Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea, upang kausapin ang v27isang dalaga na ang pangala'y Maria.

Siya
ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni Haring David. v28Lumapit ang
anghel sa dalaga at binati ito, "Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang
Panginoon!"

v29Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap.
v30Sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.
v31Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan
mong Jesus. v32Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng
Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang v33maghari sa angkan ni Jacob
magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan."

v34"Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?" tanong ni Maria.

v35Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-
taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. v36Hindi ba't alam ng
lahat na ang kamag-anak mong si Elisabet ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan
na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, v37sapagkat walang anumang bagay na hindi
kayang gawin ng Diyos."

v38Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi." Pagkatapos,
umalis na ang anghel.

PAGNINILAY - PANDESAL 2019

(Claretian Communications Foundation, Inc.)

Kung ang isang tao ay namumuhay sa kabanalan, paano niya mahihindian ang Diyos? Paano natin
mahihindian ang Diyos? Salamat Mahal na Birheng Maria sa pagsang-ayon sa “magandang niloob ng
Diyos para sa iyo.”

Bible Verses: (Electronic Filipino Bible 2005)

Awit 118:14

v14Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan;

siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

You might also like