Sa malayong kasandaidigan sa mundo ang mga tao sa sandaigdigan ay may tatlong
mukha ng kasamaan, ito ay kasakiman, galit/poot, at kamangmangan sa batas ng
sandaigdigan. Ang mga ito ay batas ng kalikasan, kahit ang mga tao ay naniniwala sa aral ni Buddha,Muslim, Katoliko o isang Ateista. May tatlo ring hindi maiiwasan ng mga tao ay ang pagtanda, karamdaman, at kamatayan. Ang isang nilalang ay nag-aangkin din ng limang katangian mula sa kanilang pagsilang ang pagpapahalaga sa kagandahan sa kalikasan, pagpapahalaga sa musika at awitin, pagpapahalaga sa pagkaing naiibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining sa kanilang pamantayan. Ngunit ito'y hindi panghabampanahon na maidadala nila sa kinabukasan. Ang mga tao ay hindi nila isinasiisip ang kasabihang "Ang kayamanan ay nawawala, sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa materyal na yamang angkin nila habang sila ay nabubuhay." Ngunit hindi alam ng mayayaman na ang kanilang kayamanan ay ni wala sa milyon sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth, hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman, kaya nalimutan na nila ang tamang paggamit nito sa sangkatauhan. Ayon sa batas na makatao ang yamang materyal ay dapat gamitin sa pangangailangan ng tao, hindi sa kagustuhang makuha ang gusto o uso. Ngunit mas nakilala nang mga tao ang kanilang pagkamakasarili, ginagamit ng mga tao ang materyal na yaman sa kanilang kagustuhan na siyang nag dudulot sa lipunan ng mga maraming bagay na: 1.) Dalawang klase ng tao: Ang mahirap at mayaman. 2.) Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan. 3.) Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan. Kaya ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay, at ang kababaihan ay nagbebenta ng sariling katawan. 4.) Ayon sa aral ni Buddha kung bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay. Ito ay ang KARMA, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kakulangan sa buhay na isa sa pangunahing kaibigan ng tao. 5.) Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng napasasamantalahan. 6.) Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan. Ang Padaythabin ay isang punongkahoy na kung saan tayo kumukuha ng ating pangangailangan. Sang-ayon sa alamat noong unang panahon ang lahat ng pangangailangan ng isang tao ay nasa naturang puno kaya walang taong nagugutom at maghihirap. Dahil sa bagay na iyon parang paraiso ang tinitirhan ng mga tao. Sa kasamaang palad nakilala ng mga tao ang kanilang kasakiman kaya inabuso nila ito at nawala bigla. Sa paglaho nito, maraming tao ang nahihirap, nagugutom at gumagawa ng masamang bisyo, at higit sa lahat ay ang krimen. Ang Padaythabin ay maihahambing natin sa Likas na yaman, sa paligid at sa ilalim ng lupain. Wala sanang taong magugutom, pumapatay o mababawasan ang kasamaan ng sangkatauhan kung hindi sana ito inaabuso at ginagamit sa walang kwentang walang katapusan na kagustuhan ng mga tao. Ngayo'y ganito na ang nangyari sa padaythabin at kung hindi sana nakilala ng tao ang kanilang kasakiman. Maraming mahihirap na patuloy pa rin na nangangarap na maging mayaman. Ang mayayaman naman ay patuloy pa rin na nagkakamal nang katakot-takot na yaman na walang katapusan. Ganito ang batas ng mga tao sa kanyang sarili dahil sa kasakiman sa pagkakamal ng material na bagay, kahit para silang mga lintang sumisipsip ng dugo sa kanilang pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang ito marahil ang sanhi kung bakit may mayayaman sa kasalukuyan na hindi kayang ubusin ang naipong mga yaman kahit sampung ulit silang mamumuhay sa daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong mukha ng kasamaan ay mistulang basahan ang saplot sa kanilang katawan.