Maternity and Paternity Leave

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Maternity and

Paternity
Leave
UNIVERSITY OF MAKATI

SCHOOL OF LAW

LEGAL AID ON WHEELS 2019


Maternity Leave, ating talakayin!
ANO ANG MATERNITY LEAVE?

REPUBLIC ACT NO. 11210 O 105-DAY EXPANDED


MATERNITY LEAVE LAW (“EML”)

SINU- SINO ANG SAKOP NG BATAS NA ITO?

ANU- ANO ANG BENEPISYONG AKING MAKUKUHA?

PAANO I-AVAIL ANG BENEPISYO?


ANO ANG
MATERNITY LEAVE?
Isa sa mga karapatang ipinagkakaloob ng

batas sa mga kababaihang manggagawang

nakatakdang manganak, upang lumiban sa

trabaho sa loob ng partikular na bilang ng

araw na itinakda ng batas.


R.A. NO. 11210
105- DAYS EXPANDED
MATERNITY LEAVE

PANUKALA
LAYUNIN panukalang nagpapalawig sa

maternity leave o bilang ng mga


PAGSASABATAS mapangalagaan ang kondisyon
araw na maaaring lumiban ang
ng mga manganganak na
isang bagong panganak na ina
empleyado
SINU- SINO ANG
SAKLAW NG BATAS?

LAHAT ng babaeng manggagawa sa PAMPUBLIKO o PRIBADONG sektor, maging


sa Informal Economy

Regular o kontraktwal na manggagawa


Kasal o hindi kasal

Babaeng manggagawa na miyembro ng SSS bilang “voulntary contributors”


Sa mga miyembro ng SSS, kailangan ng minimum na 3 buwan na
kontribusyon para matamasa ang benepisyo.
Solo/Single Parents
ANU-ANO ANG MGA BENEPISYONG
MAKUKUHA MULA SA BATAS NA ITO
ABSENCE EXTENSION PAGPASA NG
WITH PAY “7-DAYS LEAVE”
105 Days 30 days (w/out pay) Maaring ipasa ang 7-

Lahat ng uri ng panganganak maaaring i-extend ng days leave mula sa


(normal o caesarian)  babaeng manggagawa iyong 105-days na leave

ang kanyang leave sa sa iyong asawa o


120 Days loob ng 30 araw. katuwang sa pag-
para sa mga solo/single aalaga ng bata.
parents  Kailangan lamang  ipasa
ang extension sa
60 Days empleyado sa loob ng
45 days bago matapos
miscarriage (nakunan)
ang maternity leave
OLD LAW NEW LAW
R.A. 7322 R.A. 11210

1. Ilang araw 60 Days w/ pay: Normal delivery 105 Days w/pay- Lahat ng uri ng
maaaring panganganak (normal o caesarian) 
lumiban sa 78 Days w/pay: Caesarian
trabaho 120 Days w/pay- para sa mga
solo/single parents 

60 Days w/pay- miscarriage


(nakunan)

2. Extension 30 days (w/out pay)- maaaring i-


extend ng babaeng manggagawa
ang kanyang leave sa loob ng 30
araw.

Kailangan lamang  ipasa ang


extension sa empleyado sa loob ng
45 days bago matapos ang
maternity leave
OLD LAW NEW LAW
R.A. 7322 R.A. 11210

3. Pagpasa ng Maaring ipasa ang 7-days leave


“7-days leave” mula sa iyong 105-days na leave sa
iyong asawa o katuwang sa pag-
aalaga ng bata. 

Hindi kinakailangan ng valid


marriage
Maaring ipasa sa iyong partner o
caretaker na kamag-anak.

4. Limit ng Maaaring magamit hanggang ika- Walang limitasyon. Maaring


paggamit 4 na pagbubuntis gamitin kahit sa ilang beses na
pagbubuntis.
PAANO I-AVAIL ANG BENEPISYO SA
ILALIM NG EML?

PARA SA MGA
PRIBADONG MANGAGAGWA
Sa mga manggagawang miyembro ng SSS, maaring i-file ang leave sa
employer simula sa minimum na 2 buwan na pagbubuntis. Dapat kagyat
na isumite ng employer ang notice of leave sa SSS.

