Panahon NG Kalayaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN (SIMULA 1946) SULYAP SA NAKARAAN Nagbunyi

at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos ang digma 1945 Ang matagal na inaasam na pagkahango
sa kalupitan ng mga Hapones ay natupad na rin. Ang iniwang kapinsalaan sa buong kapuluan, tulad ng
mga nawasak gusali, mga paaralan, tulay, at lansangang-bayan ay nangailangan ng pagsasaayos Ang
pagbabagong tatag sa napinsalang kabuhayan ay naging panibagong suliranin $a mga Pilipino. Naging
suliranin din ang mga naghihinalang may mga kilalang tao, nn ang iba ay may mga katungkulan pa, na
nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones sa panahon ng pananakop Sinasabing sa mga
nagsipagtaksil na ito may ilang kilalang pinatunayang hindi kolaboretor, at ang pakikisamang ginawa nila
sa mga Hapones ay sinadya nila upang maging daan din ng pagtulong sa mga Pilipino, Ang Pilipinas
naman ay tinulungan sa panahong ito ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng mga pagkain, mga
pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar upang makabangon kahit paano sa bamagsak na
kabuhayan May mga nagsagawa ng kahilingan na pasukan ng pagbabago ang Saligang-Batas ng Pilipinas,
na binibigyang-karapatan ang mga mamamayang Amerikano sa ating mga likas na kayamanan (parity
rights) Walang nagawa ang mahigpit na pagtutol nina Claro M. Recto at Jose P.Laurel, sapagkat ang
mamamayan ay sumang-ayon na rin dahilan sa mahigpit na pangangailangan ng naghihirap na bansa.
Ang kalayaan ng mga Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas Tydings McDuffie noong Hulyo 4 1946,
ngunit masasabing walang ganap na kalayaan dahil sa kahirapan ng bayan, at kakulangan ng wastong
pagpaplano para sa pagpapanibagong tatag ng bansa PANITIKAN Sa pagbabalik ng mga Amerikano ay
masasabing nabigyan lalo ng pagpapahalaga ang wikang Ingles. Sa pangunguna ng Estados Unidos sa
mga kaunlarang pambansa, ky nanguna rin ang kanilang wika na itinuring nang wikang pandaigdig
Nagkaroon ng tatlong wikang opisyal - Tagalog ingles, at Kastila, at ito ay nang matamo ang republika
noong taong 1946.

Ang naging kalagayan ng panulatang Tagalog sa panahong ito ay tulad din noong bago magkadigmaan
Ang pagkabuhay at pagkamatay ng mga akdang Tagalog nakasalalay sa mga mambabasa Ang
karamihang tumangkilik sa babasahine Tagalog ay yaong mga hindi nakapag-aral o nakatapos ng pag-
aaral. Ang mga nagsipag-aral ay hindi nagkahilig sa pagbabasa nito Kaya't noong Liberasyon (1945)
hanggang sa pagsapit ng 1950. nawala't lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng maglala, Malaya,
at kayumanggi sa ilalim ng pamamatnugot ni Clodualdo del Mundo, Teodoro Agoncillo, at Alejandro
Abadilla. Ang Ang Maikling Kwentong Tagalog 1886-1948 (1949) na pinamatnugutan ni Teodoro
Agoncillo ay nabilang Taong 1946 nang sumigla ang Panitikang Filipino, sapagkat bawat manunulat ay
nagnais na makasama ang kanilang akda sa mga katipunan ng mga piling-akda na nang panahong ito ay
nagkasunud-sunod ang mga aklat-katipunan na naglalaman ng mga maituturing na may uring katha nag
nag kas mga akdang may uri na kinagiliwan ng marami. tula Mo Jos Bi Nakilala rin ang mga aklat-
pampaaralan ni Juan C. Laya na Diwang Kayumanggi At Diwang Ginto ni Brigido Batungbakal. Dahilan sa
mga pinasimulang ito, unti-unting nakilala sa mga paaralan ang kahalagahan ng mga akdang
nagpapalawak sa kaisipan at pananaw ng mga kabataang mag-aaral, kaugnay ng layuning pagbibigay-
halaga sa panitikang Filipino. Ang mga sumusunod na akda mula sa katipunan ng mga akda ni Alejandro
G Abadilla (1948): Silakbo ni Marcial T Aguila; Siya sa ibabaw ng Daigdig ni Brigido C. Batungbakal:
Maganda ang Ninang Ko at Sining Din ng Buhay ni Liwayway Arceo; Nupling ang isang Munting Halaman
ni Pedro S. Dandan; Kalansay ni Genoveva Edroza, at marami pang iba. 19 Mula naman sa katipunan ng
Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-1948 ni Teodoro Agoncillo (1949) ay ang sumusunod: Noche
Buena ni Genoveva Edroza. Matute; Ako'y Mayroong Isang Ibon ni Deogracias Rosario, Walong Taong
Gulang ni Genoveva Edroza; Bakya ni Hernando R. Ocampo, at Pusa Sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo.
