Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hindi magtatagal

at magiging bukirin ang kagubatan ng Lebanon,

at ang bukirin naman ay magiging kagubatan."

v18Sa araw na iyon maririnig ng bingi

ang pagbasa sa isang kasulatan;

at mula sa kadiliman,

makakakita ang mga bulag.

v19Ang nalulungkot ay muling liligaya sa piling ni Yahweh,

at pupurihin ng mga dukha ang Banal na Diyos ng Israel.

v20Sapagkat mawawala na ang malupit at mapang-api,

gayon din ang lahat ng mahilig sa kasamaan.

v21Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri,

mga sinungaling na saksi

at mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.

v22Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, ang tumubos kay Abraham,

tungkol sa sambahayan ni Jacob:

"Wala nang dapat ikahiya o ikatakot man,

ang bayang ito mula ngayon.

v23Kapag nakita nila ang kanilang mga anak

na ginawa kong dakilang bansa,

makikilala nila na ako ang Banal na Diyos ni Jacob;

igagalang nila ang itinatanging Diyos ni Israel.

v24Magtatamo ng kaunawaan ang mga napapalayo sa katotohanan,

at tatanggap ng pangaral ang mga matitigas ang ulo."


Tinapay ng Buhay

Mateo 9:27-31 (Electronic Filipino Bible 2005)

v27Pag-alis ni Jesus doon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila habang nasa daan,
"Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!"

v28Nang si Jesus ay nasa loob na ng bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Jesus,
"Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo?" "Opo, Panginoon!" sagot nila. v29Hinipo niya ang
kanilang mga mata at sinabi, "Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya." v30At nakakita nga
sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na huwag sasabihin iyon kaninuman. v31Ngunit nang sila'y
makaalis, ipinamalita nila sa buong lupaing iyon ang ginawa sa kanila ni Jesus.

PAGNINILAY - PANDESAL 2019

(Claretian Communications Foundation, Inc.)

Kahit mga bulag, sinundan nila si Jesus upang hilinging sila’y makakita. Sila’y naniwala at nakakita nga.
Walang imposible sa taong nananalig.

Bible Verses: (Electronic Filipino Bible 2005)

Awit 103:2-3

v2Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,

at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

v3Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,

at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.

You might also like