Ang kumpanya ang mag-aadvance ng 100% ng expanded maternity


benefits na  dapat iyong makuha sa loob ng 30 days mula sa pagpapasa
ng maternity leave, na irereimburse ng SSS.
PARA SA MGA
KAWANI SA GOBYERNO:
Maaaring i-file ang leave sa minimum na 30 days bago

ang expected date ng panganganak. Hindi dapat

gawing batayan ang anumang kasong adminstratibo at

pending na loans para ipagkait ang EML.

PARA SA MGA BOLUNTARYO ANG


PAGHUHULOG SA SSS
Maaring magfile ng leave diretso mismo sa SSS.

Kinakailangan ng minimum na 3 buwanang kontribusyon

ng SSS para matamasa ang benepisyo..


PATERNITY LEAVE ACT
(R.A. 8187)
ANO ANG PATERNITY LEAVE?

Ang paternity leave ay isang pribilehiyong pinagkakaloob sa mga empleyadong

lalaki na kasal at nagha-hanapbuhay sa pribado o pampublikong sektor, ano

man ang kanilang estado bilang manggagawa, kung saan sila ay binibigyan ng

pagkakataong lumiban sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw na may

katumbas na kabuuang sahod para sa mga araw na ito. Ito ay sa kondisyon na

ang kanilang lehitimong asawa ay nakatakdang manganak o sa mga kaso na

ang kanilang asawa ay nakunan. Ayon sa batas, sila ay dapat makatanggap ng

basic salary, allowances at monetary benefits sa mga araw na ito.


ANO ANG PATERNITY LEAVE ACT
(R.A. 8187)?

Ito ay ang batas kung saan pinagkakalooban

lahat ng kasal na lalaking manggagawa na

nagtatrabaho sa pribado o pampublikong

sektor ng pitong araw na pribilehiyo o leave na

may katumbas na kabuuang sahod para sa

unang apat (4) na beses na panganganak ng

kanilang lehitimong asawa.


ANO ANG MGA BENEPISYONG MAKUKUHA DITO?

Ang mga kalalakihang

nagtatrabaho sa pampubliko o

pribadong sektor ay may pitong

araw na paternity leave kung saan

ito ay may katumbas na kabuuang

sahod. Ito ay binubuo ng basic

salary, allowances at iba pang

monetary benefits na itinakda ng

batas para sa mga araw na ito.


SINU-SINO ANG SAKOP NG BATAS NA
ITO?
Saklaw ng batas na ito ang mga

empleyadong lalaki na kasal kung saan

ang kanilang lehitimong asawa ay

nakatakdang manganak o kaya naman ay

nakunan (miscarriage). Kinakailangan na

sila ay nagsasama ng kanyang asawa sa

panahon ng panganganak nito o sa oras

na ito ay nakunan.
PAANO I-AVAIL ANG PATERNITY
LEAVE?
Hindi katulad ng maternity leave benefits, ang

paternity leave ay di kinakailangang i-file sa

SSS/GSIS ngunit sa employer o opisina.

Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na

kailangan sa pagpa-file ng paternity leave sa

oras na malaman ng empleyadong lalaki ang

pagbubuntis ng kanyang asawa:


1.    Magbigay ng notice sa HR department ng inyong kumpanya o opisina
tungkol sa pagbubuntis ng inyong asawa at ang nakatakdang petsa ng
pagbibigay kapanganakan nito.

2.    Magfill-out ng Paternity Notification Form na makukuha sa inyong


employer.

3.    Magpasa ng accomplished form kasama ang inyong marriage


certificate sa inyong HR. Maaari din mag-require ang HR ng photocopy ng
ultrasound ng inyong asawa at iba pang medical records bilang katunayan
ng pagbubuntis.

4.   Pagkatapos mag-avail ng paternity leave benefits, kinakailangan din na


magpasa ng birth certificate ng inyong bagong silang na sanggol. Sa kaso
naman ng miscarriage, kailangan magpasa ng medical o death certificate.

5.    Maaari din na may iba pang polisiya na ipinapatupad ang inyong HR
department tungkol filing ng paternity leave. Magandang sumangguni din
sa inyong opisina para sa iba pang mga hakbang.

You might also like