Ang Buhay Mag Aaral by

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG BUHAY MAG AARAL

By: Bradford

Ang buhay ng mag-aaral ay may lungkot at saya


May mga takdang-aralin na kailangang ipasa
May mga pagsusulit na kailangan mapasa
Kahit hindi perfect, pasa ay okay na

Kailangang gumising ng maaga


Para 'di mahuli sa eskwela
Pagpupuyat ay kinakailangan
Upang leksyon ay mapag-aralan

Minsa'y napupuyat sa pagtu-twitter at facebook


Kaya sa klase ay inaantok
Pero sa klase'y di pwede matulog
Dahil sa guro ay lagot

Meron din namang saya


Kapag ika'y nasa eskwela
Tawa ng tawa
Lalo na 'pag ang mga kaklase at guro ay kwela

Di rin maiiwasan ang mga alitan


Lalo na 'pag 'di nagkakaintindihan
Pero sa huli ay magbabati rin naman
Kapag ang problema'y napag usapan

Ang buhay ng mag-aaral ay hindi puro hirap


May saya din namang nagaganap
Sa pagiging mag-aral ay marami kang mapupulot na aral
Na magagamit kahit saan at kalian

You might also like