilang kamalayan upang hindi maging biktima ng mga fake news.

Mga Pag-aaral na Lokal

Ayon kay Sin at Kim (2011), maraming paraan upang makakalap ng mga

impormasyon. Bukod sa mga pahayagan at magazines, ang Internet ay isa sa mga

pinagkakatiwalaang pinagkukunan ng impormasyon ngayon.

Binigyang kahulugan ang fake news sa pag-aaral nina Leopando at Estialbo

(2017), mukha man bago para sa mambabasa ang fake news, ang tanging bago lamang sa

bagay na ito ay ang platform na ginamit. Laging iniisip ng mga tao na ang fake news ay

isang post sa social media na mayroong hindi kapani-paniwalang mga impormasyon.

Ngunit kapag titignan sa ibang anggulo, ang fake news ay higit pa sa ganoong uri ng

paglalarawan.

Gumamit sila ng isang konsepto kung saan inilalahad ang mga bagay na

kinakailangan upang matawag na fake news ang isang balita o impormasyon. Ang

konseptong ito ay tinawag nilang Fake News Triangle: kung saan kapag wala ang isa sa

mga ito, ay hindi nito maabot ang kanilang pinaniniwalaang mga dapat na taglay ng isang

Fake News.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
21
Figyur 2: Fake News Triangle

Ang unang kinakailangan, tools and services ay ginagamit upang manipulahin at

ipakalat sa iba’t ibang social media. Ang halimbawa ng mga ito ay ang mga likes, shares,

at followers na binabayaran. At upang magamit ang mga tools and services na ito,

kakailanganin natin ng social networks na siyang magiging platform sa pagpapakalat ng

impormasyon. Sa pagpapakalat ng impormasyon, laging isinasaalang alang ang dahilan

kung bakit ito nilikha, doon pumapasok ang motivation. Ang motivation ay mayroong

iba’t ibang uri: upang makapanira ng isang tao o grupo, pinagmumulan ng kasiyahan,

makapagdulot ng kalituhan sa publiko.

Binigyang kahulugan sa pag-aaral nina Shu at Sliva (2017), na ang social media

bilang midyum sa paghahatid ng mga balita ay isang “double-edged sword.” Ngunit dahil

ito ay nakukuha lamang sa mababang halaga, madaling makalap, at mabilis ang

pagpapakalat, maraming tao ang dumedepende sa mga social media para sa balita na

kalaunan ay napapatunayan na fake news.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
22
Mga pag-aaral na panlabas

Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang

kaganapan sa loob at labas ng bansa. Dahil sa balita, nagiging mulat ang mga

mamamayan sa mga pangyayari sa kanilang kapaligiran. Ito ay mayroong iba’t ibang

anyo tulad ng paglilimbag, sa pagsasahimpapawid, internet, o pagsasalin salin ng mga

impormasyon galling sa bibig ng ibang tao.

Ngunit dahil sa pagusbong ng makabagong teknolohiya, naging madali na lamang

ang pagpapakalat ng mga impormasyon gamit ang mga social media tulad ng Facebook.

At dahil na rin sa pagiging bukas ng Facebook sa pagbabahagi, at pagpapahayag, hindi

maiiwasan na isa ito sa pinagmumulan ng mga balitang naglalaman ng mga maling

impormasyon.

Mula sa pag-aaral na “Rumors and factitious blends: The role of the web in

speculative politics” na isinulat nina Rojecki at Meraz (2014), lubhang binago ng world

wide web daynamikong pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng layunin. Ang

katotohanan ay nahahaluan ng mga maling impormasyon at kasinungalingan upang

makabuo ng “factitious informational blends” na nagreresulta sa mga pinagsamang mga

datos at kuro kuro.

Sa pag-aaral na ginawa nina Zubiaga, Lakiata, Procter, Hoi, at Tolmie (2016),

inilahad nila na sa social media na madalas makibalita at kumalap ng mga impormasyon

ang mga tao. Sa paggamit ng social media bilang midyum ng pagbabalita, nagkakaroon

ng mga pagkakataon kung saan ang mga detalye ng mga pangyayari ay nababago base sa

mga haka hakang nabubuo habang lalong kumakalat ang impluwensya ng balitang ito. At

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
23
dahil sa mga pagbabagong ito, naguugat ang mga maling interpretasyon sa orihinal na

layunin ng balita na kung minsan ay nagreresulta sa mga sigalot.

Pinatunayan din sa pag-aaral na ito na ang mga users ng social media ay agad na

ipinagsasawalang bahala ang mga balitang inilalathala sa mga social media sites na

napatunayang walang katotohanan, ngunit sila ay walang kakayahan na tukuyin at

pagibahin kung aling balita ang mayroong katotohanan at hindi. Kanila ring pinagtibay

na natural para sa isang social media user ang supportahan ang bawat kuro kuro kahit pa

ito ay hindi pa nabibigyan ng sapat ebidensya. At dahil sa mga paniniwalang ito,

nagkakaroon ng tinatawag na “false rumors” na siyang magiging “misinformation”

kalaunan.

Ayon sa isinagawang pag-aaral nina Chan, Jones, Jamieson, at Albarracin

(2017) na mayroong titulong “Debunking: A Meta-Analysis of the Psychmological

Efficacy of Messages Countering Misinformation” ang pagkalat ng mga maling

impormasyon (misinformation) ay maaring magdulot ng kalituhan at pagsasagawa ng

mga maling desisyon, lalo na sa mga isyu na nangangailangan ng mga tiyak at krusyal na

hakbangin. Ang mga pagkakamali na magiging bunga ng maling desisyon sanhi ng

maling impormasyon ay mahirap nang baguhin, kaya krusyal para sa isang balita ang

ipahayag ang mga ebidensyang magpapatotoo rito.

Sinuportahan naman ito ng pag-aaral nina Nyhan at Reifler (2015) na mahirap

itama ang mga maling impormasyong ipinakalat sa iba, bukod pa rito, maaaring

makapagdulot ng pang matagalang epekto ang maling impormasyon kahit na ito ay

napatunayan na mali. Isa sa dahilan nito ay ang kaugalian ng tao kung saan, kung ano

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
24
lamang ang kanyang nakita tungkol sa isang particular na pangyayari ay ito na ang tama.

Hindi na nagsasagawa pa ng mas masinsinang pag-alam sa mga detalye, at bilang resulta

ay nagkakaroon ng mga maling impormasyon. Ang mga maling impormasyon na ito ay

kalaunang makakaimpluwensya sa magiging ugali at pananaw ng mambabasa.

Ayon sa pag-aaral ni Shellenbarger (2016), ang mga kabataan ngayon ay

mayroong kakayahang gumamit ng teknolohiya at gamitin ito sa pangangalap ng mga

impormasyon, ngunit sila ay walang alam kung paano kikilatisin ang mga impormasyong

kanilang natatagpuan. Inilahad sa kanyang pag-aaral na mahigit dalawa sa tatlong mag-

aaral na middle school ang hindi marunong magbigay ng dahilan kung bakit dapat ay

pagkatiwalaan ang inpormasyong kanyang nakalap. Apat naman sa sampung mag-aaral

na high school ay agad na pinagkatiwalaan ang balitang nakita base sa larawan kahit pa

ito ay walang malinaw na pinagmulan.

