Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Uri ng Tagapakinig

Ang mga tagapakinig ay maaaring mauri batay sa kanilang mga reaksyon habang
nakikinig lalo na sa isang klase o talakayan. Karamihan sa mga uring ito ay higit na aplikable sa
mga pormal na kapaligirang pangklasrum, ngunit maging sa ibang sitwasyon at pagkakataon ay
maaaring makakita tayo ng isa o ilan sa mga sumusunod na uri:

a. Eager Beaver. Siya ang tagapakinig na ngiti o tangu nang tango habang may
nagsasalita sa kanyang harapan. Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig
ay isang malaking tanong. Makikita kasi sa kanyang mga mata ang kawalan ng pokus
kahit na pilit na pilit ang pagpapanggap niya na siya’y masugid na nakikinig. Pilit niyang
pinapaniwala ang iba, sa pamamagitan ng kanyang mga reaksyong mapagkunwari, na
siya ay mabuting tagapakinig.

b. Sleeper. Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
Wala siyang tunay na intensyong making. Sa katunaya’y naiinis pa nga siya kapag may
nag-iingay. Dahan-dahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata habang inihihilig ang
ulo at maglalakbay sa daigdig ng panaginip.

c. Tiger. Siya ang tagapakinig na lagging handing magreak sa anumang sasabihin ng


nagsasalita. Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa
bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

d. Bewildered. Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa


naririnig. Kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga narinig.

e. Frowner. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentibo, ngunit ang totoo, hindi
lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay
lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpaimpres.

f. Relaxed. Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang kita sa kanyan ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Madalas nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling
bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o tao. Walang makikitang iba pang
reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

g. Busy Bee. Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat. Hindi lamang
siya hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang Gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagbabasa ng libro o magasin, pagsusuklay o iba pang
gawaing walang kaugnay sa pakikinig. Kung tutuusin, hindi siya talaga tagapakinig,
kung ang pagbabatayan natin ay ang istriktong kahulugan ng pakikinig. Siya ay isa
lamang kaptib na tagapakinig, ayaw niya man o gusto.

h. Two-earned Listener. Siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakikinig siya gamit


hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa Gawain ng pakikinig. Makikita rin sa kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig. Samakatwid, siya ang uri ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat. Ikaw
ano’ng uri ka ng tagapakinig?

Paano Magiging Epektibong Tagapakinig

Lahat ng tao ay kailangang mapakinggan, kung paanong lahat din ng tao ay kailangan
makapagpahayag ng sarili. Ang epektib na pakikinig ay hindi likas sa tao. Ito ay isang Gawain,
isang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay magkaroon ng epektib a komunikasyon.
Ngunit paano ito maisasakatuparan?
Narito ang ilang mungkahi:
a. Pakinggan hindi lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
Kailangang ipokus natin ang ating atensyon sa kabuuan ng mensahe na ating naririnig.
Ang isang epektib na tagapakinig kasi ay senstib hindi lamang sa mga salita kundi
maging sa mga metamensaheng kanyang naririnig at nakikita. Hindi niya tinatanong ang
kanyang sarili kung ano ang kahulugan ng kanyang mga naririnig. Tinatanong din niya
ang kanyang sarili kung ano ang nais ipakahulugan ng kanyang kausap sa mga sinasabi
nito.

b. Tulunga ang kausap na linawin ang kanyang mensahe. Sa pamamagitan ng


iyong mga reaksyon habang nakikinig, maaaring maging komportable o di-komportable
ang iyong kausap. Kapag siya’y hindi komportable, mahihirapan siyang ipahayag ang
kanyang mensahe. Kung gayon, maaari ka ring mahirapan sa pagpapakahulugan sa
kanyangmensahe. Samakatwid, kailangang tulungan mo siyang maging Malaya sa
pagpapahayag nang maging malinaw ang mensaheng iyong matatanggap.

c. Ipagliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga. Lahat ng tao ay may
kanya-kanyang pag-uugali. Mayroon din siyang mga biases at prejudices. Ngunit hindi
dapat hayaan ng isang tagapakinig na mkaapekto ang mga ito sa kanyang
pagpapakahulugan ng mensahe. Napakahalaga nito sapagkat kung hindi niya
ipagpapaliban ang paghuhusga, ang isang salita lamang tulad ng komunista o bakla ay
maaaring maging sanhi ng maling pagpapakahulugan sa kabuuan ng mensahe at
maaaring maging titi ng hindi kinakailangang pagtatalo.

d. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa naririnig. May mga salitang


nakapagpapaalab ng ating damdamin. Ang isang salita ay maaaring maging sanhi ng
ating galit, pagdududa o takot. Kapag hindi natin nakontrol ito, maaaring maging
kasunod nito ang baluktot nap ag-iisip at pangangatwiran. Bunga nito, hindi natin
maririnig an gating kausap kahit pa ang kanyang sinasabi ay tama o makatwiran.

e. Pagtuunan ang mensahe. Ang isang atleta ay maaaring mapagod sa gitna ng


paglalaro ngunit napipilit pa rin niya ang kanyang sarili na ipagpatuloy ang paglalaro sa
kabila ng pagod at pananakit ng katawan. Gayon din ang isang tagapakinig. Maaari
siyang mapagod sa pakikinig ngunit magagawa niyang hikayatin o di kaya’y pilitin ang
kanyang sarili na magpatuloy sa pakikinig sa pamamagitan din ng pagtutuon ng pansin
sa mensahe ay napapanatili niya ang kanyang konsentrasyon at napipigil niya ang
paglalakbay ng kanyang diwa at pagkawala ng atensyon.

f. Pagtuunan din ng pansin ang istraktura ng mensahe. Kung kaya mo nang ituon
ang iyong pansin sa mensahe, magagawa mo pang linangin ang iyong kasanayan sa
pakikinig sa pamamagitan naman ng pagtutuon ng pansin sa istraktura ng mensahe.
May mga tao kasing nahihirapang alalahanin ang mga datos na kanilang narinig kung
kaya’t dumarating ang sandalng kapag pilit na inaalala na nila ang kanilang narinig, ang
naaalala niya’y malalabong konsepto na lamang. Higit na magiging madali ang pag-alala
sa mga datos kung papansinin din natin ang istraktura ng mensahe sa pamamagitan ng
pattern nito o sap ag-uugnay nito sa ibang bagay. Paano mo madaling naaalala ang
mga numero ng telepono ng iyong mga kaibigan? Hindi ba’t inaalala moa ng pattern ng
mga ito? Paano mo aalalahanin ang mga pangalan ng mga bagong kakilala? Maaaring
sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangalan nila sa lugar, sa ibang tao o sa bagay na
kaugnay o kahawig ng kanilang pangalan.

g. Patapusin ang kausap. Isa sa pinakamalaking sagabal sa epektib na komunikasyon ay


ang tendensya nating tapusin ang usapan nang mas maaga kaysa sa kinakailangan.
Kung sa gitna ng pagsasalita ng isang tao ay magsasalita rin tayo, malamang na
mapahinto siya sa pagsasalita at hindi matatapos ang kanyang sinasabi. Kailangang
disiplinahin, kung gayon, ng isang epektib na tagapakinig ang kanyang sarili na huwag
munang magsalita hangga’t hindi natatapos sa pagsasalita ang kanyang kausap. Ito
marahil ang dahilan kung bakit kapag inayos nating muli ang mga titk sa salitang listen
ay mabubuo natin ang salitang silent.

Sa pakikinig, tulad ng pakikilahok sa mga timpalak na pampalakasan, napakahalang


maging tunay sa kalooban ng participant ang pakikilahok, kailangang may kawilihan siya at
kailangang maging episyente siya sa kanyang Gawain. Kung gayon, kung siya’y makikinig nang
may layuning umuunawa, madali niyang mauunawaan ang mensahe ng kanyang mga naririnig.

Mga Gawaing Interaktib


1. Interbyuhin ang isang taong hindi mo kilala. Itanong moa ng ilang personal na
impormasyon tungkol sa kanya tulad ng pangalan, edad, Gawain, tirahan, interes at iba pa.
Matapos anf interbyu, isulat sa isang talataan ang mga impormasyong iyong nakalap.

2. Ibulong sa iyong katabi ang isang maikling talata na ipababasa sa iyo ng iyong guro.
Magsisimula ito sa unang mag-aaral, sa unang row hanggang sa huling mag-aaral sa huling
row. Matapos ang pagbubulungan, bibigkasin nang malakas ng huling mag-aaral ang
ibinulong sa kanya batay sa kanyang pag-alala. Ihambing ang binigkas niya sa orihinal na
ipinabulong ng guro sa unang mag-aaral.
PAGSASALITA

Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita

Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na
medaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Samakatwid, ang isang taong kulang ang
kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao ang kanyang halaga at
natatanging katauhan. Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguang maipahayag
ang sarili nang epektib ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap ng
isang tao.

Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang


katangiang ipinagkatulad sa isa’t isa. Lahat sila’y may mataas na antas ng kakayahang
magpahayag ng ideya na kanilang nagging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at
tagasunod. Ang mga pinakamahuhusay na guro, mga tanyag na tagapamayapa at maging ang
mga kilalang rebelled lahat sila’y may maunlad na kasanayang mag-isip at magpahayag sa
pananalita sa harap man ng maliliit o malalaking pangkat ng tagapakinig. Marami na ang
natanyag at nagtagumpay bunga ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa
paraang kinalulugdan ng mga tagapakinig. Ngunit ang kasanayang ang nagpatanyag at
nagpaunlad sa kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring linangin ng sino mang indibidwal
sa kanyang sarili.

Si Abraham Lincoln, dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nag-iwan ng


hindi na mabuburang bahagi ng kasaysayan hindi lamang ng Amerika kundi maging ng buong
daigdig. Ano ang pangunahing salik na nakatulong sa kanya sa pagkakamit ng mataas na
karangalang iyon? Hindi mataas na pinag-aralan sapagkat halos wala nga siyang pormal na
edukasyon. Hindi rin salapi sapagkat ilang ulit pa nga siyang natalo sa halalan sa sarili niyang
bayan. Ayon sa mga may-akda ng kanyang talambuhay, ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay
nang Malaki sa kanyang determenasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang
magsalita sa harap ng publiko. Paano niya naipamalas ang determenasyong iyon? Dahil sa
kakulangan o kawalan noon ng mga speech training schools, matamang inobserbahan at
pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang
siya. Binasa niya nang may kawilihan ang ano mang aklat na pumasakamay niya. Kalaunan,
napansin ang kanyang tapat at payak na pananalumpati na hinangaan ng lahat niyang
tagapakinig ay napapanganga sa paghanga. Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang
kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging halimbawa
ng pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.

Isa pang pangulo ng Amerika na hinangaan ay si Franklin Delano Roosevelt. Nanatili


siya sa White House nang apat na sunod-sunod na termino mula 1932 hanggang sa kanyang
kamatayan noong 1945. Hindi ipinanganak na mambibigkas si Roosevelt, ngunit nilinang niya
ng kanyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon
sa mga salalayang simulain ng pagsasalita sa harap ng publiko. Halos lahat ng kanyang
talumpati sa radio ay praktisado nang lubusan. Paulit-ulit niyang binigkas ang kanyang mga
talumpati hanggang sa maging perpekto ang kanyang bigkas at diin upang maging malinaw
ang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mga tagapakinig. Kalaunan, maging ang
kanyang mga nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang mga tagapakinig. Si Roosevelt ay
ipinapalagay na isa sa pinakamahusay na mambibigkas sa kanyang panahon.

Isa rin sa mga susi ng tagumpay ni John F. Kennedy noong 1960 sa halalang
pampanguluhan sa Amerika ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng
ipinalabas sa mga programang pantelebisyon. Dahil sa epektib niyang pagsasalita, tinalo ni
Kennedy si Nixon sa nasabing halalan.

Libong taon naman ang lumipas na nang matanyag ang isang dakilang orador, si
Demosthenes. Si Demosthenes ay pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sariling
magsalita nang tuloy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng
alon sa dalampasigan. Madalas, nagsusubo pa siya na maliit na bato upang maituwid lamang
ang kanyang pananalita. Kalaunan, napagwagian ni Demosthenes ang laurel ng tagumpay sa
timpalakan-pagtatalumpati, isang karangalang nagawa niyang maangkin hanggang sa kanyang
kamatayan.

Pansinin ang mga pinuno ng iyong komunidad at paaralan. Sila ba ang mga taong
nakaupo lamang sa isang tabi kapag may pagpupulong at hindi man lang nagpapahayag ng
kanilang mga palagay? Tiyak na hindi! Ang mga gayong tao ay kadalasang hindi napapansin.
Ang mga taong nakaiimpluwensya sa iba, nakikisangkot sa mga pangkatang Gawain,
nakapamumuno ng pangkat o samahan, nakikilala sa larangang panlipunan, pangkalakalan at
pampulitika ay mga taong mabibisang magsalita. Ang mga prominanteng tao ay kadalasang
nasa gitna kung hindi man namumuno ng mga talakayan. Ang mga walang-imik ay bihirang
maging prominente. Ang mga pinuno ng mga maliliit at malalaking pangkat ay kadalasang
iyong mabisang nakapagpapahayag ng kanilang matatalinong kaisipan. Iyong mga walang-kibo
ay kadalasang nagiging tagasunod lamang.