Sina Abadilla, F.B. Sebastian, at A.D.G. Mariano (1954) ay ilan sa mga sa larangan ng maikling kathang
Tagalog, gayundin ang mga sumusunod: Aloha ni Deogracias A. Rosario; Kasalan sa Nayon ni Eleuterio P.
Fojas: Bunga ng Kasalanan ni Cirio H. Panganiban: Ang Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes: at Ang
Langit ni Ka Martin ni Macario G. Pineda. Masasabing si Genoveva D. Edroza (1952) ang nagbigay ng
pasimula sa ibang manunulat sa pagbuo ng aklat na katatagpuan ng mga piling sariling akda. Ang aklat ni
Edroza ang kauna-unahang Katipunan ng akda sa Filipino. Ang ilan sa mga kuwento niya ay ang
sumusunod: Sariwa Pa Ang Alaala, Walong Taong Gulang at At Lumaki si Ben Si Edroza ay may likas na
giliw sa mga bata na mapapansin sa ilan niyang mga akda. Mapupunang maingat na nailalahad ni Edroza
ang mga kaalaman sa pag-unawa sa mga suliraning pambata.

ANG SARILING PANULAAN 207 Ang mga Pilipinong nakilala sa larangan ng tula ay puno ng imahinasyon,
at nagtataglay ng mapangaraping diwa, at matayog na damdamin at kaisips, palibhasa'y naging
inspirasyon ang mga karanasang naganap at nasaksihan sa sariling bayan. Ang mga manunulat at makata
noon pang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay nagbibigay-kaalaman sa tunay na larawan ng
kapaligiran at may layuning ipaunawa sa kamalayan ng babasa ang mga ideya, paniniwala, at pananaw
sa iba't ibang kulay ng buhay, maging ito ay kahapon, ngayon, at bukas Kinilalang mahalagang
kontribusyon sa Panitikang Filipino ang mga makatang tulad ng sumusunod: Julian Cruz Balmaceda, Inigo
Ed. Regalado, Fernando B. Monleon, Amado V. Hernandez, Aniceto F. Silvestre, Gonzalo Flores, Ruben
Vega. Jose Domingo Karasig, Manuel Prinsipe Bautista, at Corazon Arceo Sa kasalukuyang panahon ay
nakilala sina: Virgilio Almario, Celestino Vega. Bienvenido Ramos, Pedro Ricarte, Epifanio San Juan, at
ilan pa. Talaan ng mga Nagwaging Gantimpalang Palanca sa Tula Nagsimula ang Don Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature noong 1950. Si Tan Guin Lay o Carlos Palanca Sr. ang Ama ng Gawad
Palanca. Ang may bilang isa ay nagwagi ng unang gantimpala, ang dalawa ay pangalawang gantimpala,
at ang tatlo ay pangatlong gantimpala. 1963-1964. 1. Alamat ng Pasig - Fernando Monleon 2 Ito ang
Aking Panahon - Bienvenido A. Ramos 3. Halimuyak 101 - Vedasto G. Suarez 1964-1965 1. Sa
Pagkaparool - Ruben Vega 2. Mga Sugat ng Siglo-Teo S. Baylen 1965-1966 1. Ebolusyon-C.C. Marquez, Jr.