Ayon kay Silverman (2016), halos lahat ng mga popular na fake news ay

kumakalat sa Facebook. Sinabi niya rin na marami sa mga nakakabasa ng mga balitang

ito ay agad na niniwala sa mga nakasaad rito.

Kaugnayan ng mga Literatura at Pag- aaral sa Kasalukuyang Pananaliksik

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga literature at pag- aaral na kaugnay o

sumusuporta sa kasalukuyan pag- aaral.

Sa panahon ngayon, kung saan sinuman ay may kakayahang magsulat at

magpalaganap ng mga impormasyon gamit ang social media tulad ng Facebook ay ang

pangunahing dahilan ng pagkalat ng mga fake news. Batay sa mga kaugnay na pag-aaral

mayroong mga batas na ipinatupad upang magsilbing parusa sa mga malisyosong

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
25
namamahagi ng mga maling impormasyon. Kabilang dito ang layuning masugpo o

mawakasan na ang pagkalat ng mga fake news na mabilis namang pinaniniwalaan ng

publiko.

Sa katunayan ang mga nasabing batas ay magsisilbing gabay upang maging

mapanuri at responsable ang bawat indibidwal sa paggamit ng social media, maging

mabusisi sa pagkilatis kung ang impormasyon ay mapagkakatiwalaan o may katangiang

di makatotohanan, at higit sa lahat ay upang pataasin ang kamalayang sa pagtukoy ng

fake news sa modernong panahon upang hindi maging biktima nito.

Bigyan din ng importansya ang mga nakalap na mga kaugnay na literatura na

nagtataglay ng mga artikulo ng mga taong eksperto o bihasa sa larangan ng pagtalakay sa

fake news at ang naging impluwensiya ng social media sa pagkalat nito.

Dito makikita ang mga datos kung gaano kalaki ang bilang ng mga taong aktibo

sa Facebook na madalas naniniwala sa mga impormasyong gawa gawa lamang o hindi

totoo. Siguro ito ay dahil din sa impluwensya ng libong tao na makikitang binahagi o

nag-share at nagbigay ng reaksyon o comment sa nasabing pekeng balita sa Facebook.

Dito pinatutunayan na ang bilang o dami ng taong naniwala sa isang impormasyon ay isa

sa mga dahilan kung bakit maging ang iba ay naeengganyo at naniniwala na rin kahit

walang sapat na pinagbatayang sanggunian.

Bigyang pansin din ang mga dayuhang propesor galing sa mga sikat na

unibersidad na nagsagawa ng pagaaral at mga programa upang turuan ang mga

estudyante sa mabisang pagtukoy ng balita. Ito ang magsisilbing motibasyon sa lahat ng

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
26
estudyante at mga paaralan upang palawakin ang kanilang mga kaalaman at kamalayan

hinggil sa fake news.

Sa isang kaugnay na literatura ay isinaad din na ang mga tao ay mas naniniwala sa

impormasyon o balita kung ito ay nakasunod sa kung anong pinaniniwalaang tama ng

lipunan o maari din sabihin sa mas madali itong pinaniniwalaan kung ito ay nakasunod sa

pinaniniwalaan ng nakararami. Kaugnay nito ay ang teorya ng argumentum ad populum

na ginamit sa balangkas teoretikal sa naunag kabanata kung saan isinaad na ang mga tao

ay likas na mas maniniwala sa kung anuman ang pinaniniwalaan ng nakararami.

Ang fake news ay napatunayang mayroon na noon pa man, ngunit mas naging

mabilis ang paglaganap nito nang dahil sa mga social media kung saan napakadali

lamang na maglathala ng mga opinyon na madalas ay pinagmumukhang katotohanan.

Kailangang isa- isip ng sinumang gumagamit ng social media na ang paggamit nito ay

may kaakibat na responsibilidad, kung ito ay gagamitin sa tama ay maganda at mabuti

ang magiging epekto nito sa mga tao ngunit kung ito ay gagamitin sa masama ay

negatibo rin ang magiging epekto nito.

Bilang pagtatapos, ang mga literatura at pag- aaral panloob man o panlabas ay

may isang kauganayan sa kasalukuyang pag- aaral. Binigyan ng mga ito ng kahulugan

ang Fake News, ipinahayag sa mga ito ang negatibong epekto ng Fake News, at

ipinaliwanag ang kaugnayan ng Fake News at Social Media. Lahat ng mga nabanggit ay

nagpapatunay na kahit ngayon lamang lumaganap ang Fake News ay mataas na ang

kamalayan ng mga tao tungkol dito. Nagawa na ng mga tao na magbigay ng kanilang

sariling depinisyon ng Fake News, nakapagmungkahi ng mga paraan upang matukoy ito,

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
27
at nakagawa ng mga batas na pupuksa rito. Ang pag- aaral na ito na may layuning sukatin

at alamin ang lebel ng kamalayang sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS ay

naniniwala na ang mga kaugnay na literatura at pag- aaral ay nagpapahiwatig ng

kamalayan ng tao sa fake news at sa kadahilanang ang mga respondente ay mga

millennials na madalas lumagi sa internet, naniniwala ang mga mananaliksik na madali

para sa mga respondente na magkaroon din ng kaalaman ukol sa Fake News at ang

kaalaman nila ang magiging simula ng pagkakaroon ng ng kamalayan sa nasabing paksa.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
28
Kabanata III

Ipinaliwanag sa kabanatang ito ang mga detalye kung paano isinagawa nag pag-

aaral, disenyo na ginamit sa pananaliksik, mga kalahok at pamamaraan sa pagkuha ng

sampol, instrumentong ginamit, at kung paano ito ginamitan ng istadistikal na paglalapat.

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay may disenyong Kuwantitatibong deskriptibo. Maraming uri

ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey

Research design kung saan nangangalap ng mga kuwantitatibong datos sa pamamagitan

ng Sarbey. Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalarawan sa mga

respondente at naniniwala ang mga mananaliksik na ang disenyong nabanggit ang

angkop na gamitin sa pananaliksik na naglalayong alamin ang lebel ng kamalayang

sosyal sa mga fake news sa Facebook ng mga respondente.

Ang talatanungan na ginamit sa Sarbey ay biinubuo ng 20 tanong na

pinaniniwalaang makatutulong sa pagsukat ng lebel ng kamalayan ng mga respondente.

Ang mga mananaliksik ay tiwala na ang paggamit ng sarbey ay makapagbibigay ng

mabilis at espisipikong mga datos na madaling magagamit sa paglalarawan sa mga

respondente.

Ginamit na Teknik sa Pagkuha ng Sampol ng Populasyon

Ang ginamit na teknik sa pagkuha ng sampol ng populasyon sa pag-aaral na ito ay

purposive sampling. Ang purposive sampling ay isang teknik kung saan ang mga

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
29
mananaliksik ay ang siyang pipili sa mga magiging respondente nito base sa kakayahan

ng mga respondente na magbigay ng kasagutan sa hinihinging ebalwasyon. Sa paraang

ito, masisiguradong ang mga respondente ay mayroong sapat na kakayahan na magbigay

ng datos at mayroong kaalaman ukol sa paksa na siyang kakailanganin para sa pag-aaral.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral na nasa academic strand na HUMSS sa

kadahilanang naniniwala ang mga mananaliksik na ang isang mag-aaral ng HUMSS ay

mayroong sapat na kaalaman tungkol sa paggamit ng Facebook at pagtukoy sa mga fake

news na laganap ngayon sa internet, na siyang primaryang kwalipikasyon upang maging

respondante ng pag-aaral.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pangangangalap ng datos. Ito ay naglalaman ng mga

maaaring maging reaksyon ng mga respondente tungkol sa mga kumakalat na fake news

sa Facebook. Ito ay nahahati sa dalawang pangkat: ang propayl ng mga mag-aaral at ang

kanilang kakayahan sa paggamit ng Facebook, at ang mga katanungan na siyang tutugon

sa mga suliranin ng pananaliksik. Ang talatanungan ay ibinigay sa mga mag-aaral ng

HUMSS 11 (taong panuruan 2017-2018) sa ikalawang semestre ng Lagro High School.

