Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SCRIPT SA PAGGUHO (UNANG KABANATA)

Narration: Siya si Okonkwo na naging bantog sa Umuofia, Malaki ang kanyang galit sa kanyang ama dahil
sa pagpapabaya nito. Siya ay nagsikap , iniwasan ang lahat ng luho upang umunlad ang buhay.

(change scene: Umuofia background)

Narration: Sa Umuofia, Si Okonkwo ang pinakamabangis dumigma. Napaslang niya ang mga
pinakamagagaling na mandirigma sa ibat ibang tribu.

(change scenario: bahay ng unang Asawa ni Okonkwo)

Narration: Si Nwoye, unang anak ni Okonkwo sa una niyang asawa

(change scenario: Si Ekwefi)

Narration: ito naman si Ekwifi na naging ikalawang asawa ni Okonkwo

(Change scenario: Si Ojiugo, scene: inaabuso at sinasaktan siya ni Okonkwo)

Narration: siya si Ojiugo, ikatlong asawa ni Okonkwo na siyang palagi niya sinasaktan

(Change scenario: Sa Umuofia background, tipon tipon)

Narration: nais ng mga tao na ang pinuno nila na si Okonkwo ang magalaga muna kay ikemefuna

Okonkwo: Dahil pasya ito ng mga tao, Ito ay aking gagawin

(Change scenario: same background pero si Okonkwo at Ikemefuna lang ang nandoon)

Narration: habang hinihintay ang pasya ng sanggunian, ninanis muna ni Okonkwo na siya at ang kanyang
pamilya muna ang mag alaga.

Okonkwo: Ikemefuna, ako muna at ang pamilya ko ang magaalaga sa iyo

Narration: Tinuring na anak ni Okonkwo at ng nanay ni Nwoye si Ikemefuna, Tinanggap ni Nwoye bilang
kapatid si Ikemefuna. Nabigyan siya ng kalinga ng isang tunay na pamilya.

(Change scenario: pinapakita ni ikemefuna kung gaano siya kaliksi, Bahay ni Nwoye)

Narration: kinagiliwan siya ni Okonkwo dahil sa angkin niyang bilis at liksi.

(Change scenario: Background: Sa Umuofia 3 years later, Pagtungo ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo)

Narration: 3 taon lumipas, dumating si Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo upang sabihin ang hatol ng
sanggunian.

Ogbuefi Ezeudu: Si ikemefuna ay hahatulan ng kamatayan. Isasagawa ito sa labas ng tribunal bilang
pagsunod sa kaugalian.

Okonkwo (umalis sa harap ng matanda at nagmuni muni dahil di niya kaya ito sa isang batang tinuturing
nan yang anak) (hindi ito dialogue)

Okonkwo (lumapit ulit kay Ogbuefi)(hindi ito dialogue)


Ogbuefi: paalala lang, huwag mong dungisan ang sarili mong kamay sa gagawin mong pagpaslang sa
kanya. (kailangan talaga itong line na ito)

(Change scenario: sinundo si ikemefuna sa bahay ng mga bihis na bihis na lalaki)

Narration: sinundo si Ikemefuna upang gawin na ang pagpapaslang

(Change scenario: Papaslangin na si ikemefuna)

Narration: sa gagawing pagpapaslang kay ikemefuna, naipikit na lamang ni Okonkwo ang kanyang mata
ngunit bigla siyang nilapitan ni ikemefuna.

Okonkwo: Bakit ka nandito!

Narration: Kinuha ni Okonkwo ang matalim na gulok at tinapos na niya ang buhay ni Ikemefuna.

(Change scenario: Sa bahay ni Ekwefi)

Narration: Dalawang araw na siya binabagabag ng kanyang konsiyensiya dahil sa kanyang nagawa

(Change scenario: Sa bahay ng kaibigan na si Obierika, nagusap)

Narration: Sa ikatlong araw mula nung napaslang si Ikemefuna, pumunta si Okonkwo sa kanyang
kaibigan na si Obierika at sila ay nagusap. Napagusapan nila ang bumabagabag sa isapan ni Okonkwo sa
nangyari kay ikemefuna

Obierika: Dapat kasi umiwas ka nalang sa paghahatol kay ikemefuna

Obierika: Hindi ito ikakatutuwa ng Lupa at ang mga diyos sa iyong pamilya

(Change scenario: Bahay ni Obierika, pamamanhikan)

Narration: Nagkaroon ng manhikan sa anak ni Okonkwo na si Akueke at anak ni Obierika

Narration: Nakita rin ni Okonkwo si Maduka na kamuka rin ni ikemefuna na maliksi

Okonkwo: Sana maging katulad ni Maduka si Nwoye, mabilis at maliksi

(Change scenario: lamay ni Ogibuefi)

Narration: Binawian na ng buhay si Ogbuefi Ezeudu. Lahat ay nagbigay galang pati ang kanyang mga
anak na lalaki.

