Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PHILIPPINE COLLEGE OF NORTHWESTERN LUZON

SAN ANTONIO, AGOO LA UNION 2504, PHILIPPINES

Banghay Aralin sa Sibika at Kultura 1

I. Layunin:

Pagkatapos ng 45 minuto ang mga bata ay;

a. Matutukoy ang ibat ibang uri ng transportasyon mula bahay papunta sa


paaralan base sa distansiya ng tirahan.
b. Makapagpakita ng payak ng Gawain sa pagpapanatili at pangangalaga ng
konsepto ng layo at lapit ng ginagalawan.
c. Makagagamit ng konsepto ng layo at lapit ng ginagalawan.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: “Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan”


B. Sanggunian: Araling Panlipunan “Teaching Guide”
C. Kagamitan: Larawan, Cartolina
D. Pagpapahalaga: Pag tukoy ng gagamiting sasakyan.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral

A.Panimulang Gawain

Mga bata, gusto ninyong umawit? Opo

Bago niyan maari ba ninyong iayos muna ang Opo


inyong mga upuan at pakipulot narin mga balat
ng kendi at papel.

B. Panlinang na Gawain

May inihanda akong awitin.


Ang pamagat nito ay:
“Ang Gulong ng Bus ay Umiikot” (Aawitin ang “Ang Gulong ng Bus ay
Umiikot”)

Ang Gulong ng Bus ay Umiikot


Ang gulong ng bus ay umiikot umiikot umiikot
Ang gulong ng bus ay umiikot sa buong bayan
Ang wiper ng bus ay nag – swish swish swish
(swish6x)
Ang wiper ng bus ay nag swish swish swish na
buong bayan.
Ang busina ng bus ay nag – beep beep beep
(beep6x)
Ang busina ng bus ay nag beep beep beep sa
buong bayan
Ang barya sa bus ay kuma kasing kasing
(kumakasing kasing 2x)
Ang barya sa bus ay kumakasing kasing sa
buong bayan.
Ang sanggol sa bus ay umu unga unga (umu
unga unga 2x)
Ang sanggol sa bus ay umu unga unga sa
buong bayan.
Ang mga tao sa bus ay pumapaswit psst psst
psst. (psst. 6x)
Ang mga tao sa bus ay pumapaswit psst psst sa
buong bayan.
Ang mga tao sa bus ay lumalabas pasok
(lumalabas pasok 2x)
Ang mga tao sa bus ay lumalabas pasok sa
buong bayan.

1.Pagganyak

Ano ang inyong sinasakyan patungong


paaralan?
Roda anong sinasakyan mo papunta dito sa
paaralan? Bus po.

Bakit bus ang sinasakyan mo? Dahil sa Rosario pa po ako manggagaling


ma’am. Medyo malayo po ma’am.
Ikaw KC anong sinasakyan mo papunta dito sa
paaralan? Dyip po ma’am.

Bakit dyip ang sinasakyan mo? Dahil sa Tubao pa po ako manggagaling


ma’am.
Ikaw naman Raymund, anong sinasakyan mo
papunta dito sa paaralan? Tricycle po.

Bakit tricycle ang sinasakyan mo? Dahil malapit lang po ako ma’am.

2. Aralin

Mga bata ang uri ng transportasyon na


sinasakyan natin ay depende sa layo o lapit ng
ating tirahan sa eskuwelahan o sa lugar na
pinupuntahan.

Naintindihan ba mga bata? Opo! Ma’am.


Ikaw saan ka nakatira? Sa Agoo po!

Ano anong uri ng sasakyan ang mga sinasakyan


ninyo patungong paaralan? Dyip po
Bus po
Tricycle po
Motorsiklo po
(iba iba ang sagot ng mga bata)

3. Pagtatalakay
Ngayon isulat ang mga transportasyon na
ginagamit papunta sa mga sumusunod.

a. Bahay – Palengke
b. Bahay – Eskuwelahan
c. Bahay – Tindahan
d. Bahay – Simbahan
e. Bahay – Parke

4. Paglalahat

Anu-ano ang iba’t – ibang uri ng transportasyon na


ating sinasakyan? Dyip po!
Motor po!
Tricycle po!
Bus po!
Bisikleta po!
C. Pang wakas na Gawain

Bakit mahalaga sa atin ang mga sasakyan mga


bata? Dahil malaki ang naitutulong nito sa atin upang
makarating ng mabilis sa ating pupuntahan.
IV.Pangwakas na Gawain
Iguhit ang inyong tahanan at ang inyong
sinasakyan patungong paaralan.

V.Takdang Aralin

Iguhit ang isa sa madalas ninyong sakyan


patungong paaralan.

Inihanda ni: Ruthelyn Bulawin Ipinasa kay: Gng. Nenita C. Rivera


BEE II

You might also like