2 Logos - Vict. V. dela Cruz 3. Tinig Mula sa kung saan - Rogelio G. Mangahas 1966-1967 1. Toreng Bato -
Kastilyong Pawid at Bagwis ng Guniguni - Federico Liesi Espino, Jr. 2. Mga Paa... Mga kamay - Bienvenido
A. Ramos 3 O Sanggol na Hari Ruben Vega

19671968 1. Mamont al Iva Pang Mg Tid - Bienvenido A. Ramos 2. oe Kian af ang Tula-Victor S.
Fernandez 1 Koku nggo - Martin D. Pantaleon 19681969 .May Luha ang Tula ar Iba Po - Aniceto F.
Silvestre 2. Parman Allo - Jose M. Buhain 3 1Falong Takad-Longit-C.M. Vega 1969-1970 . Peregrinasyon
at Iba Pang Tula - Virgilio S. Almario 2 Alay ng Lahi - Ruben Vega 3. Malha - Epifanio S. San Juan, Jr. 1970-
1971 1. Mea Duguang Plakard of Iba Pang Tula - Rogelio Mangahas 2. Tulong Awit ng Pagpuksa--
Lamberto E. Antonio 3. Dalawang Tula-Cirilo F. Bautista Mox KILALA AT NATANYAG SA LARANGAN NG
PANULAAN Valeriano Hernandez Peña Si Valeriano H. Peña ay isinilang noong Disyembre 12, 1858 sa
San Jose, Bulacan, Bulacan. Siya ang bunso ng isang maralitang platero. Tinuruan siya ng kartilya ng isang
matandang kapitbahay, at natutong bumasa at sumulat ng Tagalog sa gulang na sampung taon.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa paaralang bayan. Gumamit siya ng sagisag na "Kintin
Kulirat" sa kanyang pitak na "Buhay Maynila" sa pahayagang Muling Pagsilang. Sampung taon siyang
naging manunulat sa naturang pahayagan. Ang Muling Pagsilang ay nahalinhinan ng Taliba, at
nagpatuloy sa pagsulat dito si Mang Anong. Ang Buhay Maynila ay napasalin kay Jose C. de Jesus na
gumamit ng sagisag na "Huseng Batute" nang mamatay si Peña. Obra Maestra niya ang Nena at Neneng
Amado V. Hernandez Si Amado V. Hernandez, tinaguriang "Makata ng Manggagawa", ay isinilang sa
Tondo, Maynila noong Setyembre 13, 1903. Ang kanyang mga tula ay nagtataglay ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa mga maliliit at dukhang manggagawa. Siya ay isang batikang makata at kilala rin bilang
kuwentista, mamamahayag, nobelista, lider ng mga manggagawa, at pulitiko. Ang aklat na Pilipinas na
naglalaman ng mga isinulat niyang tula ny pinagkalooban ng gantimpalang pampanitikan nang
pasinayaan ang Komonwelt noong 1935. Sa pambansang timpalak noong 1939 at 1940 ay nanalo siya sa
larangan ng fula,at dalawampu't limang ulit siyang nagwagi sa pagkamakatang laureado sa iba't ibang
timpalak pampanitikan. Kinilala rin siyang mambabalagtas at mambibigkas Ang tulang nagbigay sa kanya
ng pangalan ay Bonifacio at Guro Bilang mamamahayag ay naging patnugot siya ng babasahing Sampaio
pang-araw-araw na pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. Naging komunista n siva ng pahayagang Taliba,
at ang pitak niya ay may pamagat na Sari Sari Bilang pulitiko ay nahalal siyang konsehal sa Unang Purok
ng Maynila (Tondo) Dahil sa pagkahilig niya sa pagbabasa ng mga artikulong ukol sa sosyalismo
komunismo ay naparatangan siya ng kasalanang sedisyon. Nabilanggo siya ng the na taon habang
hinihintay ang pangwakas na hatol ng Korte Suprema sa paghahabol sa iginawad sa kanyang parusang
pagkabilanggo habambuhay Alejandro Abadilla Ang makata ng bagong panahon na nakapagbago sa
tulang Tagalog nang higit kanino man ay si Alejandro Abadilla. Isinilang siya sa Cavite ngunit sa Maynila
higit na nakilala dahil sa mapanghimagsik na impluwensya niya sa anyo at nilalaman ng tulang Tagalog.