Maaaring hindi mo pangarap na maging isang kilalang orador, o maging tanyag na


pinuno ng bansa o ng mga samahan, ngunit tiyak na ninanasa mo na maunawaan ka ng ibang
tao sa tuwing ibubuka moa ng iyong bibig. Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba
sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao. Ang pakikipag-usap sa harap ng marami mang
tao o sa harap ng isa lamang ay laging isang hamon sa iyong kakayahang masabi ang nais
mong ipakahulugan at maipahatid ang mensahe kung paano mo ito inaasahang matatanggap.
Ang malinaw, episyente at epektibo na pagsasalita, kung gayon ay isang tanging talent na
nakapgdudulot ng nakalulugod na karanasan sa nagtatamasa nito. Samakatwid ang paglinang
sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa
iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay.

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang Malaki sa mga participant nito. Kung
gayon, Malaki an impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng
komunikasyon.

Maramingiminumungkahi ang ibang manunulat na diumano’y mga katangiang dapat


taglayin ng isang mabisang tagapagsalita. Sa pagtalakay na ito, nilimita lamang ang mga
katangian ayon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa.

a. Kaalaman. You cannot say what you do not know. Kung gayon, upang maging isang
epektib na tagaagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang
bagay. Una, kailangang alam moa ng paksa sa isang usapan. Hindi magiging kapani-
paniwala kung mahahalata kang parang nangangapa sa iyong pagsasalita sapagkat
hindi moa lam o kulang ang iyong kaalaman sa paksang tinatalakay. Tandaang hindi mo
laging malilinlang ang iyong tagapakinig. Hindi madali ang magpanggap na may
nalalaman sa isang paksa nang hindi ka naghahagilap ng mga salita sa sandaling
nagsasalita ka na. Ikatlo, kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika. Hindi
magiging epektib ang paggamit mo ng salita at ang pagpapahayag mo ng mga
pangungusap kung ang pandiwa mo ay laging nasa maling aspeto halimbawa, o kung
hindi angkop ang mga panghalip na ginagamit mong panghalili sa mga pangngalan, o
kung laging bitin ang iyong mga pangungusap o kung hindi mo maorganisa nang
maayos ang iyong mga pahayag. Ikaapat, kailangang may sapat ka ring kaalaman sa
kultura ng pinanggalingan mo wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura, at maging
sa kultura ng iyong kausap. Ang wika ay nakasandig sa kultura, hind aba? Kung gayon,
gayon din ang komunikasyon. Kung kaya’t sa pagsasalita ay kailangang maisasaalang-
alang lagi ang mga nakaiimpluwensyang kultura upang maiwasan ang
miskomunikasyon.
b. Kasanayan. Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan. Kung gayon,
katulad ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon, ang pagsasalita ay isang
kasanyang maaaring linangin. Anu-ano ang mga kasanayan sa pagsasalita ang dapat
linangin at taglayin ng isang mabisang tagapagsalita. Una, kailangan may sapat siyang
ksanayan sap ag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. May mga sitwasyon
kasing nangangailangan ng presence of mind. Sa mga gayong sitwasyon, kailangan ng
bilis ng pag-iisip upang agad na masabi ng isang tao ang kailangan niyang masabi.
Ikalawa, kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa
pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong di-berbal.
Nakatutulong ito nang Malaki sa paglilinaw ng mensaheng nais niyang maiparating sa
kanyang tagapakinig at sa pagpapahatid mismo ng mensaheng iyon. Ikatlo, kailangang
may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng
pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. Ang iba’t ibang sitwasyon
ay maaaring mangailangan ng paggamit ng iba’t ibang genre. Hindi tayo laging
nagsasalaysay lamang. Minsan kailangan ding maglarawan, o mangatwiran, o
magpaliwanag. Kung gayon, isang pangangailangan ang pagkakaroon ng kasanayan sa
paggamit ng mga genre na ito.

