Professional Documents
Culture Documents
GAPO
GAPO
GAPO
liban dito, tinuligsa rin ng aklat ang colonial mentality ng mga pinoy. maliwanag
na isinasaad sa nobela na inaapi tayo ng mga amerikano kagaya narin ng pag-aapi
nila sa kapwa nilang amerikanong kulay itim nga lang. ipinakikita lang sa nobela na
masyadong mababaw ang pagtingin satin ng mga kano n adi nila magawang
pahalagahan ang karapatan ng mga tao sa bansa. binubulag at pinaniniwala
umano tayo ng mga ito na sila ang dahilan kung bakit umaangat ang Pilipinas na
kung tutuusin ay kabaliktaran namang talaga.
di ko lang mintindihan ay kung bakit ayaw na ayaw ni Mike sa kulay nya na iyon
naman ang uso ngayon sa mga pilipno. kung ako man ang tatanungin, hindi ko
maiwasang mainggit kay Mike sa kulay nitong hilaw. ako ba nama'y nakararanas
din ng diskriminasyon sa kulay kong mas kayumaggi sa kayumanggi ng mga
kaklase ko. sa kalooblooban ko, hinasa akong umayaw sa "maiitim" dahil umano'y
hindi magaganda ang maiitim. inaamin ko makasalanan nga ako. nagpapasalamat
naman ako na ma'y natitira papalang puting Pilipino na kagaya ni Mike na
maipagtatangol ang bayan niya kahit na amerikano ang anyo nito. sana naga'y
isang araw ay mamulat rin ako sa katotohanang ang kulay ay di pinagbabasihan ng
kagandahan.
masayang basa ang Gapo ni Bautista. Napansin kong kahit na babae siya, iba ang
labas ng tono niya mula sa simula hanggang sa wakas ng nobela. hindi ko
miwasang maalala ang uri ng pasulat ni Bob Ong na gaya rin kay Bautista, ay
tungkol sa pagka-alipin nating mga Pilipino. msasabing maaaring si Bautista nga
ang pinagkunan ng inspirasyion ni Ong sapagkat hindi malayo ang istilo ng mga ito
sa bawat isa.