Ipinagpakasakit ni Abadilla ang kaunlaran at kaginhawahan ng pamilya dahil sa matinding paninindigan
niya sa may uring panitikan. Sa panulaan ay ipinakilala niya ang malayang taludturan at ang
mapanghimagsik na diwa ng impresyonismo Teo S. Baylen Maraming karangalang natamo ang makatang
si Teo S. Baylen, kasama a rito ang pagiging Makata ng Taong 1964, ayon sa Talaang Ginto na pinagtibay
ng Surian ng Wikang Pambansa; nagtamo ng Gantimpalang Pangkalinangan sa Panitikan noong 1963
(Republic Cultural Heritage Award) dahil sa aklat-katipunan ng kanyang mga tula, ang Tinig ng Darating:
Palanca Memorial Awardee (1965). Kabilang sa kanyang aklat-katipunan ng mga tula ang Pinsel at
Pamansing at Kalah Buffalo Virgilio S. Almario (Rio Alma) Si Virgilio S. Almario ay isa sa mga
pinakamahusay na makata ng bagong panahon. Gumamit siya ng mga tauhan sa mga katutubong
epikong Pilipino, sa mga kuwentong bayan, korido, at kasaysayan nang sagisag upang mapalutang ang
kaniyang nais na tuligsain. Ildefonso Santos Si Ildefonso Santos ay tubong Malabon, Rizal, at isinilang
noong Enero 23 1897. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal School, at nagturo Paaralang
Bayan ng Malabon. Sa National Teachers College niya tinapos ang Batsilyer sa Edukasyon. Naging
superbisor din siya ng Wikang Pambansa sa Kawanihan ng Pagtuturo, kilala sa tawag nia DepEd ngayon.

Bilang makata, nagtago siya sa sagisag-panulat na "Dimas-Ilaw" at "Dimas Mangingisda, Gabi, at iba pa.
Silangan". Hinangaan ng marami ang mga tula niyang Ang Ulap, Panghulo, Ang Aniceto F. Silvestre. Avon
kay Rufino Alejandro, ang tradisyon at modernismo ay pinagsalikop sa Aniceto F. Silvestre. Ito ay hindi
lamang sa anyo at pamamaraan kung hindi sa paksa at damdamin mm. Nagtamo siya ng maraming
karangalan sa panulaan, kabilang na rito ang apat na unang gantimpala bago nagkaroon ng digmaan
ikutlong gantimpala sa Panahon ng Malasariling Pamahalaan, unang gantimpala no one ika-10 taon ng
Republika, at unang gantimpala sa Palanca noong 1969. Iñigo Ed. Regalado Si Inigo Ed. Regalado ay
kilalang mamamahayag, patnugot, kuwentista, nobelista, at makata. Siya ay may aklat-katipunan ng mga
tula na kung tawagi'y Damdamin. Ito ay nahati sa limang uri: Sa Pag-ibig, Sa Panibugho, Sa Talambuhay.
