Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Ugaliing magtanim, sapat na nutrisyon ay aanihin”.

Ito ay madaling sabihin, ngunit sa totoong buhay ay


mahirap gawin. Sa ating panahon ngayon, sa bilis ng takbo ng buhay ng mga tao, ang mga simpleng
gawain tulad ng pagtatanim ay tila napakalayong abutin.

Kung iyong napapansin kaibigan, ang ating henerasyon ngayon ay naiiba na sa dating simple at
payapang pamumuhay. Lubhang napakalayo ng pagkakaiba nito. Kung kaya’t pati ang kalusugan ng mga
mamamayan, lalo na ang mga bata ay napapabayaan na din. Kinain na yata tayo ng ideolohiya na mas
mainam ang nasa uso. Ang mga modernong pamilya ngayon ay iba na ang pinagkakaabalahan. Imbes na
ituon ang pansin sa paghahanda ng pagkain na may wastong nutrisyon, mas lumalaganap na ang mga
fastfood, na ang sarap ay nakasalalay sa kemikal na hindi maganda sa katawan. Hindi mo ba napapansin
na mas malusog ang mga tao na hindi nakatira sa gitna ng siyudad? Hindi lang dahil sa kawalan ng
polusyon, ngunit ang kanilang kinakain ay sila mismo ang nagtatanim. Ang sariwang hangin sa probinsya,
at ang gulay na nakukuha mismo sa bakuran ni Inay, ay ginamitan ng mga natural at hindi artipisyal na
pataba. Mas masarap at mas malasa ang mga prutas na kapipitas lamang sa puno. Hindi yung mga
imported sa supermarket na binalutan ng wax na kailangan pang kuskusin ng asin upang mawala.
Nakuha mo ba ang punto ko? Simple lang naman ito. Kung tayo mismo ang magtatanim ng mga gulay at
prutas na ating kakainin, mas makasisiguro tayo na ito ay ligtas sa anumang kemikal at puno ng bitamina
at mineral.

Gaya ng aking nabanggit sa unang talata, hindi ito madaling gawin. Ngunit tayo nga ay may kasabihang,
“Kung gugustuhin ay may paraan.” Ang mga bagay na ating gagawin ay hindi lamang para sa
kasalukuyan ngunit para na rin sa ating kinabukasan. Ating bigyan ng oras ang tamang daan para sa
mabuting kalusugan upang sapat na nutrisyon ay ating makamtan.

You might also like