c. Tiwala sa Sarili. Isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon ng tiwala sa


sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang
nagiging kimi o hindi palakibo. Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan,
inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na
pananalita, pautal-utal na pagbigkas o di kaya’y ng kanyang panginginig o paninigas o
pagiwas ng tingin o labis na pagpapawis ang kakulangan niya o kawalan ng tiwala sa
sarili. Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap
ng publiko. Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat
ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig. Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa
kanilang mensahe. Sino nga naman ang magtitiwala sa isang taong walang tiwala sa
kanyang sarili mismo.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

Masusukat ang bias ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa


kangyang tagapakinig o di kaya’y sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang
tagapakinig sa kanyang sinasabi. Makikita ito sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sa kanya.
Paano makukuha ng isang nagsasalita ang inaasahan niyang reaksyon ng kanyang tagapakinig?
Ang sagot sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa
pagsasalita. Anu-ano naman ang mga kasangkapang iyon? Talakayin natin ang bawat isa:

a. Tinig. Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa maraming


pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit
pakinggan. May mga sitwasyon nangangailangan ng malakas na tinig ngunit may ilan na
mahinang tinig lamang. Anu’t ano man ang lakas ng tinig na gagamitin, kailangang
maging angkop iyon sa particular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng
isang nagsasalitaa. Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na
pataas at mayroon ding pababa. Katulad ng lakas, kinakailangang iniaangkop din ang
himig ng pagsasalita sa sitwasyon at damdamin at maging sa kaisipan o mensaheng
ipinapahayag ng isang nagsasalita.

b. Bigkas. Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangang


maging matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita. Ang maling pagbigkas sa
mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pa’t
ang wika natin ay napakaraming mga homonimo (mga salitang pareho ang baybay,
ngunit magkaiba ng paraan ng pagbigkas at may magkaibang kahulugan). Maaari ring
maging katawa-tawa ang isang nagsasalita kung laging mali ang pagbigkas niya sa mga
salita. Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay ng diin ( stress)
sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata
sapagkat nakatutulong din ito upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang
pahayag.

c. Tindig. Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-


pambigkasan napakahalaga ng tindig. Kinakailngang may tikas, ‘ika nga, mula ulo
hanggang paa. Hindi magiging kapani-paniwal ang isang mabbibigkas kung siya’y
parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin. Sapagkat ang isang tagapagsalita ay
kinakailangang maging kalugod-lugod hindi lamang sa pandinig ng mga tagapakinig.
Kailangan din niyang maging kalugod-lugod sa kanilang paningin upang siya’y maging
higit na panghikayat.

d. Kumpas. Ang kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung wala nito, ang
nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Nguni tang kumpas ng kamay ay
kailangang maging angkop sa diwa ng salita o mga salitang binabanggit. Tandaan na
ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan. Kung gayon, ang kahulugan ng mga
kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas.
Tandaang kailangang maging natural din ang kumpas. Dapat iwasan ang pagiging
mekanikal ng mga ito. Hindi rin magandang tignan ang labis, maging ang kulang o
alanganing kumpas ng kamay.

e. Kilos. Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw. Ang mga
mata, balikat, paa at ulo – angpagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira
sa isang nagsasalita. Halimbawa, ang labis na paggalaw ng mga mata o ang kawalan ng
panuunan ng paningin sa kausap o sa madlang tagapakinig ay malamang na magsilbing
distraksyon sa halip na pantulong sa isang tagapagsalita. Samantala, ang mabisang
pagpapanatili ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng
paningin ay maaaring makatulong sa kanya. Ang labis na paggalaw ng ulo lalo na ang
hindi angkop na pagtango o pag-iling ay maaaring makapagpapalabo sa mensahen
ipinahahatid ng isang nagsasalita. Samantalang, ang mabisang paggamit ng galaw ng
balikat ay maaari naming makatulong sa pagpapahayag ng pagsuko, panghihinayang,
kawalan o panliliit. Kung magiging labis naming malikot ang isang nagsasalita,
halimbawa kung siya’y paroo’t parito sa paglakad, malamang na mahilo ang kanyang
kausap o ang madlang tagapakinig niya. Kung magkakagayon, hindi niya epektib na
maipararating sa kanila ang mensahe ng kanyang pahayag.