Ang talatanungan ay binubuo ng 20 katanungan na sinagutan ng mga respondente.

Sinagot ng mga kalahok ang mga tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa

kolumn na tumutugma sa kanilang magiging sagot. Sa pamamagitan ng talatanungan,

nalalaman ang tunay na lebel ng kamalayan ng respondente at nasusukat kung gaano

kalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa paksa.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
30
Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang kabuuang pag- aaral ay nagsimula Enero hanggang sa Pebrero ng taong

panuruan 2017- 2018. Ang pangongolekta ng datos ay nagtagal ng dalawang araw at

ginawa lamang sa mga oras na maaring ang mga mananaliksik ang mismong magsagawa

nito.

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng talatanungan na matapos pagtibayin ay

siyang pangunahing ginamit sa pangangalap ng datos na tutugon sa mga katanungan ng

pananaliksik. Ang mga mananaliksik ang mismong nagtungo sa mga silid ng mga

respondente na siyang magsasagot sa mga talatanungan. Siniguro ng mga mananaliksik

na ang mga talatanungan ay nasagutan ng maayos upang makasigurado na ang mga datos

na manggagaling sa sarbey ay katiwatiwala at upang mas maunawaan nila ang halaga ng

ginawang sarbey.

Kompyutasyong Istadistika

Upang mabigyang kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa sarbey, ang mga

mananaliksik ay ginamit ang mga sumusunod na pormula ng istadistika:

1. Porsyento ang ginamit para sa demograpikong propayl ng mga respondente batay

sa kanilang edad, kasarian, Sosyo-ekonomikong katayuang kinabibilangan, at

batayang kaalaman ukol sa paggamit ng Facebook.

𝑓
Bahagdan (%) = × 100 ; f = bilang ng sumagot
𝑛
n = kabuuang bilang ng respondente

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
31
Upang makuha ang inaasam na porsyentong istadistika, dinivide ang bilang ng

mga sumagot (f) sa kabuoang bilang ng mga respondente sa pag-aaral at minultiply ito sa

100 upang makuha ang porsyento.

2. Weighted mean ang ginamit para sa pagsukat ng lebel ng kamalayang sosyal ng

mga mag-aaral na nanggaling sa kanilang mga naging sagot sa talatanungan. Ang

bawat kasagutan ay binubuo ng mga pagpipilian na nagrerepresenta sa iba't ibang

lebel ng kamalayan.

∑ 𝑓𝑥
Weighted Mean = ; x = mean
𝑁
∑ 𝑓 𝑥 = kabuuang bilang ng frequency at
iskor
N = bilang ng baryabol

Ginamit ang pormula sa pagkuha ng weighted mean kung saan minultiply ang

bilang ng mga sumagot (f) sa value ng mga pagpipilian (5, 4, 3, 2, 1). Matapos nito ay

pinagsama sama ang mga naging resulta (∑ 𝑓 𝑥) at dinivide gamit ang bilang ng baryabol.

Berbal na Interpretasyon (Pasalitang Kahulugann)

Ang berbal na interpretasyon ay ginamit upang bigyang interpretasyon ang

nasukat na mean sa bawat bilang sa talatanungan. Ang mean score na makukuha ay

titignan kung ito ba ay pumapasok sa panukatan ng mga kategoryang binigyang

kahulugan ng mga mananaliksik: may lubos na kamalayan, may kamalayan, may

katamtamang kamalayan, may kaunting kamalayan, walang kamalayan.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
32
PASALITANG KAHULUGAN PANUKATAN
May Lubos na Kamalayan (LK) 4.5 - 5.00
May Kamalayan (MK) 3.5 - 4.49
May Katamtamang Kamalayan (MKK) 2.5 - 3.49
May Kaunting Kamalayan (KK) 1.5 - 2.49
Walang Kamalayan (WK) 1.00 - 1.49

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
33
Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGSUSUSRI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga

datos na nakalap tungkol sa lebel ng kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa fake news.

Ang pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga tanong sa

talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

1. Demograpikong Propayl ng mga Respondente

Sa pag- aaral na ito ay isinama ang ilang profile variables ng mga

respondente, ito ay upang magamit ang mga datos na nakalap na makatutulong sa

pag- aaral.

Dito kumakatawan ang mga resulta sa mga sumusunod na talahanayan:

1.1 Edad. Pinapakita rito ang katangian ng mga respondente na nakabatay sa

tuntunin ng kanilang edad.

EDAD BILANG BAHAGDAN (%)


16 - 18 194 97.49%
19 - 21 5 2.51%
22 pataas 0 0%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 1: Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad

Ipinararating ng unang talahanayan na mula sa 199 na kabuuan ng mga

respondente ay 194 ang bilang ng nasa edad 16 – 18, may katumbas itong

97.49%. Ito ang may pinakamataas na bahagda kung kaya ipinapakita na ang mga

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
34
respondente ay kadalasang nasa edad 16 - 18. At ang mga nasa edad 19 – 21 ay

mayrong 5 respondente na may katumbas na 2.51%, samantalang 0% o walang

respondente ang may edad na 22 pataas.

120.00%

100.00%

80.00%

60.00%

40.00%

20.00%
97.49% 2.51% 0%
0.00%
16 - 18 19 - 21 22 pataas
BILANG
Figyur 3: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Edad

Sa figyur na ito ipinapakita na may mas mataas na bahagdan na 97.49% ang mga

respondente na nasa edad na 16 – 18 at mayroon naman bahagdan na 2.51% ang nasa

edad na 19 – 21, samantalang wala naman respondente ang nasa edad na 22 pataas.

1.2 Kasarian. Pinapakita rito ang katangian ng mga respondente na nakabatay sa

tuntunin ng kanilang kasarian.

KASARIAN BILANG BAHAGDAN (%)


Babae 142 71.36%
Lalake 57 28.64%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 2: Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
35
Ipinararating ng ikalawang talahanayan na mula sa 199 na kabuuang

bilang ng mga respondente ay 142 ang babae na may bahagdang 71.36% at ang

mga lalaki ay may bilang na 57 at bahagdan na 28.64%.

Mula sa talahanayan sa itaas makikita na ang bilang ng mga babae ay

doble at higit pa sa bilang ng mga kalalakihan. Patunay nito na nagbigay

kooperasyon ang mga respondente sa mga mananaliksik sa pangangalap ng datos.

80.00%
70.00%
60.00%
50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00%
71.36% 28.64%
0.00%
BABAE LALAKI
BILANG
Figyur 4: Grapikong Respresentasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Kasarian

Ipinapakita ng Figyur na ang bahagdan ng mga babae na 71.3% ay mas mataas sa

bahagdan ng mga lalakeng respondente na mayroong bahagdan lamang na 28.64%.