Narration: Hindi sinasadya ni Okonkwo na matamaan ng kanyang punglo ang isa sa mga anak nito.

Muni ng mga tao: Kailangan linisin ang bahay ni pinunong Okonkwo

(Change scenario: Pagalis sa Umuofia at paglipat sa Mbanta)

Narration: Nilisan ni Okonkwo at ng kanyang pamilya ang Umuofia sa pitong taon upang maisagawa ang
ritual na paglilinis ng bahay ni Okonkwo

(Change background: tribu ng Mbanta, same characters)


Narration: Sa tribu ng Mbanta nagkanlong ang pamilya ni Okonkwo. Sila ay malugod na tinanggap ng
nakakabatang kapatid na lalaki ng ina niya na si Uchendu. Unti unting umunlad ang buhay ng pamilya
dito.

Narration: Samantala, sa Umuofia, Pinamunuan ni Obierika ang sakahan na iniwan ni Okonkwo

(Change scenario: Binisita ni Obierika si Okonkwo)

Narration: Bumisita si Obierika kay Okonkwo upang ibigay ang kanyang kinita at magbigay ng balita ukol
sa kung ano ang nangyayari sa lupang sinilangan nila

Obierika: Nagdatingan ang mga Europeong misyonaryo na nagsisimulang maghatid ng pagbabago sa


ating paniniwala at kaugalian.

Obierika: At ito pa, anga nak mong si Nwoye ay isa sa mga tagasunod nila (importante pareho ang
dialogues na ito)

Narration: linihim ni Okonkwo na itinakwil niya ang anak. Ngunit bago ito, lihim na sumapi si Nwoye sa
kristiyanismo ng mga misyonerong europeo.

Narration: tinanggap siya doon kahit siya ay mahina, nakarating ito sa kanyang ama at siya ay itinakwil.
Unti unti na rin nababago ng mga misyonero ang kaugalian at marami nang umanib sa kanila.

(change scenario: Mga pangarap ni Okonkwo, bahay nya sa Mbanta)

Narration: Nangarap ng maganda si Okonkwo para sa kanyang pagbabalik sa Umuofia, nais niyang
higitan ang naging buhay niya noon para sa buhay niya ngayon, nais niya ipagawa ang obi at ang mga
tirahan ng kanyang asawa, ngunit lahat ito ay nabale wala sa isang sitwasyon.

(Change scenario: Pagbabalik sa Umuofia kasama ang pamilya at Nakita ang nangyari dito)

Okonkwo: Di ito maaari, ano na ang nangyari sa lupang sinilangan ko!

(Change scenario: Ending)

Narration: ang mga puti na ang namahala sa tribu, nakaranas sila at ang mga iba pang iginagalang sa
tribu ng pagmamalupit. Nagkaroon ng bagong sistema ng pamahalaan at pananampalataya.

Narration: Ng makalaya sa kalupitan, idinaan ni Okonkwo sa sariling mga kamay ang batas, hindi niya
matanggap na sila ay nasakop na.

Okonkwo: Nawala na, gumuho na, gumuho na ang aking pinapangarap

Narration: Gumuho ang mga pangarap ni Okonkwo nung siya ay bumalik.

KATAPUSAN NG UNANG KABANATA


IKALAWANG KABANATA

(Scenario: Gabig gabi na, gising na ang buwan, may tumutunog ng malaking ogene, sumisigaw ang isang
tagapagbalita)

Tagapagbalita: Lahat ng taga Umuofia ay inaasahan sa pamilihan bukas ng umaga!

(Change Scenario: sa loob ng bahay ni Okonkwo)

Narration: nag iinat-inat sa kanyang papabago bago matulog si Okonwo, pagkatapos niyang patayin ang
gaserang-langis.

Okonkwo: May dalang suliranin ang balitang ito.

Narration: Napakatahimik at nakapakadilim ang hatid ng gabi nang may kasamang takot sa mamamayan
maging sa pinakamatapang sakanila.

Okonkwo(sa kanyang isip): Dahil sa babalang huwag sumipol sa gabi ang mga bata sa takot sa masamang
espiritu.

Narration: At sa gabing ito habang kinakain ng kawalan ang tinig ng tagapagbalita, ang katahimikan ay
nanumbalik sa tribu at ang tanging maririnig ay masisiglang huni ng mga kulilig sa gubat.