Tunay na ordinary na lamang sa ating mga tao ang pagsasalita. Maaaring walang
lumipas na araw nang hindi tayo nagsasalita. Ngunit sa kabila nito, ang pagsasalita ay isang
kompleks na gawaing pantao, tulad ng iba pang makrong kasanayan. Maraming mga element,
kasangkapan, simulain, konsepto at konsidersyon dapat na isaalang-alang upang maging
epektibo ang paggamit nito. Kailangan din itong linangin at pag-ingatan sapagkat ditto
nakasalalay nang Malaki an gating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa at an gating pag-unlad
bilang isang indibidwal, bilang isang lipunan at bilang isang sangkatauhan.

Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla

Lahat ng tao ay may kinatatakutan. May mga natatakot sa dilim. May mga natatakot sa
matataas na lugar. May natatakot sa pagsakay sa eroplano o barko. May mga natatakot sa
insekto.

Minsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na walang


dapat katakutan kundi ang takot mismo. Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot,
kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.
Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na xenophobia o stage fright.
Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling grammar, maling bigkas, masagwang tindig o
postyur, kakatawang ideya o anyong pisikal. Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga
ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili at di-pagkaalam kung ano ang sasabihin at kung
paano iyon sasabihin.

Ang stage fright ay may mga manipestasyon. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
panginginig ng kamay, pangangatog ng tuhod, kawalan ng ganang kumain, pananakit ng tyan,
di-pagkatulog, pananakit ng ulo, pagkautal, pagkalimot ng sasabihin, paninigas sa pagkakatayo,
kawalan ng panuunan ng paningin, biglang pagbilis ng pulso at mataas na presyon ng dugo.

May iba’t ibang dahilan ang stage fright. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

a. Takot sa Malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig,


b. Di-kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,
c. Kakulangan o kawalang ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,
d. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng katabaan,
kapayatan, di-kaaya-ayang mukha o kulay o di-magandang postyur,
e. Kakulangan o kawalan ng kahandaan, at
f. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita ang tension. Ito kasi ang magtitriger sa
katawan na lumikha ng adrenalin upangmatulak sa isang indibidwal na mag-perporm nang higit
na mabuti at maging higit na mabuting tagapagsalita. Nagagawa ng isang matalinong
tagapagsalita na maging positibo ang tension at hindi negatibo. Ngunit kung labis ang takot,
hindi na ito magiging produktibo. Samakatwid, kailangan itong kontrolin.

Narito ang ilang mungkahi kung paano mamiminimays ang stage fright:

a. Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla.


Isipin ding hindi ka nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga
unang Segundo o minute ng pagsasalita.

b. Magtiwal sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa


madla.

c. Tanggapin moa ng iyong sarili, ang iyong mga tagumpay at kabiguan, ang iyong
mga kalakasa at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan. Isiping
maging ang mga taong may depekto ay maaaring magtagumpay.

d. Magkaroon ng marubdub na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.

e. Harapin moa ng takot, huwag mong takas an. Hindi ka magkakaroon ng karanasa
kung hindi mo susubukan.

f. Magpraktis ka nang magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat


hanggang sa pagharap sa malalaking madla.

g. Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.

h. Magbihis nang naaayon sa okasyon.

i. Mag-imbak ng maraming kaalaman.

j. Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa madlang tagapakinig.

k. Magdasal. Humingi ka ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.


Propyal ng Epektibong Ispiker

Maraming katangiang dapat taglayin ang isang tagapagsalita upang maituring siyang
epektib. Ilan sa mga katangiang ito ay ang sumusunod:

a. Ang isang epektib na tagapagsalita ay responsible. Isinasaalang-alang niya ang


kanyang responsabilidad sa kanyang tagapakinig, sa kanyang paksa at sa kapwa
niya tagapagsalita.

b. Magiliw siyang magsalita at kawili-wiling pakinggan.

c. May malawak siyang kaaalaman hinggil sa paksang kanyang tinatalakay.

d. Siya ay palabasa.

e. Siya ay palaisip.

f. Mayroon siyang mayamang koleksyon ng mga ideya at babasahin.

g. May interes siya sa paksang kanyang tinatalakay.

h. Siya ay obhetibo. Tinatanggap niya ang ideya ng iba, taliwas man sa kanyang
paniniwala.

i. Mayroon siyang sense of humor. Nagpapatawa siya kung kinakailangan upang


makuha ang atensyon ng kanyang mga tagapakinig.

j. Gumagamit siya ng mga angkop na salita.

k. Nirerespeto niya ang pagkakaiba-iba ng kanyang mga tagapakinig.

l. Sapat at angkop ang lakas ng kanyang tinig.

m. Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita.

n. Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos.

o. Hindi niya iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig.

You might also like