1.3 Sosyo-ekonomikong Kinabibilangan. Pinapakita rito ang katangian ng mga

respondente na nakabatay sa tuntunin ng kanilang sosyo- ekonomikong

kinabibilangan na inalam sa pamamagitan ng pagkuha ng datos ng buwanang

kita ng kanilang mga magulang.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
36
BUWANANG KITA NG MAGULANG BILANG BAHAGDAN(%)
P5,000 - P10,000 37 18.59%
P11,000 - P15,000 40 20.10%
P16,000 - P20,000 63 31.66%
P21,000 pataas 59 29.65%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 3: Distribusyon ng mga Respondente batay sa Sosyo-

ekonomikong Katayuang Kinabibilangan

Ipinapakita sa ikatlong talahanayan na ang kita ng magulang ng mga

respondente mula sa pinakamataas na P21,000 hanggang sa pinakamababa na

P5,000. Mula sa talahanayan ay makikita na pinakamarami ang mga respondente

na may bilang na 63 o 31.66% ang may magulang na ang buwanang kita ay

P16,000 – P20, 000. Mayroong pinakamababang bilang naman ng respondente

ang sumagot ng P5,000 – P10,000 na may bilang na 37 o 18.59%.

35.00%
30.00%
25.00%
20.00%
15.00%
10.00%
5.00%
18.59% 20.10% 31.66% 29.65%
0.00%
P5,000 - P10,000 P11,000 - P15,000 P16,000 - P20,000 P21,000 pataas

BILANG
Figyur 5: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Sosyo-

ekonomikong Katayuan

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
37
Mula sa figyur ay makikita na may pinakamababang bahagdan na 18.59% ang

mga respondente na nagsagot ng P5, 000 – P10, 000, sumunod naman ay ang nagsagot ng

P11, 000 – P15, 000 na mayroong 20.10% na bahagdan, ang P21, 000 pataas naman ay

mayroong bahagdan na 29.5% at pinakamataas naman ang bahagdan ng P16, 000 – P20,

000 na 31.66%.

1.4 Paraan ng Paggamit ng Facebook. Pinapakita rito ang katangian ng

respondente na nakabatay sa tuntunin ng kanilang paraan ng paggamit ng

Facebook.

DALAS NG PAGGAMIT BILANG BAHAGDAN (%)


Araw- araw 145 72.86%
Minsan sa isang linggo 52 26.13%
Minsan sa isang buwan 2 1.01%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 4: Tanong 1. Dalas ng Paggamit ng Facebook

Ipininakikita sa ikaapat na talahanayan na 145 mula sa 199 na kabuuang bilang ng

mga respondente ang araw- araw na gumagamit ng Facebook, ito ay mayroong bahagdan

na 72.86%. Minsan sa isang linggo naman gumamit ang 52 respondente na mayroong

katumbas na 26.13% at 2 respondente lamang ang nagsagot na sila ay gumagamit ng

Facebook minsan sa isang buwan na mayroong bahagdan na 1.01%.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
38
80.00%
70.00%
60.00%
50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00%
72.86% 26.13% 1.01%
0.00%
Araw- araw Minsan sa isang linggo Minsan sa isang buwan
BILANG
Figyur 6: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Dalas ng

Paggamit ng Facebook

Ipinakikita sa pigura na 72.86% sa mga respondente ang araw- araw na

gumagamit ng Facebook, 26.13% naman ang minsan sa isang linggo at pinaka kaunti ang

1.01% na minsan sa isang buwan kung gumamit.

ORAS NG PAGGAMIT BILANG BAHAGDAN (%)


Hindi aabot ng 1 oras 18 9.04%
1 - 2 oras 64 32.16%
3 - 4 oras 66 33.17%
5 - 6 oras 24 12.06%
7 oras pataas 27 13.57%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 5: Tanong 2. Oras na Ginugugol sa Facebook

Ipinapakita ng ika-limang talahanayan na 18 o 9.04% ng mga respondente

ang gumugugol ng hindi aabot sa isang oras sa paggamit ng Facebook, ito ang

pinakamababang bahagdan na nakuha mula sa datos. Habang 64 o 32.16% naman

ang 1 - 2 oras na gumagamit ng Facebook. Pinakamarami ang 66 o 33.17% ng

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
39
mga respondente ang 3 - 4 na oras ang itinitagal sa Facebook at 24 o 12.06%

naman ang nagtatagal ng 5-6 na oras samatalang 7 oras pataas naman kung

gumamit ang 27 sa mga respondente na mayroong katubas na bahagdan na

13.57%.

35.00%

30.00%

25.00%

20.00%

15.00%

10.00%

5.00%
9.04% 32.16% 33.17% 12.06% 13.57%
0.00%
Hindi lalampas 1 - 2 oras 3 - 4 oras 5 - 6 oras 7 oras pataas
ng 1 oras
BILANG
Figyur 7: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Oras na

Ginugugol sa Paggamit ng Facebook

Ang pigura ay nagpapakita na pinakamataas ang bahagdan na 33.17% ng mga

respondente na gumagamit ng Facebook 3 – 4 na oras, sumunod ay 32.16% na bahagdan

naman ng mga 1 – 2 oras gumamit, 13.57% naman ang bahagdan ng gumagamit ng

Facebook ng 7 oras pataas, sunod ay 12.06% na bahagdan ng 5 – 6 oras at ang mayroong

pinakamaliit na bahagdang 9.04% ang nagsagot na gumagamit sila ng Facebook ng hindi

lalampas sa isang oras.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
40
LAYUNIN SA PAGGAMIT BILANG BAHAGDAN (%)
1 78 39.20%
2 42 21.11%
3 2 1.00%
4 77 38.69%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 6: Tanong 3. Layunin sa Paggamit ng Facebook

Sa ika-anim na talahanayan ipinapakita na ang mga respondente ay may

iba’t ibang layunin sa paggamit ng Facebook, may mga nagsagot na 78 o 39.20%

sa kanila ay gumagamit ng Facebook upang makipag-komunikasyon sa mga

kaibigan. Binubuo ng 42 o 21.11% naman ng mga respondente ang nagsagot na

ang layunin nila sa paggamit ng Facebook ay upang maging updated sa kung ano

ang uso. Habang 2 o 1.00% lamang sa mga respondente ang nagsagot na ang

kanilang layunin ay ang magbahagi ng mga sarili nilang karanasan, samantalang

77 o 38.69% naman ang nagsabing gumagamit sila ng Facebook upang makakuha

ng mga impormasyon at makibalita.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
41
45.00%
40.00%
35.00%
30.00%
25.00%
20.00%
15.00%
10.00%
5.00%
39.20% 21.11% 1.00% 38.69%
0.00%
Layunin 1 Layunin 2 Layunin 3 Layunin 4
BILANG
Figyur 8: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Layunin sa

Paggamit ng Facebook

Ipinapakita ng grapikong representasyon na 39.20% ng mga respondente ang

nagsagot na gumagamit sila ng facebook upang makipagkomunikasyon, 21.11% naman

ang nagsagot na layunin nilang maging updated sa mga uso, 1.00% naman ang nagsagot

na ang layunin nila sa paggamit ay upang magbahagi ng opinyon, samantalang 38.69%

naman ang nagsagot na ginagamit nila ang Facebook upang makakuha ng impormasyon

at makibalita.