(Change Scenario: mga batang naglalaro, sumasayaw ang mga dalaga’t binate, mga matanda nag
mumunimuni)

Narration: Kakaiba ang gabi kapag maliwanag ang Buwan, ang tinig ng masasayang batang naglalaro ang
naghahari sa ganitong pagkakataon at maging ang mga dalaga at binata ay mag kakaparehong nag
sasaya.

Matanda, isang Ibo: “Sa oras na sumilay ang buwan at nagliwanag ang mga pilay ay nagnanais ding
mamasyal”.

(Change Scenario: balik sa tahanan ni okonkwo, nakahiga sa higaan niya nag mumunimuni)

Narration: Totoong kakaiba ang katahimikanat dilim nang gabing narinig ang tagapagbalita sa siyam na
tribu ng Umuofia na humihimok sa lahat na dumalo sa pagtitipon.

Okonkwo (sa kanyang isip): Sigurado akong pakikidigmaan ang dahilan.

Narration:Hindi siya takot sa labanan. Sa pinakahuling digmaan ng Umuofia, siya ang unang nakapagdala
ng pugot na ulo ng katunggali sa bayan. Ikalima iyon sa kanyang naiuwi kahit baguhan lamang siya at
hindi pa nagtatagal sa digmaan.

(Change Scenario: umagahan punong puno ng tao. Puro lalaki nag bubulungan at nag aabang sa gitna ay
si Ogbuefi Ezeugo)

Ogbuefi Ezeugo: Umuofia kwenu!


(Scenario: parang nag aaway away nasila)

Naration: Bawat sigaw ay humaharap siya sa iba-ibang direksyon na tila itinulak ang hangin ang kanyang
kamao.

Tao: Yaa! (sagot naman kung sino man naparoon sa direksyon naiyon.)

Naration: Magaling magtalumpati si Ogbuefi Ezeugo kaya lagi siyang napipili sa mga ganitinong
pagkakataon sa labanan.

Ogbuefi Ezeugo: Umuofia kwenu!

Narration: tila isang sinapian ay iniumang niya ang kanyang kaliwang kamao sa direksyon ng Mbaino at
nagturuan habang nagngangalit ang mga ngipin

Ogbuefi Ezeugo:Ang mga walang pusong anak ng Mbaino ay pumaslang ng isang anak ng Umuofia!

Narration: Itinungo niya ang kanyang ulo na nagngangalit parin ang ngipin, at ang ungol niya ay
nagpipigil ng poot upang madala niya ang madla. Wala na ang galit sa kanyang mukha nang muli siya nag
salita ngunit napalitan ito ng isang ngiting mas makamandag pa sag alit. At nag simula siyang mag
salaysay.

Ogbuefi Ezeugo: May isang babaeng namimili sa palengke ng Mbaino at siya ay pinaslang! Ang babaeng
ito ay asawa ni Ogbuefi Udo.

Narration: Sabay turo sa isang lalaking nakaupo sa nakaupong lalaki malapit sa kanya na nakatungo ang
ulo. Humiyaw nang tila uhaw sa dugo ang madla.

Ibang tao: (NAgsasalita ng ano ano )

Narration: Sa huli napagpsasiyahang sundin ang nakagawiang kilos. Napagdala sila ng ultimatum sa
Mbaino at pinapapili kung digmaan o magbabayad-pinsala na isang binatilyo at dalaga sa
Umuofia.Kinakatakutang ng Umuofia ang pangyayaring ito. Makapangyarihan sila sa pakikidigm at sa
mga hiwaga. Ngunit meron din sila kinakatakutang, ang mga babaylan at manggamot nila.

Tauhan: Ang pinakamabisang gamit-pandigma saatin ay kasintanda ng kanilang tribu. Niisa ay wlang
nakakalam kung gaano ito katanda pero isang kuro kuro tungkol sa pinagmulan nito isang matandang
babaeng putol ang isang paa. Bilang pang katunayan ang gamut na ito ay tinatawag na agadi nwayi,
matandang babae.

Tauhan: Malinis ang paligid at sa gitna Umuofia ay may templo. Kung may mangangahas dumating o
dumaan doon ng mag-uumga ay makakikita sila roon ng lumulundag – lundag na matandang babae.

Narration:Nangmalaman ito ng mg karatig-tribu patungkol sa hiwaga ng Umuofia ay kinakatakutan din


nila ito. Hahanap nalamang sila na ibang mapayapang paraan upang maayos ang sigalot. Ayaw rin
makipagdigma ang Umuofia nang hindi malinaw at makatarungan ang dahilan.

Tauhan: Kailangan natin makipag-usap sa sanggunian- sa sanggunian ng mga Buro at Yungib.

You might also like