Sa Bayan, at Sa Buhay. Teodoro A. Agoncillo Si Teodoro A. Agoncillo ay kilalang manunulat ng
kasaysayan. Tinawag siyang "Madamdaming Mananaysay" ni Carmen Guerrero Nakpil, isang kilalang
manunulat sa Ingles. Marami siyang nasulat na mga salaysay na pangkasaysayari ba't ibang magasin
gaya ng Panitikan, Diwang Pilipino, at iba pa. Bukod sa mga tula, si Agoncillo ay nagsulat din ng mga
maikling katha at sanaysay. Siyah iginagalang na patnugot ng may-uring magasing Malaya na nanuklas
ng mga bagong manunulat na sa kasalukuyan ay may sarili nang pangalan sa ating panitikan

MAIKLING KATHA Ang maikling katha ny tinatawag ding maikling kuwento o kung minsan ay payak na
kuwento. Ito ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tauhan (maaaring tao, hayop, o bagay)
na siyang iniikotan ng iba pang pangyayari na nagbubunga ng tunggalian na umaantig ng damdamin ng
mambabasa. Ang maikling katha ay naiiba sa karaniwang salaysay dahil sa mga sumusunod na
katangian: 1. lisang impresyon o kakintalan ang layon ng katha 2. iisang pangunahing tauhan ang
inilalarawan, 3. iisang pangyayari ang isinasalaysay, at 4. iisang paksa ang pinagsisikapang ipaliwanag
Ang makabagong maikling katha ay hindi hinahanapan ng banghay (plot) Sapagkat ang layunin ay ang
tumpak na paglalarawan ng buhay, o kaya'y isang mahalagang bahagi nito. Walang makinis.na balangkas
ang buhay, kaya hindi rin dapat magkaroon ng banghay ang kathang naglalayong maglarawan ng buhay
Ang maikling katha ay nagmula sa dagli (sketches). Nagsisulat ng dagli sina V Hernandez Peña Lope K.
Santos, Inigo Ed. Regalado, Patricio Mariano, at iba pa. Maituturing na ang nagpasigla sa pagsusulat ng
maikling kathang Tagalog ay ang Lingguhang Liwayway. Ito ay pinayaman ng iba't ibang katipunan at ng
mga indibidwal na manunulat, gaya ng Ang Maikling Kuwentong Tagalog 18861948 ni Teodoro A.
Agoncillo: Ako'y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute; Mga Ayos Abueg at mga kasama; Uhaw ang
Tigang na Lupa at iha.

katha ni Liwayway Arceo: Isang Kalipnan ng mga Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards ni Dionisio
S. Salazar, at iba pa. Ang magasing Liwayway ay namili ng mahusay na kuwento na tinatawag na Ang 25
Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943. Ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
ay namili rin ng mahuhusay na akds simula noong 1950 Mga Nagwagi ng Gantimpalang Palanca sa
Maikling Kwento 19501971 1950-1951 1. Kwento ni Mabuti-Genoveva Edroza-Matute 2. Mabangis na
kamay..Maamong kamay - Pedro S. Dandan Planeta, Buwan, at mga Bituin - Elpidio P. Kapulong 1951-
1952 1. Kahiwagaan- Pablo N. Bautista 2. Pagbabalik-Genoveva Edroza 1952-1953 1.Kapangyarihan-
Buenaventura S. Medina, Jr 2. Ang Anluwage Hilario L. Coronel 3. Malalim Ang Gabi - Ponciano B.P.
Pineda 1953-1954 1. Sa Kamatayan Lamang - Teodoro Agoncillo 2. Ang Pusa at Aking Durungawan -
Macario H. Afable 3 Matalino ang Inaanak Ko - Fernando L. Samonte 19541955 1. Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata - Genoveva E. Matute 2. Batingaw-Elpidio Kapulong 3. Lumamig na Bakal - Virgilio Blones
1955-1956 1. (Walang Nagkamit) 2 Lupa, Ulan... at Supling - Martin del Rosario 3. Mga Butil. Mga Busal -
Pedrito Salazar 1956-1957 1. Sugat ng Digma - Pedro S. Dandan 2 Punongkahoy - Buenaventura S.
