Ang Dalagang Pilipina Sa Bagong Dekada Activity

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Dalagang Pilipina sa Bagong Dekada

Ni Bernadette Bagon

Hindi maikakaila ang napaka laking pagbabagong naganap sa mga dalagang Pilipina mula noong
panahon na malakas pa ang impluwensiya ng mga Kastila. Noon, ang mga kababaihan ay
itinuturing lamang na kasama sa bahay, mgaasawa at ina na mag-aalaga sa susunod na
henerasyon. Ganyan ang turing sakanila at tinanggap lang nila iyon.

Lamang, ang salitang sadyang nag papababa ng kanilang estado bilang isang babae. Walang
nakakaalam ng bigat ngkanilang obligasyon dahil gumagalaw sila sa patriarkal na mundo. Hindi
napapahalagahan ang kanilang mga karapatan dahil maliit lamang ang kanilang naidudulot sa
bayan. Hindi sila parte ng populasyon ng mgamangagawa dahil hindi sila nagta-trabaho. Kapalit
noon ang limitadong karapatan at pribelehiyong binibigay sa kanila, tulad na lamang ng
edukasyon. Pero ngayon, malakas na ang impluwensiya ng mga kababaihan sa lahat ng parte ng
bansa. Pantay na ang pagtingin sa mga babae at lalaki, at iyon ay dahil sa mga oportunidad na
ginamit ng ating kababaihan para mapalaya ang kanilang sarili.

Ang mga kababaihan ngayon ay mayroon ng kakaibang lakas ng loob. Hindi na sila tulad ng dati
na sumusunod lamang sa bawat tawag ng mundo, sa mga hiling ng kapwa Pilipino, at sa
pangangailangan ng kabataan. Sila ngayon ay may sariling pagkakakilanlan, bilang isang guro,
doktor, mang-aawit, atleta, mananaliksik, pinuno, kinatawan, senador, at presidente. Ngunit
hindil ang ito ang ipinag bago ng ating kababaihan. Dahilsa kanilang makabagong lakas ng loob,
nagawa na nilang maipakita sa mundo ang galing ng bawat Pilipino.

Maaaring kilala ang mga Pilipina bilang kasambahay sa ibangbansa, ngunit hindi narin
mabibilang ang mga kababaihang nag dala ng karangalan sa atin. Mapa-pag-awit, talent sa
pagganap, kapuri-puring kagandahan, o di mapantayang talino – lahat ng ito naipakilala nang
ating mga Pilipinasa ibang lahi ng mundo. Mula sa talinong ipinamalas ni Fe del Mundo, sa
walang kapantay na boses at pagganap ni Leah Salonga, hanggang sa sunud-sunod na pag
kapanalo ng ating mga binibini sa mga kompetisiyon sa ibang bansa – sila ay ilan lamang sa
mga kababaihang nagging katauhan ng ating bayan. Malayong malayo na ang kanilang narating,
at sa kanilang pag yapak sa ibang lupa ay dala nila ang pangalan ng ating bansa.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay na pupuri ang galing naipinamamalas ng ating

makabagong Pilipina. Sa loob mismo ng bayan, hindi na papahalagahan ang napakaraming
bayani natin sa araw-araw. Maliban sa pagiging ina na nag papalaki ng kaniyang mga anak, nag
sasakripisyo pa ng malaki ang ating mga kababaihan sa pag tatrabaho para may maipangtustos sa
pang-araw-araw nilang gastusin sa pamilya. Sa estado ng ating bansa, madalas ay hindi na sapat
ang kinikita ng lalaking asawa para sa kanyang pamilya. Ilan nga sa mga ito ay lumalayo na
lamang kung di man gumawa ng masama, paralang maiwasan ang di mapunang responsibilidad.
Sakabila noon, hindi pa rin natitinag ang ating kababaihan. Dahil sa kanilang makabagong lakas
ng loob, nakakaya nilang buhayin ang kanilang pamilya na mag-isa lamang. Nag papatuloy sila
na para bang hindi sila na uubusan ng lakas sa katawan.

Isa pang halimbawa ng Pilipinang may kakaibang lakas ng loob ay ang mga bahaging mga
pangkat na lumalaban para sa bansa. Hindi lang sa pagiging military na pupunan ng mga
kababaihan ang layuning ito, kundi maging sa pag Sali sa mga pulong at pag-aalsa laban sa mga
Pilipinong nanlalamang sa kanilang kapwa. Hindi na nag-iisa ang mga kalalakihan sa ganitong
mga tipon dahil marami na ang mga kababaihang mulat sa mga kaganapan sa bansa. Marami sa
kanila ay ipinaglalaban ang karapatan ng mga kababaihan. Marami rin namang naglalayong
mapanagutan ang mga naaapi. Pinapamukha nila sa atin ang mga maling nagaganap sa lipunan.
Lumalaban sila bilang puso at isip ng mga taong nang hihina ang loob na labanan ang mga nang-
aapi sa kanila.

Kung muling babasahin ang isinulat ni Rizal para sa kababaihan ng Malolos, masasabi nating
mas magandang karangalan at mas malaking pagbabago ang nakamtan ng mga kababaihan
ngayon. Hindi lang nila ginagampanan ang mga itinuro ni Rizal sa kanyang sulat, kundi
nilampasan pa nila ito higit sa inaasahan nating lahat. Ngayon, mayroon na silang kakaibang
lakasngloob. Ito ang nag dala sa kanila upang maipakita sa iba ang angking galing ng mga
Pilipino, upang mapatunayan sa sariling bayan ang kanilang kakayahan, at upang maipaglaban
ang bayan mula sa mga sumisira nito.

Gawain 1 – Gamit ang Venn Diagram, ihalintulad ang Sina-unang kababaihan sa kasalukuyan.

Kababaihan Noon Kababaihan Ngayon

Pakakahalintulad
Gawain 2 – Magsulat ng isang masining na sanaysay na nag lalarawan sa sa sina-una at makabagong
Pilipina. (Hatiin ang iyong sanaysay sa tatlong talata. Talata 1, Sina-unang Pilipina. Talata 2, makabagong
Pilipina. At talata 3, iyong personal na pananaw sa estado ng Pilipina sa ating lipunan.

_____________________________________________________________________________________