FACEBOOK BILANG BATAYAN BILANG BAHAGDAN (%)


Oo 157 78.89%
Hindi 42 21.11%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 7: Tanong 4. Facebook bilang batayan ng mga Impormasyon at

Balita

Ipinapakita sa ika-pitong talahanayan na mula sa 199 na kabuuang bilang

ng mga respondente ay 157 ang gumagamit ng Facebook bilang batayan sa

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
42
pagkuha ng impormasyon, ito ay mayroong katumbas na 78.89% bahagdan ng

mga nagsagot, samantalang 42 o 21.11% lamang sa mga respondente ang

nagsagot na hindi nila ginagamit ang Facebook bilang batayan ng pagkuha ng

impormasyon.

90.00%
80.00%
70.00%
60.00%
50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00%
78.89% 21.11%
0.00%
Oo Hindi
BILANG
Figyur 9: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa

Paggamit sa Facebook bilang Batayan ng Pagkuha ng Impormasyon at Pakikibalita

Ang grapikong representasyon ay nagpapakita na 78.89% ng mga respondente

ang nagsagot na ginagamit nila ang Facebook bilang batayan ng Pagkuha ng

Impormasyon at Pakikibalita samantalang 21.11% lamang sa mga respondente ang

nagsagot na hindi nila ginagamit ang Facebook bilang batayan.

MAY PINA- FOLLOW BILANG BAHAGDAN (%)


Oo 142 71.36%
Hindi 57 28.64%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 8: Tanong 5. Pag- follow sa mga Facebook Page

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
43
Sa ika-walong talahanayan ay ipinapakita na 142 0 71.36% mula sa 199 na

kabuuang bilang ng mga respondente ang nagsagot na sinusundan nila o pina-

follow ang ilang Facebook Page na nagpopost o naglalathala ng mga balita at 57

o 28.64% naman ang nagsagot na hindi nila pina- follow ang mga Facebook Page

na naglalathala ng mga balita.

80.00%

70.00%

60.00%

50.00%

40.00%

30.00%

20.00%

10.00%
71.36% 2.51%
0.00%
Oo Hindi
BILANG
Figyur 10: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa Pag-

follow sa mga Facebook Page

Ipinapakita sa figyur na 71.36% ng mga respondente ang may pina- follow na

Facebook Page at 2.51% naman sa mga respondente ang nagsagot na hindi pina- follow

ang mga Facebook Page.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
44
NAEENGANYO SA MGA LINK BILANG BAHAGDAN (%)
Palagi 11 5.53%
Madalas 35 17.59%
Paminsa- minsan 76 38.19%
Bihira 67 33.67%
Hindi Kailanman 10 5.02%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 9: Tanong 6. Pagkaengganyo sa Pagbukas ng mga Links sa

Facebook

Ipinapakita sa ika-siyam na talahanayan na 11 o 5.53% sa mga

respondente ang palaging nahihikayat sa pagbubukas ng mga links na nakikita

nila sa Facebook, 35 o 17.59% naman ang madalas na gumagawa nito,

pinakamarami naman ang 76 o 38.19% na paminsan- minsan lamang, habang 67

o 33. 67% ang nagsagot ng bihira at 10 o 5.02% naman sa mga respondente ang

nagsagot na hindi sila kailanman nahikayat na magbukas ng mga link na nakikita

nila sa Facebook.

50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00%
5.53% 17.59% 38.19% 33.67% 5.02%
0.00%
Palagi Madalas Paminsan- Bihira Hindi
minsa Kailanman
BILANG
Figyur 11: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente

batay sa Pagkaengganyo sa Pagbukas ng mga Link sa Facebook

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
45
Ang pigura ay nagpapakita na 5.53% ng mga respondente ang palaging

naeengganyo sa pagbubukas ng mga link sa Facebook, 17.59% naman ang madalas,

pinakamataas ang 38.19% na nagsagot ng paminsan- minsan, 33.67% ang bihira at 5.02%

ang nagsagot ng hindi kailanman.

FACEBOOK PAGE BILANG BAHAGDAN (%)


Inquirer 48 8.92%
Manila Bulletin 48 8.92%
9GAG 43 8.00%
ThinkingPinoy 16 2.97%
GMA Network 102 18.96%
Rappler 49 9.11%
Philippine Star 49 9.11%
Buzzfeed 53 9.85%
DepEd Tambayan 41 7.62%
ABS CBN 89 16.54%
KABUUAN 538 100%
Talahanayan 10: Tanong 7. Mga Facebook Page na madalas bisitahin

Ipinapapakita sa ika-sampung talahanayan na 48 o 8.92% mula sa 538 na

kabuuang bilang ng sagot ng mga respondente ang bumibisita sa Facebook Page

ng Inquirer, isang kilalang news page. May kaparehas ding bilang na 48 o 8.92%

ang mga bumibisita sa Manila Bulletin na kilala ding news page. May 43 o 8.00%

naman ang bumibisita sa 9GAG, habang 16 o 2.97% sa ThinkingPinoy,

pinakamarami naman ang bumibisita sa GMA Network na 102 o 18.96%, sa

Rappler naman ay 49 o 9.11%, mayroon ding 49 o 9.11% na bumibisita sa

Philippine Star, sa Buzzfeed naman ay 53 0 9.85%, habang 41 o 7.62% sa

DepEdTambayan at pumangalawa sa pinakamararing bumibisita ang ABS CBN

na mayroong bilang na 89 o 16.54%.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
46
20.00%
18.00%
16.00%
14.00%
12.00%
10.00%
8.00%
6.00%
4.00%
2.00%
8.92% 8.92% 8.00% 2.97% 18.96% 9.11% 9.11% 9.85% 7.62% 16.64%
0.00%

BILANG
Figyur 12: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa mga

Facebook Page na Madalas Bisitahin

Ang grapikong representasyon any nagpapakita na ang may

pinakamataas na bahagdang 18.96% ang GMA Network, sumunod ang 16.64% sa

ABS CBN, 9.85% sa Buzzfeed, 9.11% sa Rappler at Philippine Star, 8.92% sa

Inquirer at Manila Bulletin, 8.00% sa 9GAG at 7.62% naman sa DepEd

Tambayan. Ang mataas na bahagdang nakuha ng GMA Network at ABS CBN ay

nangangahulugang marami sa mga respondente ang bumibisita at nagbabasa sa

mga news page sa Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
47
AGAD NA NANINIWALA BILANG BAHAGDAN (%)
Oo 64 32.16%
Hindi 135 67.84%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 11: Tanong 8. Paniniwala sa mga nababasa sa Facebook

Sa ika-labing-isang talahanayan na ito ay nagpapakita na 64 o 32.16%

mula sa 199 na mga respondente ang nagsagot na sila ay agad na naniniwala sa

mga nababasa nila sa Facebook, samantalang 135 o 67.84% naman sa mga

respondente ang nagsagot na sila ay hindi agad naniniwala sa mga nababasa sa

Facebook.