Medina. Jr. 3. Pag-uugat.. Pagsusupling-Edgardo B. Reyes

1957-1958 Ang Mangingisda-Ponciano B.P Pineda Mahaba ang Daang Hakol - Simplicio Bisa Lokus -
Pedro S. Dandan wa 1958-1959 Dawhan - Buenaventura Medina Jr 2 Estero - Pedro Ricarte 3 Mapanglaw
ang Mukha ng Buwan-Efren Reyes Abueg Banyaga - Liwanag Arceo 1959-1960 Lamtiang Bukid - Edgardo
B. Reyes 2 Kinagisnang Balon-Andres Cristobal Cruz 3. Di-Maabot ng Kawalang-Malay-Edgardo B. Reyes
1960-1961 1. Parusa-Genoveva E. Matute 2bin-Clodualdo del Mundo 3 Mabangis ang Lungsod - Efren
Abueg 1961-1962 1. Banyaga - Liwayway Arceo 2. Impeng Negro - Rogelio Sicat 3. Sugat sa Dibdib ng
Gabi - Buenaventura Medina, Jr. 1962-1963 1. Himaymay - Buenaventura Medina, Jr. 2 Tata Selo -
Rogelio Sicat 3. Sa Bagong Paraiso-Efren Reyes Abueg 1963-1964 1. Mga Aso sa Lagaria - Dominador B.
Mirasol 2. SI Ama - Edgardo B. Reyes 3. Dugo ng Ulo ni Carbo - Efren Reyes Abueg 19641965 1. Landas ng
Bahaghari - Benjamin Pascual 2. Kamatayan sa Dilim at Ulan - Eli Ang Barrozo 3. Mga Luha ni Lolo -
Bayani M. de Leon 19651966 1. Bilanggo - Wilfredo Virtusio 2, Ang Anino ng Kanyang Amo-Pedro S.
Dandan 3. Ang Dalaw-Jemias Vista Lacamienta

1957-1958 Ang Mangingisda-Ponciano B.P Pineda Mahaba ang Daang Hakol - Simplicio Bisa Lokus -
Pedro S. Dandan wa 1958-1959 Dawhan - Buenaventura Medina Jr 2 Estero - Pedro Ricarte 3 Mapanglaw
ang Mukha ng Buwan-Efren Reyes Abueg Banyaga - Liwanag Arceo 1959-1960 Lamtiang Bukid - Edgardo
B. Reyes 2 Kinagisnang Balon-Andres Cristobal Cruz 3. Di-Maabot ng Kawalang-Malay-Edgardo B. Reyes
1960-1961 1. Parusa-Genoveva E. Matute 2bin-Clodualdo del Mundo 3 Mabangis ang Lungsod - Efren
Abueg 1961-1962 1. Banyaga - Liwayway Arceo 2. Impeng Negro - Rogelio Sicat 3. Sugat sa Dibdib ng
Gabi - Buenaventura Medina, Jr. 1962-1963 1. Himaymay - Buenaventura Medina, Jr. 2 Tata Selo -
Rogelio Sicat 3. Sa Bagong Paraiso-Efren Reyes Abueg 1963-1964 1. Mga Aso sa Lagaria - Dominador B.
Mirasol 2. SI Ama - Edgardo B. Reyes 3. Dugo ng Ulo ni Carbo - Efren Reyes Abueg 19641965 1. Landas ng
Bahaghari - Benjamin Pascual 2. Kamatayan sa Dilim at Ulan - Eli Ang Barrozo 3. Mga Luha ni Lolo -
Bayani M. de Leon 19651966 1. Bilanggo - Wilfredo Virtusio 2, Ang Anino ng Kanyang Amo-Pedro S.
Dandan 3. Ang Dalaw-Jemias Vista Lacamienta

You might also like