80.00%
70.00%
60.00%
50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00%
32.16% 67.84%
0.00%
Oo Hindi
BILANG
Figyur 13: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa

Pagtititwala sa mga Nababasa sa Facebook

Ipinapakita sa grapikong representasyon na 32.16% lamang sa mga respondente

ang nagsagot na sila ay agad na naniniwala sa mga nababasang post sa Facebook,

samantalang 67.84% naman ang nagsagot na sila ay hindi kaagad naniniwala sa mga post

sa Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
48
NAGBABAHAGI NG POST BILANG BAHAGDAN (%)
Palagi 13 6.53%
Madalas 21 10.55%
Paminsan- minsan 115 57.79%
Hindi Kailanman 50 25.13%
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 12: Tanong 9. Pagbabahagi ng mga post sa Facebook

Ipinapakita sa ikalabing-dalawang talahanayan na 13 o 6.53 mula sa 199

na mga respondente ang palaging nagbabahagi ng mga post na nakikita nila sa

Facebook,may 21 o 10.55% ang madalas, pinakamarami naman ang paminsan-

minsan na 115 o 57.79% at ang nagsagot ng hindi kailanman ay 50 o 25.13%.

70.00%
60.00%
50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00% 6.53% 10.55% 57.79% 25.13%
0.00%
Palagi Madalas Paminsan- minsan Hindi Kailanman
BILANG
Figyur 14: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente batay sa

Pagbabahagi ng mga Post sa Facebook

Ipinapakita sa pigura 14 na 6.53% ng mga respondente ang palaging nagbabahagi

ng mga nakikita nilang post sa Facebook, 10.55% naman ang sumagot ng madalas,

57.79% ang sumagot ng paminsan- minsan at 25.13% naman ang hindi kailanman

nagbabagi ng mga post sa Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
49
NAGBIBIGAY NG REAKSYON BILANG BAHAGDAN (%)
Palagi 14 7.04%
Madalas 18 9.04%
Paminsan- minsan 80 40.20%
Hindi Kailanman 87 43.72
KABUUAN 199 100%
Talahanayan 13: Tanong 10. Pagbibigay ng opinyon sa mga post sa Facebook

Ang ikalabing-talong talahanayan ay nagpapakita na mula sa 199 na

kabuuang bilang ng mga respondente ay 14 o 7.04% ang nagsagot na palagi silang

nagbibigay ng opinyon sa mga post sa Facebook, may 18 o 9.04% ang nagsagot

ng madalas, habang 80 o 40.20% ang paminsan- minsan at pinakamarami ang 87

o 43.72% ang nagsagot ng hindi kalianman.

50.00%
40.00%
30.00%
20.00%
10.00%
7.04% 9.04% 40.20% 43.72%
0.00%
Palagi Madalas Paminsan- minsan Hindi Kailanman
BILANG
Figyur 15: Grapikong Representasyon ng Bahagdan ng Respondente

batay sa Pagbibigay ng Opinyon sa mga Post sa Facebook

Ang grapikong representasyon ay nagpapakita na 7.04% sa mga respondente ang

palaging nagbibigay ng opinyon sa mga nakikita o nababasa nilang post sa Facebook,

9.04% naman ang sumagot ng madalas, 40.20% ang nagsagot ng paminsan- minsan at

pinakamarami naman ang sumagot ng hindi kailanman na may bahagdang 43.72%

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
50
2. Lebel ng Kamalayang Sosyal ng mga Respondente.

Sa pag- aaral na ito ay nasukat at nabigyang interpretasyon ang lebel ng

kamalayang sosyal sa fake news sa facebook ng mga respondente sa batay sa:

5 4 3 2 1 µ PASALITANG KAHULUGAN RANK


1 81 63 41 11 3 4.05 May Kamalayan (MK) 4
2 77 70 37 15 0 4.05 May Kamalayan (MK) 4
3 58 52 52 30 7 3.62 May Kamalayan (MK) 4
4 60 50 58 28 3 3.68 May Kamalayan (MK) 4
5 63 84 45 7 0 4.02 May Kamalayan (MK) 4
6 98 59 35 7 0 4.25 May Kamalayan (MK) 4
7 70 59 55 13 2 3.91 May Kamalayan (MK) 4
8 95 66 30 7 1 4.24 May Kamalayan (MK) 4
9 89 62 41 6 1 4.17 May Kamalayan (MK) 4
10 95 59 38 7 0 4.22 May Kamalayan (MK) 4
11 57 81 51 9 1 3.88 May Kamalayan (MK) 4
12 101 56 31 8 3 4.23 May Kamalayan (MK) 4
13 80 60 45 11 3 4.02 May Kamalayan (MK) 4
14 97 63 34 4 1 4.26 May Kamalayan (MK) 4
15 92 58 37 9 3 4.14 May Kamalayan (MK) 4
16 71 59 50 15 4 3.89 May Kamalayan (MK) 4
17 75 61 49 12 2 3.98 May Kamalayan (MK) 4
18 56 72 53 15 3 3.82 May Kamalayan (MK) 4
19 83 76 35 5 0 4.19 May Kamalayan (MK) 4
20 59 64 49 20 7 3.74 May Kamalayan (MK) 4
KABUUANG MEAN 4.018 May Kamalayan (MK) 4
Talahanayan 14: Distribusyonng mga Kasagutan at Weighted Mean Batay sa Lebel ng

Kamalayan ng mga Respondente

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
51
Gabay:

PASALITANG KAHULUGAN PANUKATAN


May Lubos na Kamalayan (LK) 4.5 - 5.00
May Kamalayan (MK) 3.5 - 4.49
May Katamtamang Kamalayan (MKK) 2.5 - 3.49
May Kaunting Kamalayan (KK) 1.5 - 2.49
Walang Kamalayan (WK) 1.00 - 1.49

Ang kabuuang mean na 4.018 ay nagpapakita na ang lebel ng

kamalayan ng mga respondente ay nasa scale 4 na may pasalitang kahulugan na

May Kamalayan (MK).

Ang ikalabing-apat na talahanayan ay nagmula sa ikalawang bahagi ng

sarbey kwestyuner kung saan nakapaloob dito ang mga posibleng ginagawa o

hindi ginagawa ng mga respondente sa pagtukoy ng fake news sa Facebook.

Batay sa pagkuha ng kabuuang mean sa bawat aytem, naipakita sa talahanayang

ito na ang kinalabasan ay mayroong kamalayan ang mga respondente sa pagtukoy

ng mga pekeng balita. Ipinapakita ang pagsagot ng mga respondente sa unang

aytem ay mayroong mean na 4.05 ang pagkamabusisi sa pamagat o headline ng

isang artikulo. Sa ikalawang aytem naman ay ang pagtingin sa petsa kung kalian

ito inilathala ay mayroon ding mean na 4.05. Sa pagtingin ng mabuti sa URL o

(Uniform Resource Locator) ay binubuo ng mean na 3.62 sa ikatlong aytem.

Makikita din naman ang mean na 3.68 sa ikaapat na aytem na sinasabing ang

pagtingin ng mga respondente sa kung anong paraan isinulat ang artikulo kung ito

man ay may maling pagkakabaybay ng mga salita o sa maling paggamit ng bantas

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
52
at iba pang batas sa gramatika. Mayroong mean na 4.02 ang kinokonsidera ang

mga litrato kung ito ay may katotohanan at angkop sa nilalaman ng artikulo o

impormasyon na nasa ikalimang aytem. Ang nakuhang mga mean mula aytem 1 –

5 ay nasa ilalim ng pasalitang pakahulugan na May Kamalayan (Mk) na makikita

sa gabay na talahanayan.

Ipinapakita sa aytem 6 ang pagbusisi kung saan nagmula ang

impormasyon ay mayroong nakuhang mean na 4.25. Mayroon naming mean na

3.91 ang pagkakaroon ng pagkukumpara sa iba pang artikulo na nasa aytem 7.

Ang mga respondent ay tinitignang mabuti kung ang mga ebidensyang nakalatag

sa artikulo ay tama, ito ay nasa aytem 8 na may nakuhang mean na 4.24. Habang

ang aytem 9 ay mayroong mean na 4.17 na kung saan tinitignang kung ang

artikulo ay ginawang pangkatatawanan lamang. At ang aytem 10 na nagsasabing

ang mga respondent ay mapanuri sa intension ng balita ay mayroong mean na

4.22. Ang nakuhang mean mula aytem 6 – 10 ay nasa ilalim pa rin ng pasalitang

pakahulugan na May Kamalayan (MK).

Makikita na ang mga nakuhang mean mula sa aytem 11 – 20 ay nasa

ilalim pa rin ng May kamalayan (MK) ayon sa gabay na talahanayan. Sa madaling

salita ang distribusyon ng mga kasagutan at weighted mean batay sa lebel ng

kamalayan ng mga respondente ay masasabing may kamalayan. Patunay nito na

ang mga respondente ay kinikilatis ang mga artikulo na kanilang nakikita sa

Facebook kung ito ba ay totoo o hindi sa abot ng kanilang kakayahan o bilang

mga mag-aaral. Ang mga nakapaloob na mga pahayag ng bawat aytem sa sarbey

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
53
kwestyuner ay masasabing ginagawa ng mga respondente dahil sa nakuhang mean

na pumasailalim sa pasalitang kahulugan na May Kamalayan (MK).

Mapapansin din sa ikalabing-apat na talahanayan ang dami o taas ng

bilang ng mga respondente na sumagot sa hanay ng Palagi at hindi naman

lumalayo ang bilang ng nagsagot sa hanay ng Madalas sa bilang ng respondente

sa hanay ng Palagi. Habang ang mga respondent sa hanay ng Paminsan-minsan ay

kalahati ng bilang ng hanay ng Palagi samantalang mababa naman ang bilang ng

mga respondent sa hanay ng Bihira at Hindi Kailanman. Dito maipapakita na ang

nakuhang kabuuang mean na 4.018 ay naaayon sa mga nalikom na mga datos.

4.5

3.5

2.5

1.5

0.5
4.108
0
Kamalayan
Weighted Mean
Figyur 16: Grapikong Representasyon ng Weighted Mean ng Lebel ng Kamalayan ng

Respondente

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
54
Gabay:

PASALITANG KAHULUGAN PANUKATAN


May Lubos na Kamalayan (LK) 4.5 - 5.00
May Kamalayan (MK) 3.5 - 4.49
May Katamtamang Kamalayan (MKK) 2.5 - 3.49
May Kaunting Kamalayan (KK) 1.5 - 2.49
Walang Kamalayan (WK) 1.00 - 1.49

Ang grapikong representasyon ay nagpapakita na ang Weighted Mean na 4.018 ay

may katumbas na pasalitang kahulugan na May Kamalayan (MK). Mahihinuha mula sa

datos na ito na mataas ang lebel ng kamalayan ng mga respondente.

3. Paglalarawan sa Kamalayang Sosyal ng mga Respondente batay sa kanilang

propayl.

Sa pag- aaral na ito ay ginamit ang propayl ng mga respondente upang

magkaroon ng ideya ang mga mananaliksik sa kamalayang sosyal ng mga

respondente at upang mailarawan ito.

3.1 Edad

Mula sa 199 na kabuuang bilang nga mga respondente ay 194 o

97.49% ang nasa gulang na 16- 18 at 5 o 2.51% naman ang nasa gulang na

19- 21 at 0% naman ang may edad na 22 pataas. Ang kabuuang weigthted

mean na 4.018 na may pasalitang kahulugan na May Kamalayan (MK) ay

nangangahulugan na ang mga respondente ng pag- aaral na ito na may

gulang na 16- 21 ay may kamalayan sa mga Fake News sa Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
55
3.2 Kasarian

Ang pag- alam sa kasarian ng mga respondente ay naglalayong

patunayan na babae man o lalaki ay gumagamit ng Facebook at

nakakakita ng mga Fake News, ito rin ay upang ipakita na ang

pinagkuhanan ng mga datos ay hindi nilimita sa isang kasarian lamang.

Mula sa 199 na kabuaang bilang ng mga respondente ay 142 o 71.36% ay

bilang ng mga babae at ang natirang 57 o 28.64% ay bilang ng mga lalaki.

Ang tuntunin na kasarian ay hindi direktang nakaapekto sa naging resulta

ng kabuuang weighted mean at kahit pa mas marami ang mga babae na

naging respondente ng pananaliksik na ito ay mas nangibabaw parin na

hindi naging hadlang ang pagkakaiba ng kasarian ng mga respondente sa

pagtuklas na ang HUMSS 11 ay May Kamalayan (MK) sa mga Fake

News.

3.3 Sosyo- ekonomikong Katayuan

Ang pag- alam ng Sosyo- ekonomikong katayuan ng mga

respondente ay naglalayong patunayan na ang mga respondente ay may

kakayahang gumamit ng Facebook. Mula sa 199 na kabuuang bilang ng

mga respondente pinakamarami ang 63 o 31.66% na nagsagot na ang

buwanang kita ng kanilang magulang ay P16, 000 – P20, 000 at

pumangalawa naman ang dami ng mga nagsagot ng P21, 000 pataas na 59

o 29.65%. Mahihinuha sa mga datos na ito na ang mga respondente ng

pag- aaral na ito ay may kakayahang gumamit ng Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
56
Kabanata V

LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito natutunghayan ang mga natuklasan sa pag- aaral na ito na

siyang sasagot sa mga suliranin ng pag- aaral, ipapahayag din ang mga konklusyon na

nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa pagsasagaw ng sarbey, at mga mungkahi ng

mga mananaliksik sa mga taong makikinabang sa pananaliksik upang mas mapaunlad

ang mga pamamaraan at kalakaran na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

Lagom

Kasabay ng pag- unlad ng mundo ay ang bilis ng pagbabago sa paraan ng

pamumuhay ng tao. Nangunguna sa patuloy na nagbabago ang paraan ng

pakikipagkomunikasyon ng tao. Sa mga umusbong at patuloy sa paglaking industriya ng

Social Media ay mas naging mabilis ang pagbabahagi ng mga impormasyon, lalo na ng

mga balita. Kaakibat naman ng bilis na ito, ay ang pang- aabuso ng mga tao rito. Ang

Social Media ngayon ang pangunahing midyum ng pagpapakalat ng mga Fake News at

nangunguna na riyan ang Facebook.

Ang pag- aaral na ito na may paksang: Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake

News sa Facebook ng HUMSS 11 Taong Panuruan 2017 – 2018.

Sinasagot sa pag- aaral na ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang:

a. Kasarian

b. Edad

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
57
c. Sosyo-ekonomikong kinabibilangan

d. Paraan ng paggamit ng Facebook

2. Ano ang lebel ng kamalayang sosyal ng mga magaaral ng HUMSS 11-A sa

pagtukoy ng mga pekeng balita sa facebook?

3. Paano mailalarawan ang kamalayang sosyal ng mga respondente sa pagtukoy ng

pekeng balita batay sa kanilang propayl?

Deskriptibo ang pamamaraang ginamait sa pananaliksik na ito. Ginamit ang

pamamaraaang Likert sa pagtataya ng mga batayan ayon sa sumusunod na marka:

PASALITANG KAHULUGAN PANUKATAN


May Lubos na Kamalayan (LK) 4.5 - 5.00
May Kamalayan (MK) 3.5 - 4.49
May Katamtamang Kamalayan (MKK) 2.5 - 3.49
May Kaunting Kamalayan (KK) 1.5 - 2.49
Walang Kamalayan (WK) 1.00 - 1.49

Ginamit ang frequency distribution, percentage technique, at weighted mean

upang masuri at mabigyan ng interpretasyon ang mga datos na nagmula sa tugon ng mga

respondente sa talatanungan.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
58
Mga Natuklasan

Batay sa mga nakalap na datos sa pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod:

1. Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa talahanayan 1 na ang mga respondente

na nasa pagitan ng edad 16 -18 ay binubuo ng 97.49%. Pinapatunayan lamang na

malaking bahagdan ng mga respondente ay mga millenials.

2. Mula sa talahanayan 4, makikita na ang porsyento ng mga respondente na araw –

araw gumamit ng Facebook ay nasa 72.86%, gayundin sa mga minsan sa isang

linggo lamang gumamit na may 26.13%. Ipinapakita lamang na ang dalas ng

kanilang paggamit ng social media application na Facebook ay hindi naapektuhan

ng sosyo-ekonomikong katayuan sa buhay na matatagpuan sa talahanayan 3.

3. Mula sa talahanayan 5, makikita na malaki ang bahagi ng oras na inilalaan ng

mga mag-aaral para sa paggamit ng Facebook. 33.17% nito ay 3-4 na oras at

32.16% naman ang 1-2 oras ang kanilang ginugugol sa paggamit ng Facebook.

4. Maraming dahilan kung bakit ang mga respondente ay nahuhumaling sa paggamit

ng Facebook, malaking bahagdan nito ay upang makipagkomunikasyon na

mayroong 39.20%, at upang makakalap ng mga impormasyon at makibalita na

mayroong 38.69% na matatagpuan sa talahanayan 6.

5. Ipinapakita sa talahanayan 7 na 78.89% ang sumagot na ginagamit nila ang

Facebook bilang batayan sa pagkuha ng impormasyon. Pinapatunayan lamang

nito ang sinabi nina Shu at Sliva na maraming tao ang dumedepende sa social

media pagdating sa pagkalap ng mga balita.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
59
6. Sa talahanayan 8 ay ipinapakita na 71.36% ang bahagdan ng mga respondente

ang nagsagot na sinusundan nila o pina- follow ang ilang Facebook Page na

nagpopost o naglalathala ng mga balita. Pinatunayan lamang nito ang pahayag

nina Zubiaga, Lakiata, Procter, Hoi, at Tolmie na sa social media na madalas

makibalita at kumalap ng mga impormasyon ang mga tao.

7. Mula sa talahanayan 9, makikita na ang mga respondente ay hindi kaagad-agad

naniniwala sa mga links na kanilang nakikita sa Facebook. 38.19% ng mga

respondente ang nagsagot ng paminsan- minsan at 33. 67% ang nagsagot ng

bihira sila maengganyo na magbukas ng mga links sa Facebook.

8. Ipinapakita ng talahanayan 10 na malaking bahagdan ng mga respondente ay

nagfo-follow lamang ng mga page na kanilang pinagkakatiwalaan, 18.96% ang

fino-follow ang GMA Network at 16.54% naman ang sa ABS CBN, dalawa sa

pinagkakatiwalaang pahayagan ng bansa.

9. Iba’t iba ang mga impormasyon at balita na makikita sa Facebook, sa talahanayan

10, kung saan 67.84% ang nagsagot ng hindi, pinatunayan lamang na ang mga

respondente ay hindi kaagad agad naniniwala sa kung ano man ang kanilang

makikita sa Facebook.

10. Sa talahanayan 14 ipinapakita ang kabuuang mean na 4.018 ay nagpapakita na

ang lebel ng kamalayan ng mga respondente ay nasa scale 4 na may pasalitang

kahulugan na May Kamalayan (MK).

11. Taliwas ito sa naging pag-aaral ni Shellenbarger, na ang mga kabataan ngayon ay

mayroong kakayahang gumamit ng teknolohiya at gamitin ito sa pangangalap ng

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
60
mga impormasyon, ngunit sila ay walang alam kung paano kikilatisin ang mga

impormasyong kanilang natatagpuan.

12. Pinapatunayan lamang nito na ang mga respondente, sa kabila ng mga

naglipanang mga fake news sa social media, ay hindi ignorante sa pagtukoy ng

mga fake news.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga

sumusunod na konklusyon:

1. Isinasaad ng lahat ng datos na nakalap na ang mga mag-aaral ay mayroong sapat

na kamalayan ukol sa pagtukoy ng mga fake news na kumakalat sa Facebook

dahilan upang hindi sila maging biktima ng mga pekeng balita.

2. Ipinagpalagay ng mga mananaliksik na ang dahilan kung bakit mataas ang naging

lebel ng kamalayang sosyal sa pag-aaral ay dahil sa mga respondente. Ang mga

respondente ay galing sa academic strand na HUMSS, kung saan isa sa kanilang

mga asignatura ay Disciplines and Ideas in Social Sciences at Trands, Networks,

and Critical Thinking Skills in the 21st kung saan binibigyang pokus sa mga aralin

dito ang mga bagong isyu sa lipunan.

3. Isinaalang alang din ng mga mananaliksik na ang malaking bahagdan ng mga

respondente ay nasa pagitan ng edad na 16 – 18. Ang mga taong nasa pagitan ng

ganitong edad ay tinatawag na mga millenials kung saan sila ay mayroong

kasanayan sa paggamit ng teknolohiya, lalo na ang Facebook.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
61
4. Pinapatunayan lamang sa pag-aaral na ito na ang mga kabataan sa panahon

ngayon ay mayroong kakayahan na pagibahin at tukuyin ang mga fake news sa

hindi. Mayroong positibong epekto ang pagtangkilik sa Facebook sa kadahilanang

bukod sa isa itong midyum sa pakikipagkomunikasyon, ito rin ay nagagamit sa

pangangalap ng mga impormasyon at balita.

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng mga sumusunod na rekomendasyon na

makatutulong sa mga susunod pang mga pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang

pananaliksik:

1. Gumamit ng ibang pamamaraan sa pag-alam ng kakayahan ng mga respondente

sa pagtukoy ng fake news tulad ng: pagpapakalat ng fake news at ng totoong balita

at pagobserba sa mga respondente sa kung gaano kadalas silang gumamit ng

social media bilang sanggunian sa napapanahong balita.

2. Mas malalim na pananaliksik ang gawin sa paghahanap ng mga literaturang

gagamitin sa pag-aaral.

3. Alamin ang mga epekto ng fake news sa pagdedesisyon ng isang indibidwal

4. Lawakan ang sakop ng mga kalahok na respondente.

5. Bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng social media na

may kalakip na responsibilidad at hindi pang-aabuso sa kakayahan nito.

6. Alamin ang mga salik na siyang pinagmumulan ng mga fake news.

Lebel ng Kamalayang Sosyal sa Fake News sa Facebook ng HUMSS 11


Taong Panuruan 2017 - 2018
62

You might also like